"Hindi ba ate, nakita mo naman iyong nakita ko,.. narinig mo din na may sumagot kay mang kanor hindi ba?!"talagang hindi matigil si alleen na ungkatin ang nangyari kanina, iyon na kasi ang pagkakataon niya na mapaniwala ang kapatid na may nakikita siya dahil maging ito ay nakita ang nagyari kanina.Ang nakakasama lamang ng kanyang loob aya ang hindi pag panig ng ama o nang kanyang ina sa kanya.Hindi rin siya ipinagtanggol ng kapatid kanina.
"alleen, tama sila papa, baka guni guni lang natin iyon.. malakas ang hangin kanina.. kaya baka tunog lang iyon nag hangin."giit ng kapatid niya.
"pero ate...
"alleen, tumigil ka na.. at natutulog na si susie, huwag mo na pag aksayahan ang isiping iyon dahil tinatakot ka lang niyan."mabuti pa matulog na tayo".pagkasbi noon ay tinalikuran na siya ng kapatid upang matulog.Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya dalawin ng antok.
Maya maya ay may narinig siyang ungol na tila sinasakal, at ganun na lamang ang kaba niya ng mapagtantong nananaginip si susie.Nakatihaya ito at pinipilit igalaw ang katawan na animo'y may isang mabigat na bagay na nakadagan rito at nahihirapan itong gumalaw.
"susie!!susie!!kabado siya habang ginigising niya ang kapatid na hindi pa rin nagigising.
"ate,ate!!!"""tawag niya sa kapatid upang magising ito.
"ano na naman ba alleen!""naiiritang tanong nito.
"si susie ate,binabangongot!!kabado na siya dahil ayaw pa rin nito gumising.
"ano?!! mabilis naman itong bumaba upang tingnan ang kapatid nila.
"susie!!susie!!"diyos ko po!!
susie!'""!!inalog alog pa nito ang kapatid nila ngunit umuungol lamang ito.
"si mama, tawagin mo bilis!"""
susie!!""halos tarantang niyuyogyog ng ate niya ang kanilang kapatid.Maya maya pa ay pumasok ang kanilang magulang at pupungas pungas na lumapit sa kapatid na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising.
"Diyos ko!! tulungan niyo po kami!"tanging naiusal ng kanyang ina.
"Susie, anak gumising ka!"maging ang kanilang ama ay natataranta na rin.Maya maya pa ay pumasok ang kiya dos niya may dala itong rosario at bible.Nakita niya ito kanina na sumilip lamang sa pintuan nila ngunit umalis din ito agad at iyon pala ay kukuha ng bibliya at rosario, napahanga siya sa kapatid na kahit pala ganun ka raskal ang pag uugali nito ay may kaunti naman palang kabutihan itong naitatago.
Lumapit ito sa kanilang kapatid at ipinatong ang dalang bibliya sa katawan nito.Nakita niya sa mukha ng kanilang mga magulang ang pagkalito ngunit saglit lamang iyon at saka sila tinawag.
"Bilisan niyo!!palibutan natin ang inyong kapatid at manalangin tayo."utos ng mga ito na agad naman nilang sinunod.Hawak kamay silang nakapalibot kay susie, habang nananalangin ng mataimtim.Maya maya pa ay biglang huminga ng napakalalim si susie sabay bangon hawak ang dibdib nito.Parang kay tagal nitong di nakahinga dahil sa nakita niyang paghabol ng hininga ng kapatid.
"salamat sa Diyos susie at nagising kana!!""bulalas ng kanilang ina habang yakap ang kanilang kapatid.
"mama, papa!""bulalas nito ng makita ang magulang.Kasabay ang pag iyak nito ng malakas.
"Tubig,,tubig alleen,,.. halos kulang nalang na itulak siya ng ina upang kumuha ng tubig para sa kapatid.
"saglit lang po.. aniya sabay labas upang magtungo sa kusina.
"bilisan mo naman,..!!pagalit pa nitong bulyaw.
"anak, ano okay na ba pakiramdam mo?!".nag aalalang sabi nito at sabay naman inabot ang tubig na binigay niya.Uminom ang kapatid saka nagsimula itong magkwento sa nangyari.
"ang mansion po, papa, mama.!!panimula nito.
"ang aaa.ang daming mga nakakulong na mga kaluluwa sa ilalim ng mansion papa, mama..nakakatakot po sila.."nangangatal ang tinig nito.
"anak, panaginip lang yon.."sabat ng kanyang ama na nakikinig lamang sa tabi.
"parang totoo po papa,, nakita ko ang mansiyon,ang basement ng mansion, madaming patay papa.. halos dumugin ako at sinasama nila ako papa.""tuluyan ng umiyak ang kapatid niya dahil sa takot.
"Panaginip lamang iyon susie!"giit ng kanilang ama.
"oh, siya matulog na kau ulit at madami pa tayong gagawin bukas..utos ng kanilang ama.
Bagamat nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ng kapatid ay sumunod na lamang ito.
"okay ka lang ba susie?'"nag aalalang tanong niya sa kapatid ng sila na lamang ang nasa kwarto.
"Ate, nakakatakot talaga yung panaginip na yun.pakiramdam ko talagang totoo."bakas sa boses nito ang matinding takot.
"ano ba kasi ang napanaginipan mo at ganun na lamang ang nangyari sayo.?"pagtatanong niya rito.
"Ate, iyong ilalim ng mansion, iyong basement ate,.. may nakita akong tambak ng mga bangkay.. napakabaho,, bumabaha ng dugo,, may mga bata,, may baby pa nga.. lahat ate,, tapos nakita ko din yung lalake na nasa painting sa sala ng mansion nakakatakot siya ate.. siya yung pumipilit na isama akobsa kung saan.."halos nanginginig ang boses nito.Naalala niya ang tinutukoy nitong painting sa sala ng mansion,iyon yung painting ng mg asawang De Saavedra, minsan pa nga ay natatakot siyang titigan ang mga ito tuwing naglilinis sila dahil pakiramdam niya ay nakatitig ang mga mata nito sa kanya.
"ano pa ang mga nakita mo?" muli'y tanong niya.Ngunit bago pa man makasagot ang kapatid ay sinita na sila ng ate Carolina nila.
"magsitulog na nga kayo!'naiinis nitong sabi.
"ke'y gabi na.. saka huwag mo na ngang isipin ang panaginip na iyon susie,.. diba nga ang panaginip ay nagiging kabaliktaran o di kaya ay sanhin ng ating mga imahinasyon na kung minsan sa ating pagtulog ay nadadala natin kaya ganyan ang nangyayari."nakabusangot na paliwanag nito saka muling humiga.Magtatanong pa sana siya ulit ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyanag sarili dahil alam niyang papagalitan na naman sila ng kapatid.
"oh siya, matulog ka na susie," pagkaraa'y wika niya saka akmang tatayo upang bumalik sa kanyang higaan.Ngunit bago pa man siya tuluyang makatayo ay hinawakan siya ng kapatid.
"ate, natatakot ako.. pwedi tabi nalang tayo please.."nagsusumamong pakiusapn nito.Alam niyang talagang natakot ang kapatid sa bangongot nito kanina, Kaya nakiusap ito sa kanya.Hindi ganun si Susie, alam niyang matindi ang takot ng kapatid kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nitong makatabi siya.Magkatabi nga silang natulog.
Kinabukasan,
pupungas pungas na bumangos si alleen dahil sa mga naririnig na ingay mula sa labas.Mabilis siyang bumangon at lumabas ng kwarto nilang magkakapatid,nagtataka siya dahil wala namang ibang mga tao silang kasama ngunit napakaingay, parang nagkakagulo.
"ate ano yun?"nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ni susie sa gilid niya.
" Iwan ko nga eh."sagot niya ngunit nasa labas ang paningin.
"may bisita ba sila papa ng ganitong oras?"nagtatakang tanong niya.
"iwan ko.."maikling sagot nito saka lumabas upang tignan ang nag iingay.Sumunod naman siya sa kapatid upang alamin na din ang dahilan ng pag iingay.
Nakita nila ang taga kabilang baranggay na nag uusap kasama ang kanilang magulang.Nagtataka man ay mas pinili nilang manahimik at makinig na lamang.Maya maya pa ay lumapit ang kanilang mama sa kanila.
"bakit kayo andito at nakikisali sa usapan ng mga tao."sita nito sa kanila ni susie.At dahil likas sa kanya ang pagiging rasonable ay agad niyang sinagot ang ina.
"hindi naman po kami nakikisali eh, nakikinig lang naman po kami kasi nga bakit ang daming tao sa atin.."sagot niya sa ina..
"hay naku, pumasok na kayo sa loob.."halos ipagtulakan sila ng ina.
"bakit mama, may problema ba?bakit ayaw niyong marinig namin ang usapan ng mga bisita natin.?"Nakatingin pa siya sa ama habang nakikipag usap ito sa mga panauhin.
"hindi naman usapan yan ng mga bata, isa pa matatakot lang kayo.."sagot nito saka pinilit silang magkapatid ipasok sa loob ng kusina nila.Ngunit sadya ngang makulit siya kaya hindi niya tinigilan ang ina na mapagsalita ito.
"Gaanu ba kasi iyan na nakakatakot ma? saka hindi naman na kami bata para hindi namin malaman ang sadya ng mga taong iyan."itinuro pa niya ang labas kung saan naroon ang kanilang ama.
"oo nga naman ma.."dagdag naman ng kapatid niyang si susie.
"saka si kuya dos nasaan ba?"baling ni susie sa ina ng di mapansin ang kuya nila.Nasanay kasi sila na tuwing ganoong oras ay nandodoon ang kapatid at nagkakape ito, ngunit iba ngayon wala ito sa kusina nila.
"Sinamahan si kapitan para kunin ang bangkay ni pareng kanor sa may puno ng nara."sa wakas ay nadulas din ang dila ng ina.Ngunit ganun na lamang ang gulat niya sa nalaman.
"ho?"si mang kanor?"muli ay ulit niya.
"oo nga!"
"diba nga po dumaan pa siya dito sa atin kahapon? eh papaanong nangyari na
patay na si mang kanor?"nagtatakang tanong niya sa ina.
"eh, alam ko ba ang sagot?"masungit na sagot nang ina.
"eh, bakit naman po andito sa atin ang mga taga kabilang baranggay na yan?"ngayon ay nakakunot na ang noo niya.
"eh kasi nga si papa mo ang tinatanong kung may alam ba, dahil nasa loob pa ng hacienda ang namatay."naiiling na sagot ng ina.
"eh, wala namang alam si papa diyan eh.. bakit ba ano ba ang nangyari kay mang kanor?"si susie na ang nagtanong habang umiinom ito ng gatas.
"sabi ng nakakita, eh nakahandusay na daw si mang kanor sa mabatong bahagi ng nara, nakatali ang leeg nito ng sariling tali ng kanyang kalabaw, at ang nakakapgtaka lang eh kung bakit may telang pula na nakasaksak sa bibig ni pareng kanor."pagkukwento ng ina.
Sa narinig ay bigla na lamang pumasok sa kanyang isip ang batang babae na nakita sa mansion.Duguan at may telang pula sa bibig nito.
"ano na naman ang naiisip mo alleen?"kunot noong tanong ng kanyang ina ng matahimik siya.
"wla po ma, may naiisip lang ako."pagsisinungaling niya.Ngunit nabuo sa isip niya ang mga pangyayaring hindi nila maipaliwanag na halos siya lamang ang nakakakita.Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit halos pareho ang itsura ng batang babae at ng namatay na si mang kanor.
"hindi kaya may koneksiyon iyon?"kunot ang noong tanong niya sa sarili.
"ano kamo?"baling ng ina na narinig yata ang kanyang sinabi.
"wala po",.sabay inom ng kanyang kape.
Simula ang nangyari kay mang kanor ay nagkaroon na ng agam agam si alleen sa mga nangyayari.Inalala niya ang mga sinabi ni anafie noong nakaraang linggo tungkol sa mga pangyayari sa mansion noong nabubuhay pa ang mag asawang español.Ang kwento nito sa kanya ay tanging ang lola nito ang nakakaalam sa lahat ng nangyayari noon at maging ang natatanging sumpa ng mansion kung bakit napapanatili nito ang kagandahan ng estraktura gayung isang daang taon na itong nakatayo ito roon.
Naisip niya na kailangan niyang makausap si anafie at ang lola nito upang mas higit siyang maliwanagan.Natatakot man siya sa mga malalaman ngunit kailangan niyang maging matatag dahil sa mas matinding hinala sa kung anong klaseng lugar ang kanilang tinitirhan.Naiisip niyang maaring hindi lamang nagkataon ang mga panaginip at mga pangitain niya sa mansion, ang batang babae na kahit sa paaralan niya ay nandodoon.Hindi niya maipaliwanag ang mga bagay na iyon.At higit sa lahat, hindi niya maikukwento sa mga magulang dahil alam niyang papagalitan lamang siya ng mga ito.Kahit maging sa kanyang mga kapatid ay hindi niya maaring sabihin dahil pagtatawanan lamang siya lalo na at hindi naman naniniwala ang mga ito sa mga sinasabi niya at sa mga nararamdaman niya.
"