webnovel

Chapter 6

10 things I hate about you:

1. You are so stupid when I'm around. *

2. You say things that don't make sense. *

3. Your laugh is weird. *

4. The way you walk is so funny. *

5. You talk so loud. *

6. Sometimes you're so gay. *

7. Your scream scares me. *

8. Your smile is crooked. *

9. Your dance moves are so awkward. *

10. You like to annoy me and call me idiot. *

* Things I love a thousand times more than I hate.

- Unknown -

Pagpasok nila sa loob ng condo ay bumungad na agad sa kanila ang isang babae na agad lumapit kay Dashiell. "Hon, this is Hayley Acosta and her friends, Ashley and Lily. Pagpapakilala ni Dashiell sa tatlong dalaga. "Hi, come in, come in, kahit hindi ko talaga bahay 'to." Sabi ni Quinn na ikinangiti ng tatlo. "Ito nga pala si Landon, my other best man." Sabi ni Dashiell pagkapasok nila sa loob. "And you know him already." Sabi ni Dashiell na nakaturo kay Nico. "Dalawa ang best man mo?" Takang tanong ni Ashley. "Yeah para walang tampuhan. They've been my best friends since long ago and I want to share this memorable event with them." Sabi ni Dashiell na kinakilig ni Quinn dahil nakatingin sa kanya ang binata. "Hi." Sabi ni Landon at kinamayan ang tatlo. "Hello." Sabi ng tatlo saka tinanggap ang kamay ng binata. Natagalan ang hawak ni Landon kay Hayley na kinatikhim ni Nico kaya natawa sila Landon at Dashiell. "Sorry, I forgot, off-limits." Nakangising sabi ni Landon sabay kindat kay Hayley. Kumunot naman ang noo ni Hayley. "Don't mind them, may sariling mundo ang tatlong 'yan." Sabi ni Quinn na hinila si Hayley para makaupo sa sofa na nakaharap kay Nico. Ramdam ni Hayley na nakatingin na naman sa kanya si Nico kaya iniwasan niya na madako ang mga mata niya kung saan nakaupo ang binata.

"Hon, baka pwedeng kumain muna tayo bago mo tingnan ang mga designs ni Hayley. Nagugutom na kami." Sabi ni Dashiell. "Yes, Boss!" Sabi ni Quinn na may saludo pang kasama kaya natawa ang lahat.

"Bro, hindi mo na nga pala natuloy 'yung kwento mo kanina kung bakit may bakat ng kamay 'yang mukha mo." Sabi ni Landon. Biglang nasamid si Hayley. Napangiti naman sila Ashley at Lily. Magkakaharap sila ngayon sa dining table. Inabutan ni Quinn ng tubig si Hayley. "Okay ka lang?" Tanong ni Quinn. Tumango si Hayley at uminom. "Ah, 'yun ba? May nakasabay kasi ako kanina sa elevator. Medyo nagkaroon ng konting elevator malfunction kaya na-out of balance yung babae. So, dahil gentleman ako, hinawakan ko siya para hindi siya matumba. Kaso, Bro, namula na akala mo kamatis." Humigpit ang hawak ni Hayley sa tinidor na hawak niya. Nagtawanan naman ang iba na hindi alam na ang babaeng tinutukoy ni Nico ay siya. "Isa lang ang ibig sabihin noon." Sabi ni Dashiell. "Virgin!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong binata. "Quinn, can you please pass the pitcher to me?" Sabi ni Hayley. "Ah, sure, here." Sabi ni Quinn. Nataranta sila Ashley at Lily dahil nakita nila na hawak ni Hayley ang pitsel na halos puno pa ng tubig pero huli na para pigilan nila ang kaibigan. Natigil ang tatlong lalake sa pagtawa. Basang-basa si Nico. "Quinn, sorry, I'll see you tomorrow." Sabi ni Hayley sabay lakad palabas ng condo ni Nico.

"What the hell happened?" Tanong ni Quinn. "Girl, si Hayley 'yung nakasabay ni Nico sa elevator." Sagot ni Ashley. Halos sabay-sabay na tumingin sila Dashiell, Landon, at Quinn kay Nico ngunit nagkibit balikat lang ito. "You're really an asshole, Nico!" Inis na sabi ni Quinn. "Thank you." Sagot nito. Nagpaalam n sila Ashley at Lily, kailangan nilang sundan ang kaibigan at baka bumalik ito na isang timba ng tubig ang dala.

"Dude, alam mo bang minus pogi points ang ginawa mo?" Sabi ni Landon. Nakapagpalit na ng damit si Nico. "And to think nakitawa pa kami sa kalokohan mo." Iiling-iling na sabi ni Dashiell. Hindi kumibo si Nico. Kumuha siya ng tatlong beer sa kanyang ref at inabutan ang dalawang kaibigan. Si Quinn ay busy sa pagliligpit ng dining table.

"She's so cute when she's angry." Sabi ni Nico. "Malala ka na, Bro. Palagay mo ba ay kakausapin ka pa noon?" Tanong ni Landon. "Yes, she will because I'm going to be her boss starting on Monday." Sagot ni Nico. "Eh paano kung mag-resign?" Tanong ni Dashiell. "I won't let it happen." Sagot ni Nico. "Anyways, I'm coming with you tomorrow sa Kleid Moda. Since, wala pa naman nakakakilala sa akin doon, malaya kong makikita ang mga ginagawa nila." Sabi ni Nico. "Bahala ka." Sagot ni Dashiell. "Then we'll go sa Dine and Drink after." Sabi ni Nico at tumango ang dalawa niyang kaibigan.

Nächstes Kapitel