Jared Dela Cruz
"Tapos ka na bang tumawa?"
[BWAHAHAHAHAHAHAHAH!! Te-Teka HAHAHAHAHAHAHAHA!!!]
Bwiset! Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.
Michelle Santa Maria
Nagugutom na ako. Ang tagal kasing makipag-usap ni Lee sa phone kanina eh. Hindi nga rin kami natapos mag-usap dahil nang niyakap niya ako, bigla na ngang may tumawag sa kanya.
Sabi niya, sabay na lang daw kaming mag-lunch. Tumingin ako sa orasan. Malapit nang mag alas-tres pero hindi pa rin ako nakain. Nagugutom na talaga ako. Tatawagin ko na nga lang siya sa labas.
"Mommy! So you mean gay means gender?"
"Yes baby, it's third sex."
"Third sex? Third babymaking?"
"W-What baby?"
"Daddy said sex is about making babies so third sex means making third baby?"
"A-Ano? S-Sinabi ni Jared 'yon?!"
"Mommy, are you going to make lots of babies with Daddy?"
Holoooo aalis na ako! Puputok na si Sammy! Mabibingi na naman ulit kami! Tatakbo na ako palabas! Isinara ko na ang pinto subalit rinig na rinig ko pa rin ang boses niya.
"JARED DELA CRUUUUUUUUZZZZ!!!!!!!!"
Buti na lang nakalabas na ako. Kawawa naman sina Maggie at China.
"GYAAAAA!! You're so sweet talaga, Lee."
Si... Bakit sila magkayakap?
"MICH? M-Magpapaliwanag ako!" sabi ni Lee.
Akala ko... Bakit? Bakit niya 'to ginagawa sa'kin?
"Ayoko na sa'yo! Salbahe ka!! WAAAAAAAAAAAAH!!!" Tumakbo na ako palayo.
"PINCESS, SANDALI LANG!"
Jared Dela Cruz
"Hindi ka pa rin ba tapos?" inis na tanong ko kay Jack.
Tumingin ako sa relo ko. Tsk! Ano ba ang nakakatawa? Kanina pa to ah!
[BWAHAHAHAHAHAHAHAH!! Te-Teka HAHAHAHAHAHAHAHA!!! Teka lang HAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!!]
Ampupu nitong si Jack! I-end ko na kaya ang call?
Rica Manrique
Iniwan ako ni Lee. Sinundan niya 'yung pamangkin ni Lucien. Princess? Ano ang meron sa kanila?
Hindi kaya may relasyon sila?!! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na maagaw sa'kin si Lee ng kahit na sino pang babae! Sa'kin lang siya! Nag-dial ako sa cellphone ko. Matapos ang tatlong ring ay sinagot na rin niya sa wakas.
"Si Riri to, Love, may ipagagawa sana ako sa'yo."
Kailangan kong burahin sa mundo ang sinumang aagaw sa guy ko.
LIKE OH MY GOSH! I SOUND LIKE A KOTRABIDA!! HAHAHA!!
Jared Dela Cruz
"Lintek, Jack! Busy ako, tapusin mo ang pagtawa mo kung hindi—"
[Dude, aminin mo, ginamit mo 'yung technique ano?]
"Anong technique?"
[Yung─fuf! HAHAHA!]
"JACQUES!"
[Sorry, sorry! HAHAHA!! Natatawa lang talaga ako kapag nai-imagine ko na ginawa mo nga 'yon HAHAHAHAHA!!]
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" kunot noong sabi ko.
[Si Maggie babes kasi, nag-post sa facebook.]
"Sinong Maggie babes?"
[Tsk! 'Yung kaibigan ni Samantha. Makakalimutin ka talaga!]
Aaahhh 'yung isa sa mga baliw.
"Ano naman ang kinalaman ko sa babae mo, 'tol? Hindi ako pumapatol sa mga baliw."
[Maganda kaya si Maggie babes ko. Tsaka, sa facebook lang naman kami mag-on eh. Yeah! I'm free!]
"Lintek! Ano nga ang kinalaman ko sa lablayp mo?"
[Kasi ganito 'yon─FUFHAHAHA─]
"JACK!!"
[Sorry, sorry! Nabasa ko kasi sa facebook na beki ka raw...pffft!!]
ANAK NG TUKNENENG SA KANTO!!!
"GAGO! ANONG SINABI MO?!"
[HAHAHAHA!! 'Yun lang naman ang itinawag ko!! HAHAHA! Bye bye!]
*doo.doo.doo.doo*
ANAK NG—!!!