webnovel

Chapter One Hundred-Sixteen

Biglang namatay ang mga ilaw. Narinig ko na nagkakagulo ang lahat dahil dito. Ano'ng nangyayari? May humila sa kamay ko. Ang bilis nya maglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Wala pa rin akong makita. Ang dilim ng paligid. Nang bumalik ang ilaw nakalabas na kami ng mansion.

"Red! Bakit mo ako hinila palabas? Akala ko—" napahinto ako nang humarap sya sa'kin.

"Since when?" galit na tanong nya sa akin.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. "T-Timothy."

"Gaano na katagal nyo akong niloloko? Gaano na katagal?!" tumaas ang boses nya.

Napaatras ako. Galit na galit sya. "T-Timothy."

"Kaya ba hindi ka nagpakita sa'kin nang matagal? Dahil magkasama kayong dalawa?!"

Nanginginig sya sa galit. Galit na galit sya sa'kin. Hindi ako makagalaw. Pero ito naman ang gusto ko hindi ba? Na magalit sya sa'kin. Kung galit sya sa'kin mas madali nya akong makakalimutan. Hindi na nya ako hahabulin pa. Mas magandang magalit sya sa akin.

"SAMANTHA!!" mula sa malayo nakita ko si Red na tumatakbo palapit sa amin.

Tumigil sya sa tabi ko at nakita nya si TOP.

"TOP."

"YOU F*CKING—!!" Sinuntok ni TOP si Red.

Napasigaw ako nang matumba si Red. Dumudugo ang labi nya.

"TIMOTHY!! STOP IT!!"

Hindi sya nakinig. Sinugod nya si Red at pinagsusuntok. Nakaramdam ako ng takot nang makita sa mga mata ni Timothy ang sobrang galit para sa kaibigan nya.

"F*CKING SHIT!! YOU F*CKING PIECE OF SHIT! OF ALL PEOPLE!!"

Hindi makaganti si Red. Hindi ko alam kung dahil sa wala syang balak gumanti. O dahil sa hindi sya tinitigilan ng suntok ni Timothy.

"I TRUSTED YOU!!! I F*CKING TRUSTED YOU!!"

"TIMOTHY!! STOP IT!! STOP!!"

Patuloy parin sya sa pag-suntok. Kung hindi sya titigil baka mapatay nya ang kaibigan nya.

"TIMOTHY!!! TUMIGIL KA NA!!!" hinila ko sya palayo kay Red.

Humihingal na tumayo sya at tumingin sa'kin nang puno ng galit ang mga mata. Napaatras ako pero mabilis nya akong hinawakan sa braso. Tinitigan nya ako nang mabuti sa mga mata. Hinihingal sya sa pinagsamang galit at pagsuntok kanina sa kaibigan nya.

"I thought you're different. I thought you're not like them but what the f*ck?!"

Nagulat ako sa sinabi nya. Ano ba ang ibig nyang sabihin?

"What? Did he f*ck you already huh? Did you open your legs to him and let him f*ck you?! Did you?! Is that it?!"

Sinampal ko sya. Nabitawan nya ang hawak nya sa'kin.

"Yes! Yes I did! What are you going to do with it now? Huh?!" galit kong sagot.

"YOU—"

I slapped him again, harder this time.

"It's your fault you didn't bed me first! You're so boring you know and I'm so tired of your temper!! You always sulk and you always try to kill yourself by drinking alcohol whenever I try to leave you! I'm so tired of you being weak! I'm so tired of you being so emotional! And I'm so tired of pitying you!" sigaw ko sa kanya. I'm sorry.

Tinitigan ko sya. Hindi totoo ang mga sinabi ko pero ginawa ko 'yon para mas magalit sya. Mas nasasaktan ako dahil alam ko nasaktan ko sya nang mas sobra. Higit pa sa sobra. Pero ito lang ang naiisip kong paraan para pakawalan nya ako. Mas mabuti pa na magalit sya sa'kin kaysa paulit-ulit nya akong habulin at paulit-ulit ko syang iwan.

"You've said enough. I think I get it now," he said with his voice low and dangerous.

Lumapit sya sa'kin at hinawakan nang mahigpit ang braso ko. Sobrang diin ng hawak nya sa'kin at nasasaktan na ako. Hinila nya ako palayo kay Red.

"Why don't we try whatever you learned from my manwhore bestfriend huh?"

"W-What?" My blood ran cold.

"You said it's my fault I didn't bed you first? Let's see who can f*ck you better then," he hissed.

"No! Let me go! Let me go!"

Kinaladkad nya ako papunta sa pinaka-tagong bahagi ng maze garden. Itinulak nya ako sa stone wall at saka nya ako hinalikan sa labi. Hindi 'yon halik na katulad ng dati, ang halik na ito ay mapaghiganti. Itinulak ko sya palayo pero hinigpitan nya ang hawak sa akin. Masyado syang malakas. Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa itaas ng ulo ko gamit ang isa nyang kamay. Patuloy sa paghalik sa'kin, halik na mapagparusa at puno ng galit. Halos dumugo ang labi ko sa diin ng halik nya. Bumaba ang halik nya sa leeg ko.

Sinira nya ang damit ko. Nakaramdam ako ng takot. Sa pinakaunang pagkakataon nakaramdam ako ng sobrang takot sa kanya. Hindi sya ang Timothy na kilala ko. Hindi ko alam na ganito ang kalalabasan ng galit nya. Naramdaman ko nalang na nanginginig na ako ako umiiyak. Umagos ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Ang alam ko lang takot ako. Takot na takot ako. Natatakot ako sa kanya.

"DAMMIT!!" sigaw nya bigla at lumayo sa akin.

Tumalikod sya sakin. Ramdam ko parin na galit na galit sya. Puno ng tensyo ang katawan nya. Mabilis ang paghinga nya. Pinipilit nyang kumalma. Hindi ko alam na sa ganito hahantong ang lahat. Ito ba ang pinili ko?

"Stop crying," malamig na utos nya sa'kin.

"T-Timothy. Sorry... I'm sorry." Napaupo ako.

Nanghihina ako na umupo sa lupa. Umiyak ako nang umiyak. I'm so sorry Timothy. I'm sorry.

"Blue moon," tumawa sya nang walang saya. "F*cking blue moon."

May bagay syang itinapon. Without another word he left. He left me alone. He just walked away. Pinanood ko syang lumakad palayo hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Ito na nga siguro 'yon. Ito ang paraan kung paano kami maghihiwalay na dalawa.

Ang sakit. Ang sakit sakit na. Bakit kailangan mangyari 'to? Sana naging pangkaraniwan nalang kaming tao. Tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Kasabay non ay bumuhos ang malakas na ulan. Nanatili lang ako sa pwesto ko. Iniyakan ko parin ang nangyari samin.

"I'm sorry Timothy. I'm really sorry."

Tumingin ako sa langit. Natatakpan na ng makapal na ulap ang asul na bwan. Nauulanan ako pero hindi ko maramdaman ang lamig. Tanging sakit lang sa dibdib ko ang nararamdaman ko. Parang dinukot ang puso ko. Parang tinanggal at dinurog. Tapos na. Hanggang dito nalang ang fairytale ko. Sumapit na ang alas dose, bumalik na ako sa reyalidad. Bumalik na sa kalabasa ang sasakyan ko, wala na ang prinsipe ko. Bukod pa ron, hindi katulad ni Cinderella, nasa akin ang sapatos ko at walang prinsipe na humabol sa akin.

Tumayo ako at naglakad. May naapakan akong bagay. Isang maliit na kahon. Pinulot ko 'yon at pinunasan ang putik na bumabalot sa maliit na kahon. Ito yung itinapon ni Timothy. Isang maliit na itim na kahon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti kong binuksan ito at tumambad sa akin ang isang bagay. Muli akong napa-iyak. Isang singsing.

Nächstes Kapitel