webnovel

Chapter One Hundred-One

December na. Ang bilis ng panahon. Inangat ko ang tingin ko mula sa librong binabasa ko. Tinignan ko si Amarie habang nakikipag-usap sya sa mga kaklase namin. Masaya sya.

"At pagkatapos ano na nangyari?"

"Ibinili ako ni Mama ng bagong kotse!"

"Wow! Ang galing naman!"

"Oo nga eh! Excited na nga akong gamitin!"

"Pasakay kami ha!"

"Oo naman!"

"Ano'ng mukha 'yan Sammy?" sa kabila ng ingay sa classroom ay narinig ko si Maggie.

"Wala!" nagtakip ako ng mukha habang nakapatong ang dalawang siko ko sa table.

"Mukhang ang dami nang friends ni Amarie ah.." sabi ni Michie.

"Sikat na talaga sya ngayon since naging part sya ng club namin.." sabi ni China.

"Haaayy..." buntong hininga ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko.

Ang dami nyang kaibigan. Parang nalampasan na nya ang popularity ko. Ang dami na nyang naagaw sa'kin. Para syang baguhan na artista na biglang susulpot at aagawin sa big star ang spotlight. Dapat na syang mawala sa landas ko. Masyado nang maliit ang mundo para sa aming dalawa. Kailangan ko na syang idespatya. Tama. Kailangan ko na syang patayin. Lasunin ko na kaya? O barilin? Lunurin? Buhusan ng asido? Kailangan malinis ang trabaho. Mag-hire kaya ako ng hitman? Madami naman akong pera. Kaya ko 'yon gawin.

"Uy Sammy! Ano 'yan?" tanong ni Michie.

"Libro, pahiram sa'kin ni Audrey," sagot ko.

"Uhh... Tungkol saan?"

"Tungkol sa isang babaeng obsessed sa kasikatan at handang patayin kahit sino."

"Waah! Katakot naman yan!"

Oo nga eh. Si Audrey kung anu-ano ibinibigay sa'kin. Adik 'yun. Hindi na nga pala kami magkaaway ni Audrey. Di kami ganon ka-close pero nag-uusap naman kami. Simula nang mailabas nya ang galit nya sa'kin dati sa gym, naging okay na kami. Sya parin ang number one sa ranking. Ako ang number two. Ang mga estudyante dito natutunan na rin akong tanggapin. Yung bago at totoong Samantha.

"Grounded ka parin ba Sammy?" tanong ni Michie.

"Oo yata." Isinara ko ang libro. Di ako makapag-concentrate sa binabasa ko.

"Oh? Di ka sigurado?" tanong naman ni China.

"Mag-sleep over tayo sa house mo Sammy. Isama na natin si Amarie," alok ni Maggie.

"Oo nga, sa bahay kasi kaming tatlo lang tsaka si Yaya mo."

"Sa bahay nating apat? Bahay na nating apat ang bahay na iniwan ko sa inyo. Hindi bahay 'ko' lang," sagot ko.

"Haha! Kaw talaga Sammy.. O sya bahay nating apat!" sabi ni China/

"Sama ka sa sleep over!" excited na sabi ni Michie.

"Oo nga, di ka ba papayagan ni Kuya mo?" tanong ni Maggie.

"Nasa Palawan sya ngayon, inaasikaso ang Hotel namin 'don. Pero pinagbawalan nya ako na lumabas pa ng bahay after class. Kailangan bahay at school lang ako."

"Ay? Taray naman ng Kuya mo, gumaganon?"

"Takas ka nalang Sam!"

"Tatakas si Sammy? Di'ba masama yun?"

"Di no! Sabi nga ni Lee, sa bahay at school lang si Sammy. May sinabi ba sya kung kaninong bahay? Wala naman diba?" palusot ni Maggie.

"Oo nga no! Wow! Ang talino mo Maggie!" sangayon ni Michie.

"Syempre naman! So? Sasama ka ba Sammy?"

"Pag-iisipan ko."

***

"Wah! Sa wakas nakabalik din ako rito! Parang walang ipinagbago ang bahay na 'to ah!" puna ni Amarie.

"Buti nakauwi tayo nang maaga kasi biglang umulan oh!" sabi ni Michie.

"Kumain nalang muna tayo!" yaya ni Maggie.

"Ano'ng ulam?" tanong ni China.

"Chicken adobo."

"Wow! Favorite namin 'yan ni Oppa!"

Ouch! Tinapik ni Michie ang balikat ko.

"Kain na tayo, gutom na ako eh."

Kumain na muna kami. Nagkwentuhan sila habang nakain. Ako tahimik lang. Pagkatapos kumain at magligpit nilabas na namin ang mga snacks and drinks. Dinala namin 'yon sa sala para manood ng DVD. Nakaupo na kaming lahat. Abala naman sila sa pagpili ng papanoorin.

"Ito nalang A Nightmare On Elm Street! Maganda to! Epic!" suhestyon ni Maggie.

"Hindi! Mas gusto ko yung Friday the 13th! Para mainit! Hahaha! Jason X!" sabi naman ni China.

"Eh di Freddy VS Jason nalang para pareho silang nandun," sabi naman ni Amarie.

"Ayoko! Nakakatakot! Gusto ko yun Charlie and The Chocolate Factory!" kumikinang ang mata na sabi ni Michie.

Nagtatalo sila sa papanuodin namin nang biglang...

"AAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!" sigaw namin. Sumigaw kasi sila kaya naman nagulat ako at napasigaw narin.

"Ang dilim! Wala akong makita!"

"Walang kuryente?!"

"Waaah! I'm scared! Oppa!"

"Sammy! Hawakan mo ko! Baka kunin ako ng mumu!"

Ang dilim kaya. Pano ko sya mahahawakan? Di ko sya makita. Teka. Asan ba ang cellphone ko? Kinapa ko sa sofa. Nang mahawakan ko na, pinailaw ko ang screen nya para magkaliwanag kahit papaano.

"Tara mag-hanap ng kandila.." sabi ko at saka tumayo.

"Waah! Hwag mo ko iwan Sammy!" kumapit sa'kin si Michie.

"Sige maghanap kayo ng kandila sa kusina, kami hahanapin muna namin 'yung flashlight. Hahaha!" sabi ni China.

Ay? Pumunta na kami sa kusina para maghanap ng kandila o flashlight. Bakit nga ba kandila ang hinahanap ko? Meron naman flashlight sa bahay? Nakahanap kami ng mga kandila at flashlight ni Michie. Bumalik kami sa sala. Sinindihan namin ang mga kandila at inilapag sa lamesa pati sa sahig.

"Haay.. Ano ba 'yan? Ngayon pa nag-brownout!"

"Baka naman nasira yung fuse? Kasi tayo lang ang walang kuryente dito sa subdivision nang tignan ko kanina," puna ni Maggie.

"Baka nagkaproblema sa wiring?"

"Baka nabasa yung fusebox?"

"Tapos sumabog?"

"Tapos may apoy?"

"Tapos sasabog ulit?"

"At magkakasunog?"

"At masusunog ang bahay?"

"Tapos makukulong tayo dito at mamamatay?"

"WAAAAAHHHHHH!!!!" sigaw ng Crazy Trios.

"Unnie I'm scared!"

"Hwag kang mag-alala, nagbibiro lang silang tatlo.." sabi ko.

"Tumawag na tayo ng bombero!"

"Tawagin natin si John Lloyd Cruz!"

"Para may kasamang Greenwich?"

"Bombero na gwapo at may dalang pizza! San ka pa?"

"Feeling mo ikaw si Anne Curtis?"

"Di ah! Milya milya ang lamang ng kagandahan ko dun! Hahahaha!"

"Gusto ko ng pizza."

Haay nako..

"Tumawag na ako ng gagawa sa fusebox!" sabi ni Amarie.

"Talaga? Gwapo ba?" tanong ni Maggie.

"Yup! Super!"

"Single?"

"Yup! Since birth!"

"May Mario Maurer na ako.."

"Di ka kasama dito Michie! Mabuhay ang mga single! Hahaha!" tumatawang sabi ni China.

"Baka naman bading? Single since birth?"

"Di po Maggie-Unnie! Macho sya!"

"Okaaay..."

"I call the dibs!" anunsyo ni China.

"No way!" angal ni Maggie.

*DingDong!*

"Ayan na ba ang gagawa ng fusebox natin?"

"Kyaaahh!! Ako magbubukas ng pinto!"

"Ako!"

"Jack en Poy tayo?"

Tumayo na ako mula sa sofa. Di sila matatapos sa Jack en Poy na 'yan. Palagi silang tie eh. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may gate. Binuksan ko ang gate at halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. WAAH! Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub. May matangkad na lalaki na nakatayo sa labas. Pagtingala ko sa mukha nya. Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub. Si Timothy?! Sya ang tinawagan ni Amarie?! Nagwala ang puso ko. Sobrang lumakas ang pintig nito. OMG! Nandito si Timothy! Ang tagal ko syang hindi nakita. Nandito sya sa harap ko ngayon. Bakit hindi ako nag-ayos?! Ano ba ang hitsura ko?!

"T-Timothy?"

Sya nga ang nasa harap ko ngayon.

"Anya called me," he said.

Pakiramdam ko nabagsakan ako ng malaking bato. Biglang nawala sa puso ko ang pabangon palang na pag-asa na ako ang kailangan nya. Shit. Ang sakit ah! Psh! So pumunta sya dito dahil 'don?! Isang tawag lang sa kanya ni Amarie dumating na kaagad? Ang bilis nya ha! At ano daw 'yon? Anya? Bwiset! *flips table*

"She here?"

Hinga nang malalim Samantha. Sinamaan ko sya ng tingin.

"WALA!!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya.

"Are you sure?" kunot noo na tanong nya.

"OO!" sigaw ko sabay sara ng gate.

Ikinandado ko ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Shit yan! Dumating dito para dalawin si Amarie. Ano ba sa tingin nya 'tong bahay ko?! Mall na pwedeng tambayan nilang mag-syota?!

"Oh? Sino yun?" usisa ni Maggie habang nakasilip sa bintana.

"Bakit mukhang galit na galit ka Sammy?" tanong ni Michie.

"Oo nga. Ang lakas pa ng pagkakasara mo sa gate," puna ni China.

"Si Oppa na ba—"

"MATUTULOG NA AKO!! GOODNIGHT!!!" sabay martsa papunta sa kwarto ko.

Oppa Oppa ka dyan! Kung Oppakan ko kaya yun?! Padabog kong isinara ang pinto. Nakakainis!

"Ang kapal ng mukha nyang pumunta dito para... para... AHHCK! KAINIS!!"

Ibinato ko ang unang bagay na nakita ko. Libro ko sa Chem na nananahimik sa lamesa.

"Kakaasar! Kakaasar! KAASAR!! SHIT! SHIT! SHIT!"

LECHUGAS! BARABAS! HESTAS! AT LAHAT NG NAGTATAPOS SA TAS!! MAGSAMA KAYO NI TIMOTHY!!

Dumapa ako sa kama at umiyak ulit. Nakakainis naman kasi eh. Ang manhid nya. Parang di na nga nya ako kilala eh. Kung tignan nya ako kanina..parang wala lang ako. Nalimutan na nya talaga ako. Nakakainis sya! Nagtalukbong ako ng kumot at pumikit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nächstes Kapitel