webnovel

Chapter Eighteen

"He likes you"

"Trust me, I know."

"He likes you"

"Trust me, I know."

UGGHH!!! Paulit-ulit nalang, parang sirang plaka na naglalaro sa isip ko ang sinabi ng Red na 'yun! Kainis! Hindi pa ako nakatulog kagabi dahil nagi-guilty ako! Why oh why ako nagi-guilty? WHY MEEEEE?!

"Nag-solo siya non, napagtulungan tuloy. Mabuti magaling ang loko. Ilang pasa lang ang nakuha. Ang alam ko nasagip din niya yung babae."

Tapos napaaway siya dahil sa akin nang hindi ko man lang alam?! Nung time na pumunta siya sa bahay nang may pasa?! Nung pumunta siya nang madaling araw?! Kaya ba nya sinabi sa'kin na girlfriend nya ako?! Dahil nagturo ako ng iba?! Sumasakit ang ulo ko!

"Oh, bakit mukhang constipated si Sam?" tanong ni China.

"Bading, hindi constipated, frustrated!" sabi ni Maggie.

"Hindi, mas mukha syang wanted," sabi ni Michie.

Crazy Trios, naririnig ko kayo!

"Huh? Bakit naman wanted?" tanong ni China.

"Wala na kasi akong maisip na word na nag-tatapos sa 'ted' eh kaya wanted nalang. Tignan ninyo. Mukhang kakatakas lang niya galing kulungan at nagpa-plano kung paano mangho-holdap ng bangko!"

Kulungan. TOP? NOOO!! Guilt. Guilt. Bilang ganti sa ginawa niya, tinawag ko siyang ex-con. Wala nang mas sasama pa kaysa sa'kin. Wala akong utang na loob? WAAAH!! HINDEEE!!

"Just shut up 'Crazy Trios'," I hissed.

"She's creepy," sabi ni Maggie.

"She's giving me the chills," sabi ni China.

"Shut up," I muttered. The guilt is eating me.

What should I do? Should I just say sorry?

"TAMA!!" Napatayo ako sa upuan.

Biglang tumahimik sa cafeteria at tumingin sa akin ang mga schoolmates ko. AGAIN WHY MEEEE?!

***

Nandito ako ngayon sa front gate ng school nila. Ang kinatatakutan na school, ang Pendleton High. Nagmadali ako para makapunta dito, stupid gangster kapag hindi ka nag-pakita sa'kin lagot ka! Ang tagal naman ng TOP na 'yon. Makalipas ang sampung minuto ay bumukas ang malaking gate at nag-labasan ang mga nakakatakot na estudyante ng Pendleton High. Lahat halos may badass look at mukhang siga!

Nagtago ako sa likod ng puno para hindi nila ako makita. Hmm. Ang yaman naman talaga nila, lahat may sasakyan! Tsk! Asan kaya ang TOP na 'yon? ANG TAGAL naman!

May lumabas na grupo ng mga kalalakihan, mas mukha silang decent na at the same time ay dangerous. Kung maglakad silang lahat ay parang sila na ang pinaka-importanteng nilalang sa mundo. Sa pinaka-gitna at nangunguna ay ang leader nila. With his bangs na medyo tumatakip sa kanyang mga mata, tan skin, straight proud looking shoulders ay walang iba kung hindi si TOP. Huh? Mas makisig pala siyang tingnan mula sa malayo.

'He likes you.. Trust me, I know..'

Ang hot na lalaking ito ay mag crush sa'kin. Ang swerte ko! Ang gwapo niya, ang cool niya, ang hot niya, ang galing niya sa labanan. Fuuu. Ano ba itong sinasabi ko? Calm down, self!

Nakakalimutan ko na ang mission ko! Operation alisin ang guilt na nararamdaman ko! Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ako.

"TOPPPPPP!!!" sigaw ko sa kanya habang kumakaway.

BIG MISTAKE ang ginawa ko dahil nakaattract ako ng mga unwanted glares. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng Lucky 13.

"Kumusta?" I used my One Million Dollar Smile. Ito ang ngiti na nagpapanalo sa akin sa Valentines Day. May mga lalaki pa nga na nahimatay dahil sa ngiti ko na ito. Yeah!

Pero si TOP... hindi niya ako pinansin at pumunta lang siya sa kanyang motorbike. Nakaya niyang dedmahin ang smile ko?!

"Teka lang! Galit ka ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at sumakay na sa kanyang motorbike, pinaandar at umalis katulad ng ginawa niya kagabi. Hindi lang niya ako dinedma, tinakasan pa niya ako! Kasunod naman na umalis ang mga kasama niya. Pero hindi ako susuko kaya naman hinabol ko sila. I know imposible na abutan ko sila. Pero ewan ko ba, desperate na yata ako na malinis ang konsensya ko. Lalo pa na nakita ko na sobrang cold ng mga mata ni TOP sa'kin.

Parang nakakaramdam ako nang paninikip sa dibdib ko kapag ganon siya. WAAAHH!!

Nag-patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko na siya maabutan, ang layo na niya. Pero nakikita ko pa naman ang motor niya eh. Okay lang tatakbuhin ko hanggang kaya ko.

"TOP! WAIT!" sigaw ko habang tumatakbo.

Bigla naman akong natalisod dahil hindi ko tinignan ang tinatakbuhan ko. Bumagsak ako sa semento. AAHHHH!! Ang sakit! Napatingin ako sa tuhod ko. DUGO! May dugo.

SCREEEEEECCCHHHHH!!!

May malakas na tunog akong narinig at nakita si TOP na bumaba sa kanyang motorbike at tumakbo papunta sa akin. Huh?!

"Stupid barbie doll!! Who the f*ck told you to run then trip!" galit na sabi niya sa akin nang makalapit siya. Pero nag-bago ang ekspresyon sa mukha niya nang makita niya ang gasgas sa braso at tuhod ko.

"I'm fine. It's just a scratch," I lied. Pero sa totoo lang gusto kong sumigaw ng HOLY SON OF A GUN! ANG SAKIT!

"HAVE YOU COMPLETELY LOST YOUR MIND? THE F*CK DO YOU THINK YOU'RE DOING?!"

"Well... I. Uh. I have something to tell you?" Hala. Bakit patanong?

"Stupid seaweed, retarded seaweed, what's so important that you had to run after me and then trip?"

I'll just pretend I didn't hear the Seaweed part. "Are you busy?"

"Yes, what is it to you Miss Nosy?"

Pretend you didn't hear that Sam, just pretend! "I was just wondering if maybe..."

"What?"

Ang sungit nya talaga! "Go out with me, just for today! My treat!"

He frowned. Matagal niya akong tinitigan. "Retard, did you hit your head that bad?"

Nawala ang ngiti ko. "I'm serious!"

"Why? Why would someone like you ask someone like me out?"

"Kailangan ba talaga may dahilan?"

"Fine, I'll play along with your game."

Ano ba'ng game ang sinasabi nito? Gusto ko lang naman mag-thank you at mag-sorry sa ginawa ko kagabi! Kaasar. Kinakain kasi ako ng konsensya ko.

And that's how I ended up here, walking with ice cream in my hands with the hottest guy—NO scratch that—the coldest guy on earth by my side. Nag-lalakad lang kami dito sa park.

"What now?" he asked before licking his strawberry ice cream. Para siyang bata!

"We keep walking, eating and talking."

"This is hella embarrassing and gay."

"Do you like strawberry ice cream?"

"N-NO!! I HELLA HATE IT!!" he then turned bright red.

"You're lying." I smirked.

"N-No, I'm not," he stuttered

"Ooohhh~ Okay then." Isa siyang newbie pagdating sa art of lying. Unlike me.

"Ah shit, I said I'm not. Why would I lie to you?!" he continued licking his ice cream.

"How would I know? I thought I was a retard?"

"Shit!" Pinitik nya bigla ang tenga ko.

"Hoy! Ang sakit non, ha!" Napahawak ako sa tenga ko na pinitik niya.

"Tss." Umiwas sya ng tingin.

"I don't like strawberry," bigla kong nasabi.

Bigla siyang natigilan at nilingon ako. Parang nagulat siya sa sinabi ko. Bakit? Ano ba ang inaasahan niya?

"Why is that?" tanong niya sa halos pabulong na boses.

"Just because." I shrugged.

"You are hella weird."

"Look who's talking, strawberry lover!"

"I DON'T HAVE A STRAWBERRY LOVER!! I'M NOT A GODDAMN FRUIT!!"

Ano daw?! Akala yata niya inaakusahan ko sya na may strawberry lover siya. Stupid!

"Ang sabi ko isa kang strawberry lover hindi isang lover ng isang strawberry!" Naguluhan ako sa sinabi ko.

"F*CK! YOU THINK I'M THAT STUPID? STUPID, IT WAS A JOKE!"

"NO, IT WASN'T!!"

"HOW WOULD YOU KNOW? YOU'RE A RETARD!!"

"BECAUSE IT WASN'T FUNNY!! DO YOU SEE ME LAUGHING?!" Hah! Take that!

"THAT'S BECAUSE YOU HAVE NO SENSE OF HUMOR! RETARD!"

I blinked at him. No sense of humor?! Napa-nganga ako.

"Yeah, that's what I thought, now shut up and don't talk back!" he licked his ice cream with a small victory smile. Psh!

"Strawberry lover," I muttered under my breath.

"Shut up!"

"Make me!"

"You sure bout that?" he grinned evily.

"Yeah!" No.

Then suddenly... out of nowhere...

"YUUUCCCKKKKKKK!!!" sigaw ko at lumayo sa kanya.

"Hahahaha!" tumawa siya nang malakas.

Napatulala ako sa kanya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. At ang gwapo niya. Mukha siyang anghel.

Pero nawala 'yon nang maramdaman ko ang lagkit sa pisngi ko. Bigla ba naman akong pahiran ng ice cream sa mukha?! Who does that anymore?! Para talaga siyang bata! Isang pasaway na bata! Isipin ninyo nalang na isang seventeen or eighteen years old na lalaki biglang ipinunas sa iyo ang ice cream na hawak! SO IMMATURE, DUDE! Ang lagkit ko na tuloy!

Tinignan ko siya nang nakamamatay. Lumapit ako sa kanya para gumanti pero bigla siyang tumakbo. Ngayon naman habulan ang gusto niyang laro?! FINE!! Hinabol ko siya at patuloy parin siya sa pagtawa habang natakbo.

"STOP CHASING ME, STICKY-HOBO!!" sigaw niya habang tumatakbo.

"I'M NOT A STICKY-HOBO, YOU DISGUSTING STRAWBERRY LOVER!!!"

"HAHAHAHA!" he just laughed at me.

"SHUT UP!"

"NO!"

"SHUT UP!"

"NO!"

"JUST WAIT TILL I GET MY HANDS ON YOU, STRAWBERRY!!!"

"WELL, C'MON AND GET ME BARBIE!"

"WHY ARE YOU RUNNING ANYWAY?!"

"BECAUSE YOU'RE CHASING ME, RETARD, WHAT DO YOU THINK?!"

"YOU COWARD, STOP RUNNING AWAY!!!"

"I'LL STOP RUNNING IF YOU STOP CHASING ME WITH THAT SCARY FACE OF YOURS!"

"YOU STRAWBERRY!"

Pinapanuod lang kami ng mga tao sa paligid habang naghahabulan kami. Iniisip yata nila gumagawa kami ng music video dito. Yung iba pa nga kumukuha ng pictures namin. Then yung isa narinig ko nalang; "Aww. Ang sweet naman nila, naalala ko tuloy nung kabataan natin Honey" at sumagot naman yung asawa nya ng; "Oo nga Honey, naalala ko ganoon din ako kakisig noon at kasing ganda mo naman yung babae" tapos tumawa sila.

Ang hirap naman niyang mahuli, ang haba kasi ng legs niya! Grabe! Unti-unti akong tumigil sa pagtakbo. Ang sticky ng kamay ko, natunaw na kasi ang ice cream ko nang hindi ko namamalayan. STICKY!! Umupo ako sa bench.

"Tired already? Tss! You're no fun." Lumapit si TOP pero malayo parin siya para maabot ko.

This is the time where I should use my talent on acting. Mouhahaha!

"I think I twisted my ankle." Nag-teary eyes ako at nag-sniff.

Nagulat ako nang bigla siyang nagpanic at mabilis na lumapit sa akin. Lumuhod siya sa harap ko at tinignan ang paa ko. Unexpected, hindi ko alam na ganoon siya ka-concerned sa akin. Somehow... parang.. err.

'Trust me. I know.'

Naipilig ko ang ulo ko nang maalala ko ang sinabi ni Red.

"Where?" tanong ni TOP na may nag-aalalang mukha.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang iniisip ko? Snap out of it, Samantha! Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para lagyan siya ng ice cream sa mukha. Hahaha! Chocolate ice cream pa naman ang sa'kin.

"YAHAHAHA!! Sino na ngayon ang sticky hobo sa'tin ngayon?!" mabilis akong tumakbo palayo. Ngayon na ang oras para gamitin ang speed of light like kong pagtakbo! Hahahaha!

"YOU—YOU—YOU!! COME BACK HERE!!!" sigaw niya at hinabol ako.

"WHAT?! WHAT?! WHAT?! AND NEVEEEER!!!" Now it's his turn to run after me.

Makalipas ang kalahating oras ng paghahabulan nagpahinga kami sa isang wooden bench habang nagpapatuyo sa ilalim ng sikat ng araw. Kung itatanong ninyo kung bakit namin kailangan magpatuyo, nabasa kasi kami sa fountain. Itinulak ba naman ako?! Ang sama talaga niya, kaya naman gumanti ako at hinila siya para parehas kaming nabasa.

"Miracle." Bigla siyang tumingin sa'kin.

Muli akong natulala sa kanya. Nakatitig sya sa akin. May saya sa mga mata nya at bahagyang nakangiti ang kanyang labi. Basa ang buhok niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Huh?" wala sa sarili na sagot ko. Nakatitig parin ako sa kanya.

"So we're... friends now, right?"

"Oh." Parang nabuhusan ako ng isang balde ng malamig na tubig. Friends lang?

"Right?" ulit niya.

"Yeah, I guess so. Haha! Yeah, why not? Haha!" sagot ko.

Yumuko ako at tinitigan ang palda ko. Bigla akong nalungkot. Siguro hindi naman totoo yung sinabi ni Red. I should be thankful. Pero bakit bigla akong nanghinayang? Umasa ba ako? Ano ba ang gusto kong sabihin niya? Teka! Gusto ko ba siya?

Nilingon ko siya at nakitang nakapikit siya habang nakaharap ang mukha niya sa sinag ng araw. May maliit na ngiti sa kanyang labi. Natulala ako sandali at unti-unti, bumilis ang tibok ng puso ko.

Nächstes Kapitel