Pagkalabas namin ng school wala akong nakita na mga lalaking naka-itim o mga motorbike sa tapat ng gate. Pero kahit na ganoon ay nagkumpulan parin ang mga babae sa labas. Sumilip kami ng 'Crazy Trios' at nakita ang isang sexy yellow lamborghini gallardo na nakaparada sa tapat ng gate. Naka-lean sa sasakyan na iyon ang isang Greek God. Nasa pocket ang isang kamay, at ang isa naman ay hawak ang itim na cellphone. Walang iba kung hindi si TOP. Isang kakaibang TOP dahil hindi na siya mukhang gangster ngayon. Mas mukha na talaga siyang model na nasa mga billboard. Mukha siyang fresh and super neat! Nakakagulat!
Nakasuot siya ng simpleng long sleeve grey shirt na may apat na butones sa itaas, dalawa roon ang bukas. Humahapit iyon sa katawan niyang mukhang inukit sa bato. Tinernuhan niya ng itim na jeans na nagbibigay hubog sa mahahaba niyang legs. Casual clothes! Akalain nyo?! Natalo niya si Lee Minho ko?!
I heard my schoolmates sigh dreamily while looking at him. Nilapitan ko siya. Nang napansin niya ako, kaagad niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone niya. Tumingin siya sa kanyang wristwatch.
"Retard, you're ten minutes late," ang unang salita na lumabas sa bibig niya. Wala man lang hi, hello? "Can't you f*cking run?! I hate waiting!"
Nawala ang ngiti ko. Panira ng moment! Nasira na ang atmosphere, wala na. Sobrang rude talaga nito. Di man lang marunong bumati.
"Don't call me that," I hissed. Tumingin ako sa mga schoolmates ko bago muling tumingin sa kanya.
"And why the hell not?" nag-salubong ang dalawa niyang kilay.
"Fine, just not here, okay?" Ayokong mapahiya sa mga schoolmates ko. Mababawasan ang followers ko.
"Ay, ano ba yan? Taken na pala ni Samantha."
"May boyfriend naman pala siya."
"Sus! Ang tagal ko nang sinasabi sa inyo. May secret boyfriend siya!"
"Oo nga eh, lagi nalang sa kanya ang hot boys."
"Wait sila ba talaga?"
Mga narinig kong usapan ng mga ka-schoolmates ko.
"TOP!!! What are you doing here?!" someone shrieked at the back.
I turned around to face Audrey and her group of 'friends'. She glared at me and a shiver ran down my spine.
TOP opened the front door of his car to let me in. I did. Then may sinabi siya saglit kay Audrey at pumasok na rin sa loob ng kotse. Pinaandar niya at umalis na kami. Sinilip ko ang 'Crazy Trios', nakita ko na nag-wave sila sa amin. Habang si Audrey naman ay naiwan na naka-nganga habang nakatingin sa papalayong kotse ni TOP. Lagot na naman ako sigurado pagpasok.
Tumigil ang sinasakyan namin sa tapat ng isang mataas na building. Lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako. May vallet na sumalubong kay TOP at hinagis niya rito ang susi ng kanyang kotse. Hinila naman niya ako papasok sa loob ng building. Shiny! Sparkle! Sparkle!
Mukhang mamahalin ang lugar na 'to ah. Tama nga ang sabi ng Crazy Trios, mayaman nga talaga ang pamilya ni TOP. Nilagpasan namin ang lobby at pumasok kami sa loob ng elevator. May isang lalaki roon na nauna sa amin na sumakay.
Ilang segundo lang matapos umandar ang elevator nang mapansin ko na tingin nang tingin sa'kin yung matandang lalaki. Natakot ako kaya naman lumapit ako kay TOP at nag-tago. Mukhang manyak yung lalaki kung maka-tingin. Nakita ko rin ang kumikinang na gold rings niya, relo at kwintas. Mukha siyang sugar daddy! Waaahhh!!! Nakatingin parin siya sa'kin kaya naman mas lumapit pa ako kay TOP at humawak sa braso niya.
"The f*ck are you touching me?!" iritang sabi ni TOP sa'kin.
Tinanggal ko ang hawak ko sa kanya. NAMAN EH! Hindi ba pwedeng maging mabait siya sa'kin kahit ngayon lang? Kakatakot kaya yung lalaking kasabay namin, mukhang manyakis. Huhu!
Sinilip ko ulit yung lalaking manyak. Ngumiti siya na nakapagpataas sa mga balahibo ko. WAAAAAHH!!! Yellow teeth! Hanggang sa ngipin ba naman, gold parin?!
"STOP STARING AT MY GIRLFRIEND!!! PUT YOUR F*CKING EYEBALLS DOWN BEFORE I RIP IT OUT OF YOUR F*CKING SKULL!!" TOP suddenly yelled.
Nabigla ako sa pag-sigaw niya. Natakot pa ako noong una dahil akala ko ay sa akin iyon naka-direkta. Hanggang sa naintindihan ko kung ano ang sinabi niya. Kausap niya pala yung lalaki.
"Hey kid, don't yell at me, I'm older than you! Show some respect!" hindi papatalong sigaw ng matanda.
"SO F*CKING WHAT, YOU D*CKLESS BSTARD?! YOU WANT A PIECE OF MY GIRL?! F*CK!! YOU WANT TO SEE WHAT HELL LOOKS LIKE?! HUH?!"
"I-I'll send a c-complain to the manager about you!" banta ng matanda. Naku. Wrong move.
"Yeah?" Lumapit si TOP dun sa matanda saka siya nagsalita nang mahinahon. "Do that old geezer and then let's see what happens next. Want a clue? You'll lose a finger or maybe two."
Sa sobrang takot ng matandang lalaki ay tumakbo siya palabas ng elevator nang bumukas ito. Mas nakakatakot si TOP kapag mahinahon ang pagsasalita. Ang intense pa naman niya kung makatingin. Tipong wala sa isip niya ang salitan 'joke'.
"ACT YOUR F*CKING AGE!!! F*CKING HORNY B@STARD!!!!!!" pahabol ni TOP bago sumara ang elevator.
Tinignan ko si TOP. WAAAH!! Kakatakot talaga siya, pati matanda pinatulan? Pero thankful ako sa ginawa niya ang kaso... nakakatakot siya eh! Pati ako kinilabutan sa banta niya. Totoo kaya 'yon?
Ilang saglit pa at bumukas na ulit ang elevator. Nasa palapag na niya kami. Pumasok kami sa unit niya.
"My place, touch anything and you're dead! I'll be back," sabi ni TOP at pumasok sa isang kwarto.
Fuuu! Ang hilig mag-banta! Super neat ng place ni TOP. Isa siguro siyang neat freak! May kulay black na leather couch at may huge flat screen TV sa living room. Kulay white and black lang ang kulay ng mga gamit niya. White walls na may paintings na abstract, black and white lang din. Dirty white naman ang carpet niya. Walang masyadong disenyo, napaka-simple. Lalaking lalaki ang dating. Nakakatuwa na malaman na isa pala siyang malinis at simpleng tao pagdating sa bahay niya.
"Here, wear this," bumalik si TOP na may dalang pink na dress.
Tinitigan ko lang siya at pagkatapos ay sa dress. Ano raw? Bakit may ganito siya?
"What for? May pupuntahan ba tayo?"
"Did I give you any permission to ask? Just wear that pink fluffy thing," he said and dragged me inside his bedroom. He left and shut the door.
Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng room ni TOP kaya naman tinitigan ko nang mabuti. Katulad lang din ng sa living room. Black and White. Stripes na black and white ang walls, white king sized bed, black flat screen tv. Sa kabilang side ng kwarto may malaking shelf ng mga libro katabi ang isang shelf ng mga DVD. May two white doors na hula ko ay bathroom at walk in closet.
"Are you done yet?" tanong niya mula sa kabilang side ng pinto.
"WAIT!"
"Hurry up slowpoke!"
"OKAY!" sabi ko nga eh.
Kung makapag-utos, wagas! Isinuot ko na ang dress na ibinigay niya sa akin. Inilagay ko naman ang nakatiklop na uniform ko sa kama niya at lumabas ng kwarto. Tinitigan niya ako for like fifty seconds. Nakatitig lang siya. Walang expression sa mukha. Tinitignan niya ako na para bang iniinspeksyon niya kung mukha na ba akong tao.
"What? Am I really that pretty?"
"Don't flatter yourself, sunshine."
Biglang may nag-buzz. May tao sa labas.
"They're here," TOP whispered.
"Sino?" tanong ko sa kanya.
Pumunta kami sa pinto at binuksan ito ni TOP. Nakita namin isang lalaki na mukhang foreigner at isang eleganteng babae. Kahawig ni TOP ang lalaki na may grey na mga mata kaya kinutuban na ako kung sino silang dalawa.
"My parents."