webnovel

Chapter Four

"Mas bagay sa'yo yang violet, yan nalang ang bilhin mo. Hwag na yung green, hindi bagay," sabi ko kay Michie nang ipakita niya sa akin ang dalawang damit na kinuha niya. Sa totoo lang, napaka-weird ng taste niya sa mga damit. Halaman ba siya noong past life niya? Tagapagmana pa naman siya ng isang malaking clothing company.

"Hmm. Sige na nga," she said at pumunta na sa sales lady para bilhin.

Nandito parin kami sa mall. Pagkatapos namin manuod ng sine ay kumain muna kami at nagpatuloy sa pag-gala. Thankfully ay hindi ko na nakita pa ang lalaking naghahanap sa akin. Sale ngayon sa mall, masyadong maraming tao.

Naglibot muna ako sa loob ng shop habang hinihintay sila. Then may nakita akong cute pink shirt. Nang kukunin ko na may nakita akong isa pang kamay na aabot sa shirt. Napatingin ako at nakita ang isang petite pretty girl with curly dark brown hair.

"Well, well, well look who's here! The Youtube girl!" sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Huh?" Youtube?

"Yeah, you're the one who slapped my darling TOP. By the way, how dare you touch my man, you b*tch!" she said with a look of disgust. "I heard he's looking for you, you're lucky you're still breathing right now. But not for long. TOP, I FOUND HER!!"

That's when I saw someone with a very pissed look on his face. Nakatayo siya sa kabilang dulo ng shop kasama ang lalaking may pulang buhok.

"YOU!" he roared. Mukha siyang kakain ng tao. Nakakatakot!

"Holy Shiz! RUUUN!!!" ang tanging nasabi ko bago magtake-off.

"SAM, WAIT FOR US!!!" tawag ng 'Crazy Trios'

Lumingon ako sa likod at nakita ang isang nilalang na nahahawig sa isang raging bull. WAAAAHHHHHHHHH!!! MUST.RUN.FASTER!!!

***

Kung meron mang isang bagay akong maipagmamalaki ay ang speed-of-light like kong pagtakbo. Mwahaha! Alam nyo na siguro kung ano ang nangyari. Hindi niya ako naabutan dahil kung naabutan niya ako, malamang wala na ako ngayon. Pagdating talaga sa pagtakbo, mabilis ako!

"Class, open your book to page sixty-four and solve the problems quietly okay?"

"Yeees," sabi naming lahat.

Lumabas si Ms Torres ng classroom. Siguro ay pupunta na naman sa comfort room. Kilala siya sa school na ito bilang terror teacher. Kabilang na rin siya sa senior citizen ng bansa kaya mas nakakatakot siya. Lalo na kapag kulay pula ang lipstick niya.

Sa tindi ng takot na dinanas ko kahapon, hindi ako nakatulog nang mahimbing. Kaya ngayon, napapatitig nalang ako sa mga numbers na nasa textbook ko. Sumubsob ako sa lamesa at pumikit. Hindi ko na talaga kaya. Kasalanan nang lalaking 'yon kung bakit ako inaantok ngayon.

Muntik na akong makatulog nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Mabuti nalang lumabas ang instructor namin kung hindi, napagalitan na ako.

Sino kaya 'tong tumatawag, unknown number. Kinansela ko ang tawag pero nag-ring ulit ang cellphone ko. Nakatatlong cancel ako nang maisipan kong sagutin nalang.

"Hello?" inaantok na sinagot ko ang phone.

[You.]

"Yes? Who is—" pinutol niya sinasabi ko. Kainis!

[Do you wanna die?] boses ng isang lalaki na nababalot ng galit ang tono.

"E-Excuse me?" gulat na tanong ko.

[I said, do you wanna die?]

"Huh? Sorry. I think you got the wrong number—" sa ikalawang pagkakataon, pinutol niya sinasabi ko. Ay bastos na nilalang. Sino ba 'tong lalaking 'to? Nanti-trip? Naiinis na ako talaga.

[Do you know who I am?] Hala. Itanong daw ba sa'kin? Lakas man-trip nito ah. [Do you?!]

"You're so stupid! You're calling me and you're asking me if I know you?! Man, you got some serious mental issues, eh?"

[F*ck! Did you just call me 'stupid'?! You really wanna die today?!]

"You poop! Stop calling me, you sucker! Go to hell and stay there!" I screamed at him then hung up.

Kapal ng mukha niya, ah! Tatawag tawag tapos mang-aaway. Eh sino ba sya? Ni di nga naka-save ang number niya sa phone ko tapos tatanungin ako kung kilala ko siya? Siguro takas sa mental yun o kaya ka-textmate ng 'Crazy Trios' tapos binigay yung number ko. Fuuu.

Teka. Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko with shocked expression. Napatingin ako sa harap ko nang maramdaman ang tumatamang tingin sa akin. Lagoooot!

"Ehem, cellphone please? Ms Perez."

Uwaaaah! Si Ms Torres!

Nächstes Kapitel