webnovel

Chapter 11 - Temptation of a Kiss

"Di ko inakalang makikita ko itong babaeng ito ulit..." isip ni Nicolo habang kasayaw si Gail.

"This is... such an... encounter..." bulong ni Gail sa sarili.

Di nila pansin na wala na ang mga kaibigan nila sa sala. Tila busy na sa kani-kanilang sarili, nasa pagsasayaw sila ng malapit ng matapos ang kanta. At isang mabagal na song ang tumugtog...

"Favorite song ko ito!!!" sigaw ni Gail ng humaharap siya kay Nicolo.

Humawak siya sa balikat ni Nicolo hawak ang beer niya sa kabilang kamay, habang  gumigiling ng mabagal.

Habang mapanuksong iginalaw ni Nicolo ang bewang niya sabay sa "Bleeding Love" unti unti niyang hinawakan ang likuran ni Gail.

"Ang init ng kamay mo... Mr. Victory..."

"Nicolo... ako si... Nicolo..." bulong niya kay Gail.

Unti-unting naglapit ang mga katawan nila sa pagsasayaw. Sabay sa pagtugtog ng mabagal na music, mabagal na umandar ang kamay ni Gail papunta sa dibdib ni Nicolo. Naramdaman ng binata ang mga daliri nito sa muscle ng kanyang dibdib.

Hinila ni Nicolo ng sobrang lapit si Gail hanggang nararamdaman na niya ang hininga nito sa dibdib niya.

Napaungol ito sa mga bisig niya habang marahang hinahalikan niya ang leeg nito na kay kinis.

Nang iangat ni Nicolo ang mukha niya para humarap sa kanya...

At biglang hinalikan siya sa labi ng dalaga na ikinagulat niya.

At sinuklian niya rin ng halik.

Nawala sa isip ni Nicolo na isang gig lang ito. Patuloy niyang hinalikan ang dalaga sa harap niya. Gumapang ang mga kamay ni Nicolo sa likod ni Gail.

Patuloy ang paghalik pero nandun ang pagsayaw sa music. Ang musika... ang mga labi na hayok sa mga halik... ang pagiging makasarili...

"Just for one night..."

"For one night..."

"I will be... a... a bad girl..." Gail said sa sarili niya.

With that, humiwalay si Gail sa pagkakahalik niya. Tumalikod kay Nicolo at patuloy na sumayaw. Sabay sa tugtog, tuloy ang paggiling niya. Siya na customer sa dancer na dapat sinasayawan siya. Natingnan niya ang scene ng crime.

"Well... everyone's busy" makita ang mga bestfriend niya na busy sa kanya kanyang mga kapartner na dancer. Sila ay nagsisipag sayawan. Puro tili at tawanan sina Jeannie at Dinah.

"More booze for us then!" sabi niya kay Nicolo sabay abot ng isang baso ng cocktail sa mesa.

Tinanggap ito ng binata sabay cheers sa dalaga. Ininom niya ito ng dahan-dahan hanggang sinabihan siya ni Gail na inumin niya ito ng mabilis.

"Here have another one" offer ni Gail ngayong naman shot ng tequila.

Patuloy ang inom nila sabay ng pagsayaw sa music na patuloy ang pagtugtog. Nawawala na ang kaba ni Nicolo. Pero tila napapalitan ito ng ibang pakiramdam. Pakiramdam ng inti sa kalamnan. Init para sa dalagang kasayaw niya ngayon.

"Hindi... hindi pwede..." bulong niya sa sarili habang patuloy sa pag inom ng alak at inumin na bigay ni Gail.

"Y-you knowww... yooouuu are such a hottieee..." bulong ni Gail na halatang lasing na, kay Nicolo.

Naka hawak ang dalaga sa balikat ni Nicolo ng unti unti itong bumagsak. Bago pa ito tuluyang bumagsak sa carpet, nasalo ito ng binata. Buhat ito ni Nicolo sa mga bisig niya na humarap siya sa mga kasama nito.

"Just bring her to that room..." banggit ni Jeannie habang sinasayawan ni Andrei.

Umiikot si Nicolo, dala si Gail, nakita niya ang isang pinto sa bandang likuran nila sa kabilang parte ng sala.

"This... is... so... FUN!" sigaw ni Gail habang dala siya ni Nicolo na natawang napa-iling sa sinabi ng dalaga.

Binuhat ng dalawang matipunong braso ni Nicolo ang dalaga papasok ng pinto. Ramdam niya ang init ng katawan ni Gail sa mga palad niya, tumatagos sa pants at blouse na suot nito. Pagpasok ng kuwarto, nahirapan si Nicolo sa dilim ng kwarto.

"Buti na lang may ilaw ang buwan sa labas" bulong niya sa sarili.

Dahandahan niyang binuhat si Gail papunta sa kama na puno ng mga unan.

"Miss... iiwan na kita dito sa kama ha" bulong ni Nicolo ng mabagal na binaba si Gail sa gitnga ng mga unan.

Mabagal ang pagpatong ni Nicolo ng ulo ni Gail sa unan. Halos magtama ang mga mukha nila sa lapit nilang dalawa.

"No... Don't leave... Mr. Victory..." bulong ni Gail ng kumapit siya sa mga balikat ni Nicolo, hila siya papalapit sa kanya.

"P-Pero..." simula ni Nicolo ng ilapit ni Gail ang mga labi nito sa labi ng binata.

Naghalo ang init ng labi ni Gail at ng alak sa hininga ni Nicolo na may bahid na din ng pagkalasing.

"Don't leave... just yet..." bulong ni Gail ng nilapit niya ulit ang mga labi niya kay Nicolo.

Pilit mang umalis ni Nicolo, nawalan na ng control ang katawan niya, pati na rin ang pagiisip niya. Tila naadik sa mga labi ng dalaga na yakap niya ngayon.

Sa kamang ito...

Sa dilim ng gabi...

Sa init ng mga mga halik ni Gail...

Nächstes Kapitel