webnovel

TSCE: Memories

***

[Flashback]

"Hi! By the way, ako nga pala si Jeyson Break." ang nakangiti kong sabi habang nakalahad ang isa kong kamay sa kanya for a handshake.

Natuwa ako dahil gumanti siya ng ngiti sa akin. But slowly, she turned her face away from me at gumuhit ulit ang lungkot sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay marahan akong umupo sa tabi niya, curious about what's going on with her.

"Uhrm." I cleared up my throat to get her attention.

Hindi niya lang iyon pinansin, at Hindi rin siya nagsalita ng kahit na ano.

"Mukha 'atang napakabigat ng dinaramdam mo ah?"

Hindi pa rin niya ako kinibo.

"Transferee ka dito kaya naiintindihan ko na hindi ka pa kampanteng makipagkaibigan to... to strangers like me."

Wala pa din siyang imik.

Huminga ako ng malalim. Kagaya niya ay pinagmasdan ko na lang din ang malawak na espasyo ng campus. Sariwa ang hangin kung kaya naman ay nakakarelax ang manatili sa lugar na iyon. At higit sa lahat ay nakakapagpagaan ng kalooban ang magandang tanawin.

Pero ba't ang lungkot-lungkot niya? Iyon ang bagay na nais kong alamin.

Ilang sandali lang ay nagulat na lang ako nang aking napansing humihikbi na siya. Kaagad na ako'y nag-alala sa kanya. At nang tatanungin ko na sana siya kung ano ba ang nangyari sa kanya ay bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit at umiiyak na siya ng husto!

Ikinagulat ko ng labis ang kanyang ginawa. Sandali tuloy akong hindi nakagalaw mula sa aking kinaroroonan.

"Wala na kami! Nakipag-break na siya sa akin. Ba't ganun? Ba't niya nagawa sa akin iyon? Ang unfair-unfair naman niya! Ang sabi niya love niya ako. Pinaasa niya lang pala ako!" ang umiiyak ng husto na sambit niya.

_________

[PRESENT]

"KRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!"

Bigla kong naidilat ang aking mga mata. Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm na nakapatong sa bedside table. Nagising ako na yakap-yakap ko pala ang malambot kong unan.

Hinimas ko ang aking mukha at tumihaya ako sa aking pagkakahiga sa kama. Nakatanaw ako sa kisame habang inaalala ko iyong unang pagkakataon na nagkakilala kaming dalawa ni Jemmi. Ang ngiti na gumuhit sa mga labi ko ay magkahalong saya dahil sa magandang panaginip, at lungkot 'pagkat wala na siya.

Napakatamlay ko sa araw na iyon. At pakiramdam ko pa nga ay para bang magkakasakit pa yata ako. At mas naramdaman ko pa ang lungkot nang sumagi sa isipan ko na J.S. Prom na pala namin sa araw na iyon.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harapan ng isang salamin. Muli't-muli ay naaalala ko ulit ang napanaginipan ko kagabi.

But I immediately shook my head at dali-dali kong hinilamusan ang aking mukha mula sa bumubuhos na tubig sa gripo.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nakabihis na ako sa'king formal attire. And then ay nag-apply ako ng kaunting wax sa aking buhok at maingat kong sinuklayan iyon.

Compulsory ang bayad para sa event, and so, whether we like it or not ay babayaran pa rin namin ang fee sa katapusan ng klase. Sayang naman kasi 'yong catered foods kung hindi ako a-attend. 'Yon na lang ang nagpapa-excite sa akin ngayon --- ang foods doon.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Marahan kong dinampot iyon at aking sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Oh, 'tol! Asan ka pa ba? Kanina pa kami nandito sa venue." Si Buns iyon mula sa kabilang linya, isa sa mga closest friends ko sa klase.

Tumingin ako sa aking wrist watch.

"Nandito pa ako ngayon sa bahay eh. Papunta pa lang ako diyan." mahahalatang wala akong gana habang nagsasalita.

"Okay sige. Bilisan mo, ha?"

"Okay." ang sabi ko at pinindot ko agad ang "end" button.

Tss! Wala na naman kasi talaga akong dahilan para magmadali eh. Kahit huli na akong dumating doon ay wala namang mangingialam at wala akong pakialam!

Maya-maya pa'y natigilan ako sa aking sarili nang may bigla na naman akong naalala. Ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama, at napabuntong hininga ako. Para bang 'di ko alintana ang pagpatak ng oras sa sandaling iyon.

***

Six months ago...

Marahan akong itinulak ni Evo papasok sa loob ng sliding glass door ng isang coffee shop.

Si Evo Thunders, na ang pagkakakilala ng karamihan sa klase namin ay isa siyang mayabang, arogante, at higit sa lahat ay "chick boy" kung kanilang tawagin. At oo, isa din siya sa mga matatalik kong kaibigan.

"Sige na 'tol! Basta't tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa'yo, ha?" ang sabi niya at tiniyak na kaming dalawa lang ang nakakarinig sa aming pinag-uusapan.

Wala akong ibang nagawa kundi ay ang makinig sa instructions niya.

"Oh sige, I have to go na, ha?" ang paalam niya after tapping my shoulder. "Someone's waiting for me. Ikaw na ang bahala!" he ended up our conversation at mabilis niyang pinuntahan ang pinto at lumabas na siya.

Samantalang ako? Heto at napasubo sa isang bagay na dapat sana ay hindi naman ako ang dapat na gumagawa. Gusto ko pa sanang umayaw at umatras eh. Ang kaso lang ay may nabitawan na akong pangako sa kanya. Hindi kasi ako 'yong tipo na sisira sa nabitawan ko nang salita. So, I have no choice but to do this.

Inumpisahan ko na ang humakbang. Sa kabilang banda ay wala nang humpay sa pagkabog ang aking dibdib dahil sa matinding kaba. Ano ba naman 'tong napasok ko? Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin maiwasan ang magsisi.

But then, inisip ko na lang that I'm just a good friend. At marahil sa ganoong bagay ko na lang ma-eexplain ang lahat.

Huminto muna ako saglit dahil naglalaban pa rin ang aking puso at isipan if itutuloy ko pa ba ang favor ni Evo sa akin, o hindi na. Palakas pa lalo sa pagkabog nito ang aking dibdib as moment passes by.

I exhaled heavily. And then, I closed my eyes for a second and I opened them up again at inayos ko ang kuwelyo ng suot kong polo.

"Hoo! I can do this!" I cheered up myself.

Kunyari ay confident ako sa aking paglalakad. But the truth is, ramdam ko ang tila libo-libong daga na nagtatakbuhan sa dibdib ko. It seems like something's telling me not to do this. At napatigil ako nang biglang napako sa isang direksyon ang aking paningin.

"Siya na 'yun!" I told myself nang nakita't nakilala ko na ang isang babae na mag-isang nakaupo sa may pinakadulong mesa ng coffee shop. Siya na nga ang babaeng nasa picture na ipinakita sa akin ni Evo kanina bago pa kami maghiwalay.

Nagdadalawang-isip pa rin ako na nilapitan ko siya. Unang-una sa lahat ay hindi kami magkakilala, at pangalawa ay hindi ko kasi alam kung papa'no ko siya i-aapproach.

Pagkarating ko ay marahan akong umupo sa kabilang upuan ng mesa. Bagama't magkaharap na kami sa isa't-isa ay hindi pa rin niya ako pansin dahil siguro sa pagkalibang niya sa kanyang cellphone, at naka-ear phone pa siya.

I was staring at her. She's pretty at tingin ko napakabait niya, and so, I really don't know kung ba't kailangang gawin pa ni Evo ang ganito?

May naalala ako...

__________

"Dude, bestfriend naman kita 'di ba? Gusto ko sanang humingi ng favor sa'yo eh." Evo told me.

"A-Ano 'yun?" ang nagtataka ko namang tanong sa kanya. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na seryoso niya akong kinausap.

He took a deep breath before he continued from speaking. "Gusto ko kasing breakan ang . . . ang girlfriend ko eh!"

"What? Oh, eh ano naman ang connect nun doon sa hinihingi mong favor sa'kin?"

"Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya ang ganito in person. I know in the first place na mali ako. Dude, I'm already in a relationship bago pa man humantong ang lahat sa ganito. Hindi ko naman akalaing seseryosohin niya ang prank na iyon. Na-guiguilty ako. Mabait siyang tao. Kung kaya ay hindi kaya ng aking konsensya na harapin siya at saktan ang kanyang damdamin sa isang bagay na ako naman talaga ang may kasalanan. Please dude, you do the favor for me. Sabihin mo sa kanya na wala namang naging "kami". Na pinuputol ko na ang relasyon na kung anuman ang sa tingin niya na mayroon kaming dalawa. Na hindi karapatdapat ang isang katulad ko sa kanya. At na dapat ay kalimutan na lang niya ako. It was just a prank!"

_________

Damn! Na-guilty tuloy ako doon sa bigla kong naalala. Hindi ko alam kung masasabi ko bang isa akong magandang halimbawa ng kaibigan dahil kinokonsente ko ang ginagawa niya, in which dapat sana ay personal siyang hihingi ng sorry sa isang tao. Hindi ko pa man nagagawa ang favor niya ay inuusig na ako ng aking konsensya.

At pagkaraa'y na-realized ko na hindi ko talaga kayang gawin ang ipinapagawa sa akin ni Evo. Kung kaya ay bigla akong napatayo at tumalikod upang umalis na.

"Wait!"

Subalit ay nagulat ako dahil sa kamay na biglang pumigil sa akin.

"Sandali lang. Bestfriend ka ni Evo, 'di ba?"

Hindi na ako nakaiwas pa. Dahan-dahan ay humarap ako sa kanya nang kinakabahan.

"Y-Yes..."

Nahihiya na marahan niyang inialis ang kanyang kamay mula sa akin. Ganunpaman ay ramdam ko ang sigla mula sa ningning ng kanyang mga mata.

"Sabi ko na nga ba eh. Kaya pamilyar ka sa akin kanina habang papalapit ka dito. Nakikita kasi kita na parati kang kasama ni Evo. Hi, ako nga pala si Merlyn Thompson, ang girlfriend ni Evo. I thought na ipapakilala na niya ako sa inyo?"

Ang totoo'y nalungkot ako mula doon sa mga huling salita na sinambit niya. At natitiyak ko na mapapalitan ng labis na kalungkutan ang maaliwalas niyang mukha kapag nalaman na niya ang totoo kong pakay sa kanya.

"Magkasama ba kayo? 'Asan siya?" ang na-eexcite na tanong niya.

"H-Hindi. Hindi ko siya kasama. Mag-isa lang ako."

"Ah, ganun ba? Hindi ka naman siguro lalapit sa akin kung wala kang sadya 'di ba? What is it?" ang pagpapatuloy niya.

Hindi ko pa rin malaman kung papaano ko ba sasabihin sa kanya ang lahat.

"S-Si Evo ----" ang pagsisimula ko sa'king pagsasalita.

________

[PRESENT]

KRRRRRRRRRRRRRRRRING!

Napukaw na namang bigla ang aking diwa mula sa nakakagambalang alarm ng aking cellphone. 5;00 P.M. na ang nakasaad doon. Napabuntong hininga ako at inayos ko ang aking sarili mula sa pagkakaupo ko sa may back seat ng kinaroroonan kong sasakyan. Ganunpaman ay tila lumulutang pa rin ang aking isipan habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ng sinasakyan kong taxi.

***

Nächstes Kapitel