webnovel

The Moon Is Beautiful

Chapter 32: The Moon Is Beautiful 

Haley's Point of View 

Napapagod akong bumaba sa bus nang marating na namin 'yung HarBarn University. Ginabi na talaga kami nang dating kaya pagod na rin talaga ang lahat sa napakahabang biyahe. 

  "Maghintay muna tayo sandali rito habang tinatawagan natin 'yung magpapapasok sa 'tin sa loob." Sabi ni Sir Santos. 

  Humawak ako sa puno na malapit lang sa akin habang hawak naman ng isa kong kamay ang aking tuhod. Tinapik-tapik naman ni Claire ang likod ko. "Gaano ka ba kahina sa car perfume?" 

  Nagbuga ako nang napakalalim. "As… much as possible, ayoko ng Yellow or Green pine tree." Sagot ko 'tapos ay humawak sa aking bibig dahil bumabaliktad ang sikmura ko kahit na nakababa na kami. Ang gulo rin kasi mag drive nung school driver. 

  "Pero 'di ba madalas kang sumabay kay Reed? Eh, naka sasakyan kayo palagi." Dagdag ni Claire pero huminga lang ako nang malalim. Nung kailan lang naman talaga kami nagkasabay pumasok sa E.U. Mas madalas akong mag commute dahil wala na ako sa edad para gumamit ng skateboard. 

  "Wait, nasusuka ako." Ugh. This sucks! 

  "Oh, sino ama?" Tanong ng kalalapit na si Rose kaya mas sumama 'yung pakiramdam ko at dumura sa lupa nang may mamuo sa loob ng bunganga ko. 

  "P*ta ka." Pagmura ni Claire kaya niyakap ni Rose 'yung sarili niya. 

  Mahina siyang tumili. "Kyah ~! Nakakakiliti, Claire. Tagos na tagos sa puso. Isa pa, please." Sinabi niya 'yan na may kasamang pag ungol kaya kinilabutan naman 'yung isa. 

 

  "M-Masokista ka ba?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Claire na hindi ko lang inimikan. Gusto ko nang magpahinga. 

  "Haley/Hailes." Umangat ang tingin ko nang marinig ko 'yung pangalan ko galing sa dalawang tao. Si Caleb at Reed iyon na nakabuka ang bibig, may inaabot silang mineral sa akin, pareho silang napatingin sa isa't isa pagkatapos nilang ma-realize na nagkasabay sila. 

  Nakatingin lang din kaming tatlo nila Claire at Rose sa kanila nang muli akong tapikin ni Claire bago niya hilahin si Rose paalis. "Wai--" Hindi ko natuloy 'yung binabalak kong pagpapahintay sa dalawang bruha nang halos idikit na nina Reed 'yung mineral sa pagmumukha ko kaya ako naman itong napaurong ang ulo. 

  "Kunin mo." Sabi ni Reed habang inaabot sa akin ang dala niyang mineral. 

  Umabante ng isang hakbang si Caleb. "First come first serve." 

  Pasimple naman akong napaatras habang nawe-weirduhan sa kanilang dalawa. Hoy, ano ako? Binibili? 

  Nagsalubong ang kilay ni Reed na nakatingin kay Caleb nang ibalik sa akin para muling iabot ang mineral. "Ito kunin mo, 'di ba paborito mo 'yung brand na 'to?" 

Sambit niya ro'n sa hawak-hawak niya na hindi ko kaagad nasagot. Hindi ko talaga 'yan paborito dahil pare-pareho lang naman sa akin ang lahat nung tubig na pati nga tubig ng gripo iniinum ko kapagka walang tubig sa bahay. 

  Pero kung siguro si Reed nga ang magbibigay, magiging favorite ko na. 

  "Sino niloloko mo? Pare-pareho lang ang tubig. Paano niya magiging paborito 'yan?" Hirit naman ni Caleb na palihim ko rin namang sinang-ayunan. Kasi tama naman siya. 

 

  Humarap na si Reed sa kanya. "Sino may sabi sa'yo? Wala silang lasa, oo. Pero may mga tubig na masarap." 

  Pati si Caleb, napaharap na rin sa kanya. "Ha? Kahit na ano pa 'yang sinasabi mo, ako 'yung nauna rito kaya 'yung sa akin dapat ang kunin ni Hailes." 

  Umabante si Reed pagkarinig pa lang niya sa naging tawag ni Caleb sa akin. "Hailes? Bakit mo siya tinatawag sa pangalan na 'yan?" Iritableng tanong ni Reed kaya ngumisi si Caleb para mas lalong asarin si Reed. 

  Pinapanood ko lang din silang dalawa nang mapabuntong-hininga ako't naglakad na nga lang paalis. Nawala bigla 'yung naramdaman kong hilo kanina. 

  Naglalakad na ako pabalik kina Claire nang tawagin nila akong pareho kaya nabuwisit ako. Unti-unti ko silang nilingunan habang binibigyan sila ng masamang tingin kaya mga mukha silang natakot. "Masama 'yung pakiramdam ko, huwag n'yo ng dagdagan, ah?" Sabi ko gamit ang aking malalim na boses bago ako pumunta kay Jasper na nakangiti't hawak-hawak ang tumblr. Inabot niya iyon sa akin kaya nagulat naman sina Reed. 

  "Salamat." Pagpapa-salamat ko't binuksan ang takip para inumin. 

Kanina pa kasi talaga niya inaangat 'yung tumblr para sa ipakita sa akin habang nag-aaway sila Caleb at Reed. 

  "Luh! Taksil! Isusumbong kita kay Mirriam!" Duro-duro ni Reed kay Jasper. 

  "And you're calling yourself my brother-in-law?" Hindi makapaniwalang tanong ni Caleb na tinawanan ni Jasper. 

  "Easy, masyado n'yo ng pinagtutulungan 'yung best friend ko, eh. Hindi tuloy makapili." Pagtapat ni Jasper ng dalawa niyang kamay sa tapat ng dibdib niya. 

Pasimple ko naman siyang siniko't pinandilatan kaya nginisihan niya ako. 

  Humarap na lang ako kung nasaan ang dagat. Mula rito sa mataas-taas na lugar ay maririnig 'yung malakas na hampas ng alon, pati rin 'yung amoy ay abot dito. 

Isama mo pa na mas malamig ang simoy ng hangin kaya parang mas lalo akong inaantok. Kaya mabuti na lang at nandiyan na 'yung magle-lead sa amin sa loob. 

  Hindi na kami pumasok sa Van at naglakad na lang dahil malapit-lapit naman daw 'yung dorm na gagamitin namin. 

Akala ko nga magsasama-sama ang babae sa babae't lalaki sa lalaki pero nakakamangha dahil may sari-sarili kaming kwarto kaya may privacy pa rin kahit papaano. Ang yaman talaga ng Harbarn. 

  "Matulog na kayo nang maaga at huwag ng magpuyat. Bukas na kayo maligo dahil anong oras na, baka magkasakit pa kayo. Tutal maaga rin kayong gigising bukas para sa first meeting ng seminar ninyo." Paalala ni Ma'am Puccino.

  "Kung may mga concern kayo, tawagin n'yo lang kami," Turo ni Sir Santos sa magkaharap na pinto nila ni Ma'am Puccino na amin namang sinagot bago kami magkanya-kanya ng punta ng room. Naririnig ko pa si Aiz na kumakanta habang papunta sa sarili niyang kwarto kaya para akong naririndi. Maliban kasi sa wala sa tono, ang ingay ingay pa. 

  "Ugh…" Kailangan ko na talaga ng alone time. Buong magdamag na akong nakakakita ng tao. Hindi ako natutuwa.

  Dumiretsyo ako ng higa pagkapasok ko pa lang sa sarili kong kwarto. Single bed lang ang mayroon sa room na ito, aircon at malaking cabinet. May table sa kanang gilid, pang student dorm nga talaga. 

  Dahan-dahan akong dumapa ng higa. Bagsak na bagsak ang katawan tipong wala na akong oras makapag-ayos ng gamit. Ni magpalit nga yata ng damit wala na akong lakas kahit tulog lang din naman ako nang tulog kanina. Pisti talaga 'yung amoy na 'yon. 

  Kaya si Claire na lang 'yung pasimple kong inaamoy kanina para hindi ko nalalanghap 'yung car perfume. Ang tapang kasi dahil dalawa 'yung nakasabit sa aircon. 

  But speaking of the smell… 

  Inangat ko ang ulo ko nang mapansin ko 'yung amoy nung unan ko. Bakit… amoy mo bigla kong naalala? Lara? 

  Bumaba ang talukap ng mata ko't muling ibinaon ang mukha sa unan. Gusto kong mapag-isa pero kakayanin ko kayang makatulog nang ganito?

  Of course not, umabot ako ng alas dose at gising na gising pa rin kahit wala na akong ginagawa't nakapikit lang ng ilang oras, nakapatay na rin ang ilaw ko't lahat lahat. 'Yung lamok nga, halos hindi ko na pansinin basta makatulog lang ako. 

 

  Low energy na 'yung katawan ko pero ang utak ko, kung saan saan na nakakarating kaya hindi ko magawang makatulog nang maayos. 

  Umalis ako sa kama ko't binuksan ang ilaw para magbihis na muna. Baka kasi hindi ako makatulog dahil kailangan comfy na ako. 

  Sinuot ko 'yung white sleeve ko na pangtulog 'tapos ay pajama. 

Bumalik ako sa pagkakahiga at sinubukang matulog pero hindi ko na magawa kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto ko. Maglalakad lakad na lang muna ako. Hindi naman siguro ako maliligaw. Diyan lang naman ako. 

  Dahan-dahan kong isinara ang pinto at tumingin sa kaliwa't kanan. Buti hindi nila pinapatay ang ilaw rito sa labas. 

  Lumakad na nga ako. Suot suot ko 'yung cotton slippers ko kaya hindi siya nakakagawa ng ingay kapag naglalakad ako. 

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko pero basta kailangan ko munang magpaantok. 

  Kumanan ako tsaka ako nakarating sa malaking balcony lobby. 

At sa hindi kalayuan, nakikita ko si Reed na nakatingin sa mismong malaking salamin kung saan nakatapat sa kanya ang malaking bilog na buwan. 

  Mukha rin namang napansin niya ako kaya napalingon siya sa akin. "Haley. Bakit gising ka pa?" Tanong niya habang papalapit ako sa kanya. 

  Na sa dilim ako nang marating ko 'yung liwanag kung nasaan siya. "I want to ask the same question." Tugon ko habang nakababa lang ang tingin niya sa akin hanggang sa makatabi ako sa kanya. "Hindi ka makatulog?" Tanong ko na tinanguan niya bilang sagot bago ngiting tumingin sa buwan. 

  "Dinalaw ako ni Rain kaya kinakausap ko siya sandali rito." 

  Kinilabutan ako. "H-Hindi mo naman sinasabing nakikita mo si Rain, ano?" Kinakabahan kong tanong na tinawanan niya. 

  "Hindi, sa panaginip." Sagot niya na nagpabuka sa bibig ko. 

Dinalaw rin siya ng kapatid niya. 

  Humarap na rin ako sa buwan. "So? Tapos na ba kayong mag-usap o nakaisturbo ako?" Tanong ko sa kanya. 

  "Katatapos lang talaga, sakto nung dumating ka. Parang sinagot niya 'yung tinatanong ko sa kanya." Nakangiti pa rin siya nang sabihin niya iyan habang nakaangat lang ang tingin ko sa kanya. 

  "Hmm…" Paggawa ko ng tunog at labas sa ilong na ngumiti. "Hindi ko na tatanungin kung ano 'yan." sabay balik ng tingin sa buwan. 

  Nakita ko sa peripheral eye view ko 'yung pagtango niya tsaka kami nanahimik sandali. Iyong katahimikan na namamagitan sa aming dalawa, napakagaan lang sa pakiramdam. Walang bigat, kumbaga parang umaayon pa nga ito sa aming dalawa habang ang ingay lamang ng kuliglig ang aming naririnig. 

 

  Bumababa ang malaking bilog na buwan, ni hindi nga namin napansin na nakatapat na mismo sa aming dalawa. 

Tumitig ako kasi iba 'yung ganda nito ngayon kumpara sa madalas kong makita gabi-gabi. 

 

  "The moon is beautiful, isn't?" 

  Nanlaki ang mata ko pagkarinig ko pa lang sa katagang iyon. 

'Tapos naalala ko 'yung narinig kong usapan nila Harvey noon tungkol sa katagang iyan. 

Flashback: 

  "Nahihirapan ka bang sabihin sa kanya na mahal mo siya? Edi sabihin mo sa kanya 'yung sikat na linyahan na 'The moon is beautiful' thingy." Pangunguna ni Mirriam habang na sa tambayan lang kaming apat. Nagkukwentuhan lang sila Harvey pampalipas ng oras habang natutulog lang din ako sa pahabang sofa dahil ang lamig lamig nung aircon. 

  Wala pa sila Jasper at Kei dahil may mga inasikaso sila sa E.U. 

  Kumamot sa batok si Harvey. "Para namang ang dali dali." 

Balak ko sana matulog pero heto ako't nakikinig sa usapan nila. 

  "Bakit? Ano pala mayroon sa linya na 'yon?" Tanong ni Reed na may kuryosidad. 

  Nagpameywang paharap si Mirriam sa kanya na may pagtaas-noo. "I love you ang meaning niyon kapag sinabi mo 'yan sa isang tao na kayong dalawa lang. It came from the writer, Natsume Souseki in Meiji Era in Japan." Humalukipkip si Mirriam pagkatapos. "Nasabi kasi na iyong isa sa students ni Natsume ay nagsabi ng I love you in an awkward way, kaya itinuro niya 'yong other way to say I love you sa madaling paraan bilang produkto ng kultura nila ng mga panahon na 'yan." Pagbibigay kaalaman niya na pati ako ay namangha. 

  I didn't know there's such a thing. 

  Sumimangot si Mirriam pagkatapos. "Geez. Nakikinig ka ba talaga sa literature natin?" 

  Humawak sa likurang ulo si Reed. "Nakalimutan ko lang siguro." 

  "So boys, ano pa hinihintay n'yo? Iyon ang sabihin n'yo sa mga gurls n'yo." 'Tapos naramdaman ko 'yung pagtingin ni Mirriam sa gawi ko kaya ako naman itong kunwaring nagkunat at tumalikod sa kanila tutal alam naman nilang natutulog ako. 

End of Flashback: 

  Namula ng buong mukha ko kaya bigla na lang din akong tumalikod kay Reed. "Oo nga, ang ganda." Pagsang-ayon ko habang hindi pinapahalata sa kanya 'yung nararamdaman ko. Control yourself! 

  Huminga ako nang malalim. "Oh, siya. Medyo inantok din ako bigla. Matutulog na ako." Paalam ko at naglakad. 

  "Haley, sandali--" Pagkalingon ko sa kanya, naabutan kong natapakan niya 'yung sarili niyang paa kaya matatapilok na talaga sana siya nang subukan ko siyang saluhin, pero shunga rin kasi ako. Nataranta ako kaya pati ako, natapakan ko rin 'yung paa ko't bumagsak sa kanya kaya ngayon ay nakapatong ako sa kanya. 

  Hawak-hawak ko ang balikat niya't nakapikit nang mariin noong mabilis ko ring sinilip ang mukha niya para makita kung okay lang ba siya. "S-Sorry, 'di ko sinasadya." Paghingi ko ng pasensiya habang nakatitig lang din siya sa mga mata ko. 

  Titig na titig iyon kaya pati ako, napatitig din sa mga mata niya. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa na pati 'yung init ng hininga ng isa't isa ay nararamdaman namin. 

 

  Kahit na gusto ko mang tanggalin 'yung tingin ko, hindi ko na magawa. Nanatili lang akong nakatingin sa itim niyang mata habang na sa tapat pa rin kaming dalawa ng malaking bintana kung saan tumatapat ang liwanag nung buwan. 

  "Bakit nagiging ganito ka sa akin?" Tanong niya, alam ko kung ano ibig niyang sabihin pero nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanya. Humawak siya sa isa kong kamay na nandoon sa kanang balikat niya't inilagay sa dibdib niya ang aming mga kamay. "Bakit may iba? O ako lang ba ang nakakaramdam nito?" Nakita ko sa mata niya ang panginginig nito, tila rin parang kumikinang itong nakatingin sa akin nang dahil na rin sa liwanag na nanggaling sa buwan. 

  "Mayroon ba akong… aasahan?" Dagdag niya na siyang nagpaawang-bibig sa akin. 

  I should tell him. Right now. 

***** 

Nächstes Kapitel