webnovel

Diligence

Chapter 11: Diligence. 

Haley's Point of View 

  Kinabukasan. Nag set ako ng alarm dahil napuyat ako sa ginawa kong module para sa magiging presentation na gagawin namin mamaya. 

Mahimbing lang akong natutulog noong maalipungatan ako. Nagtataka rin ako dahil imbes na alarm tone ang naririnig ko, iba yatang tunog ang pumapasok sa tainga ko kaya idinilat ko ang aking mga mata para umupo mula sa pagkakahiga. Kinusot kusot ko ang mata ko at napatingin sa bintana ko dahil parang may namamato roon. Wala pang umaga… 

 

  Medyo sabog ako kaya hindi kaagad ako nakabangon at napapapikit pikit pa rin. Subalit dahil sunod-sunod na 'yung pagbato sa bintana ko nung parang maliliit na bato ay napatayo na ako. "Sino ba 'tong nagbabato?" Iritable kong tanong at binuksan na nga ang bintana. Dinungaw ko 'yung ulo ko para malaman kung sino pero nagulat ako dahil sumapul sa pagmumukha ko ang sapatos ng kung sino na siyang dahilan para mapabagsak ako sa sahig. 

  Humawak ako sa mukha ko't mariin na napapikit. "Ugh…" Pagpigil ko ng ingay. 

  "Miles! Miles!" Walang boses na tawag nung pamilyar na taong iyon kaya uminit ang ulo ko. Tumayo kaagad ako at binato kay Rose ang sapatos niya na siya naman sa pagsalo niya no'n. "Salamat." Inamoy muna niya loob ng sapatos niya bago niya suotin. May sapak talaga sa ulo 'tong babaeng 'to. 

  "Last day na natin 'to sa pag-aayos, dalian mo kung gusto mong gumanda ang college life mo." Sabay tongue out at bigay niya ng thumbs up. 

  Napahilamos ako sa mukha ng wala sa oras. Bakit nga ba ako nag volunteer na tulungan siya? 

  Inilipat ko ang tingin kay Claire na nakatagilid at humihikab pa. Nadamay kasi talaga siya or should I say napilitan. Ganito kasi ang nangyari. 

  Isang linggo't dalawang araw ang nakakalipas. Nagkaroon na kaagad kami ng election for College Supreme Student Government. Knowing na lalaban pa rin ang dating president na ngayo'y last year of school, hindi pa rin iyon ang rason para magpatalo si Rose. 

Flashback: 

  Na sa isang cafe kami't gumagawa ng minor project na dapat ay sa classroom namin ginawa. Nagkataon  din na magkaka grupo kami ni Claire at Rose, gayun din si Aiz na wala ng ginawa kundi ang magpaka donya roon sa upuan niya't chill lang kung uminum ng kape niya. 

  "Kanina ko pa pinapagawa 'to sa'yo wala ka pa ring nasimulan?!" Bulyaw ko kay Aiz at hampas sa lamesa kaya tinakpan niya 'yung isa niyang tainga at mariin na pumikit. 

  "B*tch. Hindi mo ba nakikita 'tong magaganda kong kuko?" Inilapit niya sa pagmumukha ko ang likurang palad niya para ipakita ang mga kuko niyang puno ng disenyo. "Paano kung mabali 'to? Don't you know how much it cos--" Kinuha ko ang pulso niya at kinuha ang gunting na dapat ay ipanggugupit niya sa mga pictures mula sa newspaper. 

  "Wala akong pakielam sa kuko mo, kung gusto mo ako pa puputol niyan sa'yo." At binuka sara ko ang gunting na siya naman sa marahas niyang pagbawi ng kamay niya. 

  "B*tch! Akin na nga 'yan!" Sabay hablot niya sa gunting at suminghot na parang umaaktong umiiyak. "Bakit n'yo kasi ako iniwan sa demonyong 'to, Kath… Trixie…"

  Napairap na lamang ako. "Tama ba 'to?" Pag check sa akin ni Claire doon sa pinagawa ni Rose kanina sa classroom. Tumango ako kasi nasabi naman na ni Rose 'yung gagawin. 

  Dumating na si Rose mula sa kung saan kasama si Jasper. "Hey ~!" Bati niya kaya lumingon ako sa pinanggalingan nung boses. "May good news ako. Hindi n'yo aakalain." 

  Tumabi si Jasper sa akin at inakbayan ako. "Hi, best friend." Bati niya pero inalis ko lang 'yung kamay na nakaakbay sa akin saka walang ganang napatingin kay Aiz na naglalaway na nakatingin kay Jasper at kulang na lang ay magkaroon siya ng puso sa kanyang mga mata. 

  "Aiz, may balak kang maging kabet?" Tanong ko kaya sa akin na niya itinuon ang atensiyon niya. 

 

  "Ano'ng sabi mo?!" Pikon naman nito.

  Inilipat ko na nga lang ang tingin kay Rose. "So? Ano kamo 'yung good news?" Pasimple ko namang tanong ng hindi pinapahalatang curious din ako. 

Tumangu-tango si Rose at saka humalukipkip na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Nanatili pa rin siyang nakatayo roon sa gilid namin.

  "Alam kong excited ka rin tulad ko, pero hindi ko na patatagalin." Inilabas niya ang cellphone niya para ipakita ang na sa screen. "Nominated ako as president for CSSG!" Pagpapakita niya ng result mula sa facebook page. Naka post lang 2 minutes ago. 

  Inayos niya 'yung salamin niya. "Alam kong magaling na ako kaya 'di mo na ako kailangan pang puriin." At tinapat pa niya ang palad sa mukha ko. Umurong lang ako nang kaunti. 

  "Hindi naman sa sinisira ko 'yung kasiyahan mo, pero talagang kasama ka sa mga candidates dahil ikaw lang naman 'yung lalaban kasama ang isa pang tatakbo bilang president sa CSSG." Bumaba ang balikat ni Rose pagkasabi niyon ni Claire na tuloy tuloy lang sa pagdikit ng mga ginupit ni Aiz galing sa newspaper doon sa illustration.

  "Eh, hindi rin naman nakakapagtaka. Halos tatlong taon ng naging president si Miyuki." Singit ni Aiz. Iyon ang pangalan ng dating president ng CSSG na ngayo'y muling tatakbo sa huli niyang taon. "Kaya wala ng magtatangka na makipaglaban sa kanya." Pag gesture ni Aiz. 

  Nag thumbs up si Jasper. "Ang galing ng fighting spirit mo, class prez!" 

  Tumalikod si Rose. "Gagawin ko ang lahat para ako ang pumalit!" Muli siyang humarap sa amin saka niya hinampas ang lamesa. "Kaya tulungan niyo ako--" 

  "Pass. Busy ako." Sagot kaagad ni Aiz. 

  Inangat naman ni Jasper ang kanan niyang kamay. "Alam ko kung ano 'yung gusto mong mangyari pero baka hindi rin kita matulungan dahil palagi akong duty sa clinic namin." Sagot naman ni Jasper, at totoo 'yon. 

  Pumikit ako. Wala naman akong gagawin pero wala rin naman akong matutulong sa kanya. Baka nga mamaya maging pabigat pa ako. Kaso… Gusto ko rin siyang suportahan.

  Pinapanood ko lang si Rose na ngayo'y nakikipag-usap kila Claire at hinaharot harot ang mga ito. 

  Madalas man siguro ako mainis sa kanya pero hindi ko naman ipagkakaila na palagi siyang nandiyan kahit hindi ko naman kailangan. 

Ewan ko kung dahil naramdaman niya nung una na medyo nalulungkot ko, o ano. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin na naghahanap lang din siya ng kasama lalo na't close na close na siya sa lahat. 

  I know deep inside na magaling na leader talaga si Rose. Kaya ko rin gusto siyang suportahan hindi dahil sa kaklase o kaibigan ko siya. 

Tumikhim ako. "Ahm, pwede naman ako." Napatigil si Rose sa pagdikit dikit niya ng pisngi sa pisngi ni Claire at napatingin sa akin. 

  Hindi ko lang din inaalis ang tingin sa kanya. "Pwede kita tulungan, pwede mong sabihin kung ano maitutulong ko sa'yo pero--" Hinawakan kaagad ni Rose ang mga kamay ko na may pagkinang sa kanyang mata. 

  "Tutulungan mo talaga ako?!" Hindi niya makapaniwalang tanong sa akin na may pagpatong ng noo sa akin. Nakadikit na rin ang ilong niya sa ilong ko kaya namula ako dahil nako-conscious ako. 

  "O-Oo, kaya lumayo ka nga sa aki--" Hindi ko pa nga natatapos 'yung sinasabi ko ay lumayo na nga siya sa akin at nakipag shake hands. "It's nice to work with you, sidekick!" 

  May pumitik sa sintido ko. "Sidekick…?" Ulit ko sa binanggit niya. 

  Hindi niya pinansin 'yung sinabi ko at humarap lang kay Claire. "Hindi pa huli, ayaw mo talagang maging vice president ko?" Tanong ni Rose na nagpaurong sa ulo ni Claire. 'Di mo mawari kung naiilang siya o ano. 

  Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. "Rose, stop it. You're being persistent." 

 

  Mukhang na-realize 'yon ni Rose kaya umayos siya nang tayo at tumingin kay Claire na parang nagsisi siya sa ginawa niya. "I'm sorry, na-overwhelm lang." Humawak siya sa batok niya at tumawa pero mahahalata mong pilit. "Well, iboto n'yo ako, ah?" At labas ngipin itong ngumiti. 

  Tumitig lang kami sa kanya nang mapatingin ako kay Claire dahil bigla siyang pumayag sa pagtulong kay Rose sa kung ano man ang gusto niyang ipapatulong dahilan para yakapin niya ito at muling idinikit ang pisngi sa kanya. 

  "Gosh! Manahimik nga kayo, nasisira Godly work ko-- Hoy, Haley! Ano tinutunganga mo diyan? Hindi mo 'ko tutulungan?" Pambubunganga naman ni Aiz kaya sumimangot ako at hinablot ang dapat na gawain pa. 

End of Flashback: 

  Lumabas ako ng bahay na antok na antok pa rin. Ramdam ko rin 'yung pagod ng mata ko na pwede ng makapikit anytime kung mag off guard ako. 

"Haggard." Kumento ni Claire nang makahinto ako sa harapan nila. 

  "So do you." Sagot ko dahil mugto rin mata niya sa puyat. 

  Pero si Rose? Ang alam ko online pa 'yan kaninang 3AM pero mukha pa rin naman siyang okay. 

  "Naligo ka?" Tanong ni Rose kaya ako naman itong pagod na napatingin sa kanya. 

  "Kaya nga medyo matagal ako, 'di ba?" Pamimiloso po ko at naglakad na. "Tara na nang matapos na 'to." Pangunguna ko para mag paskil ng promotion papers sa E.U. 

Kung tatanungin kung bakit dumaan sila Rose rito, iyon ay dahil dito rin 'yung daan nilang pareho papuntang E.U. 

  Iilang kanto lang sila mula sa bahay. 

*** 

  NARATING NA namin ang E.U. at gaya nga ng inaasahan ay madilim dahil paangat pa lang naman ang araw. Partida, dalawang oras lang tulog ko niyan, ah? 

Sino ba namang mag-aakala na ganito pala kapag nag college ka? Hindi puwedeng petiks? Kasalanan ba 'to ng high school ko dahil chill pa kami? Pero ang sabi nila, dapat medyo chill ka pa sa first year, eh. Scam. 

  "Ang aga n'yo ulit, ah?" Bungad sa amin ni kuya Guard nang makapasok at nang mai-scan namin 'yung mga I.D namin sa scanning device. Iyon 'yung project na ginawa nila Reed at Kei bilang thesis nila na naging successful naman. 

'Pag magkasama talaga 'yung mag bestfriend, ang dami talagang nagagawa. 

Talagang malaki nga talaga potensiyal nilang imana ang skwelahan na 'to. 

  "Mag-iingat kayo diyan sa loob, ah?" Bilin ni kuya guard kaya ako naman itong napahinto para lingunin siya na may pagtataka sa aking mukha. "May pagala gala pa namang babae na nakabestida." 

  Kinilabutan kaagad ako pagkarinig ko pa lang niyon. "A-Anong nakaputing bestida? W-White Lady ba tinutukoy mo? Naniniwala kayo roon?" Humarap ako kay kuya guard at humalukipkip. "Baka guni-guni mo lang iyon?" 

  "Naku hindi, hija. Tingnan mo ito." Lumapit sa akin si kuya guard at pinakita sa akin ang isang video mula sa phone. "Galing ito sa CCTV sa harapan ng prayer room." Pinindot niya ang play button nung video. Hapon iyon ayon sa oras na nakalagay sa ibabang screen. May tumatakbong estudyante malapit kung nasaan ang CCTV, nung una parang wala lang pero mga ilang segundo ay may mabagal na nagpakita sa screen na nakabestida. 

  Unti-unti akong napahawak sa bibig ko nang I-pause ni kuya at ituro ang ilalim ng bestida. "Nakalutang, oh?" Turo ni kuya roon sa paahan ni ate kaya dali dali akong pumunta kila Rose. 

  "Gusto n'yong pumunta sa kalapit na convenience store? Marami pa naman tayong oras, mamaya na tayo magpaskil ng-- Eek!" Napatili ako dahil biglang hinipan ni Rose ang tainga ko na siyang nagpahawak niyon sa akin. Lumayo rin ako sa kanya at ramdam na ramdam ang pagtaas ng aking balahibo. "F*c--" Hindi ko pa nga natutuloy 'yung mura ko ay nasampal niya ang bibig ko kaya iyon naman ang nahawakan ko. 

  Nakalabas ang ballpen ni Rose at may sinusulat sa palad niya nang ipakita niya iyon sa akin. "May lamok." 

  May pumitik sa sintido ko. Samantalang naglabas naman si Claire ng pentel pen niya para iabot sa akin. 'Tapos nilapitan si kuya guard. "Kuya, pahiram sandali ng baton mo." Binigay nga ni kuya guard ang baton na nakasabit sa gilid nung sinturon niya kay Claire. Pagkatapos ay ipinasa sa akin. "Drawing-an mo rin 'tapos ihampas mo sa kanya. Sabihin mo sa kanyang may lamok." 

  "Wow, good idea." Pagsang-ayon ko. 

  Humalakhak si Rose at humawak sa likurang ulo niya. "Scary. Scary." 

Humarap na siya sa building. "Kung gusto n'yo, doon muna kayo sa convenience store at kumain tutal hindi pa naman kayo nagbe-breakfast. Tatapusin ko lang itong pagpaskil para wala na tayong gagawin mamaya." Sabi niya at lumakad na. 

  Napatingin na lang kami ni Claire sa isa't isa at malalim na bumuntong-hininga. "Paano ka ba naman namin mapapabayaan niyan?" Bulong ko sa sarili bago ko ibigay kay kuya Guard ang baton pabalik para sumunod kay Rose. Lumakad na rin si Claire para sumabay. 

Nächstes Kapitel