webnovel

Chapter 16

After namin makalabas sa hospital ay inaya ko ng umuwi si Luke. I decided na mag stay nalang muna siya sa unit ko to sleep. I need to catch up with him and we need to talk a lot of things. For the past two years I didn't know anything kung anong nangyari sakaniya and I wanna know kung paano siya nagkaroon ng sarili niyang Mafia.

I think I don't need to tell him the happenings of my life for the past two years. He doesn't need to know about it because I know alam na niya ang lahat. He always finds his ways to be updated. Si Luke pa ba? He always wants to know everything about my life.

We're here in my living room sitting on the couch and drinking some beers to light up the mood. That's one of the purpose of alcohol.

"I made you as my inspiration." He answered as I asked him how did he make himself a Mafia Boss.

He was a Mafia Leader before in Blockers Mafia pero pinilit ko siyang umalis doon. I don't want him to become a Mafia Leader. Ayaw kong mas lumamang siya sa akin noon. Kaya hiniling ko yun sakaniya and he granted it. Haay. Kapag naiisip ko ang mga pinagawa ko sakaniya noon dahil sa galit ko parang nakokonsensya ako. I feel so guilty.

"I always think about you that time, Lucia. Kasi gusto ko pagbalik ko may maipagmamalaki ako saiyo. Hindi para ipagyabang. But I want you to be proud of me. Na kahit pina alis mo ako at naging miserable ang buhay ko sa Cali atleast may na achieve pa rin ako. Specially everytime na nalalaman kong lagi kayong nananalo sa lahat ng battles and contests na sinasalihan niyo ng grupo mo."

"Ang ganda ko naman pala."

"Yuck." Sagot niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung yuck ako yuck ka rin tandaan mo yan."

Panay ang kwento niya sa akin sa naging buhay niya sa California. Palagay ko nga ay aabutin kami hanggang mamayang umaga sa sobrang dami ng kinekwento niya.

Napatigil ako sa pakikinig sakaniya nang mag ring ang cellphone ko. I looked on the screen and it's Kennedy who's calling.

Anong oras na bakit tumatawag pa siya? Hindi pa ba sila nakauwi?

"Bru?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Bru! Nasaan ka?!" Hinihingal niyang tanong sa akin. May humahabol ba sakaniya?

"Edi nasa unit. Hoy Kennedy Sarmiento! Anong ginagawa mo? Bakit ka hinihingal?! Naku! Yan na nga ba sinasabi ko e."

"Ito kasing manliligaw mo! Pinagod ako! Nagwawala! Pumunta ka dito bilisan mo. Pagod na akong umawat kaya nagpapahinga muna ako ngayon."

"What? E sinong umaawat sakaniya ngayon?"

The fuck? Bakit siya nagwawala? Ano namang problema ng lalaking yun at naisipan niyang mawala doon? Kung nagwawala siya malamang sa malamang lasing na yun. Baka sa utak niya nilagay lahat ng alak na nilaklak niya.

"Si Kai, Alex at Kent. Bilisan mo. Lucia siya nang Lucia. Nababaliw na yata 'to."

"Ano nanaman bang problema nang isang iyan? Bakit niya ako hinahanap?"

"Ewan. Tanungin ko?"

"Abnormal ka talaga."

"Pumunta ka na dito. Lagot nanaman ako nito dahil nagbasag siya ng mga bote."

"O siya sige. Pupunta na ako. Watch him."

Binaba ni Kennedy ang call. Inis akong napatayo sa sofa.

"What happened?"

"Punta muna tayo sa Bar nila Kennedy. I need to meet someone."

"It's already 1 am at may kikitain kapa at this time? Kababae mong tao."

"Let's go. Huwag ka ng madaming satsat."

Sumama sa akin si Luke para sunduin ang hinayupak na pokpok. I drove the car going to the bar kung nasaan sila. Iniisip ko ngayon kung bakit siya nagwawala? Anong dahilan ng pagwawala niya? Bakit Lucia siya ng Lucia? Ako ba ang may kasalanan? May nagawa ba ako? Wala naman diba?

Pagdating namin ay mabilis kong pinark ang sasakyan at hinagis ang susi kay Luke. Pumasok ako sa bar at nakasunod lang siya sa akin.

"Lucia! Mygosh! Your suitor is crazy! Nagwawala dahil hindi ka raw nag congrats sakaniya!" Salubong ni Lancie sa akin. Lasing na rin si gaga dahil amoy na amoy ko ang alak sakaniya at pulang pula na ang mukha nito.

"Hoy babae. Lasing ka na rin. Umuwi ka na. Where is he?"

"Gaga! Nandito bebe ko e. Pinasok siya sa VIP room dahil ang daming taong natakot sakaniya. Nagbasag ba naman ng mga bote! Mygosh."

Dumiretso kami sa isang VIP room at pagkapasok na pagkapasok ko ay halos matawa ako dahil hawak hawak ni Kent at Alex sa magkabilang kamay si Edema habang nagpupumiglas at sumisigaw pa ito.

"Pakawalan niyo ako. Bitawan niyo nga ako. You motherfuckers!"

"O Evan! Ayan na ang Lucia mo. Fuck you ka. Napagod ako sayo. Imbes na inaasar ko si Helena ngayon nang aawat ako dito." Binitawan ni Alex si Ethan at binatukan ito bago umalis doon sa may sofa.

Lumapit ako sakaniya at lasing na lasing ang pokpok. Nakatayo ako sa harap niya habang lupaypay siyang naka upo sa may sofa.

"Hoy. Anong nangyari sayo?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Ang pungay ng mga mata niya ngayon at nahihirapan siyang ipantay ang paningin niya sa akin.

Nang makumpirma niyang ako ito ay mabilis niya akong niyakap  nang mahigpit papalapit sakaniya.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang yun. Why am I reacting like this?

"Wow! Retired pokpok ka na ba Evan?" Sigaw ni Alex sabay tawa nang malakas pati ang ibang mga nandito sa room ay nakitawanan din. Makapag sabi ng pokpok, akala mo siya hindi.

Tuwang tuwa ang mga ugok. Edad is known for being a Casanova. So maybe they are laughing at him dahil ganito ang sitwasyon niya ngayon. Wasted and seeking for someone. And that's me. SLM. /So lucky me/

"Lucia, bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka nag congrats sa akin? Hindi mo ba nakita kanina? Ako yung nagpanalo sa laban."

Tinaas niya ang dalawang kamay niya at umakto siya na parang nagsushoot ng bola. Abnormal.

"Hindi mo na nga ako pinang cheer, hindi mo pa ako cinongrats. Mashaket. Dito oh." Turo niya sa dibdib niya habang pinipilit imulat ang mga mata niyang bumabagsak na.

Don't tell me nagka ganito siya dahil don? Hindi na ako nakapag congrats because my gangmates were the losers. So I need to be with them. Talo na nga, iiwan ko pa ba?

"Edi congrats."

"Bakit ka sumama doon sa lalaking isa na yun kanina? Sino ba yung Luke na yun sayo ha? Ganon ba siya ka importante para iwan mo ko?"

Bakit niya tinatanong sa akin si Luke? Masama bang sumama sakaniya? Hindi ko na talaga maintindihan ang isang 'to. Kung ano ano pinaglalaban.

"Mas gwapo naman ako dun. Mas masarap. Mas magaling. Atsaka mas malaki ang alaga ko don."

"Putangina. HAHAHAHA." Nagsitawanan nanaman ang mga kaibigan niya. Punyetang lalaki na to. Pinapahiya niya ang sarili niya dito. At ito namang mga kaibigan niya ano bang nakakatawa don? Pagbabatuhin ko to ng mga bote e.

"Tumayo ka na diyan. Uuwi na tayo."

"Bro videohan niyo. Tiyak madaming iiyak na babae once na kumalat tong video na ito." Suggest ng gagong Alex. Wala talaga siyang magawang matino.

"Oo nga. Biruin mo babaero noon, seryoso na ngayon. HAHAHAHA."

Napuno nanaman ng kantsawan at tawanan ang vip room. Letse talaga. Napipikon ako sakanila dahil pinagtatawanan nila si Editor!

"Punyeta kayo. Tumigil kayo diyan. Kung ayaw niyong batuhin ko kayong lahat ng mga bote dito." Bawal ko sakanila.

"Hindi mo ba ako gusto, Lucia? Kasi ako gustong gusto kita." Niyakap niya ako ulit and this time napakahigpit na talaga ng yakap niya sa akin na parang ayaw niya na akong makawala sa kaniya. Naka subsob ngayon ang mukha niya sa may bandang tiyan ko. Good thing okay na ang sugat ko kung hindi naiuntog kona ang ulo niya sa may pader.

Okay naman na ang tiyan ko pero bakit pakiramdam ko kumikirot 'to ngayon. Kinikilig ba ako? Luh! Parang sira ih.

"Mahal... mahal..."

Napatigil ako sandali at pinigilan ko ang hininga ko. Omg! Ito na ba iyon? Sasabihin niya na bang mahal na niya ako? Para naman akong nabuhayan at biglang na excite.

"Mahal mo na ako?" Tanong ko sakaniya. Ako na mismo ang nagtanong dahil hindi ko na kayang hintayin kung ano mang sasabihin niya. Ito ang pinaka hihintay ko e! Like omggg.

Tinignan ko si Hong na nakaupo sa tabi ni Ehe at para siyang tanga na nakikinig dito sa amin. Focus na focus siya at mukhang mas excited pa siya sa akin.

"Mahalaga ka sa akin."

Napairap ako sa narinig ko. Pumalakpak si Hong dahil akala niya siguro ay talo na siya. Bwisit.

"Sayang! Akala ko yun na e." Sabi niya sa akin at tumayo siya papalabas ng vip room.

"Tumayo ka na nga diyan! Nang gigigil ako sa'yo." Padabog  kong hinila si Exercise pero sobrang bigat niya at lupaypay pa rin siya sa may sofa.

Nabadtrip ako dahil akala ko sasabihin niya na sa akin na mahal na niya ako. Umasa ako e. Nandoon na! Ayun na e. Yun pala MAHALaga lang ako. Punyemas talaga. Lakas maka siopao! Asado flavor.

"Luke! Tulungan mo ako dito. Buhatin mo."

"Bakit ako? May sugat ako oh?! Manliligaw mo 'yan. Edi buhatin mo."

"Hindi ko mabubuhat mag isa 'to. Tulungan mo na ako dito. Dami mo pang sinasabi."

Bumaling naman siya sa mga kaibigan ni Eklabush dito at pinagtuturo niya ang mga yun. Nasapo ko ang noo ko.

"Hoy! Kayo kaibigan niya diba? Edi buhatin niyo yan. Uuwi na lang ako."

Umalis si gago sa vip room at iniwan ako dito. Hayuuup talaga.

"Kennedy! Kanina ka pa nagpapahinga diba? Kanina ka pa nakaupo diyan. Pumunta ka nga dito. Tulungan mo ako."

"Pagod pa ako bru."

"Sasampalin kita." Banta ko sakaniya.

"Ito na nga oh."

Lumapit sa akin si Kennedy at tinulungan akong akayin ang walanghiyang pokpok na lasinggero na 'to. Wala na siyang malay at nakapikit na siya. Tawa pa rin ng tawa ang mga kaibigan niya doon sa VIP room kaya pinagmumura ko muna silang lahat bago ako umalis.

"Bru, bakit ba naglasing 'to? Dahil lang doon naglasing na siya?" Tanong ko kay Kennedy nang makalabas na kami dito sa bar.

Naghihintay kami ng taxi dahil iniwan nga kami ni  Luke. Kakasabi ko lang kanina na huwag akong iiwan pero nauna pa siyang umalis.

"Ewan ko bru. Hindi ko naman siya tinanong e. Tanong mo bukas para alam mo. Hehe."

"Bibinggo ka na sa akin ha. Isa pa."

"Sa letrang O!" Singit ni Egyptian. Binatukan ko siya dahil bigla bigla nalang siyang sumisingit.

"Sorry bru. Hehe. Pero kanina pa siya badtrip dahil kay Luke. Pagkatapos naming maglaro puro siya Luke. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi naman ako manghuhula. Akala ko nga crush niya e. Kasi sabi nila tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Pero galit naman siya. Kaya naisip ko na hindi niya crush."

"Tanginang Luke yan. Babasagin ko mukha nun." Singit nanaman niya.

"Hoy! Inaano ka ba nung tao? Wala namang ginagawa sa'yo. Hindi mo kilala yun." Sagot ko sakaniya.

"Wala akong pake."

"Strong naman pala itong si Evan, bru e. Kapag nalaman niya kaya kung sino si Luke maging strong pa rin kaya siya?"

"Aba malay ko."

"O ayan na taxi bru. Uwi na rin ako maya maya. Ingat kayo."

"Sige bru. Bilin ko sayo ha? Huwag magpapakalasing."

"Oo bru. Alam ko na 'yun."

Sumakay na kami ng taxi at bumyahe pauwi sa building. Doon ko nalang siya iuuwi kaysa ihatid pa siya sa condo niya. Pagdating namin sa building ay akay akay ko siya papasok hanggang sa makarating kami sa unit ko. Grabe ang bigat!

Umakyat na kami sa kwarto ko at hiniga siya sa may kama. Maalis na yata ang balakang ko.

"Lucia.."

"Oh?" Sagot ko habang inaalis ang sapatos niyang soot.

Iinom inom hindi naman pala kaya.

"Hindi mo ako gusto. May gusto ka nang iba."

"Paano mo nasabe?"

"Gusto mo si Luke. At hindi ako. Pero ikaw gusto kita. Ikaw lang."

Napa smile ako sa sinabi niya. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.

"Gusto mo ako?"

"Oo."

"Bakit mo ako gusto?"

"Gusto kitang tikman."

Ay punyeta! Nasampal ko siya dahil sa sagot niya. Napaka bastos!

"Bastos ka ah."

"Sayo nalang ako bastos ngayon, Lucia."

"Pero hindi mo pa ba ako mahal?"

"Mamahalin palang. Huwag mo akong madiliin. It takes time."

Hindi ko mapigilang matawa sakaniya. Sarap talaga kausap ang mga taong lasing. Dahil hindi nila napipigilan ang mga lumalabas sa bibig nila at nagiging honest rin sila.

"Pero may pag asa bang mahalin mo ako?" Tanong ko ulit.

Humarap siya sa akin at niyakap ako. Magkaharap kami ngayon at napatitig ako sa mga labi niyang pulang pula.

Ang sarap laplapin. Jusko Lord! Patawarin niyo po ako at ako'y nagnanasa nanaman.

"You're asking me that? I'm already falling, Lucia. But I don't know if you'll catch me." He kissed me after saying that.

Enebe.

Tumigil siya sa paghalik sa akin at pagbukas ko sa mga mata ko ay tulog na siya. Banaman yan! Bitin. But it's okay. Kahit tulog siya ay pwede ko naman siyang halikan diba? So I just did. Hindi ako titigil habang hindi ako nagsasawa. Wala akong pake kung tulog man siya. I'm not taking advantage here dahil kung gising siya ay baka tuwang tuwa pa siya sa ginagawa ko ngayon sakaniya.

In the morning mas nauna akong nagising. He's still sleeping in my room kaya napag isipan ko nalang na magluto ng breakfast. Ang swerte naman niya. Pinagluluto siya ng isang dyosa, maganda, sexy, matalino at higit sa lahat masarap. Letse! Nahahawa na yata ako kay Kennedy sa pagpupuri sa sarili.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit napaka init ng dugo ni Exception kay Luke. Sa pagkaka alam ko naman hindi naman sila nagka alitan or what nung game. Naglaro lang naman sila ng basketball kahapon. Yun lang naman yun. Wala namang big deal don diba? Kaya anong pinuputok ng butchi niya?

"Huy!"

"Ay! Anak ka ng tatay mo."

"Anak talaga ako ng tatay ko."

"Jusko naman Luke! Maka gulat wagas! Paano ka nakapasok?!" Tanong ko.

"Sa pinto. Pumasok kami." Sagot ni Kennedy na ngayon ay inaantok pa habang umuupo sa upuan dito sa may dining table.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito? At ikaw bru? Hindi ka ba natulog?"

"E itong si Luke! Niyaya ako na mag breakfast dito. Ginising pa talaga ako. Aga aga pa e."

"E bakit ka kasi sumama?"

"Syempre breakfast yun. Pagkain yan. Bawal tanggihan. Ano nalang sasabihin ni Papa Jesus sa akin? Na hindi ko ginagalang at tinatanggihan ko ang grasya? That's a no no."

"Lucia? Ipa alala mo nga sa akin kung paano mo naging kaibigan ang banal na 'to."

"Dami mo sinasabi. O heto. Ikaw magtuloy ng nililuto ko. Para masarap."

Inabot ko ang sandok kay Luke at tinanggap niya naman yun. Siya na nagpatuloy ng niluluto ko. Ang sarap niya kasi magluto. I can still remember before, I asked him kung anong dream job niya. And he answered me that he wanted to become a Chef. But sadly he can't pursue that dream now.

"Hoy Luke. Iniwan mo kami kagabi na dimunyu ka. Nag taxi tuloy kami."

"E ang sakit na ng kamay ko kagabi tapos gusto mo tulungan kita sa pagbuhat sa lalaki mong yun? Ano siya? Siniswerte?"

"Kahit na. Hinintay mo man lang sana kami."

"Iinom inom siya tapos hindi niya kaya? Baka ihampas kopa sakaniya tong sandok na hawak ko."

"Edi hampas mo." Sabay sabay kaming tatlo na napalingon sa boses na nang galing sa entrance ng kitchen.

"Oh-oh."

"Why are you here?" Tanong sakaniya ni Ekis. Umagang umaga pero ang sama ng timpla niya. May hang over ba siya? Para siyang babaeng dinatnan ng kabuwanan sa mukha niya ngayon.

"Electricfan? Gusto mo ng malamig na tubig? Baka may hang over ka." Kalmadong alok ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin at nakatingin lang  siya ng masama kay Luke. Si Luke naman ay busy'ng busy sa pagluluto at hindi siya pinapansin. SSK. /Snobber si kyah/

"Hey. I'm asking you. Why are you here?" Tanong niya ulit kay Luke.

"Hoy Luke. Tinatanong ka. Pipi ka naba? Bingi? PWD?" Nakakatulong talaga si Kennedy sa mga ganitong klaseng sitwasyon. Grabe!

"I should be the one asking you that. Why are you here?" Tutok pa rin sa pagluluto si Luke pero halata sa boses niya na naiirita siya. At ayaw ko siyang mairita. Baka ano pang magawa niyan. Loko loko siya yes, but if you messed up with him? You're dead.

"Don't ask me the same question I'm asking to you. Sino ka ba?" Galit na tanong ni Equipment. Ite tape ko talaga bibig nito.

Sa mga pinagsasabi niya ngayon may problema talaga siya kay Luke at hindi ko alam kung ano yun! Mygosh.

"You don't know me? Ask Lucia if you wanna know me."

"Why will I ask her if I can fucking ask you directly?" Sagot niya.

"Extra." Bawal ko sakaniya. Hinila ko na siya at  lumabas kami ng kitchen bago pa lumala ang usapan. I don't want to see them fighting.

Ano bang nangyayari sakaniya at ganito siya? What's his problem?

Umakyat kami sa kwarto at sinara ko ang pinto.

"What's your problem?" I asked him.

"I'll go home."

Para siyang babae kung umasta ngayon. If he has a problem with me or with Luke bakit hindi niya sabihin ngayon? Lalo na't tinatanong ko siya.

"Why? Eat first."

"Do you think I can eat the food na niluluto nang lalaki mong yon?"

"What?"

"Uuwi na ako." Kinuha niya ang cellphone niya sa side table pati ang wallet niya.

He looked at the mirror for the last time and checked his face.

"Fuck. Bakit ba may sugat ako sa labi? Did someone punch me last night?" Tanong niya but I didn't answer. Nakatingin lang ako sakaniya.

No one punched you. You idiot. Sa sobrang gigil ko sa labi niya kagabi ay kinagat ko yun kaya nagka sugat.

"Are you really going home?"

"I can't stay here,Lucia. Just by thinking na nandito yang lalake mong yan."

"Ano bang pinagsasabe mo? Wala naman akong lalaki ah!"

Sino bang sinasabi niyang lalaki ko? Si Kenendy? Alam niyang mag bestfriend lang kami nung tao.

He raised his eyebrows. And damn it cause he looks so hot doing that.

"Siya yun diba? Siya yung dahilan ng pag iyak mo."

Si Luke ba? Paano niya nalaman na si Luke nga 'yon?

"I already know, Lucia. Hong told me. That he was the guy you were crying for. Ano pa bang silbi ko dito ngayong nagbalik na ang ex boyfriend mo?"

Ex boyfriend?! Ni hindi pa nga ako nagkaka boyfriend tapos ex boyfriend? Ex kalandian, yun ang marami ako. Ano bang sinabi ni Hong sakaniya? Ang isang yun talaga napaka tsismoso din.

"Gusto mo mahalin kita? E putangina pala. Paano kita mamahalin kung ngayon palang talo na ako dahil sa ex mong yun. Fuck."

Lumabas siya ng kwarto ko at pabagsak niyang sinara ang pinto na halos maalis na.

What the fuck? Iniisip niyang ex boyfriend ko si Luke? Iww!

I immediately grab my phone on the side table at dinial ang number ni Hong. Ano bang sinabi niya at naisip niyang ex boyfriend ko si Luke.

"Hello? Lucia? Aga aga e."

"Hoy lalake! Anong sinabi mo kay Example at iniisip niya na ex ko si Luke?! Fake news ka!"

"Huh? Wala akong sinabing ex mo siya. Nagtanong lang siya sa akin at pinilit niya akong sagutin ko siya sa tanong na kung sino daw ba yung iniiyakan mo. I was shocked when I heard it to him dahil may idea siya. So I asked him how did he know and he said you have a family problem at may iniiyakan ka daw na lalaki na kakabalik lang."

"O tapos?"

"So I assumed it was Luke dahil siya lang naman ang lalaking iniiyakan mo bukod sa papa mo. At kakabalik lang din naman niya."

"But did you say kung anong relasyon ang meron ako kay Luke?"

"No. Ofcourse I didn't say. Ayaw kong sabihin dahil confidential na yun. And in fact he didn't ask me kung ano mo siya. Baka advance siyang nag isip at napasobra sa advance."

"When did he ask you that?"

"Yesterday. Nung nasa bar kami. And I think that was the reason why kung bakit siya naglasing siguro. God damn it, Lucia. Inlove na sayo yung tao. Even he said last night na mahalaga ka lang. Maybe he's still indenial for his feelings. Pero pustahan tayo may tama na sayo yan."

"Palagay ko nga rin. Maybe he's jealous right? He's jealous because of the game. He's jealous because kina Luke ako sumama kahapon specially he thinks na ex ko si Luke?"

"Probably yes."

"O siya sige. Tulog ka na ulit. Thanks." I ended the call.

Lumabas ako ng kwarto at hindi ma alis sa labi ko ang ngiti. Malakas na talaga ang pakiramdam ko na nandoon na siya. Nahulog na sa mga kamay ko. WAHAHAHA. Siguro nagseselos talaga siya kay Luke. Omg talaga! Bakit ba feeling ko nanalo ako sa lotto? Sabagay para narin akong nanalo sa lotto once na maconfirm ko na mahal na niya ako. Hello Hongstar Hotel!

"O bakit ngingiti ngiti ka diyan bru? Nababaliw ka na ba?"

"Lumabas yung lalaki mo. Halos magiba na ang pinto sa pagsara niya. Problema ba nun at galit na galit sa akin? Wala naman akong ginagawa."

"Ang bobo niya kasi! Iniisip niya na ex kita. Mygosh."

"Yuck bru! Kasalanan sa Diyos yun. Patawarin na sana kayo ng Panginoon."

"What the fuck? Ako pa talaga ang naisipan niyang ex mo? Bakit hindi niya pag isipan ng masama si Kennedy."

"Bro, mabuti akong tao. At pakiramdam ko alam yun ni Evan kaya hindi siya nag iisip sa akin ng masama."

"Paano naman niya naisip na ex mo ako? Susuntukin ko yun."

Kinwento ko sakanila ang sinabi sa akin ni Hong at tawa sila ng tawa ni Kennedy ngayon.

"Kaya pala galit na galit siya sayo, bro. Kasi iniisip niya na ex mo si bru. Kawawang Palermo."

"You know what, it's a good thing that Dred didn't tell kung mag ano ba talaga tayo."

"Why?"

"Pag selosin pa natin. Tignan ko lang kung maka asta pa siya nang ganon once na malaman niyang mag kapatid tayo. Sa lahat ng kakalabanin niya, ako pa talaga na kuya mo ang hinamon niya. Don't you dare tell him that I'm your fucking brother."

Yes. Luke is my brother. He's two years older than me. And if Eut thinks na ex ko siya? My gosh! That is incest!

Nächstes Kapitel