webnovel

Malamig na desyerto...

"....."

Napansin ni Kesha na natahimik ang lahat sa gulat at si Mina ay namumula ng husto ang pisngi.

"Awawa— ang ibig kung sabihin ay nagugustuhang p-pakisamahan," pagrarason ni Kesha habang pilit na iwinasiwas ang mga palad sa kanyang harap.

"....."

Ngunit, ganun parin ang kanilang reaksyon. Maya-maya ay may napansin si Kesha na kakaiba. Lahat sila ay... hindi nakatingin sakanya? Lahat sila ay...

Nakatingin sa kanyang...likuran?

Unti-unting nagbabago ang tingin ng kanyang mga kasama, mula sa pagkagulat...ay biglang nahaluan ng takot. Na para bang nagdilim ang kanilang paningin habang nanlaki ang mga mata.

At lahat sila ay nakatingin sa kanyang...likuran?

Bakit sa kanyang likuran?

Naguguluhan si Kesha kung bakit. Pero bigla siyang nakadama ng pangamba.

Napansin niya sa lupang buhangin na kanilang kinatatayuan na ang kanyang anino ay biglang may bagong anino ang umusbong at natabunan ng bagong aninong ito ang kanyang anino.

Dahil dito ay dahan-dahan siyang lumingon. Sa kanyang likuran...nasa kalahati pa nga ng kanyang paglingun ay nakita na niya ang dahilan ng kanilang kinatatakutan.

Isang mala-higanteng alakdan ang nakadungaw sa kanya. Hindi lang ito basta alakdan, dahil mas kakaiba ang hitsura nito kesa sa mga Sand Scorpion.

May dalawa itong buntot. Dilaw na mga mata na animo'y nakadungaw sa kanyang mga pagkain. Sa kanyang bandang bibig ay may umaagos na malalapot na likido. Kumikislap pa ang kulay dark blue nitong katawan nang tamaan ng sinag ng araw.

Itinaas nito ang isang mala-higanteng kamay sa ere na nakabuka ang mala-vice grip nitong daliri.

Biglang nagdilim habang nanlaki ng husto sa takot ang mga mata ni Kesha. Sa isip niya ay... 'Katapusan kona.'

"Keshaaaaaaa!!!" Napasigaw silang lahat. Lalo na si Mina at tumalsik ang mga luha sa kanyang mga mata.

Sa isang iglap lang ay...

Shing!

Guwaaaahhh!!!

Wala pang kalahating sigundo ay parang nag-blur lang ang mala-higante nitong mga kamay at mabilis na pinaibaba para lagutan ng hininga ang tao sa kanyang harapan.

Dahil dito ay hindi manlang nagawang makagalaw ni Kesha pati narin ng kanyang mga kasama.

Pagkatapos ng mabilis na atake ng halimaw ay...

Tumilapon ang isang parte ng katawan sa ere na sinundan ng mala-fountain na pag-agos ng dugo na para bang ulan na tumalsik sa kanilang katawan. Sa katawan ng mga kasamahan na nasa paligid.

Ang dugong tumalsik ay animo'y pinintahan ang paligid sa kulay pula. Tumalsik ito pati sa kanilang mukha. Habang nanlaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

Wala kahit isa sa kanila ang makapaniwala sa nangyari. At wala ni isa sa kanila ang nag-expect na ito ay mangyari.

Kahit si Maena ay hindi inasahan ang biglang pag-sulpot ng halimaw. Ni hindi manlang nasagap ng kanyang Eye of Perception ito.

Namutla ang mukha ni Rea habang shock sa nangyari. Pati si Mina ay tumatagos ang luha sa kanyang mga mata habang natigilan at hindi naka-imik.

OHOOOOOOOOooooooooo!!!

Umungol ng napakalakas ang halimaw dahil sa tuwa na nagtagumpay ito sa kanyang atake.

Ngayon ay isusunod na niya ang iba pa! Para sa mga pangahas na taong pinagpapatay ang kanyang mga kasamahan ay tanging kamatayan lamang ang naghihintay na kapalit sa kanila.

Kahit na malakas ang ungol ng halimaw ay tila hindi ito naririnig ng mga tao sa kanyang harapan. Lahat sila ay hindi naka-galaw at tila mga statwang nakatayo lamang.

GyaaAAAWWWW!!!

Isang sigaw pa ang umalingawngaw sa paligid. Ito ay klase ng sigaw na pilit iniinda ang sakit.

WaaaaAAAAAHH!!!

Ang iyak na kanilang narinig ay hindi iyak na galing kay Kesha. Kundi galing kay...

"Y...man?"

Nang makitang itinaas ng halimaw ang kanyang mala-higanteng kamay ay hindi na nagdalawang isip pa si Yman na itadyak ng buong lakas na meron siya ang mabuhanging lupa na kanyang kinatatayuan.

Naisip niya kung i-aactivate niya ang Black Energy ay mahuhuli na siya na sagipin si Kesha.

Kahit wala siyang dahilan para ito ay gawin. Pero habang iniisip na malulungkot si Mina at ang iba pa niyang mga kasama ay bigla nalang gumalaw mag-isa ang kanyang katawan.

Siguro ayaw lang din niya na makitang may mapaslang na isa sa kanyang kasamahan.

Kahit na hindi naman niya ito ka-close ay ka-close naman ito ng mga taong ka-close niya.

Kaya hindi na nagdalawang isip pa si Yman na gamitin ang buong lakas at bilis na meron siya.

Nihindi na nga niya nagawang i-activate ang kanyang buff dahil habang isisigaw niya ito ay siguradong tapos na ang pag-atake ng kalaban.

Kaya itinuon nalang niya ang isip sa kung anong pwede niyang gawin para makatulong na mailigtas ang dalaga.

At dahil wala nang oras pa na dumukot mula sa kanyang storage ay naisip nalang ni Yman na sanggain gamit ang kanyang kanang kamay na may hawak ng sandatang Falchion Sword.

Alam niya na hindi nito kayanin ang lakas ng halimaw pero wala na siyang ibang choice para mailigtas si Kesha.

Kaya habang itinulak niya si Kesha gamit ang kaliwang kamay ay siya namang pagsangga sa atake ng halimaw gamit ang kanyang kanang kamay.

Ngunit, tulad ng kanyang inaasahan ay hindi niya nakaya ang lakas ng halimaw.

Isang sigundo lang ang itinagal ng kanyang kanang braso bago ito humiwalay sa kanyang katawan.

Kahit pa ang kanyang resistance ay walang nagawa sa laki ng agwat ng kanilang atake at depensa.

Nakain ng mala-vice na kamay ng halimaw ang kanyang kanang braso na siyang dahilan ng pagkaputol nito.

Ito ay sinundan ng mala-fountain na pag-agos ng kanyang dugo. Dahil dito ay wala na siyang nagawa pa kundi sumigaw sa sakit na dala nito.

Napansin ni Yman an unti-unting bumababa ang kanyang buhay na makikita sa kanyang health bar.

'Putik! Ang sakit!'

"Super Heal! Super Heal! Super Heal!..." Paulit-ulit niyang sigaw habang paulit ulit rin na pumapaitaas at bumababa ang kanyang buhay.

Ngunit dahil kailangan pa niyang hintayin na matapos ang cooldown ay hindi lahat ng kanyang pagsigaw ay gumagana ang kanyang healing skill.

Pero wala na siyang paki rito. Gusto lang niyang mabawasan ang sakit na nararamdaman.

Buti nalang may regeneration effect ang kanyang Killer Jacket na naka-equip sa Inventory.

At malaki ang naitulong nito para hindi siya direkta maubusan ng health points.

Nang mahimasmasan sa nangyari ay mabilis na sinuri ni Kesha ang sarili at napansin niyang walang sugat o gasgas manlang sa kanyang katawan.

Hindi makapaniwala si Kesha na buhay pa siya. At iniligtas siya ng lalaking...yun?

Tumayo agad si Kesha at inalalayan si Yman. Na ngayon ay kulang na ng isang braso.

Nang marinig ang sigaw ni Yman ay napabalik sa realidad ang tatlong shock sa nangyari. Natuwa at nakahinga ng maluwag nang makitang walang nangyaring masama kay Kesha. Nagawa siyang iligtas ni Yman!

Ngunit...kapalit nito ay naputol ang kanyang braso.

Kahit parang wala sa sarili ay tumakbo agad si Rea para tulungan si Kesha na alalayan si Yman.

Pagkalapit ay gumamit agad siya ng Fucos Heal para tuluyang maisara ang sugat.

Napansin ni Yman na hindi na ganun ka sakit ang kanyang sugat. Medyo nataranta siya kanina. Lalo na nang makitang tumilapon ang kanyang braso. At mabilis na bumawas ang kanyang health points. Siguradong patay siya kung umabot man ito ng zero points.

At kahit sunod-sunod ang paggamit niya ng healing skill ay nahirapan parin siya na isara ang sugat dahil sa bleeding na dulot ng atake ng kalaban. Tapos napansin niya na kalahati nalang ang natira sa kanyang buhay nung tamaan siya ng atake ng halimaw.

Ang halimaw na ito ay ang sinasabi nilang Desert King.

Ang ipinagtataka lang ni Yman ay wala siyang naramdaman nung lumapit ito sa kanila. Bigla lang itong lumitaw sa likod ni Kesha.

Ngunit may napansin siya nang lumitaw ito. At hindi lang niya maintindihan kung may kakayanan ba ang halimaw na ito na gamitin ang spell na iyon.

Ngunit wala siyang nabalitaan na kayang gumamit ang halimaw nato ng ganoong spell. Dahil ang spell na iyon ay artificial na spell o gawa ng tao mismo o di kaya ay kayang pag-aralan ng kahit sino mang magician na may sapat na kapangyarihan.

Hindi yun kabilang sa kanilang personal skill na natutunan lamang habang sila ay palakas ng palakas o pataas ng pataas ang kanilang level.

Kaya nagtataka si Yman kung paanong nagawang magteleport ng Desert King dito mismo sa kanilang kinaroroonan.

Lalo na't nasa labas ito ng kanyang teritoryo. At kaalaman na ng lahat na hindi lumalabas ng kanilang teritoryo ang mga mini boss.

Biglang napaisip si Yman sa kanyang konklusyon. At ngayon ay sigurado siya na may taong nasa likod ng pangyayaring ito!

Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata sa galit. Hindi niya mapapatawad kung sinuman ang taong may gawa nito.

Kung hindi niya naabutan si Kesha kanina ay siguradong patay ito.

Pero bago ang lahat. Nararamdaman niya na unti-unti siyang nanghihina. Napansin niya ang kanyang stamina na pababa ng pababa.

Siguro dahil nilalabanan nito ang mga implikasyon na dala ng sugat. Mukhang may kunting poison effect ang atake ng halimaw.

At dahil mahina lang ang posion na ito ay hindi na de-detect ng system at walang notification na nag-display sa screen. Para malaman an under ailments siya.

Sinubukan na magsalita ni Yman ngunit wala nang lakas ang kanyang bibig at unti-unti nang nagdilim ang kanyang paningin. Nang nag 1% nalang ang kanyang stamina ay tuluyan na nga siyang nawalan ng malay. Buti nalang mahina lang ang poison na ito at kayang kaya labanan ng kanyang mga antibodies sa katawan.

Ngunit ang kanyang stamina naman ang nauubos.

"Yman!!" Sabay na napasigaw si Kesha at Rea nang mapansin na nawalan ng lakas ang buo nitong katawan at biglang nawalan ng malay.

...Heal! ...Heal!...

Kinakabahan ng husto si Rea. Patuloy parin siya sa pagheal kahit napapansin nila na full na ulit ang health points nito at sarado na ang sugat.

"Ayos lang Miss Ella, nawalan lang siya ng malay," sabi ni Kesha para hindi gaanong mataranta si Rea.

Ngunit bago pa sila makahinga ng maluwag ay nandiyan na sa likod nila ang Desert King.

Mabilis ulit itong gumamit ng Vice Grip na atake. Ngunit...

Ting!

Sa pagkataong ito ay nakahanda na sila at hindi gaya kanina na nasurpresa sila sa biglaang paglitaw nito.

Tumalon agad si Rea at Kesha para dumistansya habang karga nila si Yman. Si Mina naman ay sinangga ng kanyang kakaibang sandata ang Vice Grip nitong kamay.

Kinagat ni Maena ang mga labi hanggang sa dumugo. Hindi siya makapaniwala na wala siyang nagawa kanina.

Kung hindi dahil kay Yman ay siguradong masama ang sasapitin ni Kesha. At dahil wala siyang nagawa, naputol ang isang braso ng kanyang kababata!

Ang mga mata naman ni Mina ay biglang naging itim na itim. Habang nakatutok ng hindi mawari kung saan. Ilang sandali ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit mainit sa desyerto ay tila malamig ang paligid.

Sa kaloob-looban ay napakatinding galit ang kanyang nararamdaman.

Wala manlang siyang nagawa para sa kanyang bestfriend at sa lalaking matagal na niyang gusto!

Dalawang uri ng lamig ang mararamdaman sa paligid.

Ang isa purong lamig na tila nag-zero degree ang paligid, habang ang isa ay kakaibang lamig na parang mula sa kabilang buhay. Nakakakilabot at nakakapanindig balahibo.

Dalawang klaseng enerhiya ang sumabog. Kulay nyebe at kulay itim na may halong asul.

Biglang lumakas ang hangin sa paligid. Na parang may-ipoipong namumuo.

Sa may malaking tuyong bato naman na nasa distansya. May mga paglunok ang maririnig.

"A-Anong—klaseng kapangyarihan yan?" Tanong ng isa.

"H-Halimaw ba ang dalawang yan?" Tanong naman ng katabi niya.

"Demon—-Rank equipment..." isang bulong na nakatakas mula sa pangatlong tao na nagtatago sa bato.

"...at—-God rank?!" Napasigaw naman sa gulat ang pang apat.

"Anong klaseng mga nilalang ang mga yan?! At bakit biglang lumamig ang klima sa desyerto?!"

Tanong ng panglimang taong kasalukuyang nagtatago sa distansya.

Woooossshhhh!!!

Hindi gaanong makapag-update dahil sa lockdown kaya damihan ko nalang yung word count.

Paki vote ng walang sawa.

Paki point ng mga typos at maling words na di nababagay sa sentence. Medyo madalian kasi pagsusulat dahil ma-eexpire na naman load ko.

Fhrutz_D_Hollowcreators' thoughts
Nächstes Kapitel