webnovel

THE FIRST ENCOUNTER

Kung hindi lang siya nanghihina nang mga sandaling 'yon baka kinarga na niya ang bata nang makarating na sila agad sa kinaroroonan ni Dixal. Ngunit ang paghawak ng kamay sa anak ay tila nagbigay sa kanya ng dagdag na lakas upang hindi siya panghinaan ng loob.

Ngayon niya napatunayang hindi niya kayang mawala sa kanya si Dixal. Hindi niya kakayaning tuluyan itong mawalay sa kanya. Kalilimutan niya ang lahat ng mga kasalanan nito sa ngayon, basta mabuhay lang ang kanyang asawa.

Napahigpit ang kapit niya sa kamay ng bata dahilan upang mapatingala ito at titigan siya.

"Mommy, daddy is gonna be okay, right?" tanong nito.

Agad niyang pinahid ang luhang kumawala mula sa mata at ngumiti sa anak habang naglalakad sila sa pasilyo papunta sa ICU.

Ngayon lang niya narinig na nagsasalita ang anak na tulad ng sa mga kaedad nito, iyong walang kamuwang-muwang sa mundo, iyong walang nalalaman, 'yong sa tono ng pananalita nito'y mahahalata mo agad na wala itong ideya sa nangyayari sa ama at kung gaano kakritikal ang kalagayan ng huli.

"He'll be okay lalo na 'pag and'yan na tayo sa tabi niya," sagot niya, sa namamanhid na katawan ay pilit niyang kinarga ang anak na agad namang yumapos sa kanya pagkuwan.

"Mommy, just put me down. You're still weak and trembling," anang anak nang maramdaman ang panginginig ng kanyang katawan.

"I'm okay sweetheart. No need to worry for mommy,'" an'yang napalapad ang ngiti sa mga labi pagkakita ng nakasulat sa 'di kalayuang pinto na ICU.

Nagmamadali siyang lumapit, nataon namang may lumabas na nurse mula sa loob.

"Nurse, excuse me po. Itatanong ko lang kung and'yan pa sa loob si Dixal Amorillo," usisa niya sa nurse na agad humarap sa kanya.

"Ayy, wala na po ma'am. Inilipat na po siya sa private room," sagot nito.

"Pwede ko po bang malaman kung saan siya inilipat?"

Tinitigan muna siya nito saka malungkot na umiling.

"Sensya na po ma'am pero ipinagbilin samin ng mama niya na ilihim sa lahat kung saan siya inilipat. Marami po kasing mga taga media ang nagpuntahan sa operating room kahapon kaya para maiwasan ang anumang gulo, inilihim po sa lahat kung nasaan si Mr. Amorillo ngayon," paliwanag ng nurse.

"Kami ang pamilya ng pasyente, nurse. Asawa ko si Dixal at ito ang anak namin. May karapatan akong makita ang asawa ko. Pakiusap, sabihin mo samin kung asan ang asawa ko," pakilala niya sa babae sabay pakiusap rito.

Nang mapansin ni Devon na ayaw pa ring magsalita ang nurse ay bumulyahaw ito ng iyak.

"I want to see daddy! I want to see daddy!" paulit-ulit nitong sambit.

Hindi na niya napigil ang pagpatak ng luha.

"Okay sweetie, we'll have to see daddy. We'll surely go to see daddy," sagot niya sa bata.

Duon lang nakaramdam ng awa ang nurse.

"Sa room 425 po ma'am sa fourth floor," anito saka sila iniwan.

Tumalikod siya agad at hinanap ang elevator para makapunta sila sa fourth floor ASAP.

"Amor, just put me down. You're really weak and trembling," giit ng bata nang nasa loob na sila ng elevator. Tumahimik na rin ito sa pagngawa.

At dahil tama ang sabi ng anak, napilitan siyang ibaba ito at nagkasya na lang sa paghawak ng kamay nito hanggang sa makalabas sila ng elevator.

Nakita niya agad sa tapat ng elevator ang room 425.

"Mommy, it's here," anang bata at tumakbo agad palapit sa pinto.

Siya nama'y kumatok muna sa loob, maya-maya lang ay bumukas iyon, iniluwa ang namumula ang matang si Lemuel na nagulat pa nang makita siya sa labas.

"Madam?! 'Di ba't nasa coma ka rin? Pa'no kang--?" gulat nitong tanong.

Hindi niya ito pinansin, hawak ang kamay ng bata'y dumeretso sila sa loob ng silid.

Bigla siyang napahagulhol ng iyak pagkakita sa asawang ilang pirasong tubo ang nakalagay sa katawan at ilang aparatu ang nakakabit rito.

Naunang tumakbo sa kinaroroonan ng ama si Devon, agad na lumuhod sa gilid ng kama at niyakap ang ama, pagkuwa'y niyugyog ang mga balikat nito.

"Daddy wake up. We're here already," anito.

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit siya sa lalaki at nanlalamig ang kamay na hinawakan niya ang malamig rin nitong palad, pinisil-pisil iyon habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Umawang ang kanyang mga labi upang magsalita ngunit walang kahit isang letrang lumabas mula roon, kaya hinayaan na lang niya ang sariling humagulhol ng iyak.

"Madam, kagagaling lang ng doktor dito. Sabi niya baka matagal pa raw bago magising si Dixal dahil sa pinsalang natamo niya sa ulo. Mabuti nga raw hindi nabali ang kanyang spinal cord nang tumama sa sasakyan," kwento ng lalaki.

Hindi siya sumagot, ni hindi nagsalita. Subalit pinakasya niya ang sarili sa impit na pag-iyak nang sumabay sa kanyang pagtangis ang anak.

"Daddy wake up. Mamamasyal pa tayo ni Amor," anang bata ngunit walang reaksyon mula sa ama. Lalong lumakas ang iyak nito.

Lumapit na siya at niyakap ang bata, pinatahan ito.

"Sshhh. Nagpapahinga rin si daddy kasi nasaktan siya nang mabangga ng sasakyan," paliwanag niya sa anak.

"Hindi na po ba siya magigising?" inosenteng tanong nito.

"He'll wake up of course, pero hayaan muna nating matulog siyang natulog, ha? Tahan na sweetie. Baka magising natin si siya. Look at mommy, hindi na rin ako umiiyak," an'ya.

Bahagya itong kumawala sa pagkakayakap at tumingala sa kanya.

"Mommy, dito lang tayo hanggang gumising si daddy, ha?" pakiusap nito, sa wakas nagpahid na rin ng luha at ngumiti sa kanya nang makitang tuyo na ang kanyang mga mata at 'di na pumapatak ang luha mula ruon.

Tumango agad siya saka umupo din sa gilid ng kama sa tabi nito at muling pinisil ang kamay ni Dixal.

"I hate to say this madam, pero katatawag ko lang kina Nicky at Derek. Nasa opisina raw ang lahat ng mga shareholders sa pangunguna ni Donald Randall. Gusto nitong palitan agad si Dixal bilang Chairman ng kompanya," maya-maya'y 'di nakatiis si Lemuel at nagsalita uli.

Tikom ang bibig at salubong ang mga kilay na nilingon niya ang lalaki.

"He's insane! Walang kaluluwa ang gurang na 'yon! O baka siya ang may pakana ng lahat ng 'too para maagaw niya ang kompanya ng asawa ko?" malakas ang boses na sagot niya.

Umurong ang dila ng lalaki. Why all of a sudden ay biglang kumulubot sa galit ang maamo niyang mukha? Hindi ito sanay sa gano,'ng ugali niya.

"Tell all of those hypocrites to disappear!" hiyaw niya sabay senyas ng kamay saka agad umiwas ng tingin rito.

Wala sa sariling tumango ito pero agad ding nakabawi at bumaling uli sa kanya.

"But we can't do that madam. Malaki din ang role ng mga shareholders sa paglago ng kompanya. Sa ngayon ay seguradong kinausap na ni Mr. Randall ang lahat ng mga shareholders para hikayating mag-submit ng petition para palitan si Dixal bilang chairman at CEO ng kompanya lalo na ngayong sobra ang galit ng matandang 'yon kasi hindi natuloy ang kasal ng anak niya kay Dixal. Hindi tayo pwedeng magsawalang bahala na lang madam. Kailangan nating pakalmahin ang mga shareholders nang 'di sila mawalan ng tiwala kay Dixal lalo na ngayong nasa coma siya," katwiran ng lalaki.

Sa dami ng sinabi ni Lemuel, isa lang ang agad rumihestro sa kanyang isip. Hindi natuloy ang kasal nina Dixal at Shelda? Natural, nasa coma ang kanyang asawa.

"Noong maaksidente kayo kahapon, nasa simbahan na rin sina Dix at Shelda. Pero hindi itinuloy ni Dix ang pagpapanggap na si Dixal nang malaman niyang naaksidente ang kanyang kakambal, umalis agad siya sa simbahan at di itinuloy ang kasal. Sa katunayan, siya ang nagdonate ng dugo kay Dixal para lang makasurvive ang asawa mo." kwento uli nito nang mahulaan kung ano ang laman ng kanyang isip.

Kunut-noong napatingin siya uli sa lalaki sa di makapaniwalang salaysay nito. Ginawa yun ni Dix para kay Dixal?

So, nung magpunta ito sa kanya kanina, kagagaling lang nitong magdonate ng dugo para kay Dixal?

Sandali siyang natahimik at nag-isip. Tama si Lemuel, hindi sila pwedeng magsawalang bahala lalo na ngayong nasa coma si Dixal. Seguradong gagamitin ng ama ni Shelda ang pagkakataong iyon para gumanti sa kahihiyang ibinigay ng lalaki sa pamilya nito dahil tumakas pala ang nagpanggap na si Dix bilang si Dixal sa araw ng kasal.

"Anong gagawin natin ngayon?" sa kawalan ng sasabihin ay yun na lang ang naitanong niya habang nakatingin sa asawang di man lang kakikitaan ng reaksyon sa ginagawa niyang pagpisil sa mga palad nito.

Si Devon ay lumikot na rin ang kamay at sinusubukang muling yugyugin ang ama ngunit nang mapagod ay dumapa na lang ito sa tabi ng lalaki at matagal na pinagmasdan ang mukha nito.

"Mommy, bukas po, magigising na si daddy?" tanong nito sabay lapat ng isang daliri sa pisngi nito.

Bago pa man siya makasagot ay may biglang sumigaw sa kanilang likuran na nakaagaw ng atensyon nilang tatlo.

"Who told you to come here and touch my son?"

Biglang bumangon sa takot si Devon at bumaba agad sa kama saka kumapit sa manggas ng kanyang damit.

Siya nama'y napaharap nang wala sa oras sa sumigaw. Pagharap niya'y mabagsik na mukha ng isang ginang ang kanyang namasdan ngunit kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata nitong halatang matagal na umiyak.

"Sino ang mga 'yan, Lemuel? Palabasin mo agad!" utos nito sa lalaki habang naniningkit ang mga matang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ina.

Natuliro bigla ang inutusan, hindi malaman kung susunod o hindi.

"What are you waiting for? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Pinandilatan na nito ang lalaki.

"I'm sorry po ma'am, pero we're not leaving," malamig niyang sagot sa ginang saka hinawakang mahigpit ang kamay ng anak.

"What?!"

Nächstes Kapitel