webnovel

GOSSIP

"Ipaayos mo ang bagong opisina ni Amor, Lemuel. Gusto kong bago ang lahat ng mga gamit niya doon," utos ni Dixal sa kaibigang sumaludo agad nang marinig ang sinabi ng amo.

"Basa ko utak mo Dixal, kaya inunahan na kita, pinapaayos ko na kay Derek," sagot nitong may halong pagmamayabang sa tinuran.

"Madam, pa'no 'yan, bago na naman ang trabaho mo," baling kay Flora Amor na kinakalikot ang kanyang phone upang tumawag sa anak.

"Okay lang 'yon, sanay naman na akong basta na lang itinatapon sa kung saan-saan," pabiro niyang sagot sabay pairap na sumulyap kay Dixal sa kanyang tabi habang nakaupo sila sa sofa at si Lemuel naman ay sa tapat na single sofa nakaupo.

Inakbayan siya ng asawa, ginulo ang buhok.

"Ngayon ka pa aangal eh finance director ka na," pabiro ding sagot nito.

Eksakto namang nakontak na niya ang anak sa phone nito.

"Amor, bakit si daddy hindi sumasagot sa tawag ko? At bakit hindi a umuwi kagabi, si mama na lang tuloy katabi ko matulog," Dere-deretso ang bibig ng anak na tila matandang nanenermon sa nakababata dito.

Natameme siya bigla at napasulyap sa asawa sabay kurot sa tagiliran nito na nagtaka sa ginawa niya.

"Ouch! Why?" angal nito.

"'Yong cp mo, 'di ka raw sumasagot kay Devon, napagalitan tuloy ako," bulong niya pagkatapos ilayo sa bibig ang phone.

"Oh! Nakalimutan kong dalhin. Akina, ako kakausap," wika sa kanya, pigil ang tawa ngunit bago kinuha ang phone ay bumaling muna sa kaibigan.

"Lemuel---"

Biglang tumayo ang tinawag.

"Alam ko na kasunod niyan, utos na naman 'yan. Aalis na ako, busy ako ngayong araw Dixal," inunahan na nito ang amo at nagmamadaling naglakad papunta sa pinto.

Ngunit napahinto rin nang magsalita ang lalaki.

"Thanks for everything, buddy. You're more than a friend to me."

Napanganga itong lumingon kay Dixal. Sandaling tinitigan ang huli at alanganing tumawa. Iyon ang unang beses na narinig nito si Dixal na nagpapasalamat sa mga nagawa ng una para dito.

"Ano 'yan bro, nagiging sentimental ka ata ngayon?" sa kawalan ng sasabihin ay puna na lang ni Lemuel.

Isang ngiti lang ang pinakawalan nito saka bumaling na sa asawang iniaabot pa rin ang phone.

Ang tamis ng ngiting sumilay sa mga labi ni Lemuel. Ang akala nito, mananatiling malamig si Dixal sa tao habambuhay. Mula nang mawala si Flora Amor sa buhay nito, naging parang tuod na ang lalaki, walang pakiramdam at walang pakialam sa nararamdaman ng iba, naging aloof ito at ayaw makipag-usap kahit sa pamilya, tanging sa kaibigan lang ngunit pagalit pa, kundi man ay parang yelo ang boses kung magsalita. Pero ngayon, natuto na uli itong ngumiti at makipagbiruan.

Sana nga, hindi na magkahiwalay ang dalawa, naisip nito at lumabas na ng opisinang 'di natatanggal ang matamis na ngiti sa mga labi.

"Dixal, bakit po hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nagtatampo tuloy ako. Si Amor din po, hindi umuwi kagabi, si ama na lang katabi ko matulog," sita ng bata sa ama na may halong sumbong.

"Sorry, kiddo. Nag-celebrate kami ni mommy mo ng monthsary kagabi. It was my fault kiddo," paliwanag ni Dixal sa bata sabay kabig sa asawang nakikinig sa usapan ng dalawa habang naka-loud speaker ang phone.

"Pa'no po magcelebrate ng monthsary?" usisa ng anak.

Ang ama naman ang sandaling natahimik at tumingin sa kanyang pigil ang mapahagikhik.

"Ahhmm, kumain kami ng paborito ni mommy tapos uminom kami ng wine kaya nalasing si mommy at nakatulog kaya 'di na siya nakapagpaalam kagabi."

"Daddy, sasama ako bukas kay Amor pagpunta d'yan ha? I missed you na po kasi," lambing ng anak.

"Ako ang pupunta d'yan, anak. Sasama ako kay Amor pauwi d'yan. Ano'ng gusto mong pasalubong ni daddy?"

"Shrimps po. Tsaka ibili mo akong engineering books."

"Engineering books? Bata, andami mo nang books ah," 'di mapigilang sabad ng ina habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Amor, I'm already done reading them all."

"Okay kiddo engineering books, request granted," pagpayag ng ama.

"Dixal, andami nang books sa kwarto ko. Magpapagawa na nga ako ng malaking book shelves sa bahay para lang sa kanya nang 'di nakakalat mga libro niya sa sala," angal niya.

"Sssssh, it's okay sweetie. Your son is a genius one. It's just natural na maging mahilig siya sa books pero madaling magsawa sa isang libro," sagot nito saka siya hinalikan

sa noo.

"Hayaan mo akong bumawi sa anak ko, Amor."

Napabuntunghininga na lang siya at niyakap ito.

"Okay, basta ayuko nang ini-spoil ang anak ko, ha?" an'ya.

"Daddy, bye na po. Tinatawag na ako ni mama. Sasabihin ko kay mama magluto ng masasarap na pagkain kasi uuwi kayo ni Amor dito," anito't pinatay na agad ang tawag.

"Kulit ng batang 'yon noh?" an'ya kay Dixal.

Hinagod nito ang kanyang likod habang nakayakap siya rito.

"Amor, sama na kayo sa'kin sa bahay natin. Ayuko nang mawalay pa sa inyo." Sumeryoso ang boses nito.

"'Pag natapos na ang problema mo, lilipat na kami sa'yo. Promise ko 'yon kay Devon," sagot niya.

Biglang lumagkit ang mga titig ng asawa sa kasabay ng isang bulong.

"Amor, sundan na kaya natin si Devon," lambing sa kanya.

Namula agad ang kanyang pisngi at biglang kinurot ang tagiliran nito.

"Katatapos mo lang kagabi ah, hihirit ka na naman?" reklamo niya.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito, hindi pinansin ang sakit ng kanyang kurot.

"Iba 'yong kagabi, iba syempre ang ngayon."

"Tse!" tinayuan niya agad ito ngunit maagap ang asawa't hinawakan ang kanyang kamay saka hinila siya paupo uli sa sofa.

"Amor, kahit isa lang bago tayo umuwi sa inyo mamaya," pakiusap nito.

Pairap siyang sumulyap rito ngunit sa puso ay ramdam niya ang kilig na hatid ng sinabi ng asawa.

"Oo na. Papagtrabahuin mo muna ako ngayon at baka kung anu-ano na naman ang ireklamo ng mga shareholders mo sakin 'pag tatamad-tamad ako sa trabaho," an'ya sa lalaki saka ito mabilis na hinalikan sa mga labi.

Sa puso't isipan ay panay ang kanyang dasal na sana matapos na ang lahat ng problema nito nang magkasama na sila sa iisang bubong.

--------

Hindi na siya nagpahatid kay Dixal papunta sa finance department. Pinatawagan na lang niya uli si Lemuel para ito ang makasama niya pagpunta doon. Wala pang limang minuto sinusundo na siya ng lalaki mula sa opisina ni Dixal para ihatid sa bago niyang opisina.

Sa labas pa lang ng department, nag-uumpukan na ang mga empleyado, halatang nagtsitsismisan na naman ang mga, nagsipasukan lang na parang mga high school students nang makita sila ni Lemuel na papalapit.

"I'm sure, you already knew Miss Salvador. Siya ang papalit kay Miss Villaberde bilang bago niyong finance director. Just treat her well, kung hindi, malalagot kayo kay big boss," pagpapakilala uli ni Lemuel sa kanya na diniinan pa ang huling sinabi.

Inutusan muna nitong bumalik sa kani-kanilang cubicle ang mga empleyado at ituloy ang trabaho bago siya hinarap at iginiya sa bagong niyang opisina, ang dating opisina ni Veron.

Pagkapasok pa lang sa loob, napansin agad niya ang mga bagong kagamitang naroon, mula sa kanyang mesa, printer, shredder, pati tatlong sofa sa dating kinalalagyan, bago na rin. Kahit ang aircon, pinalitan din.

"Okay na ba 'to, madam?" tanong ni Lemuel.

Agad siyang tumango.

"Salamat Lemuel," wika niya.

Pagkatapos magpaalam sa kanya'y umalis na din ito.

Naiwan siyang patuloy na sinusuyod ng tingin ang bawat sulok ng opisina. Kahit paano'y nakaramdam din naman siya ng awa para kay Veron, sa nangyari dito. Pero ang buong kompanya naman ang mapapahamak kung 'di nila napigilan ang mag-ama sa ginagawa ng mga 'to.

Ang tangi na lang niyang magagawa ngayon ay ayusin ang buong finance department at i-report lahat ng financial statements sa kanya.

Kaya lumabas siya ng opisina at tatawagin sana si Derek nang mapansin niya ang mga empleyadong nagtsitsismisan na naman sa iisang cubicle.

"Ang dinig ko kaya daw 'yan malapit sa taas kasi girlfriend daw 'yan ni Sir Dix," narinig niyang wika ng isang babae.

"Ano'ng girlfriend eh nakita nga ni Trixie si big boss hawak-hawak ang kamay ni Ma'am Flor kanina paglabas daw ng conference room kaya lahat daw nagpasukan sa kani-kanilang department nang makita daw nila 'yon, natakot daw silang lumabas dahil baka 'pag kumalat na magkahawak-kamay sila eh baka ipatawag ang sinumang nakakita at patalsikin sa trabaho," mahabang paliwanag ng isang bakla.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at nakinig sa tsismisan habang nakahalukipkip.

"I smell something fishy here. Baka si Ma'am Flor ang nakita noong nakaraang araw na kaakbay ni chairman papuntang elevator,"

sabad ng isa pa.

"Ma'am--" tawag ni Derek sa kanya nang makita siya nitong nakikinig sa tsismisan ng kanyang mga tauhan ngunit napahinto rin nang titigan niya ito.

Tanging ito lang at ang isa pang lalaki ang wala sa nag-uumpukang mga empleyado.

"Baka nga magkatotoo ang hula kong 'di matuloy ang kasal sa makalawa. Naku, kawawa si ma'am Shelda pag nagkagano'n." anang isa pa.

"Gurl, 'di niyo ba pansin, biglang tumaas sa posisyon ang bagong finance director. Malamang isa talaga sa dalawang kambal ang jowa ni ma'am," sabi ng bakla.

"O baka naman isa sa kanila ang asawa ni ma'am." Saka na siya sumabad na ikinagulat ng lahat na tila nakakita ng multo pagkakita sa kanya at biglang nagpuntahan sa kani-kanilang cubicle.

"Everyone! Come back here!" Utos niya sa mga 'to na nang magsibalikan palapit sa kanya ay tila na mga maaamong tutang nagpakayuko.

"Why are you gossiping during office hours?" simula niya sa paninita.

Walang sumagot sa mga ito.

"Hindi niyo ba alam na bawal ang ginagawa niyo sa oras mismo ng trabaho? After ng work niyo, sasali pa ako sa inyo makipagtsismisan if that's what you want," patuloy niya.

"Ginagawa niyo ba 'to sa dating finance director?"

Tila mga estudyante ang mga 'tong pinapagalitan ng teacher na walang makasagot kahit isa.

"Palalampasin ko ang araw na 'to pero 'pag nakita ko pa kayong nagtsitsismisan na naman sa oras ng trabaho, isa-isa ko kayong bibgyan ng IR. Suspension ang sunod no'n." warning niya sa lahat.

Nagpakayuko pa ring tumango ang mga 'to.

"Sana naman naiintindihan niyo ako."

"Yes po ma'am," sa wakas ay naglakas ng loob ang isang bakla at sumagot.

"Good. Pwede na kayong bumalik sa trabaho," utos niya.

Nagsunuran naman ang mga 'to.

Naisip niya, mahihirapan seguro siyang mag-adjust sa ugali ng mga tauhan niya. Kaya nag-isip siya ng paraan kung paano mapapaamo ang mga empleyado habang nakaharap na siya sa kanyang computer.

Sa wakas naisip niyang bilhan ng meryenda ang lahat, baka sakali umubra 'yon upang mapalapit ang loob niya sa mga ito.

Nächstes Kapitel