webnovel

ABOUT THE NATIONAL QUIZ BEE

"Ma!" Pagpasok pa lang ni Flora Amor sa loob ng bahay ay tawag agad niya sa ina subalit sa halip ay si Devon ang tumatakbong sumalubong.

"Amor! Amor! I have a good news for you," bungad nito't nagpakarga agad sa kanya.

"Aba, ang sigla ng bata ngayon ah," natutuwa niyang puna habang karga't salat ang noo nito. Tuluyan na ngang nawala ang lagnat ng anak. Mabuti naman at gumaling ito agad.

"Amor, sabi ni teacher kay mama, kailangan mo daw kausapin si teacher ngayon kasi po sasali ako sa national quiz bee bukas," paalam nito.

"Ha? Grade two ka pa lang, bata. Pa'no kang mananalo sa national quiz bee?" Biglang lumabas sa kanyang bibig.

"It's not only about winning, Amor. May usapan po kami ng principal namin, 'pag nanalo ako sa national quiz bee, magja-jump ako sa grade six," anang bata.

"Ano?" lalo siyang nagulat. Wala namang sinasabi ang kanyang ina tungkol sa bagay na 'yon.

Yumakap ang anak sa kanya't ipinulupot ang maliliit na kamay sa kanyang leeg.

"Amor, pumayag ka na. I can do it." pangungulit nito.

"Bata, ba't ka nagmamadaling mag-grade six eh grade two ka pa lang. Nagsem-break lang kayo, at para sasali ka lang sa quiz bee tapos mapupunta ka agad sa grade six? Hindi pwede 'yon, Devon," natatawa niyang paliwanag.

"Oh, Flor. Dito ka na pala. Sabi pala ng teacher ni Devon kailangan mo daw samahan ang anak mo sa national quiz bee na gaganapin sa UP MANILA bukas," susog ng ina sa sinabi ni Devon.

"Ma, ba't ngayon mo lang sinabi? Dapat ako ang kinausap ng teacher tungkol do'n. Ayaw kong isali ang anak ko eh grade two pa lang si Devon," salungat niya.

"Aba'y tawagan mo ang teacher niya o 'di kaya puntahan mo sa bahay nila. Malay ko ba d'yan eh kahapon lang ako tinawagan ng teacher niyan. Nakalimutan ko lang sabihin agad kasi nga may lagnat ang anak mo kahapon," paliwanag ng ina habang naglalatag ng meryenda sa ibabaw ng center table sa sala para makapagmeryenda sila.

"'Wag kang mag-alala ate, mananalo 'yan si Devon," sabad ni Hanna na agad lumapit sa sala at umupo sa sofa nang maamoy ang mabangong pancake na ginawa ng inang umupo na rin katabi ng anak habang siya'y nanatiling nakatayo habang karga ang bata.

"Ma, 'di sana kayo pumayag. Ilang taong gulang daw ba ang pwedeng sumali doon?" usisa niya.

"Sampung taon, si Devon lang ang anim na taon," anang tinanong, kumuha ng nilutong hotcake at kumagat doon.

"Oh, sampung taon naman pala eh ba't isasali nila anak ko?" giit niya.

"Anim na taon nga lang 'yang anak mo, pero kulelat ang college student d'yan pag sumagot sa exam. Tsaka alam ng teacher at principal niya 'yon kaya si Devon ang ipinambato nila sa Nlnational quiz bee," pakaswal lang na sagot ng ina habang ngumunguya saka siya sinenyasang maupo.

"Maupo ka nga't nahihilo ako sa'yo, di ko malasahan ang kinakain ko kakadaldal mo."

"Ma naman eh. Basta na lang kayong nagdedesisyon nang 'di man lang ako kinakausap," sermon niya rito.

"Ma, ano meryenda? Ba't ang bango?" tumatakbo si Maureen pababa sa hagdanan kasama ang iba pang mga kapatid at nagtatakbuhan pa ring lumapit sa kanila, pagkuwa'y nag-unahang tumabi sa ina.

"Woww pancake!" bulalas ni Pearly, ang sinundan ng bunso na pumatong na sa mga hita ni Aling Nancy sabay kuha ng isang piraso ng pancake sa duralex na glass tupperware.

"Alam mo ate, matalino 'yan si Devon. Siyanga teacher namin sa computer eh. Tsaka kahit ipa-memorize mo sa kanya ang theorems at laws sa mathematics alam niya 'yan. Sisiw lang 'yan d'yan," mayabang na sabad ni Hanna sabay pilantik.

"Alin, te?" usisa ni Maureen sa tabi nito.

"Ito si Ate, ayaw pasalihin si Devon sa national quiz bee eh yakang yakang naman ni Devon 'yon," sagot ng kapatid.

"Ay, korak ka d'yan 'te Hanna. Dapat nga high school na agad 'yan eh. Kahit ako walang sinabi sa scrabble d'yan, kahit walang vowel, nakakagawa pa rin siya ng words," kwento ni Maureen.

Sumenyas ang ina bilang pagsang-ayon.

"Tamo, pati mga kapatid mo boto sa pagsali ng baby ko sa quiz. Pero ikaw 'tong ina, ikaw pa ang ayaw pumayag," pairap na wika ng ina sa kanya.

Mangani-nganing pagsisipain niya ang mga kapatid nang maramdamang pinagkakaisahan siya ng mga ito.

"Amor, don't worry. I can do it. I'm just a kid but I know I can do it," panenegurado ng bata habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya.

"Bata, baka mabinat ka. Kagagaling mo lang sa lagnat," giit niya, gusto niyang ibaba ito't nangangalay na ang kanyang mga braso sa pagkarga ngunit nanatili lang itong nakayakap sa kanya nang mahigpit.

"O sige na ngang bata ka," sa wakas ay pagpayag niya. Saka lang ito kumawala sa mahigpit na pagkakapulupot sa kanyang leeg.

"That's my Amor. I love you," sabay halik sa kanyang noo saka nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

Natigilan siya sa ginawa nito, hindi agad siya nakakilos. Nakakatuwang isiping sa gano'ng edad ay alam na nito pa'no siya mapapapayag sa gusto nitong mangyari nang hindi nagta-tantrums. At bakit kung kumilos ito't magsalita'y tila may pinagmanahan? Parang nakikita niya dito si Dixal, mayabang at alam kung pa'no siyang mapapasunod. Si Dixal ba talaga ang ama nito?

"Siyangapala, sabi ng teacher nila, dapat daw kasama mo papa ni Devon bukas. 'Di raw pwede 'yong 'di kumpleto ang mga magulang," muling wika ng ina nang may biglang maalala.

Namutla siya sa sinabi nito sa halip na magulat.

"M-ma, alam mo namang--"

"It's done po, Mama," maagap na sagot ni Devon saka itinulak si Pearly mula sa pagkakaupo sa hita ng lola at ito ang pumalit.

Nagsalubong naman ang kilay ng huli.

"Mama ko 'yan ah! Do'n ka sa mama mo!" utos nito sa bata.

"Mama ko din 'to ah!" sagot ng bata.

"Hoy, tumigil kayo d'yan!" saway ni Aling Nancy sa dalawa saka kinalong ang bata't binigyan ng isang pancake.

Wala siyang magawa kundi magmartsa na lang papasok sa kanyang kwarto, hinayaan ang lahat na magbonding sa sala.

Hanggang ngayon curious pa rin siya sa tinatawag na daddy ni Devon. Sino kaya 'yon? Kilala niya ang batang 'yon. Walang ibang tinatawag 'yon ng gano'n liban dun sa mesteryosong lalaki na 'yon. Ibig nitong sabihin, tinawagan nito ang lalaking 'yon para sumama sa kanila bukas? Kaya ba ito nagpabili ng mobile dahil sa daddy kuno nito?

Sabagay, mas maganda na nga segurong sumali ito sa quiz nang malaman niya kung ga'no katalino ang kanyang anak. Sa kanilang lahat, siya na lang ata ang 'di pa nakakaalam sa totoong IQ ng bata. Malalaman niya bukas.

Ngayon pa lang, magpapaalam na siya kay Dixal na 'di siya makakapasok sa trabaho't may importante siyang dadaluhan. Pero 'di niya sasabihing sasamahan niya ang anak sa pagsali sa quiz bee kasama ang tinatawag nitong daddy at baka 'di siya nito payagan.

Subalit nakapagtatakang agad pumayag si Dixal sa request niya habang kausap ito sa phone.

"Mas okay kung 'di ka papasok bukas kasi wala din ako, Amor. May pupuntahan din akong mahalagang event," tila excited pa nitong sagot.

"Saan ka pupunta?" 'di niya mapigilan ang sariling mag-usisa.

"Ahm--- national event I heard. I don't know basta malalaman na lang bukas," anito.

"National event?" pag-uulit niya.

"Darling, andito ka lang pala. Buong araw kitang hinanap kanina. How was yesterday, nasarapan ka ba?"

Nagpantig agad ang kanyang tenga sa boses na 'yon ni Shelda na tila may ibig itong sabihin. Bakit ba 'pag naririnig niya ang boses nito'y naiinis siya?

"Hey, sweetie. I think I have to go. Bye for now," nagmamadaling sambit ng lalaki saka pinatay na agad ang tawag.

"Walanghiya 'yon. Ano na naman kaya 'yong nasarapan siya?" gigil siyang nakapameywang.

"Nasarapan ha! Bukas ka lang at talagang sasabunin kita pagkatapos ko kay Devon!" nanggigigil niyang wika sa hangin.

At sino ang kasama nito sa national event na 'yon? Si Shelda? Sa naisip ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang galit na halos lumuwa ang puso niya sa pakiramdam na 'yon. Kung dati'y hangang-hanga siya kay Shelda, ngayon nama'y galit na galit siya. 'Yon na ba ang tinatawag na selos? Nagseselos na ba talaga siya? Pinagseselosan niya si Shelda? Bakit di niya 'yon maramdaman kay Veron?

Nächstes Kapitel