webnovel

VERON'S EVIL SCHEME

Nasa harap mismo si Flora Amor ng pakay niyang building. Hindi naman pala 'yon mahirap hanapin dahil nasa highway lang at malapit sa palengke ng Balintawak.

Mataman niya munang sinuri ang tatlong palapag na commercial building. Halos tapos na ito at maganda naman ang pagkakagawa, subalit may mga buhangin pa sa labas niyon, 'di pa nalilinis.

Kanina'y ni-research niya sa google kung ano ang mga financial statement na dapat kunin sa project manager doon. Matapos masusing pagmasdan ang buong building ay pumasok siya sa loob. Nakita niya ang kalat-kalat na mga trabahador at may kanya-kanyang ginagawa.

"Excuse me po, sir," tawag niya sa isang may edad nang nakapameywang sa malapit sa hagdanan paakyat sa ikalawang palapag, halatang nagpapahinga lang doon samantalang ang iba'y nakita niyang nagkakabit ng mga ilaw sa kisame.

Agad napangiti sa kanya ang ginoo.

"Good morning po, ma'am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" usisa nito.

"Alam niyo po ba kung asan ang project manager dito?" tanong niya matapos itong gantihan nang mahinhing ngiti.

"Ah opo ma'am. Ando'n po siya sa third floor. Sinusuri po 'yong wirings doon kung tama pagkakakabit," sagot sa kanya, halatang kilala ang taong kanyang hinahanap.

"Salamat po sir," pasalamat niya saka umakyat na sa taas ng building gamit ang hagdanan.

Pagdating do'n sa pangatlong palapag ay hinanap niya uli mula sa mga naroon ang manager.

"Ay, nasa baba na po ma'am, kanina pa. Sa elevator po siya dumaan," anang lalaking napagtanungan.

Napangiwi siya. Gumagana naman na pala 'yong elevator, nagpakahirap pa siyang umakyat sa hagdanan para lang makapunta do'n.

"Eh, eskelator po gumagana na rin ba?" usisa niya.

"Hindi pa po ma'am. Pero 'yong elevator gumagana na po," sagot nito sabay turo kung nasaan ang elevator.

Humihingal na niyang tinungo ang itinuro nito. Tama ang sinabi nito. Gumagana na nga ang elevator.

Maya-maya'y bumukas iyon, walang naruon kaya agad siyang pumasok, bago pa iyon sumara ay may lalaking nagmadaling pumasok sa loob.

"Ikaw?" magkasabay nilang naibulalas nang magkatinginan at makilala ang isa't isa. Ito 'yong lalaking nakasabay niya sa tricycle at bus kanina. Pati ba naman sa elevator, makakasabay niya rin ito?

Mahina itong tumawa, napangiti na rin siya.

"Hi, I'm the project manager here. Ang sabi ng isa kong tao, hinahanap mo raw ako," anang lalaki.

"Ikaw ang project manager?" 'di makapaniwalang tanong niya.

Tumango ito saka muling ngumiti.

"I'm the chairman's personal assistant. I'm here for the financial statement of this project. Pwede mo bang ibigay 'yon sakin?" pakilala niya sabay lahad ng totoong pakay do'n.

Sandaling kumunot ang noo ng lalaki pagkuwa'y tinitigan siyang mabuti saka nakakalokong ngumisi.

"Okay, ma'am. No wonder you're the chairman's PA. Kanina pa ako humahanga sa ganda mo. Nakakaadik tingnan ang buo mong katawan," biglang sambit nito.

Namutla siya sa narinig, agad nakaramdam ng panganib.

"I'm here for the financial statement, sir. But thank you for the compliment." Ngunit ayaw niyang ipahiya ang lalaki kaya nasabi na lang niya 'yon. Kung susupladahan niya't pagagalitan sa sinabi nito, baka kung anong gawin nito sa kanya lalo't dalawa lang sila sa loob ng elevator.

"Oh sorry. Nadala lang ako sa sobrang paghanga sa maamo mong mukha. Come with me to my office," anitong kahit humingi na ng pasensya'y mababanaag pa rin ang kabastusan sa pailalim na tingin sa kanya.

Pasimple siyang humakbang palapit sa pinto ng elevator para 'pag bumukas iyo'y makalabas siya agad, subalit lumapit pa lalo ito sa kanya, sa halip na bumukas ang pinto ng elevator ay huminto pa iyon at biglang nawalan ng ilaw.

Napasigaw siya sa pagkagulat sa nangyari.

"Ano'ng nangyari?" kinakabahan niyang usisa't agad kinuha ang phone niya sa loob ng sling bag at binuksan ang flashlight no'n. Good thing is, naitutok niya agad sa kasama ang flashlight, nasilaw ito't napaurong. Kung hindi'y baka nahalikan na siya nito nang mawalan ng ilaw dahil nakadukwang pala sa kanya nang itutok niya rito ang flashlight.

"Ano'ng nangyari, ba't huminto ang elevator?" tanong na uli niya. Hindi siya pwedeng magpahalatang natatakot, sa halip ay kailangan niyang ihanda ang sarili. Ngayon siya nagdududa kung totoong project manager nga ito at lalong pinagdududahan niya ang pagpapapunta sa kanya ng finance director sa lugar na 'yon. Hindi kaya may binabalak na masama ang babaeng 'yon sa kanya at ang kasamang lalaki ay kakuntsaba nito?

Biglang nanginig ang kanyang mga tuhod. Kung tama ang kanyang hula, talagang nanganganib nga siya sa pagkakataong iyon.

"Relax, miss," anang lalaki.

Inihanda na niya ang sarili sa anumang mangyayari. 'Pag lumapit na uli ito sa kanya, gagamitin niya ang itinuro ng kanyang kuya Ricky.

Humakbang pa siya lalo sa may pinto ng elevator pero gano'n din ang ginawa ng lalaki kaya't naitutok na uli niya ang flashlight ng kanyang phone kasabay ng pagkaroroon ng ilaw at paggana ng elevator. Nakahinga siya nang maluwang lalo na nang tuluyan iyong huminto at bumukas ang pinto subalit nang humakbang na uli siya palabas ay bigla na siyang pinatid ng lalaki, kung hindi pa ito agad sumaklolo't hinawakan ang kanyang kamay at iniharang ang katawan nito sa tapat niya at tuloy ay naihawak ang isa niyang kamay sa dibdib nito para huwag siyang matumba, marahil ay napasubsob na siya sa semento sa ginawa nito.

Duon niya lang nalaman kung anong gusto nitong mangyari nang marinig ang boses ni Dixal.

"Amor--"

"Dixal?!"

Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay nakalapit na ang nanggagalaiting si Dixal, pinakawalan ang isang malakas na suntok sa mukha ng lalaki dahilan para matumba ito papasok na uli sa elevator at hinawakan ang kanyang kamay.

"Dixal--pinatid niya ako---" paliwanag niya sana ngunit sa halip na makinig ay nagtatagis ang bagang na tumitig ito sa kanya nang matalim, umurong tuloy ang dila niya sa kaba at nang hilain siya nito sa patalikod sa elevator ay saka niya lang nakita ang mga trabahador na nakamasid lang sa kanila.

"Mr. Panlilio! You know what to do with the man inside," utos nito sa isang lalaking agad na lumapit sa kanila.

"Yes sir. Kami na po ang bahala sa kanya."

"Report to my office later," utos ng lalaki bago siya hilain palayo habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay. Inilagay niya agad sa bag ang phone niyang himalang hindi bumagsak sa sahig at mahigpit pa rin niyang hawak ng mga sandaling 'yon.

Gusto niyang magpaliwanag sa lalaki. Gusto niyang sabihing pinatid siya nito at wala siyang choice kundi hawakan ang dibdib nito para 'wag siyang matumba. Subalit sa higpit ng hawak nito sa kanyang kamay at sa galit na nakita niya sa mukha nang humarap sa kanya, nawalan talaga siya ng lakas ng loob para magsalita at ipagtanggol ang sarili hanggang sa makababa sila sa ground floor gamit ang hagdanan, dere-deretso sa labas ng building hanggang sa makita niya ang kotse nito.

Papagkatapat lang sa harap ng sasakyan ay agad nitong binuksan ang pinto ng front seat, pinapasok siya doon. Para siyang maamong tupang naging sunud-sunuran lang.

Nang tuluyan itong makapasok sa loob ng sasakyan ay lalo yatang naging mabalasik ang mukha nito't kita na niya ang litid ng mga utak nito sa leeg habang pinaaandar ang makina ng kotse.

Ngunit 'di niya hahayaang hindi man lang ipagtanggol ang sarili. Wala siyang kasalanan sa nangyari. Bakit ito magagalit sa kanya nang gano'n?

Huminga siya nang maluwang, inihanda ang sarili upang magsalita. Hinayaan muna niyang dumaan ang ilang minuto bago niya ibuka ang bibig.

"Dixal, bigla niya akong pinatid nang palabas na ako ng elevator. Buti na lang nakahawak ako sa dibdib niya, kung hindi, baka napasubsob na ako sa sahig kanina," walang gatol niyang paliwanag sa lalaki habang salubong ang mga kilay na nakatuon ang mukha sa daan.

Hindi ito nagsalita, ni hindi sumulyap sa kanya.

"Dixal, 'wag ka nang magalit oh. Hindi ko naman ginusto ang nangyari," dugtong niya nang maramdamang galit talaga ito.

Sa halip na sumagot ay bigla nitong inihinto ang kotse sa gilid ng daan, 'di nito makontrol ang galit na nararamdaman nang humarap sa kanya.

"Amor, do you know what a chairman's Personal Assistant means?" singhal nito sa kanya dahilan upang matigilan siya.

"It means you're next to me! Walang ibang pwedeng mang-utos sa'yo maliban sa'kin. Did you get it?" Nanggagalaiti pa rin ito sa galit na kung iba lang seguro ang kaharap nito'y baka naumbagan na nito noon din mismo.

"Hindi ka galit sakin dahil sa nangyari kanina sa elevator?" sa halip ay balik-tanong niya. Ano pala ang ikinagagalit nito kung 'di naman pala dahil sa nangyari sa elevator kanina?

Napanganga siya nang makuha ang ibig nitong sabihin sa sinabi.

"Alam mong pinapunta ako ng finance director do'n? Pa'no mo ako nahanap? Pa'no mo nalamang nasa loob ako ng elevator?" sunud-sunod niyang tanong.

Inilamukos ng lalaki ang kamay sa mukha nito saka salubong pa rin ang mga kilay na bumaling sa kanya, pagkuwa'y nagpakawala ito ng isang buntunghininga.

"Amor, listen carefully," medyo kumalma na ang boses nito't hinawakan siya sa dalawang kamay at marahan iyong pinisil-pisil.

"I won't let anyone to hurt you. Pero kailangan mo ring mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha mo. No one is above you when it comes to work, not even me. Kaya hindi mo kailangang sumunod sa utos ng kung sinu-sino. Pa'no ka nila irerespeto kung hinahayaan mo silang basta ka na lang utusan?" sermon nito sa mahinahon nang paraan, iyong para siyang batang pinagpapaliwanagan sa paraang mauunawan niya.

"Dixal, baka pag-initan nila ako 'pag hindi ako sumunod. Tignan mo 'yong finance director. Nagtampo lang siya sa sinabi mo kahapon, pero tignan mo ang ginawa niya sa'kin. Muntik na akong mapahamak dahil pinag-initan niya ako. Pa'no kung 'di ako sumunod tapos, mas masama pa rito ang gawin niya sa'kin?" mahaba niyang sagot. Gusto rin niyang marinig nito ang kanyang side.

"I'll deal with her myself. Pero next time, ayuko nang susunod ka sa mga utos ng kung sino lang. That's an order, Amor!" matigas na uli ang boses na wika nito saka binitawan ang kanyang kamay at muling pinaandar ang sasakyan.

Hindi na siya nagsalita nang 'di ito lalong magalit, pero inilapat niya ang kamay sa hita nito, tinitigan itong mabuti.

Ngayon niya nauunawaan kung bakit ito galit.

Nag-alala ito sa kanya nang malamang may masamang balak si Veron kaya siya pinapunta doon. Seguro'y bago pa man bumukas ang pinto ng elevator ay nasa tapat na ito ng elevator at nakita nito kung pa'no siya pinatid ng lalaki kaya gano'n na lang ang pagpupuyos nito ng galit.

Naihimas niya ang likod ng palad sa pisngi nito.

"Dixal, I'm sorry pinag-alala kita," an'yang 'di tinatanggal ang tingin sa mukha nito ngunit 'di ito sumagot, ni hindi rin bumaling sa kanya, sa halip ay nagpakawala ito ng isang buntung-hininga.

Natahimik na rin siya ngunit hindi tinanggal ang kamay sa ibabaw ng hita nito. Kahit doon man lang maiparamdam niya sa lalaking nag so-sorry siya. Hindi niya alam kung anong pinagdaanan nito para lang mahanap ang kinaroroonan niya. Seguro'y kung saan-saan na naman ito nagpupunta at kung sinu-sino na naman ang pinagtanungan para lang makita siya agad. Those efforts, hindi niya kayang pantayan 'yon ng isang sorry lang. Ngayon niya nararamdaman kung ga'no siya kaimportante sa lalaki at kung ga'no siya nito kamahal.

"I think I'm already fallin' for you." Ang alam niya sa isip niya lang gustong sambitin ang bagay na 'yon subalit nang biglang ihinto ni Dixal ang sasakyan at nagsalita'y do'n niya narealize na naibulalas pala niya ang laman ng isip.

"What did you say?"

"Ha?"

Nächstes Kapitel