webnovel

THE WORST BETRAYAL

"Are you sure you're alright?" pangalawang tanong na 'yon ni Dixal kay Flora Amor habang nasa loob ng sasakyan at nagbibiyahe papunta sa party.

Humugot siya ng isang buntung-hininga bago nakangiting sumagot.

"Yup. Don't worry, I'm fine," pagbibigay niya ng assurance pagkuwa'y inilapat ang kaliwang kamay sa hita nito.

Pero ang totoo nininerbyos siya. Maraming bagay ang sumasagi sa kanyang isip. Pa'no kung hindi lang basta mayaman ang pamilya ni Dixal, kundi sobrang yaman? Pa'no kung hindi pala siya tanggap ng mga 'to kaya ayaw siyang ipakilala ng asawa sa mga 'yon? Alam niyang nagpatianod lang si Dixal na magpunta dahil sa pamimilit niya para mawala ang mga hinala niya na may itinatago nga ito sa kanya. Pero kanina pa niya napapansing apektado ito sa napanaginipan kagabi kahit ilang beses pa niyang sinabing panaginip lang ang lahat.

Hindi sa ayaw niyang maniwala, kundi may tiwala siya sa asawang hindi ito gagawa ng isang bagay na alam nitong ikakagalit niya at magiging dahilan para maghiwalay sila. Leaving him would be her last resort. Pero kahit anong sabihin niyang paliwanag halata pa rin sa mukha nito ang kaba.

"After we see my mom, we must go back home, okay?" madiin nitong sabi kaninang nasa bahay pa lang sila, patunay na wala talaga itong balak makipagkita sa kahit kanino maliban sa ina.

'Di naman niya magawang magtanong kung bakit ayaw nitong makilala niya ang sinasabi nitong kakambal at lolo.

Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng discomfort nang mapansing pumasok sila sa isang subdivision. Hindi na siya mapakali.

"You're pale," pansin nito nang sumulyap sa kanya.

"I'm fine, don't worry about me," natatawa niyang sagot sabay lingon sa may bintana upang iiwas ang tingin.

Pumasok ang sasakyan sa isang maluwang na gate. Mula sa loob ng kotse ay kita niya ang malawak na bakurang nababalutan ng bermuda grass at sa gilid ng driveway ay nagagandahang mga flowering plants, different kinds of roses in particular. Kaya pala laging may fresh roses sa sala nila, do'n pala galing ang mga 'yon. Seguro'y mahilig sa mga roses ang kanyang byenang babae.

Pagkahinto lang ng sasakya'y lumabas agad ang asawa para pagbuksan siya ng pinto.

Ang higpit ng kapit niya sa braso nito pagkalabas sa kotse.

"We'll leave after 30 minutes okay?" paalala na naman nito.

Nanlalamig ang mga kamay na tumango siya at pinagmasdan ang bahay sa harapan. No, it was not just a house but a mansion sa sobrang laki at sa harap mismo niyon ay may isang malaking fountain.

Subalit hindi do'n nakatuon ang kanyang pansin kundi sa mga taong nakatingin sa kanila hindi pa man sila nakakapasok ng bahay. Lalo tuloy humigpit ang kapit niya sa braso ni Dixal.

Hinalikan siya nito sa noo nang mapansing nininerbyos siya.

"Relax, sweetie. They're just nothing compared to you," anito.

Alam niyang pinapalakas lang nito ang kanyang loob. Humilig siya sa balikat nito habang naglalakad upang iiwas ang tingin sa mga mapanuring matang nakatitig sa kanila habang papasok sila sa loob ng bahay.

"Dixal, nasi-CR ako. 'Asan ang banyo niyo?" Di na naman niya mawari kung natatae o naiihi sa nerbyos basta kailangan niyang magpunta munang banyo.

"I'll take you there," sagot nito.

"Mr. Amorillo!"

Kapwa sila napalingon sa may-ari ng boses na 'yon.

Naka tuxedo ang lalaking walong taon lang ata ang agwat sa asawa. Natuon ang atensyon nito sa kanya, dahilan upang mapahigpit pa lalo ang kapit niya kay Dixal.

"Nice to meet you again," anito sabay lahad ng kamay sa asawa.

"My pleasure, Mr. Villamor," anang asawa't nakipagkamay sa bisita.

"I've heard about your engagement in Germany. So this is your fiancee?"

Kunut-noong nag-angat siya ng mukha at maang na tumitig kay Dixal, nagtatanong ang mga mata.

Engagement sa Germany?

"No, she's my wife," maagap na sagot nito sabay halik sa kanyang noo. "My lovely wife," dugtong nitong 'di naitago ang pangungunot ng noo.

Sandaling natigilan ang lalaki at sinipat siya mula ulo hanggang paa, then smiled.

"Ohh, I see. I bet you're right. She looks innocent and yet gorgeous," wika nitong 'di maitago sa mga mata ang paghanga sa kanya.

"Dixal--" Gusto niyang humingi ng paliwanag dito. Ano 'yong engagement na sinasabi ng lalaki? Engaged na ba ito bago siya pakasalan?

"I love you." Ngunit iba ang lumabas sa mga bibig niya na maging siya ay nagulat din sa sinabi.

Kinabig siya ng asawa at hinalikan sa likod ng tenga sabay bulong, "I love you too, sweetie. Believe me, I dumped that engagement before I married you," sagot nitong tila nahulaan ang laman ng kanyang isip.

Hindi niya alam kung ano'ng iisipin ng mga sandaling 'yon pero may tiwala siya dito. Paniniwalaan niya lahat ng mga sasabihin nito. Or maybe they should go back home bago pa may ibang lumapit sa kanila at kung anu-ano na naman ang sabihin.

Habang pinag-iisipan niya ang bagay na 'yon ay narinig niyang nagpaalam ang lalaki at lumayo sa kanila saka siya nakahinga nang maluwang.

"Dixal, ihing-ihi na ako," singit niya

"Dixal, darling!"

'Grrrrrr!' Nagpantig agad ang kanyang tenga sa narinig subalit natahimik din nang mapagsino ang tumawag. Ito 'yong babaeng nakita niya sa Mang Inasal.

Pagkalapit lang ay pumulupot agad ito sa kabilang braso ni Dixal.

"You're mom is waiting for you at the swimming pool," anito.

Mabilis na kumawala ang asawa mula sa pagkakapulupot nito.

"Hey, behave," saway nito sa isa.

Siya na ang kusang kumawala sa asawa.

"Sumama ka na sa kanya. Magsi-CR lang ako," wika niya nang nagtatakang tumitig ito sa kanya habang ang babaeng katabi nito'y 'di man lang siya magawang tingnan o talagang ayaw siyang pansinin. At para mapanatag ang asawa'y pakaswal siyang ngumiti.

"Asus, okay lang ako. Ituro mo lang sakin asan ang CR. Don't worry, 'di ako maliligaw." Marahan siyang tumawa sa sinabi ngunit hindi ito nagbago ng ekspresyon ng mukha, nanatili lang mariing nakatitig sa kanya, inaarok marahil kung anong laman ng kanyang isip.

"Hey, kiddo. The CR is over there," sabad ng babaeng muling pumulupot sa asawa.

Nagpatiuna na siyang naglakad papunta sa itinuro nitong lugar.

"Amor, don't go," narinig niyang bulong nito sa hangin pero nagmamadali pa rin siyang lumayo at tinungo ang CR at mabilis na pumasok sa loob.

Sa harap ng malapad na salamin sa taas ng lababo'y pinakawalan niya ang isang malalim na buntung-hininga at pinagmasdan ang sarili.

Maganda naman siya at kung tutuusin ay mas maganda pa siya sa babaeng kasama ni Dixal ngayon. Bakit kailangan niyang makaramdam ng inferiority complex samantalang siya ang asawa ni Dixal?

Pinagmasdan niya ang suot na floral lace cocktail dress na ang asawa mismo ang bumili. Kung ikukumpara sa damit ng babae kanina'y 'di hamak na mas eleganteng tingnan ang kanyang suot.

"Woooh!" sigaw niya upang palakasin ang loob. Hindi siya pwedeng makaramdam ng insecurity. Asawa siya ni Dixal, dapat confident siya sa kanyang sarili. May asawa na siya, hindi na pwede 'yong tatanga-tanga siya at takot sa maraming tao.

Isang beses pa niyang pinasadahan ng tingin ang sarili bago lumabas ng banyo. Buo na ang kanyang loob. Ipapakita niya sa lahat na siya ang asawa ni Dixal Amorillo.

Pagkalabas lang ng CR ay namayani agad sa kanya na pagkatuliro. Paano'y hindi niya natandaan kung saan siya nanggaling.

"Gosh, Flora Amor! Lutang ka na naman," sita niya sa sarili.

Pinagmasdan niya muna ang paligid at pumihit pakanan. Naalala niyang doon siya nanggaling kanina, saka siya naglakad thinking na 'yon ang exit sa dami ng pasikot-sikot sa malaking bahay na 'yun. Sana nga'y mahanap niya agad ang asawa pagkalabas doon.

"Tindi mo dude. Within three months, you already hit the jackpot." Narinig niyang may nagtatawanan sa unahan. Baka 'yon na ang maluwang na bukana ng mansyon.

"Diskarte lang bro. Sabi ko na, no strings attached, just sex."

Natigilan siya sa narinig. Pamilyar ang boses na 'yon sa kanya pero segurado siyang hindi 'yon si Dixal. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Ang boses na 'yon, natatandaan niya ang linyang 'yon!

Nanlalamig ang mga kamay na lumapit siya sa nag-uumpukang grupo ng kalalakihan.

'Dixal!' sigaw ng kanyang isip.

Kitang-kita ang mukha ng asawa mula sa kinatatayuan. Ang saya nito habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigang ngayon lang ata niya nakita. Pero bakit iba na ang suot nitong damit? At may hawak itong baso ng alak? Ang alam niya kay Dixal, 'di ito sanay uminom.

"The first time I fucked her, wooowww! I still could feel the feeling!" pagmamalaking sambulat nito.

Nanginig ang kanyang mga kamay. Bakit gano'n ito magsalita?

"Wala, talo kami sa pustahan 'pre. Tindi mo talaga. Ano ngang pangalan nung kolehiyala na 'yon? Flora Amor? Parang hinukay pa sa baul ang pangalan ah," anang isa, sinabayan ng halakhak ang sinabi.

Parang bomba 'yong sumabog sa pandinig ni Flora Amor. Kasabay ng panginginig ng katawan at panlalambot ng mga tuhod ay ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi! Hindi totoo ang kanyang mga narinig!

"Dude, walang duda. Karapat-dapat ka talaga naming tawaging master. Imagine, nakuha mo ang virginity ng inosenteng kolehiyalang 'yon na parang wala lang," wika ng isa pa.

"Pero yuck dude! Nai-imagine ko ang amoy ng babaeng 'yon thinking that she was a fish vendor. Amoy isda din!"

Nagtawanan ang lahat sa sinabing iyon ng isa pang lalaki.

Nanlalambot ang mga tuhod na napaatras siya. Hindi totoo ang lahat ng 'yon. Baka, nagkakamali lang siya ng dinig. Baka ibang babae lang ang pinag-uusapan ng mga 'to at hindi siya.

Pero bakit nanginginig ang kanyang buong katawan, nanlalambot ang kanyang mga tuhod at walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha kung hindi totoo ang lahat?

"Dixal, bakit? Bakit?" Gusto niyang sugurin ang asawa at paulit-ulit itong sampalin, pero tila naubusan na siya ng lakas na kahit paghakbang pasulong ay 'di niya magawa. Kung pwede lang lamunin na lang siya ng sahig na kinatatayuan, mas gugutustuhin pa niya 'yon kesa marinig ang tawanan ng mga ito habang iniinsulto ang kanyang pagkatao habang ang asawa'y walang ginawa kundi pagtawanan siya.

'Tanga ka talaga! Sinabi ko na sa'yo, pinaglalaruan ka lang niya!' hiyaw ng kanyang isip.

'Hindi! Ipikit mo ang mga mata mo, Amor. Mahal ka ni Dixal. Hindi niya magagawa 'yon sa'yo. Makinig ka sakin. Mahal ka ng asawa mo,' mahinang bulong ng kanyang puso.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig nang kumawala ang isang malakas na hagulhol mula doon at bago pa niya nakitang tumitig si Dixal sa kanya ay nakatalikod na siya at tumakbo palayo sa lugar na 'yon.

"Shut up, all of you!" hiyaw nito sa mga kasamang natigilan sa narinig.

Ngunit natigilan din ito nang bumaling sa matandang matiim na nakatitig dito mula sa 'di kalayuan. Ngumisi iyon sa lalaki na tila sinasabing--

"Good job! Good job!"

"Damn that evil old man!" bulalas nito at galit na ibinalibag sa sahig ang hawak na baso.

"Bro, what happened?" gulat na tanong ng mga kaibigan.

------------

"VERON, tell me honestly. Where is my mother?" tiim-bagang na tanong ni Dixal nang pagpasok sa kwarto ng ina'y wala ito doon. Kanina'y sabi nitong nasa swimming pool ang kanyang mama pero nang makalayo na si Flora Amor ay saka nito sinabing nasa kwarto nito ang una.

"Relax darling. Honestly, we're not here for your mother. We're here for us," nanunudyong sambit ng dalaga saka mabilis na ipinulupot ang kamay sa kanyang leeg at pinunasan ng panyo ang bigla na'y nangilid na pawis sa kanyang noo.

"Veron, what are you doing?" takang usisa niya rito.

Bigla siyang kinabahan nang agad makaramdam ng pagkahilo. Itinulak niya ito.

"What did you do?" Nang-uusig na tanong niya sa matigas na boses. Ang asawa agad ang pumasok sa kanyang isip.

No! This can't be!

Pero hindi niya kayang balewalain ang nararamdamang pagkahilo. Galit na tinitigan niya ang kababata. Ano'ng inilagay nito sa panyo at bigla na lang siyang nakaramdam ng gano'n? Ang kanyang asawa, nanganganib ang kanyang asawa. Kailangan niya itong puntahan. Hindi siya dapat magpatalo sa nararamdaman.

"Dixal, I love you. I'm sorry, but this is the only way to make you mine. Hindi kita basta na lang ibibigay kay Shelda o sa kahit kaninong babae," anang dalaga habang marahang hinihimas ang kanyang dibdib.

Nanghihinang itinulak niya ito't napakapit sa pinto ng kwarto. Kailangan niyang puntahan ang asawa. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag siyang magpunta sila rito.

"Amor...Amorr..." paulit-ulit niyang sambit, nagbabakasaking marinig siya nito. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama rito. Kilala niya ang kanyang lolo. Sa sobrang galit nito sa ginawa niyang pagsuway sa utos nito'y alam niyang hindi nito palalagpasin ang pagkakataong 'yon para mapaghiwalay sila ng asawa.

"Amor... Amor..."

Subalit hindi niya kayang dalhin ang sarili ng mga sandaling 'yon lalo na nang hatakin siya ni Veron palayo sa pinto. Bumagsak siya sa sahig.

"No, Dixal. Akin ka na ngayon. Hindi ko maaaring palagpasin ang pagkakataong binigay sakin ng lolo mo. Alam kong ako ang mahal mo, pero nagpapakipot ka lang."

Pumatong ito sa kanya at umupo sa kanyang t'yan saka sinimulang tanggalin ang butones ng kanyang blazer.

No! No! sigaw ng kanyang isip.

Sa kabila ng pagkahilo't panghihina'y nagawa pa rin niyang itulak ang kababata.

"Amor... Amor..." bahagya na lang lumalabas sa kanyang bibig.

Heto si Flora Amor, nakatakip pa rin ang palad sa bibig habang impit na humahaguhol sa tahimik na parteng iyon ng malaking mansyon.

Hindi niya matanggap na ginawa lang pala siyang pustahan ng mga barkada ni Dixal. Pinaglaruan lang siya nito, pinagsamantalahan ang kanyang kainosentehan dahil lang sa isang pustahan.

Kaya pala ang lakas nitong magsabing just sex, no strings attached.

Nanghihina siyang napaupo at niyakap nang mahigpit ang sarili habang walang tigil sa pagluha. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pa niya minahal ang lalaking 'yon.

Napakalaki niyang tanga't naniwala sa sinasabi nitong pag-ibig samantalang lantaran siyang pinaglalaruan.

Pero bakit ang baliw niyang puso'y ayaw maniwalang kaya 'yung gawin ni Dixal?

'Maniwala ka sakin, mahal ka ng asawa mo.' ang paulit-ulit nitong ibinubulong sa kanya.

"Amor... Amor..."

Natigilan siya't mabilis na napatayo.

Hindi. Hindi pwede 'yong basta na lang gan'to. Kukumprontahin niya ang asawa. Liliwanagin niya ang natuklasan kanina lang. Gusto niyang sa mismo bibig nito manggaling ang lahat.

"Amor... Amor..."

Patakbo niyang pinuntahan ang pinagmumulan ng boses nito. Kunut-noong napatitig siya sa hagdanang nakita sa 'di kalayuan. Kanina lang ay ando'n ito sa may bandang kusina. Bakit ngayo'y naroon na ito sa ikalawang palapag ng bahay na 'yon?

Nagtataka ma'y umakyat pa rin siya sa hagdanan at patakbong tinungo ang pinagmumulan ng boses.

"Amor... Amor... "

Tama ang hula niya. Naroon ang asawa sa loob ng kwarto sa unahan. Patakbo niya iyong nilapitan at agad na binuksan ang pinto upang muling manginig at mapaluhod sa tumambad sa kanyang mga mata.

Madiin niyang nakagat ang mga labi upang pigilan ang malakas na pag-iyak habang nakatitig sa babaeng walang saplot na nakapatong sa nakatihayang si Dixal.

Pakiramdam niya'y pinagpipira-piraso ang kanyang puso sa hapdi at nilalatigo ang buong niyang katawan sa sakit na kahit ang pagtayo'y 'di na niya magawa pa.

Bakit? Bakit ganito ang ginagawa ng lalaking labis niyang minahal? Ibinigay niya ang lahat dito, ang tiwala niya, ang buong puso niya, subalit ito ang naging ganti sa kanya. Ang sakit, ang sakit-sakit na mas pipiliin pa niyang lamunin ng marmol na tiles na kinalalagyan kaysa makita ito sa kandungan ng iba.

"Dixal, kiss me, kiss me darling. I want to feel your love."

Hindi na niya kaya ang sobrang sakit na ipinararanas ng lalaki sa kanya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'yun habang may kaunti pang katinuang natitira sa kanya. Kung hindi'y baka 'di niya mapigilan ang sarili at magpatihulog na lang sa hagdanan.

--------

INIPON ni Dixal ang lahat ng natitirang lakas para itulak ang kababata mula sa kanyang katawan at buong lakas na tumayo.

"Get out! Get out!" sigaw niya sabay turo sa nakabukas na pinto.

"Dixal, mahal kita. Kusa kong ibinibigay sayo ang puso ko. Pero bakit napakamanhid mo? No, hindi matatapos ang araw na 'to nang 'di ko nagagawa ang gusto ko!" ganti nitong hiyaw, naro'n ang determinasyon sa tinig at mabilis na uling nakatayo at lumapit sa kanya pero isang sampal ang nakapagpatigil sa balak nitong gawin.

"Damn you, Dixal! Damn you!" mangiyak ngiyak nitong sigaw.

"Get out or I'll crash your own body right at this moment!" tiim-bagang niyang utos.

Nang mapansing seryoso siya sa sinabi'y mabilis itong tumakbo palabas bitbit ang tinanggal nitong suot pang itaas.

Napakapit siya sa door knob ng pinto. Hindi siya pwedeng magpatalo sa nararamdaman. Hindi pwedeng magkatatotoo ang kanyang panaginip. Hindi niya kayang mabuhay mag-isa nang wala si Flora Amor. Sa piling nito, nagagawa niyang tumawa nang malakas, nagagawa niya ang lahat ng mga bagay na 'di niya magawa sa pamamahay na 'yon. Ito lang ang babaeng nagpabilis ng tibok ng kanyang puso, ang babaeng una niyang minahal. Kahit na anong mangyari, hindi sila pwedeng magkahiwalay.

Kinuha niya sa bulsa ang phone at tinawagan si Lemuel, pagkatapos ay nanghihina na siyang bumagsak sa sahig. Subalit bago siya mawalan ng malay ay nasa harap na niya ang kaibigan.

"Hey, bro what happened. Dixal! Dixal!"

"Si Amor, Lemuel. Puntahan mo si Amor," 'yon lang at tuluyan na siyang nadaig ng kung ano'ng ipinaamoy sa kanya ni Veron.

Nächstes Kapitel