Muling nanumbalik ang mga boses ng mga nahihirapang nilalang at ngayo'y naririnig ni Kira ang sariling boses at sa mga puno ay nakikita ang itsura noong pinapahirapan.
"Huli na iyon!"sigaw ni Kira habang tinitingnan ang mga puno.
Kinuha muli ang espada, pagkaraa'y matalim na tiningnan ang higante na may hawak ng machete. Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa heneral na mukhang masaya dahil napuruhan ang dilag.
Gustong paslangin ni Kira ang heneral na nasa kaniyang titig. Nanginginig ang kaniyang laman at naninigas ang kaniyang panga habang nakangising nakatingin ito sa kaniya.
Naalala niya ang mga kababuyan na ginawa nito sa kaniya—ang pagtangka nitong gahasain siya. Kinuyom niya ang kamao sa galit.
Hinaplos-haplos nito ang binti ng dalaga at napakagat-labi. "A-Anong gagawin mo? H-Huwag!" mahinang pagpupumiglas ni Kira at sinusubukang alisin ang kamay ng heneral sa kaniyang binti.
"Heneral! Hindi naman tamang kayo lang ang nakikinabang!" ani ng dalawang kasama ng heneral na halos maglaway na.
"Mamaya na kayo, ako muna." Nagsimulang maghubad ang heneral at pagkatapos ay dinaganan ang dalaga.
Simimulan nitong halikan ang leeg ni Kira habang hinahaplos-haplos pa rin ang binti nito. "H-Huwag! P-Patayin niyo na lang ako! H-Huwag!" iyak ni Kira habang dumapo na ang labi ng heneral sa suso ng dalaga.
"H-Huwag! Pakiusap! Tama na!" pilit inaalis ni Kira ang ulo ng heneral na nasa tapat ng kaniyang dibdib.
"Hindi dapat sila maging masaya habang ako'y nagdudusa," ani ng kaniyang isip.
Hinigpitan niya lalo ang hawak sa espada. "Papatayin kita," pangako niya sa malamig na tono.
Tumakbo siyang muli upang salubungin ang higante habang ang mga masasakit na alaala ay ginagawang dahilan upang lumakas.
"Mahal ko si Ringo, pero ano ang ginawa mo?"
"Trinaydor kita."
"Mamatay ka na Kira..."
Nangako ang dilag na babawian si Tsukino kapag sila ay muling magkikita. "Papatayin kita!" Mas lalong bumilis ang mga hakbang ni Kira hanggang sa nasa harapan na niya ang higante, hindi na niya hinintay na ito ay makagalaw pa, inambangan niya na ito ng malalakas na suntok at sipa hanggang sa napatumba sa lupa ang higante.
"Ikaw ang pumatay sa ama ko!"
"Nararapat kang mamatay, Kira."
Malakas na sumigaw si Kira habang inaalala ang mga sinabi ni Ringo. "Magsama kayo ni Tsukino! Magsama kayo!" sigaw niya habang patuloy na sinusuntok ang higante, Maya't-maya pa ay sunod-sunod na sinaksak gamit ang espada sa kaliwang kamay.
"Aahhh! Ayoko nang maging mahina! Papatayin ko sila! Papatayin ko sila!" tumalsik ang berdeng dugo ng higante sa kaniyang mukha ngunit patuloy niya lang na sinasaksak ang higante.
Hindi niya masiyadong marinig ang mga boses sa paligid at ang pagtawag ng kung sino sa kaniya dahil sa kaniyang ginagawa.
Patuloy niya lang sinasaksak ang higante kahit na hindi na ito makilala dahil sa mga saksak.
Galit na galit siya ngunit bakit tila mas lalo siya nitong dinadala sa dilim?
Naalala ng dilag ang sinabi ng binatang nagligtas ng kaniyang buhay ngunit hawak ang kaniyang kaluluwa.
"Isipin mong ang galit mo ang mga tinik na iyan at ang iyong balat ang iyong puso. Maganda nga ang galit sa paghihiganti pero hindi ko nanaising makasama ang isang halimaw na minsan ko nang iniligtas. "
Isang halimaw...
"Isa ba akong halimaw?" bulong ng dalaga sa sarili na mukhang nagising na sa ginawa, tinigil niya ang pagsasaksak sa kawawang higante at napatitig sa kawalan.
Ngunit nais niya lang ng hustisya.
"ANASTASIA! ANASTASIA!" naririnig na niya ang mga boses sa paligid at ang pinaka-malakas sa mga boses ay ang boses ng binata na tinatawag ang kaniyang ngalan.
Humarap siya sa kung saan nangagaling ang boses at tiningnan ang binatang nakatayo sa tabi ng isang patay na higante, naka-maskara man ay mukhang nag-aalala ito.
Ayaw niyang umasa na lamang sa lakas ng kasama, pero paano lumakas ng hindi kinakain ng galit?
Papaano?
Paano lumakas?
Ayaw na niyang maging mahina.
Napa-upo siya sa lupa at muling tumulo ang mga luha niya, inilabas ang lahat ng sakit at panaghoy kasabay ng paglamig ng buong paligid.
Nag-yelo at nanibago ang hawak niyang espada.