webnovel

NIOA 5

5.

Hindi ko alam kung bat nagpahila na naman ako kay Grella. As far as I still can, I don't want to feel comfortable around her. Mayroon kasi akong hobby na hanapin ang mga taong naging komportable na akong kasama.

Ayaw kong dumepende sa kaniya.

"I'm sure they will like you!" sabi niya habang hinihila ako.Umirap ako. Ang lakas talaga ng saltik ng babaeng to! Ayaw talaga niya kung tigilan!

Nagpahila lang din ako ng nagpahila hanggang sa wakas ay tumigil siya. Akala ko ay makakaalis na rin ako pero hindi parin pala. Hindi niya kasi ako binitawan sa kamay at bigla niya na naman akong hinila at pinatayo sa harap ng maraming tao.

The heck! Where are we? Is this a classroom?

"Aleah!" napatingin ako sa boses ng nagsalita. Si Leicel at Friza. "Anong ginagawa mo dito?" Leicel asked. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong ginagawa ko dito. Ewan ko kay Grella, bigla bigla na lang manghihila eh!

"Attention, everyone!" napalingon naman ako kay Grella na bigla na lang sumigaw. Pumalakpak pa siya para makuha ang atensiyon nila.

I sighed. Ano na namang trip niya?

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng pagkalawak lawak bago muling bumaling sa harapan. "I want you to meet Aleah. She's new here so I hope everyone's gonna treat her nicely." ma-awtoridad niyang sabi. May ilang tumango at may ilan rin tumingin lang sa akin.

Mayroon ring mga nag greet at kung ano anong sinasabi.

Teka! Bat niya ba ko pinapakilala? When did I gave her the privilege to introduce me infront of this many people?!

"Woy, chicks!"

"Hi, welcome to NOIA!"

"Tsk!"

"She looks like a bitch for me."

"Zup, beautiful! Jeth nga pala!"

"Mukhang masungit to ah!"

"Anong magic mo?"

Ilan lang yan sa mga dinaldal nila pero ni isa ay wala akong sinagot. Wala naman kasing kwenta yung mga tanong at mga sinasabi nila.

Umirap ako at tinalikuran sila. I was about to go out ng may bigla namang pumasok na lalaki.

He's tall, have a messy black hair and that red eyes.

I was standing infront of him and he's staring at me. Pula ang mata niya pero kung makatitig naman ay parang yelo.

He feels so hot but at the same time, cold.

Sino siya?

"Bro, andiyan ka na pala!" nawala ang tingin niya sa akin at nalipat sa tumawag sa kaniya.

I'm still staring at him ng lampasan niya 'ko.

Nawala siya sa paningin ko. Doon ako natauhan, what the hell is that feeling? Familiarity? Tsk! No way! Ngayon ko lang siya nakita kaya imposibleng kilala ko siya.

"Aalis na ko." mahinang bulong ko. Hindi ko nga alam kung bat pa ko nagpapaalam sa babaeng 'to.

Nag umpisa na 'kong maglakad papalabas. "Wait lang! Dito ka muna. Stay, please." sagot niya naman. I don't know why but because of what she said, I stopped walking.

What are you doing, Aleah?! Walk! "I'm going." I said and forced myself to walk again.

Nasa may pinto na ko ng may pumasok naman ngayon na babae. This time, I think she's far older than us. Katamtaman lang ang height niya, maputi, blonde ang kulay ng buhok at may suot siyang salamin. Her eyes are black and so natural.

Nakaformal din siya at maawtoridad kung tumayo. She shockingly looked at me. "Miss Aleah." tawag niya sakin. I just stared at her.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Andito ka na pala." tanging sabi niya bago humarap sa klase. "Everyone! Silence!" sigaw niya at automatic naman na nagsitahimik ang lahat. Kahit nga si Grella ay pumunta sa upuan niya.

Kaming dalawa lang ang naiwan sa harapan na nakatayo. Lahat sila ah nakatingin sa kaniya. Maliban lang sa isa.

The red eye man. Sa akin siya nakatingin.

Yung mga tingin na akala mo, kinikilatis niya 'ko. Parang binabasa niya pati nasa loob ng isipan ko. The way he looks, it's uncomfortable.

"I want you to meet, Aleah Davis. Your new classmate. Please treat her nicely."

Napatingin ako sa kaniya at nagulat ako sa sinabi niya. What the heck?!

"Yun oh!"

"Classmate ka pala namin!"

"Yes naman!"

"Sabi na eh!"

"Tsk! Treat her nicely? She wish!"

"She feels different."

Iba iba ang kanilang naging opinyon sa sinabi niya. May mga natuwa at mukhang mayroon ring nainis. Di mainis sila hangga't gusto nila. As if I care at all...

"Please take your seat Ms. Davis."

"Aleah's fine, Ma'am." sabi ko bago pumunta sa bakanteng upuan. "I'll let you pass today in not wearing your uniform. But make sure to wear it tomorrow, okay?" tumango naman ako.

"Okay, let's start. Our lesson for today is about the history of our school." pag uumpisa ni Ma'am. Hindi ako yung tipong mahilig makinig sa klase pero nakuha ng topic ang atensiyon ko.

History of this weird place? Interesting.

Nächstes Kapitel