webnovel

Kayleen's POV

Ilang beses akong lumunok. Natutunaw na talaga ako sa titig nya sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"K-Kung ganon bakit kayo nagdedate ni Trisha kahapon?"

"Wala akong ka-date kahapon. Ikaw lang ang dine-date ko Kayleen."

Bigla akong umiyak. Sobrang pinigilan ko naman kaso hindi ko kayang hindi umiyak. Naghalo-halo na kasi ang selos, mga tanong at pagdududa sa akin. Naramdaman ko ang pagpunas nya sa basa kong pisngi.

"Pero magka-date kayo kahapon, nakita ko kayong dalawa."

"Ssh... Hindi 'yon date. Bumibili lang kami ng pagkain Kayleen. Walang ibang ibig sabihin ang nakita mo."

"P-Pero nakita nya pa nga ako kahapon."

Patuloy nyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay nya. Ang init ng mga kamay nya. Pinatingin nya ako sa kanyang mga mata at nakita ko ang sinseridad doon. Napalunok ako. Tumigil na ang iyak ko.

"Hindi nya sinabi sa akin. Bakit hindi mo ako tinawag?"

Bakit ko nga ba sya hindi tinawag? Kasi nag-selos ako kaagad. Ang sakit kasi nung nakita ko. Mukha pa namang nag-eenjoy si Trisha. Pero di ko naman kasi nakita ang mukha ni Ashton non dahil nakatalikod nga sya.

"Mukha kasing nag-eenjoy kayong dalawa."

Inalis ko na ang mga kamay nya sa mukha ko. Hindi sya umayos ng upo kaya naman ang lapit parin nya sa akin.

"Bumibili lang kami ng pagkain Kayleen." Gusto ko syang yakapin.

"Wala bang pagkain sa bahay nina Trisha?"

"Para kay Gio ang binibili namin. Hindi kasi sya makapag-focus sa pagtugtog kung walang dessert."

Naalala ko ang mukha ni Gio kanina na malungkot na kinakain ang ice cream nya.

"Kaya pala ang lungkot nya kanina."

"Nagkita kayo?" May kung ano sa tono nya. Inis ba yon?

"Oo," kunot noong sagot ko. Tinignan ko sya dahil nalilito ako sa tono nya.

"Ano'ng ginawa nyo?" mapakla nyang tanong.

"Wala. Nag-usap lang kami tapos umuwi na sya."

Napapikit sya habang humihinga nang malalim. Nakita ko ang mga kamay nyang mahigpit na nakahawak sa armrest ng upuan.

"Bati na ba ulit tayo?" bulong nya.

"Hmm." Tumango ako.

"Sino'ng ka-date mo kanina?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Lagot.

"Wala akong ka-date kanina. Gawa-gawa ko lang 'yon."

"Ang sabi ni Ash meron daw. Si Gio ba?" OMG! Alam ko na. Nagseselos sya?

Napangiti ako. "Hindi. A-Ako yung nag-text sa'yo kanina. At kami ni Ashleen ang magkasama kanina tapos nakita namin si Alex kaya pinuntahan nya."

Narinig ko syang napasinghap. Nakagat ko ang labi ko. Gusto kong takpan ang mukha ko sa hiya. Bakit ko ba kasi ginawa yon? Pero ang saya kasi nakita ko syang nagselos. Ang cute nya!

"Ikaw ang nagsabing may ka-date ka?"

Nahiya akong salubungin ang tingin nya. "Oo, naiinis kasi ako sa'yo eh."

Natigilan sya saglit. Pero nang magsalita sya nawala na ang pakla sa tono nya. Magaan na yon at para pang natutuwa.

"Please remind me next time na hwag ka na ulit iinisin." Kinuha nya ang mga kamay ko at ikinulong iyon sa mga kamay nya.

"Sorry," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sorry din," nakangiti nyang ganti.

Nächstes Kapitel