webnovel

Kayleen's POV

Bigla na lang akong nilamig. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kung sino ang nasa dulo ng daan na lalakaran ko.

"Kayleen!"

Bitbit ang gitara niya sa likod, tumakbo siya palapit sa kinatatayuan ko. Pinanood ko siyang lumapit sa akin. Lumundag na naman ang puso ko nang makita ko siya. Gusto ko rin tumakbo papunta sa kanya pero nasa harap ko na siya ngayon. Nasisilaw na naman ako sa ngiti niya.

"Pauwi ka na?" tanong niya sa akin.

Tumango ako.

"Hatid na kita."

Parang nalulon ko pa ang dila ko kasi ilang segundo akong di nakasagot. Ang cute niya kasi talaga! Bakit nagiging mas cute siya sa paningin ko habang tumatagal? Ang bango niya pa. Ano kayang pabango 'yun? Gusto kong bumili at i-spray sa kwarto ko.

Ano nga uli 'yung tanong niya? Tanong ba 'yun? Ang hirap mag-concentrate kapag ganito siya kung makatingin. Ang saya ng mga mata niya. Alam na kaya niyang gusto ko siya? Halata na ba? Ah! Concentrate!

"H-Hindi na. Malapit lang naman eh."

Pero hindi siya nakinig sa akin dahil sinabayan niya na ako ng lakad patungo sa bahay namin. Sumaya naman ako kasi gusto ko pa siyang makasama kahit ilang minuto pa.

"Kumusta ang practice?"

Sinilip ko saglit ang mukha niya. Bakit kahit hapon na, mabango pa rin siya? Hindi ba siya pinagpawisan sa practice?

"Okay naman. Ikaw? Ano'ng ginawa nyo ni Ash kanina?"

Itinuro ko ang buhok ko. "Tinuruan niya uli ako ng ibang style ng french braid at nag-usap. Girl talk."

Katulad nga ng sinabi ko kanina sa kanya, malapit na kami sa bahay ko kanina. Ngayon nasa tapat na kami ng gate namin. Magkaharap kaming nakatayo sa tapat ng bahay namin.

"Ashton, pupunta ka sa birthday ko di ba?"

"Invited ba ako?" tanong niya sa pabirong tono.

Natawa ako. "Oo naman! Ano ka ba?"

"Pupunta ako." Nginitian niya ako.

"Pwede ba akong humiling?"

"Kahit ano," nakangiti at full of assurance niyang sagot.

Kinagat ko muna saglit ang labi ko. "Pwede ba kitang maging escort?"

Pinakatitigan niya ako nang husto. "Of course Kayleen."

Feeling ko sumabog ang puso ko sa saya. Lumawak ang ngiti ko sa labi. Parang lilipad na ako sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang saya!

"Nagdala ako ng blueberry—"

"Muffins," dugtong niya sa sinasabi ko. "Tinext sakin ni Ash kaya ako umuwi kaagad."

Natuwa ako nang husto sa sinabi niya. Sayang lang at di ko makikita kapag kinain niya 'yun.

"Tikman mo ah."

"Palagi naman."

Totoo 'yon, palagi niyang kinakain ang mga na-bake ko.

"Sige, pasok na ako." Pero ayoko pa talagang pumasok sa loob ng bahay namin. Kung pwede lang kaming tumambay dito ng ilang oras kaso lalamukin na kami.

"Good night, Kayleen."

"Good night."

Binuksan ko na 'yung gate namin.

"Kayleen."

Mabilis ko siyang nilingon. "Yes?" Ayoko pa talagang umalis siya.

"Bagay sa'yo." Turo niya sa buhok ko.

Sa sinabi niyang 'yon, feeling ko talaga ang ganda ko! Sobrang ganda ko! Mas maganda pa kay Trisha! Mapapagulong na naman ako sa kama ko mamaya! Ang sarap ma-inlove. Sobra!

Nächstes Kapitel