webnovel

Chapter XXI

"Ready?" nakangiting tanong sa akin ni Alexus pagkababang-pagkababa ko sa hagdan. I'm wearing a black skater skirt and white crop top. Nagsuot lang ako ng flats para maging simple lang ang aking ayos. I didn't wear too much make-up. I'm not really against make-up. Humahanga nga ako sa mga babaeng marunong magmake-up. It's their only way to express themselves. But I just do believe that beauty is simplicity.

Masayang tumango ako at saka umabrisete sa kanyang braso. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto niya daw ako i-surprise. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang trip. Yan ang isa sa mga gusto ko sa kanya. He never fails to amaze me. He could pull it off from simple to grandiose surprise. Yung alam mong nag-effort siya ng sobra. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil wala akong maisip na pwedeng gawin para sa kanya.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" kulit kong tanong sa kanya. Kanina ko pa kasi gustong malaman. I'm dying of excitement already.

He chuckled and opened the car door for me.

"Kaya nga surprise, eh. Konting tiis na lang." He buckled my seatbelt at saka niya kinurot ang aking pisngi. "Don't pout at baka mahalikan kita diyan."

I bit my lip to contain my kilig. Pwede bang sumigaw? Ang sweet sweet talaga ng jowa ko.

Pumasok na rin siya at saka ikinabit na rin niya ang kanyang seatbelt. Nang makalabas na kami ng village ay binuksan niya ang car stereo. 'Perfect by Ed Sheeran' started to play. Bigla na lang niyang sinabayan ang kanta at minsan ay tumitingin siya sa akin. The butterflies in my stomach went crazy. Sinong babae ang hindi mahuhulog sa ganitong klaseng lalaki? Ano ba ang maipipintas ko sa kanya?

"Babe, ang ganda pala ng boses mo, eh," nakangiting puri ko sa kanya. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta and it feels so good.

Kinuha niya ang aking kamay at saka hinalikan. "I just sing to special people. Kahit araw-araw kitang kakantahan ay hindi ako mapapagod."

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya.

"Babe, when will you meet my parents? I know maaga pa for that but Marcus kept on bugging me. Mas excited pa yata siya sa akin, eh," nakalabing tanong ko.

He sighed. "I'm just afraid. Paano kung paglayuin tayo?"

"No. I know they will love you. Hindi naman ganun kahigpit sina daddy. Si Marcus lang naman ang OA makapag-react, eh. Basta if you're ready to meet them, just tell me, hmmmn?"

Tumango siya at saka ngumiti sa akin. "I will."

***

Kanina ko pa napapansin na ang daang tinatahak namin ay papunta sa Maynila. I didn't ask him kasi baka makulitan lang siya. Suprise nga, di ba? We just talked about random things during the ride. Minsan din sinasabayan niya ang mga kanta na pinapatugtog. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya, eh.

He parked his car infront of a big house. I gave him a questioning look. Kaninong bahay ito?

"Babe, sinong may-ari niyan? Ang ganda naman," manghang ani ko.

Bumaba na siya at saka pinagbuksan niya ako. "You like it?" masayang tanong niya. He offered his hand to me kaya tinanggap ko iyon. Pumasok na kami sa loob and followed a stone pathway. I was at awe nang makita ang gazebo na nasa likuran ng bahay. I didn't mind the pool because the gazebo already caught my eye. It was a simple one pero pakiramdam ko ay gustung-gusto ko iyon.

"Babe, di mo pa sinasagot yung tanong ko kanina. Who owns this house?" tanong ko habang tinitignan isa-isa ang magkakaibang bulaklak sa paligid ng gazebo.

He suddenly hugged me behind and snuggled his head on the crook of my shoulder. "It's mine but I want to be ours. Pinatayo ko ang bahay na ito para sa babaeng gusto kong makasama habangbuhay. I want it to be you, babe. Kahit paglayuin tayo ng tadhana ay ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong makasama na tumira rito."

My heart started to beat wildly and butterflies started to flutter in my stomach. Noong makilala ko siya at makasama, I never imagined that he's the one I've been looking for. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sa kanya. I love everything about him.

"Do you think you're just overwhelmed to do this? I love the house and everything pero hindi ba tayo maaga para rito? Don't get me wrong, babe. I love you and I want to have a future wih you. Ngunit paano kung bigla ka na lang magsawa sa akin? I don't want you to regret this moment." Ayaw ko naman na pagsisihan niya ang kanyang desisyon pagdating ng araw. Paano pala kung hindi kami para sa isa't-isa? Paano kung isang araw ang biglang marealize niyang hindi pala ako ang hinahanap niya?

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niyang bumitaw. "I won't regret this. Ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba. Kung hindi man ikaw ang makakasama ko, I will rather sell this house," seryosong aniya.

Humarap ako sa kanya at saka hinuli ang kanyang mga mata. I gently caressed his cheek and sweetly smiled at him. "I love you, babe. Thank you for doing this. You made me feel so special, today."

He tucked some stray hair behind my ear and slowly lowered his head to mine. Napapikit na lang ako. And I felt our lips touched. He deepened the kiss at hindi ko namalayangbtumutugon na pala ako. Why do I feel like I've been deprived from this? Yung parang matagal ko na itong hinahanap-hanap. Hindi naman ako ganito bago ko makilala si Alexus. Mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya. From there, I could hear his heartbeat. Parehong-pareho sila sa tibok ng aking puso.

I was lost with his kisses. He was even leaving some butterfly kisses on my jawline when my phone suddenly rang. Agad kaming naghiwalay at hinihingal na hinanap ko ang aking phone.

Kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni daddy na tumatawag. At hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Nächstes Kapitel