webnovel

Chapter XVI

"Are you excited?" tanong ko sa kanya nang matapos kong ikabit ang kanyang seatbelt. Umangal pa siya kanina na kaya naman niya raw ngunit ako lang itong mapilit. Kung maaari nga ay ayoko siyang napapagod. I want to treat her like a princess. No, like a queen.

She brightly smiled at me. "Uh-uh. Just the mere mention of the Art Gallery made me happy."

Tumango ako at saka in-start ang aking kotse. "After we finish there, would you like to talk to Brizz?"

Sumimangot siya. "Pwede bang sa ibang pagkakataon na lang? I don't feel like talking to her today. Hindi ko pa nakalimutan yung ginawa niya."

I smirked. "That's a first."

"Huh?" Naguguluhan siyang tumingin sa akin. Muntik ko ng matampal ang aking noo for being reckless.

"Wala. Sabi ko maganda ka," nakangising ani ko sabay tingin sa kanya. Her ears suddenly turned red. Nahihiya na naman siya. Ganyan naman siya kapag binibigyan ng compliment. She's not used to getting compliments. Her self-esteem is low kaya kapag kasama namin siya nila Trev noon ay sinasabi namin sa kanya na wag siyang mawalan ng bilib sa kanyang sarili. She's beautiful and smart. And I'm a damn fool for being blinded by anger. Ganun naman talaga, saka mo lang makikita ang halaga ng isang bagay kapag nawala na.

Pabiro niyang kinurot ang aking tagiliran kaya hindi ko inaasahang magulat.

"Hey, stop it. I'm driving," natatawang saway ko kaya tumigil na rin siya.

She suddenly pouted. "Ikaw kasi, eh." Bakit ba ang cute niya kapag ngumunguso siya? I think I'm going to be tempted to kiss those inviting lips. Napailing na lang ako sa kalokohang tumatakbo sa aking isipan. Behave, Alexus.

We arrived at the gallery safe and sound. Kung ano-ano ang aming napag-usapan. Mabuti nga at hindi siya naging awkward sa akin after nang halikan session namin kagabi. Talagang desidido siyang kalimutan na lang iyon. I didn't push that topic at baka mainis lang siya sa akin. Kung siya ay desididong kalimutan iyon, sa akin naman ay panghahawakan ko iyon. That would be a good start. Konting effort na lang at mahuhulog na rin siya sa akin. Tiwala lang.

****

PAGKAPASOK na pagkapasok namin sa loob ng Art Gallery ay bigla siyang napako sa kanyang kinatatayuan. Her face paled at hindi ko alam kung bakit. I held her hand at napansin kong nanlalamig ang kanyang kamay.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. She seems troubled.

She slightly shook her head and warmly smiled at me. "Wala. Baka guni-guni ko lang iyon."

"Tell me. O baka ayaw mo naman dito? Pwede naman tayong pumunta sa ibang lugar kung gusto mo?"

Umiling siya saka umabrisete sa aking braso. "I'm okay. Let's go?"

Alam kong may mali dahil saka lang siya sumasagot kapag may tinatanong ako. Minsan din napapansin kong nai-space out siya kapag may tinitignang painting. Hindi na lang ako nagtanong at baka mawalan pa siya ng mood. Kung ayaw niyang pag-usapan iyon ay irerespeto ko na lang.

"Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili nang hindi ko siya makita. May tumawag kasi sa akin at kailangan kong sagutin. I didn't even notice na wala na siya sa aking tabi.

Lakad dito, lakad doon ang aking ginawa. And at last, I saw her standing infront of a familiar painting. I remember that one. The last time we went here, she was amazed by that painting. It was a painting of a black-winged angel who fell in love with a human.

Hindi muna ako lumapit sa kanya. I kept myself busy watching her from afar.

She carefully caressed the canvass. Her face is too serious for my liking. She knotted her forehead nang biglang hinawakan niya ang kanyang ulo.

"Awwwww," kanyang daing habang sapo-sapo niya ang kanyang ulo. Pain crossed her face ka agad ko siyang dinaluhan. Hinihingal pa akong lumapit sa kanyang kinatatayuan. "What's wrong? Are you alright?"

She looked at me. She started crying kaya mas lalo akong nataranta. "Anong problema, Eevie?"

"I've been here." mahinang ani niya.

"What?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko kasi masyadong narinig ang kanyang sinabi.

"I've been here. With a man." she softly said.

I stood frozen. She remembered me? Us? Yung pagpunta ba namin limang taon na ang nakakaraan ang kanyang naalala? O baka ibang tao naman?

"I was happy."

"Why are you crying then?" usisa ko at patuloy pa ring inaalalayan siya. She's shaking.

"Because I think I love that man. I was standing here and he's beside me. Malapit lang siya ngunit parang ang layo niya. And he doesn't sound happy," malungkot niyang kwento. She suddenly hugged me. "He's the first man I ever remembered. Ngunit bakit ang sakit lang? Why do I feel like he hurt me so much?" sumbong niya sa akin. Palapit na ba ng palapit yung araw na ayaw ko pa sanang dumating?

"Nakita mo ba yung mukha ng lalaki?" tanong ko at marahang hinahaplos ang kanyang buhok. I was crossing my finger the whole time, hoping na hindi niya naalala ang aking mukha.

Umiling siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Paano kapag naalala na niya ang lahat? Paano kapag kinasuklaman na niya ako? I'm not yet ready to lose her. I'm not yet ready to see her reaction. Am I that selfish? I just want to be with her for the meantime. Alam ko kasi na kapag nakaalala na siya ay mag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin.

"Do you want us get out?" Choosing this place was not a good idea after all. Akala ko magiging masaya siya rito. Akala ko lang pala. This place triggered her memories.

Palabas na kami ng art gallery nang may nakasalubong kaming matandang lalaki. "Hala, sir, ma'am. Mabuti at nakabalik kayo rito?" masayang anito. Kumunot ang aking noo. Who's this guy? He looked familiar and then it suddenly hit me. Siya yung painter ng favorite painting ni Eevie.

"Baka nagkakamali po kayo. Ngayon lang po kami nagpunta rito," takang wika ni Eevie. Mabuti na lang at bumabalik na ang kulay sa kanyang mukha.

"Oo nga po," sang-ayon ko. My heart was beating so fast. Kung pwede ko lang hilain si Eevie palayo at nang makalabas na kami rito.

Nagkamot ito ng batok. "Hindi, eh. Five years ago, kaya yun."

Eevie suddenly chuckled. "Five years po? Hindi pa kami nagkakakilala ni Lex, manong."

Ngumiti ako ng hilaw sa matandang lalaki. Hindi ko gusto ang pinapatunguhan ng usapang ito. Staying longer in this place means trouble. "Paano po aalis na kami. May pupuntahan pa kasi kami," paalam ko saka hinila si Eevie palayo sa lalaking iyon. Hindi pa ba ako lulubayan ng kamalasan ko?

Nächstes Kapitel