UMUPO ako sa pinakagilid na table at malapit sa glass window. Matapos akong mag-order ay pinanood ko ang mga taong dumaraan. Ganitong pwesto rin ang gustong-gusto ni Eevie kapag kumakain kami noon kasama ang iba pang barkada. She loves watching people at hindi ko alam kung bakit. I never bothered asking her about that. Masaya kaming lahat until the wedding happened and suddenly everything changed. If only I gave her a chance. If only I tried.
I slightly shook my head. Kahit paulit-ulit kong sisihin ang aking sarili ay wala ng magbabago. I already did the damage. Kahit balikan ko pa ang nakaraan ay wala ng mangyayari. I should set aside the past. Learn from my mistake. Move on. And fix everything again. Ganun naman dapat. Hindi porket nagkamali ka na ay hindi mo na itatama. Don't wallow yourself in self-pity. Lahat naman tayo nagkakamali.
Mabuti na lang at dumating ang aking order. Hindi kataka-taka kung bakit dinarayo ang restaurant na ito. The food here is great kahit nakailang subo pa lang ako. Kung nandito lang si Eevie ay baka sobrang saya niya. She loves seafood and the sea.
Biglang may lumapit sa akin. Nagpakilala itong may-ari ng restaurant. "Excuse me, sir. Someone is requesting this seat. Is it okay na makiupo siya sa inyo?"
"It's okay," bored kong sagot at saka ko ipinagpatuloy ang pagkain. Wala namang kaso sa akin as long hindi ito makikipag-usap sa akin o mag-iingay. Puno na rin kasi ang restaurant. Hindi naman kasi ako yung klase ng customer na gagawing big deal ang maliliit na bagay. Consideration. Kung ako naman yung may-ari, I would do the same.
"Uhm, excuse me."
I froze when I heard that voice. Hindi naman siguro ako nagha-hallucinate, di ba? Kahit ilang taon na ang lumilipas ay hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin and I met two hazel brown eyes. When was the last time I stared at those eyes? Ngunit may nag-iba sa kanyang mga mata. She looks at me like I'm a person she just only met. Gone was the glint of warmth and love. Eevie..
"Pwede raw akong makiupo rito?" she politely asked. Para akong tangang nakatingin lang sa mukha niya. I didn't expect that we will cross path tonight. Hindi pa ako ready. Ang lakas nga ng tibok ng aking puso. Naririnig niya kaya iyon?
She pouted. "Napipilitan ka lang ba? You know, I could wait until you're done."
Hindi pa rin ako sumagot. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ay baka pumiyok lang ako. Kung nababaklahan kayo ay wala na akong problema. I'm just a guy in love. And this is the first time I saw her since that day.
Umiling ito at saka tumayo. Nainis yata sa akin. She was about to leave when I grabbed her wrist. "Stay. I don't mind."
She smiled at me and my heart skipped a beat. Her smile is only out of gratitude. Hindi na gaya noon. Na makita niya lang ako ay ngingiti na siya.
"I'm sorry to bother your personal space. Ngayon lang kasi may nakauna sa akin sa pwestong ito. And I'm starving," paumanhing wika nito kaya tumango lang ako.
What should I do? What should I say?
Habang namimili siya ng oorderin niya ay hindi ko mapigilang titigan siya. Ang daming nagbago sa kanya physically. From long raven hair to dark brown. Her tan skin suits her well. There is also a scar on her upper left eyebrow. Maybe it is from the accident. What really caught my eye is her tattoo on her wrist.
"Your tattoo is beautiful. What does it mean?"
Ibinaba nito ang hawak na menu at saka marahang hinaplos niya ang kanyang tattoo.
"The moment I saw this design,I fell in love with it. The artist told me that it's freedom. When I heard that, hindi na ako nagdalawang-isip. Even if it will freak out my parents, nagpa-tattoo pa rin ako."
I bit the inside of my cheek and clenched my jaw. Kahit wala pa siyang naaalala ay gusto na niyang maging malaya.
"I'm sorry." Those words unconsciously came out of my mouth. Gusto kong lumubog sa hiya nang makitang kumunot ang kanyang noo.
"Why?"
"Uhm...For pissing you earlier? May iniisip lang kasi ako," dahilan ko. Sabi ko na nga ba at hindi pa ako handang harapin siya. My brain cells were all over the place. Hindi ako makapag-isip ng matino.
She smiled. "It's okay. No hard feelings. Ako na nga ang nakikiupo, eh."
Katahimikan na ang bumalot sa amin nang ipinagpatuloy namin ang pagkain. Gusto kong magtanong tungkol sa aksidente niya ngunit it would be creepy kasi never pa kaming nag-meet sa pagkakaalam niya.
Natapos ang aming pagkain na iyon pa rin ang laman ng aking isipan. If I ask her to join me later, would it be awkward? Baka sabihin niyang feeling close ako. O baka naman masamang tao? For her, I'm a stranger at all. Ayoko pang maghiwalay kami. My heart is still yearning for her presence and my brain is too paranoid. Baka kapag naghiwalay kami ay bigla na naman siyang mawala. I couldn't afford that. After five long years, I can't lose her again.
"By the way, I'm Alexus," pakilala ko and offered her a handshake.
She accepted it. "Eevie. It was nice sharing this table with you."
She was about to get some money from her wallet pero agad kong kinuha ang kanyang bill. I offered her a friendly smile. "It's my treat. I hate women paying bills infront of me. You know, guy's ego."
She suddenly rolled her eyes at me. "Gender equality na ngayon. If men could pay, we could pay too."
I chuckled and shook my head. "Pero dapat kami pa rin ang magbabayad."
She pouted and gave up the topic. Alam kong naintindihan niya ang aking punto. Women should be treated like a princess not just a typical woman.
"So...I need to head back now. Thank you for the treat, Alexus."
Nang makita ko siyang nakalabas na sa restaurant ay hinabol ko siya.
"Eevie!"
Gulat na napalingon siya sa akin. "Bakit? May naiwan ba ako?"
Lumapit ako sa kanyang kinatatayuan at marahang umiling. "Uhm. Do you want to watch the meteor shower with me?" kinakabahang tanong ko.
"Paano mo nalaman? Wala namang sinabi kanina sa morning news," medyo ilag na sagot niya. I could see hesitation in her eyes. Kahit sino naman kasi. I'm still a stranger.
"Connections. Just trust me. I'm not a bad person kung iyon ang inaalala mo. Just friendly invitation."
Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kaya napabuntung-hininga na lang ako. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Kung ayaw niya ay may iba pa namang pagkakataon, eh.
"It's okay. O siya, I need to find a perfect place to watch," paalam ko. Tinalikuran ko na siya. Mas bibigat lang ang pakiramdam ko. I really felt rejected the moment she hesitated. I didn't dare to look back kasi baka may magawa na namang akong ikakukomplikado ng lahat.
"Alexus!" hinihingal na sigaw ni Eevie. Sumabay siya sa paglakad sa akin kaya tinignan ko siya. "Okay, I'm coming. Gusto ko ring manood," nakangiting aniya. In just one look. In just one smile. My heart is falling deeper and deeper. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. But I have no right to do it now. Her presence is enough for me. Alam ko na kung gaano kahalaga ang bawat segundo kasama ang taong mahal mo.