webnovel

Chapter 2

JELO'S POV

"Ay sayang, masarap pa namang magluto si Tita", sabe ni Kim habang umaastang kunwari manununtok, "Sinong bumangga sa'yo? Abangan naten sa labas?"

"Baliw! Kala mo naman talaga!"

"Sayang kase friend! Imbes na di ka na bibili ng pagkaen eh" pagsang-ayon ni Noel.

"Kasalanan ko din kase. Hindi ko din kase sya napansin"

"Excuse me po." Napalingon kameng tatlo sa bagong dating. Nanlaki mata ko. Shems! Sya yung pogi kanina!

"Eto po yung packed lunch mo kanina. Sorry po talaga kanina ha" ani cutie boy, tapos ipinatong sa table namen yung baunan ko at isang plato with one rice and menudo, "Ayan po yung kapalit nung natapon kanina."

"Ahmmm…." Napapayuko ako, di makatingin ng diretso sa kanya, "Thank you ha. Sana di ka na nag-abala."

"Okay lang po kuya, kasalanan ko naman talaga eh. Pasensya na po ulit ha"

"Wag monakong kuyahin please. Just call me Jelo"

Ngumiti sya. "Okay po kuya Jelo. Ay! Jelo pala" Then inabot nya yung kamay nya para makipagkamay, "Ako po pala si Allen. Nice to meet you po!"

My gosh! Hindi ko to kinakaya! Ang cute ni Allen! Tas kinakamayan ko pa ngayon! Hindi naman sa sobrang lambot nang kamay nya na parang walang ginagawa sa bahay, pero anlambot!

"Gurl," suminget si Noel, pinaghihiwalay kamay namen "Bitaw na. Sobra na."

"Hello po!" ani Allen

"Hello! I'm Noel" sabay wave ng kamay, "friend ni Jelo" then itinuro si Kim, "And he's Kim, also our friend."

Tumango si Kim kay Allen, "Wazzup bro!"

"Hello po!" tumango din si Allen at tumingin saken, "Sige po alis na po ako. Sorry po ulit" nag-bow lang sya at nagsimula nang maglakad palayo.

Tumingen saken sina Noel at Kim at nagtinginan sila sa isa't isa.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko B1?" tanong ni Kim

"I think so B2! May baklang humohopya na naman!"

"Hopia ba? Baka naman siopao asado bola-bola" tanong ni Kim, ngiting ngiting nakatingin saken.

"Mga baliw! Agad agad?" sagot ko naman

"Tumigil ka friend! Asang asa ka nga kay Joshua noon diba?" sabi ni Noel, "Me paiyak-iyak ka pa samen!"

"Tumatag na to no!" habang piniflex muscles ko e tumitingala si Kim sa direksyon ni Allen

"Ay wala na", sabay turo sa direksyon na pinuntahan ni Allen

Paglingon ko naabutan ko pa si Allen habang paupo sa tabi ng isang magandang babae. Matangkad sya, medyo on the petite side, mahaba ang bagsak nyang buhok, on the lighter side yung pagka-kayumanggi nya. Lumingon lang yung babae kay Allen tapos inislide yung lunchbox nya papunta kay Allen na sinimulan naman nyang buksan. Lumingon nako pabalik, and as expected, si Kim nagmemake face na.

"Wawa naman Jelo, wa na naman!"

Tinapik ni Noel ang balikat ko, "Sabe ko naman sayo diba?" Sabay mustra ng kamay na parang isusubo, "Nganga!"

Tinanggal ko kamay ni Noel sa balikat ko, "Oo na, tanggap ko nang panget ako. Na di ako jowable. Happy na?" sabay taas - kilay sa dalawa.

"Hindi naman yun yung issue," sabe ni Kim, "Me itsura ka naman –"

"– Kahit tae me itsura" singit ni Noel

Napangiti si Kim, "– Pero kailangan mong tanggapin na ang mga ganyang level ng kagwapuhan" sabay papogi pose with kagat-labi "e panchix lang."

"Oo na! Kumaen na tayo!" me dismissing the fact.

Me point naman talaga si Kim. Di naman sa totally out ako, discreet tayo friend. WKSB, Walang Karelasyon Since Birth, at never been kissed. Kase hindi gustuhin. Si Noel naman, ewan ko pero me pagkasilahis. Sa tagal ko na silang kasama, panay girlfriend naman pinapakilala ni Noel samen. Pero walang nagtatagal, longest was 3 months. Naka 3-month rule ata sya e. Pero enjoy siya kasama, sa kanya ko pa nga minsan napipick-up yung mga gay lingo na nasasabe ko eh.

Nakakatuwa ngang isipin na sumasama pa si Kim samen ni Noel kahit straight sya eh. I mean sya yung Mr. Popular sameng department. Lakas ng appeal nya sa girls, machix! Me ibang natutulala na lang sa kanya pag dadaan sya eh. Oh well! Siguro wala lang syang choice bilang kame lang magkakakilala nung first year pa kame. Anyway, mukha namang happy si Allen sa girlfriend nya. Buntong hininga na lang.

Natapos na din yung first day sa wakas! Yung feeling na buti pa yung mga freshmen maghapon sa gym for the orientation? Tapos kameng mga juniors, diretso klase agad? Sana all!

"Hintayin nyo nalang ako sa may gate. CR munako bago ko kunin motor ha!" sabe ni Kim habang papalayo samen.

"Sige!" halos sabay nameng sagot ni Noel.

Lumakad na kame ni Noel sa may gate at umupo sa malapit na upuan.

"Bat parang ang lungkot mo?" tanong ni Noel saken

Napatingen ako. "Ha? Panong malungkot? Kahit wala naman akong iniisiip?"

"Tumigil ka nga. Kilala kita. Ganyang ganyan itsura mo pag malalim iniisip mo"

Kilalang-kilala na talaga nila ako. "Fine, gusto ko kaseng magpunta sa gymnasium"

"Para saan? Para magsight-seeing kung me pogi sa mga freshmen" then me bigla syang naisip, "Or para silayan yung cutie kanina?"

Napangiti ako. "Yep!"

Napabuntong hininga si Noel at nagpout after, "Gurl! Wala kang chance! Kita mo namang me kasama na yung chika babe kanina diba?"

"Baket ba? Bawal na bang magka-crush pag me jowa na yung tao?" rebut ko

"Pinapaasa mo lang sarili mo. Bahala ka na nga"

KIM'S POV

Naglakad ako papuntang CR matapos magpaalam kina Jel at Noel. After lunchtime di na makausap si Jel. Halatang malalim iniisip. Hindi pa siguro nakakamove-on dun sa Allen na nakabangga niya kanina. Ang problema sa kanya ambilis niyang mafall, antagal magmove-on.

Habang umiihi, napa-isip ulit ako sa preference ni Jelo. Sa totoo lang nasasayangan ako sa kanya. May itsura siya eh. Hindi naman malayo sa height namen ni Noel, chinito, pansinin din siya ng chix, hindi niya lang nahahahalata kasi akala niya lagi e kami ni Noel ang tinitingnan. Pero hindi lang yun, miski mga lalaki at bakla napapatingin din sa kanya. Ang lambot kasi ng facial features at kilos nya. May iba kameng tropa na lalaki nung first year na alam kong straight pero laging gusto dumikit sa kanya. May iba namang bakla na insecure at curious sa gamit niyang cosmetics, na lagi niyang sinasagot na wala. Sa amin naman ni Noel wala lang yun kasi di pa naman umaamin samin si Jel noon. Umamin lang siya nung nain-love siya kay Joshua from College of Computer Sciences eh. After ng heartbreak na yun, mas lalong humina self-confidence niya. Kaya din simula nun, napagdesisyunan namin ni Noel na bakuran na sya. Kung alam lang ng ibang tao yung kadramahan nya nuon sa amin, matatawa kang maaawa.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81

Nächstes Kapitel