webnovel

Senorita 3

Hindi parin ako maka paniwala sa narinig ko.

"Nagbibiro ka ba Alec?" Pautal na tanong ko.

"Divina, sa tingin mo magbibiro ako? Nandito na ang family niya, ang daming mga pulis at sundalo, aakyat ulit kami sa bundok para hanapin siya" si Alec

"Sasama ako" wika ko, habang umiiyak.

"Hindi ka na namin mahihintay, nagmamadali si tito na umakyat eh" si Alec.

"Parang awa mo na Alec, gusto ko sumamang mag hanap" ako habang humahagulgol na.

"Sumabay ka na lang kina Chifer, papunta din sila dito. May dala silang van. Ipasundo na lang kita diyan" si Alec.

"Salamat" ako, na nanginginig na ang mga tuhod at kamay.

Pinilit ko pa rin na tumayo at mag-impake ng mga damit ba dadalhin ko kahit walang humpay ang pagtulo ng luha ko.

"Lyndoln, nasaan ka na?" Iyak ko.

"Sabi mo mag-iingat ka, sabi mo babalik ka after four days" bulong ko ulit.

Nang marinig ko na ang katok sa pinto.

"Tara na?" Si Jenny

"Oo" sagot ko at tumayo na ako para sumama sa kanila.

"Lyndoln!!!" Sigaw ko, nagbabakasali na kapag narinig mo ang boses ko ay magkaroon ka ng lakas na hanapin ako. 

Ilang beses ko pa pinatugtog ang ringtone ko, baka sakali na mahanap mo ako gaya ng pangako mo na susundan mo lang ang tunog ng ringtone ko para mahanap ako.

Hanggang sa maubos na lang ang baterya ko, hindi kita nahanap.

"Kailangan na natin bumaba ng bundok, may parating na bagyo" sabi ng kasama namin na mga pulis.

"Hindi, ayoko, dito lang ako" sabi ko.

" Miss, three days na tayo na naghahanap sa bundok. Kailangan na natin bumaba, wala na tayong kakainin. Isa pa, malapit na magkasakit mga kasama mo" sabi ulit nito.

Napatingin ako kina Alec, nakita ko si Jenny na umuubo.

Wala ako nagawa kung hindi ang sumunod, kahit ayaw ng puso ko. Umiiyak parin ako habang pababa ng bundok. Hindi ko matanggap na hindi kita kasama na babalik.

"Huwag ka mag-alala Miss, hindi naman titigil ang pulisya at kasundaluhan hanggat hindi siya nahahanap, isa pa nag renta ang mga magulang niya ng mga hikers para tumulong sa paghahanap sa kaniya" muling sabi ng pulis.

"Kailangan na natin bumalik Divina, baka nag-aalala na rin ang mga magulang natin" Si Jenny.

Doon ko lang naalala sina mama, hindi ko pala sila nasabihan sa pag-alis ko. Baka pumunta sila sa boarding house.

"Baka sakali na mahanap na rin siya, marami na ang aakyat bukas kasama na ang mga hikers" si Alec

"Oh, iha tinatawagan ka namin pero out of coverage ang telepono mo?" Si mama. Nakauwi na kami.

"Ma, nawawala po si Lyndoln" umiiyak kong sabi kay mama.

"Ha? Paano nangyari?" Gulat na tanong niya.

"Nawala po siya sa bundok" sabi ko kay mama.

"Magdasal tayo anak na mahahanap siya ng ligtas." Si mama, at niyakap niya ako ng mahigpit.

Tatlong linggo ang mabilis na lumipas, mugto pa rin ang mga mata ko. Hindi ko pa rin tinatanggap sa sarili ko na wala na siya. Umaasa ako na mahahanap din siya ng buhay at ligtas.

Nang mapansin ko ang tawag sa telepono.

"Hello, Divina." Ang mama ni Lyndoln

" Huwag kang mabibigla anak" sabi nito

"A-ano po iyon tita?" Kinakabahan kong tanong.

"Divina, nahanap na si Lyndoln"

Divina, nahanap na Lyndoln" ang sabi ng mama niya.

"Talaga po? Maari ko po ba siyang makita ngayon?" Tanong ko.

"Ha, eh, s-sige. Pero iha huwag kang mabibigla. Ibang-iba ang itsura niya, at wala siyang maalala" sabi pa.

"Okay lang po, gusto ko lang siya makita" ako at nagmadali na akong umalis ng bahay para mapuntahan ka.

"Tita" sabi ko ng makarating ako sa kanila. Gustong-gusto ko na talaga siya makita.

"Divina, may kailangan ka malaman" malungkot na sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Bulag si Lyndoln, Divina" naiiyak na sabi nito.

Nagulat man ako, pinili ko na magmadali para puntahan siya.

"Lyndoln, si Divina ito, papasok ako ha" sabi ko ng kumatok sa pinto.

At dahan-dahan ko na nga binuksan ang pinto ng silid niya.

"Lyndoln?" Tawag ko, madilim ang kaniyang silid. Tanging maliit na ilaw lamang sa kaniyang mesa ang nagsisilbing liwanag sa loob.

Dahan-dahan akong pumasok, baka kasi tulog siya. Kahit gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap.

"Sino ka?"

Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita.

"Ako ito, si Divina?" Sagot ko, naiiyak ako na muling marinig ang boses niya.

"Wala akong kilalang Divina, lumabas ka na" siya ulit.

"L-lyndoln, ako ito" sabi ko habang palapit sa kaniya.

"Huwag kang lalapit" sabi niya, rinig ko ang paglakas ng kaniyang hininga.

"Masasaktan ka huwag kang lalapit" siya ulit.

"Ako ito, Lyndoln, ako si Divina, ang babaeng mahal mo" naiiyak na sabi ko ng nasa harap na niya ako.

Halos hindi ko siya makilala. Nagbago ang itsura niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ang tagal kitang hinintay" hindi ko na mapigilan ang luha ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Naramdaman ko ang paglakas ng pag hinga niya.

"Lumabas ka na, masasaktan ka lang" siya ulit.

Pakiramdam ko mas bumaba ang boses niya.

"Alam kong hindi mo ako sasaktan, ako ito, si Divina" bulong ko sa kaniya.

"Umalis ka na! Hindi kita kilala, wala akong kilalang Divina" siya ulit. Halos pabulong pero rinig ko ang paghihirap sa pag hinga niya.

Nang maalala ko ang ringtone ko. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa.

"Ito, alam ko maaalala mo ako dito, sabi mo ito ang magsisilbing daan para mahanap mo ako" sabi ko habang may hinahanap sa cellphone ko.

"I love it when you call me senorita"

Nagulat na lang ako ng bigla kang tumayo at sakalin mo ako.

Pero mas natakot ako ng makita ko ang itsura mo na unti-unting nagbabago.

"Tulong" impit na sigaw ko. Takot na takot ako.

Lalo na ng marinig ko ang kakaibang tunog na nagmumula sa iyo.

"Hindi ikaw si Lyndoln, sino ka?" Bulong ko kahit nahihirapan.

"Ako si Lyndoln, pero hindi kita kilala. Binalaan na kita" muling sabi mo.

Nakita ko ang unti-unting paglabas ng pangil mo.

"A-ako to Lyndoln, si Divina" pautal na sabi ko at sinubukan kong damahin ang dibdib mo.

"A-ako ang laman nito, k-kahit hindi mo ako nakikita, nararamdaman ako nito" sabi ko, habang kinakabog ko ang dibdib mo, kahit hirap na ako sa paghinga.

Naramdaman ko ang pag-luwag ng hawak mo.

Naramdaman ko rin na mahapdi ang leeg ko.

Nakita ko ang pamumula ng mga mata mo ng makita mo ang dugo sa leeg ko.

"H-huwag" sabi ko ng ilapit mo ang mukha mo dito, naramdaman ko na lang ang dila mo sa leeg ko.

Lalong lumakas ang pag hinga mo.

Tanggap ko na kung ano man ang mangyari sa akin, kahit takot na takot ako.

Nagulat na lang ako ng bigla mo akong bitawan.

"Labas!!!" Sigaw mo.

Mabilis kong pinulot ang cellphone ko na tumutunog parin.

Hindi mo nga ako nakikita pero alam kong naramdaman mo na totoo ang sinasabi ko.

Nächstes Kapitel