webnovel

Bata

Bata"

Alas tres ng madaling araw na iyon, nagkakagulo sa emergency room ng hospital. May itinakbong isang dalaga na nag-aagaw buhay. Dinala ito sa isang kuarto ngunit tinaningan ang dalaga ng dalampu't apat na oras. Umiiyak ang kanyang mga magulang habang naka tingin sa kanilang anak na dalaga.

Lumapit dito ang isang batang naka suot ng gaya ng damit ng iba pang pansyente sa hospital na iyon. Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan ang ulo. Tila hindi naman siya nito naramdaman kaya hindi siya pinansin.

"Ano ang sakit mo? Bakit ka nandito" tanong ng walong taong gulang na batang babae sa nakapikit na dalaga.

Ngutin tila hindi rin siya narinig nito at nanatiling nakapikit.

"Sabi noong doktor, may taning ka na daw... ano ba ang ginawa mo?" Tanong ulit ng bata habang tinitignan ang mukha ng dalaga.

"Umalis na ang mga magulang mo, hindi daw kasi sila maaring manatili dito kasama mo, nakakahawa daw kasi ang sakit mo?"  Sabi ulit ng bata habang iniikutan ang kama ng dalaga.

"Nararamdaman ko ang nararamdaman mo, galing na rin ako dito sa kuarto na ito. Pero huwag ka ng malungkot kasi sasamahan kita" nakangiting wika ulit nito sa dalaga.

Kinaumagahan, makikita ang mga doktor na nagkakagulo sa isang silid. Kung saan nakaratay ang dalaga, umiiyak ang ina nito habang nakatingin sa anak na nag-aagaw buhay, nakatingin sa kanyang ina ang dalaga habang naninigas ang buong katawan sa sakit.

Nakita ng batang babae ang nangyayari kaya agad siyang tumakbo papalapit sa kuarto ng dalaga. Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang kamay.

"Huwag kang bibitaw ate! Lumaban ka." Naiiyak na sabi ng batang babae habang hawak parin ang kamay ng dalaga.

Kitang-kita niya kung paanong lumiwanag ang kuarto ng dalaga, nais niyang bumitaw sa dalaga ngunit lalong dumiin ang hawak nito sa kamay niya.

"H-huh!, maari ba akong sumama" naiiyak na sabi ng bata habang pinipilit na hilain ang mga kamay ng kaluluwang umaangat.

Nakita rin nito ang dahan-dahang paghiwalay ng kaluluwa ng dalaga sa katawan nitong nakalapat sa kama.

"Huh? A-anong nangyayari" tanong niya sa sarili ng maramdaman na hinihigop siya ng katawan ng dalagang nasa kama.

Hanggang sa tuluyan na siyang maka pasok sa katawan nito.

"She's coming back!" Gulat na sabi ng doktor ng biglang magkaroon ulit ng pintig ang puso ng dalaga.

"Thank God, we revived her" sabi ng nurse na naiiyak, dinaluhan nito ang ina ng dalaga na umiiyak sa tabi.

"Salamat po, salamat" wika ng ginang habang umiiyak. Halos mapaluhod ito sa pasasalamat.

"Maghintay tayo hanggang bukas, sana ay magising na siya. Para malaman natin kung may mga problema pa"  wika ng doktor.

Kinaumagahan naalimpunngatan ang ginang ng makitang naka-upo sa kama ang anak na nakaratay. Tinitignan nito ang mga kamay at paa. Hinahawakan isa-isa ang mga parte ng katawan.

"A-ano ang ginagawa mo anak? May masakit ba sa iyo? Takang tanong ng ginang sa anak.

Unti-unting umiling ang dalaga sa ginang.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na" naiiyak na sabi ng ina. Siya namang pagpasok ng mga doktor.

"Oh, Reina mabuti at gising ka na iha" nakangiting sabi ng doktor sa dalaga.

"R-Reina?" Tanong ulit ng dalaga. Napatingin siya sa papel na nakasabit sa kamang kinalalagyan niya.

Name: REINA ANGELINE LOPEZ

Age: 18

Sex: F

"M-maari po ba akong maka hiram ng salamin?" Tanong ng dalaga  sa ginang na nagtataka, pero iniabot parin nito ang salamin na nasa ibabaw ng side table.

Kinuha naman ng dalaga ang iniabot ng ginang na salamin. Dahan-dahan niya itong itinaas para iharap sa kanyang mukha.

Nagulat ang dalaga sa kanyang nakita sa salamin, pero hindi niya ipinahalata sa mga kasama sa loob ng silid.

"Huwag ka mag-alala, mawawala din ang mga maitim na parang balat sa katawan mo kapag natapos na ang gamutan. Ang importante nalagpasan mo na ang taning mo. Maraming hindi maniniwala sa kaso na ito" napapailing ang doktor habang nagsasalita.

Matagal nang naka-alis ang mga doktor, umalis din ang ginang para bumili ng pagkain.

Nakatitig ang dalaga sa kisame.

"Dalawang taon na ang nakalipas, ako ay namatay noong walong taong gulang sa silid na ito, dahil sa sakit na Leukemia, marami na akong napanood na umalis na kaluluwa sa kanilang katawan. Ito ba ang dahilan kaya kahit anong pilit kong sumama ay hindi pwede?" Tanong nito sa sarili, nang makita ang salamin na nasa tabi pa niya.

Kinuha niya ito at tinitigan ang sarili.

"Ako si Caily Mae Lorenzo, walong taong gulang. Ngayon ay nabubuhay sa katawan ni Reina Angeline Lopez na labing-walong taong gulang." Bulong ko sa sarili at napahawak sa aking ulo.

                     -Anino-

Nächstes Kapitel