Mahal ni Alexandra ang bestfriend niyang si Lee, ngunit itinuturing lang siya nito bilang nakababatang kapatid. Lalo lang siyang nasaktan nang magkaroon ito ng nobya. Si Akira, ang babaeng kinababaliwan ni Lee. Nang dahil sa isang aksidente ay nagbago ang tingin sa kaniya ni Lee. Sinisi siya nito sa pagkawala ng anak nila ni Akira at sa pang-iiwan sa kaniya ng babae. Ginawa naman niya ang lahat para mapatawad siya ni Lee. Pero naging matigas pa rin ang puso nito sa kaniya. Sa muli nilang pagkikita. Magbago pa kaya uli ang pagtingin ni Lee sa kaniya? O patuloy na naman masasaktan ang puso niya dahil sa mahabang panahon ay si Akira pa rin ang minamahal nito.
Napahinto ako sa paglalakad nang may makita akong dalawang truck sa tapat ng aming bahay, naglalaman ito ng mga bagong gamit. Nagpatuloy ako sa paglalakad, malapit na rin ako sa gate namin. Nang makapasok na ako't akmang isasarado ko na ang gate. Out of my curiosity, lumingon ako sa tapat bahay, nakabukas ang malaking tarangkahan nila at kitang-kita ko mula rito ang pag-aayos ng ilang tao sa hardin ng malaking bahay, may naglilinis din. Matagal na rin kasing walang nakatira doon. Pero bakit? Tila kinakabahan ako?
Hindi kaya? Baka naman bumalik na sila? Hindi maaari.
Hindi talaga puwede.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay, nadatnan ko sina Mommy at Daddy. Nagkakape sila na may kasamang pandesal. Nagmano ako sa kanila at humalik sa pisngi nila. Umupo muna ako sa tabi ni Daddy, senyas lang siya ng senyas gamit ang isang kamay niya. Ang kalahating katawan niya'y paralisado. Pangalawang beses niya na kasing na-stroke.
"Ma, may bagong may-ari ba riyan sa tapat?" tanong ko.
"Wala anak, sabi ni Tonyang 'yong caretaker ng malaking bahay, babalik na raw ang mga amo niya," sabi ni Mommy.
Nagtataka man ako, pero pilit akong ngumiti kay Mommy. Ginagap niya ang kamay ko at pinisil ang aking palad na para bang pinapanatag niya ang aking loob.
"Ma, natatakot ako."
"Huwag kang matakot, anak. Nandito lang kami ng Daddy at Kuya mo."
"Paano si Kyle, Ma? Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa kaniya, malaking eskandalo ito, Ma," umiiyak na turan ko.
"Shhh... shhh. Tama na, anak. Hindi mangyayari iyon, nakaya natin noon kahit wala siya, ngayon pa kaya?" Niyakap ako ni Mommy. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.
Hindi ako mapalagay, huwag naman sana ngayon. Ang dami-dami kong problema at dadagdag pa siya.
---
"Pst... pssst!"
Bigla akong napatigil sa paglalakad sa hallway ng school. Sino kayang tarantadong 'yon na paswit nang paswit? Lumingon-lingon ako pero wala akong nakitang tao. Tapos inulit na naman 'yong pamamaswit sa akin.
"Bulaga!"
Nagulat ako nang biglang may lumitaw sa harapan ko, natutop ko ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito, napasimangot na lang ako sa lalaking pangisi-ngisi pa!
"Huwag ka nga nanggugulat diyan!" sigaw ko, saka ko siya hinampas sa likod niya. Pero parang hindi man nasaktan.
"Pikon, nakita mo sana ang hitsura mo... ang pangit mo talaga, ano?!" sabi niya saka tumawa ng malakas.
"Ang lakas mo ring mang-insulto, ano?!" naiinis kong turan. "At ano'ng ginagawa mo rito? Ang layo kaya ng engineering building dito!"
"I came here for this." Itinaas niya ang maliit na kulay brown na plain paper bag. Hindi pa siya nakuntento, idiniin niya pa ang paper bag sa mukha ko. Naiirita siguro sa maganda kong peslak.
"Akin na nga! Grabe ka sa akin, a!"
Habot langit ang ngiti ko nang halughugin ko ang laman ng paper bag, nag-beautiful eyes pa ako sa kaniya. Dahil naglalaman ng iba't ibang brand ng chocolates ang dala niya.
"Wow... thank you guwapo, ang sweet mo naman!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Eww... how many times I told you pangit, dont kiss me in public, may nililigawan ako, baka isipin nila na nagkakagusto pa ako sa pangit na katulad mo! Saka hindi ako nagbigay niyan, si mommy."
"Okay, pakisabi kay tita, thank you." Ngumiti ako sa kaniya nang pagka-tamis-tamis.
Tumalikod na siya at kumindat pa! Ang guwapo naman talaga! Ako na pinakamasuwerteng babae dito sa mundo! Kinikilig na yakap-yakap ko ang paper bag.
Siya ang bestfriend kong si Lee Angelo Tan, at ako naman si Alexandra Zoey Jimenez, taking up BSIT at 'yung guwapo kong boyfriend, este, best friend pala e Civil Engineering ang kurso niya.
Akala ng iba hindi siya nag-aaral, pero nagkakamali sila dahil matalino 'yang best friend ko. Ga-graduate nga 'yon with flying colors, hindi tulad ko medyo slight lang ang utak, e gano'n talaga. Best friend ko siya since birth.
Magkatapat lang ang bahay namin sa village, mayaman at malaki ang bahay nila. Mabait ang parents niya, hindi sila matapobre o tumitingin sa estado ng buhay ng iba. Magaling silang makisama, para ngang anak na ang turing nila sa akin. Kapag may business trip ang mommy at daddy niya, hindi puwedeng wala kaming pasalubong pag-uwi nila. Parehong engineer ang parents niya. Si Mommy ko naman e isang nurse sa isang hospital dito lang sa probinsiya. Si Daddy retired pulis, meron din akong kapatid na lalaki si Kuya Sander, guwapo at habulin ng mga babae. Six years ang tanda ni kuya sa akin, pero may asawa na siya, nasa maynila siya ngayon. Anak ng politiko ang napangasawa ni kuya, si Ate Lois. Mabait at matalino, pipili ba ng pangit si kuya? Siyempre, hindi, kasi maganda ang napangasawa niya.
Ako na lang ang iniintindi nina Mommy at Daddy ngayon, tumutulong pa naman si Kuya ngayon financially, kaya nakakaluwag naman kami. Nagtatrabaho si Kuya sa isang company sa Manila, hindi nga lang ako aware kung anong posisyon niya ro'n.
---
Kaya pala hindi nagpapakita sa akin si Lee kasi totoo ngang may nililigawan. Isang nursing student daw, tsismis sa akin ng bestfriend kong babaeng si Pat, pumunta kami sa building ng engineering, hayun si Lee may kahawak kamay, kumirot ang puso kong sawi. Magkatabi lang ang building ng engineering at nursing. Lingid naman kay Pat ang sukdulang pagkagusto ko kay Lee, isa itong sikretong malupit, at ayaw ko rin malaman niya. Tinapik ni Pat ang braso ko at sinabing, "uyyy... girlfriend okay ka lang?"
Ngumiti lang akong pilit. "Okay lang, 'wag kang mag-alala."
Napansin naman kami ni Lee sa kinatatayuan namin at saka lumapit sa amin at may kasamang babae. Iyong ka-holding hands nito kanina.
"What are you two doing here?" tanong ni Lee sa amin. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko kay Lee at sa babaeng kasama niya.
"Wala, may hinihintay lang," sagot ko.
"Gano'n ba? By the way, girls. This is Akira, my girlfriend."
"What?!" Sabay pa kaming napasigaw ni Pat sa sinabi ni Lee. Ang sakit!
"Bakit? Hindi kayo makapaniwala? Sa guwapo kong 'to, hindi kayo naniniwalang magkakaroon ako ng girlfriend?"
Ngumiti sa amin iyong babae.
"Hmp! Plastic!" sa isip ko.
Tapos ay nagpaalam na sila sa amin.
"Pat, akala ko ba nililigawan pa lang? Bakit girlfriend na niya? Paano 'yan e may kahati na ako sa oras niya."
"Gano'n talaga, makakahanap ka rin ng taong babagay sa 'yo," ani Pat. Nagkangitian na lang kami sabay yakap sa isa't isa.
---
Inutusan ako ni mommy, ibigay ko raw itong adobong manok sa tapat ng bahay. Alas-sais na, treinta minutos bago maghapunan. Kakatok na sana ako sa front door nina Lee, kaso lang may narinig ako sa may likod bahay, lumakad ako malapit do'n para sumilip. Anak ng tilapia! Nandito pala ang mga nag-guguwapuhang lalaki sa engineering. Hindi man lang ako na-inform.
Naku naman, nagsama-sama ang mga guwapo. Bakit ngayon pa? Natawa ako sa aking sarili. Tapos nakinig pa ako sa kuwentuhan nila.
"Bro, kumusta na pala kayo ni Akira?" tanong ng isang classmate nito na chinito.
"Going strong pa rin, Dude," maikling tugon ni Lee.
"Did you do it?" tanong naman ng isa pa na tan ang balat.
"Sex?" sabi ni Lee.
Kitang-kita kong napangisi si Lee, silence means yes. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Pati ba siya may experience na sa ganoong bagay. So hindi na siya virgin? Narinig ko pang nagkantiyawan ang mga kasama niya.
Hindi ko namalayang may tao na pala sa harapan ko, oh no, si Lee! Napalalim kasi ang iniisip ko. Hawak ko pa pala ang adobong nilamig na.
"Pangit, kanina ka pa ba diyan?
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya, naiinis ako parang maiiyak. Garalgal ang boses kong sumagot sa kaniya. "Hi-hindi, kadarating ko lang," pagsisinungaling ko.
"Ano 'yang dala mo?"
"Adobong manok, kainin mo! Masarap 'yan, pinabibigay ni mommy! Bye!" Pagkasabi ko no'n ay inabot ko sa kaniya ang magkok na may lamang ulam. Iniwan ko siyang nakanganga, mabilis akong nakatalikod sa kaniya.
---
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Alexandra. Ano ba'ng problema niya? Na-corner ko si Pat, tamang-tama sa kaniya ako magtatanong.
"Pat, where's pangit?" nahihiyang tanong ko.
"Hindi mo alam? Magka-tapat bahay lang kayo huh?" masungit niyang sagot.
"What happen to her?"
"Three day's na siyang absent, may fever daw sabi ni tita."
"Ok thanks, Pat, daanan ko siya maya after class?"
Bakit hindi man lang nagtext 'yun.
"Tita," tawag ko. Saktong pagbukas ng gate nabungaran ako ni tita.
"Lee, anak, ikaw pala," nakangiting sabi niya.
"Ahm tita, may sakit daw po pala si Alex?"
" Ay naku, hayun nilagnat yata kasi may heartache. Ewan ko ba, kung bakit gano'n iyong batang 'yon. May shift ako ngayon, puntahan mo na lang do'n sa loob. Ikaw na ang bahala." Litanya ni Tita. Napapailing-iling pa siyang tumingin sa akin. Saka nagmamadaling umalis.
Dumiretso na ako sa loob, nakita ko naman siyang nakaupo sa sofa, ang daming kalat na plastic chips sa mesa. May lagnat ba siya? Parang wala naman. Matagal pa kong nakatayo dito sa may gilid nang hindi niya napapansin.
Ang payat-payat pero napakalakas kumain,
kala mo wala ng bukas sa pagnguya.
Nagdadahilan lang yata siya?
"Ehem!" Kunwari'y umubo ako ng pagkalakas-lakas para mabaling ang tingin niya sa akin.
Nagulat pa siya sa ginawa ko. Tumabi ako sa kaniya sa upuan, parang wala lang ako ah, hindi man lang nagsasalita.
"May lagnat ka ba?" kunot-noong tanong ko. Sabay hawak sa noo niya. "Wala naman, ayaw mo lang pumasok no?" dagdag ko pa. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" masungit na tanong niya. Nanibago ako sa ugali niya. Baka nga masama talaga ang pakiramdam niya.
"Sus, ang pangit nagtatampururot," sabi ko na may halong pang-aasar.
"Nagsalita ang guwapo."
"Bakit hindi ba?"
"Saang banda? Sa kuko?" nakasimangot na sabi niya.
"Bakit ba ang sungit mo?" tanong ko.
"Bakit ba ang guwapo mo?" seryosong saad naman niya.
Sabay kaming nagkatawanan. Niyakap ko siya, parang kapatid lang ang turing ko sa kaniya, wala kasi akong kapatid, kaya malapit ang loob ko kay Alexandra, kahit may makakita sa amin na ganito, wala itong bahid ng malisya.