webnovel

Eyt - Hashtag BroomWalis!

"Hoy, Kurt Felix Vinzon! Ano 'tong nabasa namin ni Kid sa newsfeeds namin kagabi, ha? Tangina! Nakaka-umay ka, ah!" ani Ken sa'kin saka umupo sa tabi ko. Kasama niya si Kid na napapailing pero nakangisi naman.

"Hayop sa banat, ah!" aniya saka ginulo ang buhok ko.

Napapangiti naman ako habang binabalikan 'yung usapan namin ni MJ sa chatbox kagabi. Ini-screen shot ko at ti-nag si MJ kaya naman nabasa nitong mga 'to.

"Hayop! Tingnan niyo naman ang ngiti ng taong inlab na inlab mga tsong! Tangina! Nakakapangilabot ah!" ani Kevin at tumawa nang tumawa. Kasama niya ang buong tropa—liban nga lang kay MJ. Naipaliwanag ko naman na sa kanila ang side ko at pati na rin ang plano ko at sabi nila, handa daw nila akong tulungan.

"Pero ang awkward pala nung gano'n 'no? 'Yung may boy pick up sa tropahan natin ta's binabara ka naman ni MJ? Hahaha! Kikiligin na sana ako kaso natatawa ako sa mga pambabara ni MJ sa'yo, e!" natatawang sabi ni Maiko. Nagtawanan din ang buong tropa at miski ako napatawa. Wala, e. Mas lalo akong nahuhulog dahil sa pagmamatigas niya.

Nagtatawanan pa rin kami nang dumating ang tila bugnot na bugnot na si MJ. Lukot na lukot ang kanyang noo at tila inis na inis... lalo na nang mapadako ang tingin niya sa gawi ko.

"Uh-oh. Prepare yourself now, lover boy. Eto na ang prinsesa slash prinsipe slash dragonesa mo," pabulong na biro nina Ken sa'kin. Nakangiting napailing nalang ako sa sinabi nila.

Nang makalapit sa kinauupuan namin si MJ—with her oh-so-famous-style; paldang lagpas tuhod, blouse na nakalilis ang manggas at ang sumbrerong nakabaligtad— lalo lang dumilim ang itsura niya nang makitang nakangiti ako sa kanya.

"Good morning, MJ! Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati ko sa kanya.

"Tangina mo, Felix. Tigil tigilan mo ako sa mga trip mo lalo na ngayon na puyat ako nang dahil sayo! Leche ka!" inis na sabi niya saka pabagsak na umupo sa upuan.

Tumawa ako at umiling, "Ikaw naman, MJ, o. Ipahinga mo naman kasi ang isip mo sa kakaisip sa'kin. Ikaw din, ayan tuloy at napupuyat ka nang dahil sa'kin." Pang-aasar ko na lalong ikinadilim ng itsura niya. Haha! Bakit ba mas lalo ko siyang nagugustuhan sa tuwing sumisimangot at naaaburido siya? Tulad ngayon.

Pinaggugugulo niya ang sombrero niya hanggang sa pati buhok niya nagulo na, ikunuyom niya ang kamao niya at iniamba ito sa'kin, "Tangina mo, Felix! Bumibingo ka na, e! SAPAKAN NALANG, O! Halika't bubugbugin na kita!" aniya at tumayo mula sa pagkakaupo at akmang susubugdin na ako, buti nalang at napigilan siya nila Jin. "Kalma lang, MJ." Awat niya.

~ ~ ~ ~ ~ ~

Matapos ang break, bumalik ulit kami sa classroom namin. Resume ng klase, syempre. Pero kahit na habang nagkaklase, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni MJ. Nasa gawing kaliwa ko siya, dalawang bangko mula sa kinauupuan ko at likod niya ang kaharap ko. Nasa pinakagilid siya, katabi ng bintana, habang ako naman ay nasa susunod na column. Nakatitig siya sa labas at hindi nakikinig sa teacher sa harap. Agad akong pumilas ng papel at nagsulat.

 

'Nakatulala ka na naman. Makinig ka kaya sa teacher.'

-          Felix

 

Kinalabit ko ang nasa gilid ko na kahilera niya at ipinaabot sa susunod ang sulat ko. Nang makarating ito sa nasa likod niya ay agad nitong kinalabit si MJ at ibinigay ang sulat. Nakita kong binasa niya ito at lumingon sa gawi ko. Nagsulat siya sa notebook niya na sa pag-aakala kong sasagot din siya sa maliit na pilas ng papel ngunit mali ako. Dahil sinagot niya ako ng isang malaking ''WAG MO AKONG PAKI ALAMAN!' sa isang buong papel na iniharap niya sa'kin. Matapos ay humarap na siya sa guro at nakinig.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kid sa likod ko. "Grabe ang talas ng mata mo, ah. Talagang sinusubaybayan ang bawat galaw?" natatawang sabi niya. Hindi ko siya hinarap ngunit nakangiting nailing nalang ako.

Natapos ang mga sumunod pa naming klase at heto na ang pinaka paboritong subject ng lahat. Ang lunch break. Nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko para mahabol ko si MJ at para sabay kaming makalabas ng room. Hindi pa man ako tapos ay napalabas na agad ako nang makita kong halos takbuhin niya ang pinto makalabas lang agad kaya agad na akong humabol sa kanya.

"MJ, sandali! Sabay na tayong lumabas!" sigaw ko hanggang sa maabutan ko siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at mas nilakihan pa ang mga hakbang niya kaya nauna na naman siya ng bahagya sa'kin.

Natawa nalang ako dahil halatang ayaw niya akong makasabay o makatabi pero ang iigsi naman ng mga hita niya. Hanggang balikat ko lang kaya siya. At dahil matangkad ako, malalaki din ang mga hakbang ko kaya naman walang kahirap hirap ko siyang nahabol.

Nang makalapit ako sa kanya ay kinusot ko ang mata ko at tumigil sa paglakad. "Ack! MJ, pakitingnan naman 'yung mata ko, o."

Natigilan siya sa paghakbang at lumingon sa akin. "O ano naman ang problema ng mata mo?" mataray na tanong niya pero inoobserbahan naman ako.

"H-Hindi na ata ako makakakita pa..."

"Ha?! Edi ipa—"

"Ng tulad mo," putol ko sa dapat niyang sabihin sabay kindat. Binatukan naman niya ako sabay sabing, "Wag mo kong kinikindatan d'yan. Dukutin ko mata mo! Tsaka tigilan mo ako sa kababanat mo! Kagabi ka pa!" aniya at nauna na.

Naiwan akong napapailing pero nakangiti habang pinagmamasdan ang pagmamartsa niya palayo. "Lakas ng tama mo, pre. Ibang iba ka na," ani Ken na umakbay sa'kin mula sa likod ko, kasama niya si Kid na natatawa nalang din.

Natawa ako. "Hayaan niyo na. Minsan lang ata ako magkakaganito sa babae," ngisi ko sa kanilang dalawa at naglakad na ulit para magpuntang canteen.

Buong panahon ng lunch break, panay ang banat ko sa kanya. Alam niyo 'yung feeling na, binabanatan mo siya, kinikilig 'yung mga nakakarinig, pero 'yung kilig nahaharang ng tawa kasi binabara ka niya? Gusto niyo ng sample? Eto ganito, o...

"MJ, para kang pera." Sabi ko pero wapakels lang siya at tuloy lang sa pag-kain.

"Bakit, Fafa Felix?" salong sagot ni Kevin na nagboses babae pa. Nagpipigil ng tawa ang buong tropa dahil sa ginawa niya.

"Kasi, kahit ikaw ang puno't dulo ng mga problema't gulo sa mundo, 'di ko kayang mabuhay kung wala ka sa buhay ko," sabi ko at naghiyawan sila.

"Tangina! Boy pick up pala!" halakhak nina Jin at nag-apiran pa.

Aburidong nagbaling ng tingin si MJ sa'kin at sinabing, "Magtanim ka ng gulay. Mabubuhay ka kahit walang pera!" aniya at muling sumubo ng pagkain niya.

"Boom! Panes! Hahaha!" tawanan nila pero hindi ko lang pinansin.

Muli akong umisip ng pick up na nabasa ko sa status ni DL. Benta kasi karamihan kaya hihiramin ko muna. "MJ, kasosyo ka ba ng Meralco?" tanong ko ulit sa kanya.

"Anak ng! Pick up generator ka na?! Daming supply, ah!" halakhak ni Ken.

"Hindi. Dahil kung kasosyo man ako ng Meralco, idinerekta ko na sana sayo 'yung daloy ng kuryente nang matusta ka!" sagot ni MJ na umani ng hiyawan. Nasa Canteen nga po kasi kami.

"BURN! Hahaha!"

"Pikachu! Thundervolt attack!" pagbibiruan nina Ben at Kevin na lalong ikinatawa ng iba.

Hindi man siya sumagot ng 'bakit' ay itinuloy ko pa rin. "Hindi mo man tinanong kung bakit, gusto ko lang malaman mo na nang dahil sayo, may liwanag ang buhay ko." Sabi ko at muli na namang naghiyawan. May palakpakan pa ngang kasama, e.

"Binara na, bumanat pa rin? Aba'y matinde! Hahaha!" anang ilang nakikinig.

Tiningnan ko ang reaksyon ni MJ pero wala. Bukod sa kunot na noo ay nakakuyom din ang kanyang kamao. Shiz. Wag naman sanang mapalaban ako ng boxing ne'to.

Nakitawa nalang din ako pero syempre, meron pa akong huling pambanat bago matapos ang oras ng lunch break. "MJ, panghalip ka ba?"

"Aba aba! Pati ba naman lesson sa Filipino may banat ka?" komento ni Kevin sabay tawa. Ganun din sina Maiko, Riz at Eliza.

Syempre hindi na naman niya sinagot bagkus ay nagkabit ng earphone sa magkabilang tenga. Pero alam kong props lang 'yon. Bakit? "'Pag pinagsama ba ang IKAW at AKO, pwedeng maging TAYO?" pagtutuloy ko at muling may naghiyawan.

"Whoo! Be his girl daw oh!" anang mga nakikinig.

Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin at kung tama ako sa nakita ko, bahagya siyang napangiti. Sabi ko na, e. Naririnig niya. Dahil hindi naman nakakabit 'yung saksakan nung earphone sa cellphone niya.

~ ~ ~ ~ ~ ~

Dumating ang oras ng uwian at syempre, hindi pa tapos ang araw ng pagbanat ko. Sabay sabay kaming lumabas ng classroom patungo sa hallway habang nagtatawanan pa rin at syempre, panay pa rin ang pagkantyaw nila sa'kin dahil sa kanina. Si MJ naman ay no comment lang at naka-earphone. This time, totoo na. Pero ewan ko din kung may tugtog talaga.

"Tangna, pre! 'Yung mga banat mo kanina, ah! In fairness havey!" ani Ben saka tumawa. Nakitawa nalang din ako at bumaling kay MJ na nakapamulsang naglalakad, nasa likuran namin siya at nananahimik.

Lumikod ako at tumabi sa kanya. "May laser beam ba 'yung mata ko?" nakangiting tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya. Bumuntong hininga siya na tila ba sumusuko na. "Bakit?" sagot niya.

Ngumiti ako kahit na hindi siya nakatingin, "Hindi ka kasi makatingin ng diretso."

Napa-face palm nalang siya at muling ibinalik sa bulsa ng palda niya ang kanang kamay niya. Binilisan niya ang paghakbang niya, gaya ng ginawa niya kanina para iwan ako. Pero napangiti lang ako. Pinagmasdan ko ang paglakad niya, ang mga kilos niya na naghuhumiyaw ng 'Lalaki ako! Di tayo talo!' at ang buhok niyang nakapusod. Abot ito hanggang likod niya at itim na itim. Napaisip nga ako, e. Siguro ang sarap paglaruan ng buhok niya dahil ang haba at ang lambot. Sumasabay ito sa ihip ng hangin kahit na may sumbrerong nakatakip sa ilang bahagi.

"MJ!" sigaw ko sapat para marinig niya. Napatigil silang lahat sa paglakad at napatingin sa akin—sa amin-- dahil ilang hakbang palang naman ang layo niya sakin. "Bulaklak ka ba sa hardin ng mga Engkantada?" tanong ko habang tinititigan siya sa kanyang bilog at itim na mata. Kunot man ang noo niya at hindi siya lubos na nakaharap sa'kin dahil nakatagilid siya.

Bumuntong hininga siya muna bago nagsalita sa monotonong boses. "Unang una, tao ako at hindi ako bulaklak na dinadapuan ng kung ano anong insekto. Pangalawa, hindi ako naniniwala sa engkantada dahil sa kwento at pelikula lang sila. Pangatlo, hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasasabi mo?" kunot noong tanong niya.

"Boom! Panes!" halakhak ni Kevin.

Ngumiti lang ako sa kabila ng mga sinabi niya at itinuloy ko pa rin. "Para kasi sa'kin, ikaw 'yung tipo ng bulaklak na hindi ko pangangahasang pitasin at hawakan kung wala naman akong balak na ika'y alagaan."

"Balagtas ikaw ba 'yan?" ani Maiko saka humagalpak ng tawa.

Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa kanya kahit na napapahiya na ako sa mga kaibigan ko kanina pa at sa mga taong nakakasalubong namin na palabas na. Nakita ko ang pag iling niya at ang tuluyang pagharap niya sa akin. "Felix," panimula niya, "Would you like to be the sun in my life?" tanong niya na hindi ko inaasahan. Teka, pini-pick up-an niya ba ako?

"Teka, MJ?! Bumabanat ka rin?!"

"At, tsong! English 'yon!" ani Kid at Ken na parehong gulat tulad ko at ng iba pa.

Wala sa loob na tumango ako at sumagot ng, "Yes... yes, of course!"

Ang mas lalo kong ikinabigla ay ang pagngiti niya. Ngumiti siya mga pre! At ako lang ang nakakakita no'n dahil nakatalikod siya sa iba!

"Good. Then stay 9,955, 887.6 miles away from me." Aniya na ikinabagsak ng balikat at pag-asa ko.

Nagtawanan silang lahat, lalo na ang nangingibabaw sa lahat na si Ken.

"Hahahaha! Laptrip, pre!"

"Tangina! Boom basag! Hahaha!"

"Gago! Hindi basag! Broom Walis! Shuupi ka na daw, Felix!" kanya kanyang komento nila Ben, Jin at Ken.

Nächstes Kapitel