webnovel

PROLOGUE

"Siguado ka ba na gagana ang plano mo para sa anak ko?" Tanong ni Mrs. Teresa Villaruiz sa babaeng nasa harap nya.

"Don't worry, Mrs. Villaruiz, i'll make sure na magkakatuluyan ang anak mo at ang babaeng ipapasok ko sa buhay nya. Just follow whatever i want you to do and we'll be fine." Confident na tugon ng babaeng naka-shades at naka-salakot na nasa harap ng ginang. Inilibot ng babae ang paningin sa mga painting na nakalagay sa wall ng mansyon ng mga Villaruiz.

"I can tell na magaling na lawyer at businessman ang iyong unico hijo, Mrs. Villaruiz. At the age of 37 ay nagawa nyang palaguin ang isang pipitsuging lawfirm dati. And now, his Lawfirm remains as one of the most trusted Lawfirms here in the Philippines." The lady smiled.

"Alam ko yun. Kaya nahihirapan din akong kumbinsihin na mag-asawa ang anak ko. I don't want him to grow old alone. Gusto ko sya makitang makapag-asawa at magkaroon ng maraming anak bago ako mamatay. Lahat naman yata ng magulang ay yun ang nais para sa kanilang mga anak."

"Well then, let me start the show. It's nice doing business with you, Mrs. Villaruiz." The lady offered her hand for a handshake. Tinanggap naman ng Ginang ang kamay ng babae na nasa harap nya.

"Thank you din, Matchmaker. Sigurado ka bang gusto mo na tawagin na lang kita sa Alias mo? Why don't you give me your real name?"

"Because as soon as my job is done, mawawala na ako sa buhay nyo at hindi nyo na ulit ako makikita maliban na lang kung kakailanganin nyo ulit ang serbisyo ko. Have a great day, Mrs. Villaruiz." Akmang aalis na ang Matchmaker ngunit pinigilan ito ng Ginang.

"Paano mo naman gagawin yung misyon mo. Im sorry. Curious lang ako."

Nilingon sya ng Matchmaker. Ngumiti ito. "Simple lang, nakikihalubilo ako sa kanila bilang isang normal.na tao sa paligid nila. Ako ang magsisilbing tulay para mahanap at mas makilala pa nila ang isa't-isa. I'm a very good actress, Mrs. Villaruiz. Especially when it comes to my job." Inayos nito ang malaki nitong salakot sa ulo at umalis na sa mansyon ng mga Villaruiz.

Nächstes Kapitel