webnovel

Mistakes

Lala's Pov

Nagising akong masakit ang buo kong katawan. Babangon sana ako kaso may nakadagan sakin na braso. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na may gwapong lalaki akong katabi. Syete naman oh ano tong nagawa ko. Hindi ko nga binigay kay Edward ang pagkababae ko tapos binigay ko naman sya sa isang istranghero.

Dahan dahan kong inalis ang braso nya at nagbihis. Bwisit ang sakit ng buo kong katawan. Pinagmasdan ko ang lalaki. Well atleast gwapo, kaso may tatoo sa likod. Pagtapos kong magbihis dali dali akong lumabas ng penthouse. Sumakay agad ako ng taxi.

Nagpahatid ako sa opisina at dun na lang ako maliligo. Tumawag ako sa sekretarya ko na bumaba at maghanda ng pambayad ko sa taxi. Wala kasi akong cash na dala malamang naiwan ko sa bar ang bag ko. Bumaba ako agad ng taxi at hinayaang si Hera ang magbayad. Pumanik agad ako at naligo sa office ko. Natapos ako at umupo sa sofa sa office ko. Pumasok naman si Hera.

"Ms. Lala mamaya na po ang flight nyo ng 2pm." sabi ni Hera.

"Okay. Hera pakikuha naman ako ng gamot sa sakit ng ulo. Nandun sa medicine kit ko at tubig na rin na malamig na malamig." sabi ko.

Inilapag ni Hera ang gamot at tubig bago ito lumabas. Maya maya bumukas ang pinto ng office ko.

"Bwisit kang babae ka. Kagabi pa ako naghahanap sayo. Eto na ang bag at cellphone mo na iniwan mo sa bar. Hinanap ka pala ng Daddy mo sabi ko nasa office ka. Wala akong maidahilan eh. Saan ka ba nagpunta?" tanong ni ate Dahlia.

"Ate di na ako virgin." naluluha kong sabi.

"What!!!!! Paano? Ano bang nangyari? Sino?" tanong ni ate.

"Hindi ko kilala. Nakaone night stand ko sya at hindi ko kilala. Dahil sa kalasingan ko hindi ko na alam ang ginagawa kong kalokohan." sabi ko.

"Shit ka kasi umihe lang ako tapos nawala ka na agad. Paano si Edward?" tanong ni ate.

"Di ba wala na kami dahil nagloko sya." sabi ko.

"Ay oo nga pala. Good for you. Sa wakas hiniwalayan mo na rin." sabi pa ni ate.

"Next time na tayo mag usap may flight ako papuntang Japan. Uuwi muna ako bago umalis." sabi ko.

Umuwi na ako sa bahay at umalis papuntang Japan. Hindi na sila nagtanong kasi sanay na sila na madalas akong matulog sa office at pag si ate Dalhia din ang nagsabi, naniniwala agad sila. Kinuha ko lang ang maleta ko at nagpaalam sa magulang ko tapos umalis na ako.

Makalipas ng 2 araw bumalik ako ng bansa. Nadatnan ko sa salas si Lucas.

"Ate nakabalik ka na pala. Kamusta ang Japan?" natawa ako sa tanong ni Lucas.

"Well as far as i know Japan pa din sya hahaha." sagot ko sa kanya.

Maya maya nagkwento sa akin si Lucas tungkol kay kuya Leo. Minsan talaga may pagkatanga lang si kuya eh. Tapos si malanding Claire pa ng inasikaso nya. Nagsabi naman si Lucas ng plano nya. Ok lang naman sakin na samahan si Blessy sa Baguio kailangan ko din ito bago ulit sumubsob ulit sa trabaho. Bago ako matulog ay pinuntahan ko muna si Blessy sa kwarto nya.

Maaga kami umalis ni Blessy papuntang Baguio. Napansin ko na pinagmasdan ako nito habang nagdadrive. Nakikita nya siguro na malungkot ako.

"Lala, may problema ka ba? Ang lungkot mo kasi." tanong nya.

"Blessy wag mong sasabihin sa iba ha lalo na kay kambal" sabi ko.

"I made a mistake. Nagkaboyfriend ako at im so much inlove with him." sabi ko.

"Teka mistakes ba ang magmahal?" tanong nya.

"Yeah, if its the wrong guy. Naiinggit kasi ako kay kambal kasi natagpuan ka nya kaya naman nagboyfriend din ako. Akala ko kasi he's the one na. But then nahuli ko sya na may kasex sa apartment nya. Alam mo ba ang reason ng gagong yun kung bakit nya nagawa yun? Dahil daw hindi ko maibigay sa kanya ang pakikipagsex. Imagine yun lang ang gusto nya pala sakin." sabi ko.

"Oh ok lang yun for sure matatanggap ng pamilya mo yung pagboboyfriend mo." sabi nya.

"Alam ko yun Blessy. Ang hindi nila matatanggap ang ginawa kong paglalasing sa bar kagabi. Tapos sa paglalasing ko na yun may nakaone night stand akong lalaki. I lost my virginity sa hindi ko kilala at we didn't used protection. Paniguradong magagalit sa akin si Daddy at Mommy." sabi ko pa. Naluha na ako. Itinigil ko muna ang sasakyan. Niyakap ako agad ni Blessy.

"Mas maigeng sabihin mo sa kanila paghanda ka na. Paano pag nagbunga ito. Kahit magalit sila alam ko naman na hindi ka nila matitiis eh. Sabihin mo na lang paghanda ka na." payo nya sa akin.

"Natatakot ako Blessy." sabi ko.

"Don't worry, andito ako palagi sayo. Sasamahan kita sa kanila paghanda ka na." sabi nya at tumango tango lang ako.

"Pero teka gwapo ba hahaha?" tanong nya.

"Oo gwapo at ang ganda ng katawan. Hahaha. Kaso sa takot ko tinakbuhan ko agad sya. Hindi ko na inalam ang pangalan." natawang sabi ko. Alam ko naman na pinapatawa nya ako para gumaang ang loob ko.

Nakilala ko ang mga lolo at lola ni Blessy na girlfriend ni kuya Leo. Tapos ipinakilala din sakin si Brandon o Brandie na lang daw. Bff ang tawag nya sakin kay Blessy bestie. Naggala kami sa mall at naglibot libot. Binilihan ko ng regalo ang ikakasal na kapatid ni Brandie at napili ko ay 42 inches na flatscreen tv.

Kinagabihan pagtapos ng mall umuwi ako sa hotel ni kuya, ang Golden Hotel. Nadatnan ko sa penthouse nya na kausap ni kuya sila Vincent sa laptop nya. Tinapos na nito ang videocall at lumingon sakin. Hinalikan ko naman ito sa pisnge.

"Musta kambal?" sabi ko.

"Eto hindi ko alam kung paano susuyuin si Blessy. Please kambal tulungan mo ako." pakiusap ni kuya Leo.

"Ganito na lang. Kumanta ka sa kasal ng kapatid ni Brandie. Abay di ba si Blessy. Humingi ka ng konting oras bago matapos ang kasal. Tapos haranahin mo. Kantahin mo ang On bended knee ng Boys II Men. Tapos ayun. Alam ko naman na patatawarin ka nya eh." sabi ko.

"Thank you! Thank you! Thank you!" sabi ni Leo habang panay ang paghaghalik sa pisnge ko.

"Tinulungan kita kasi naaaw ako sau. Pero kambal mali ang ginawa mo ha. Kawawa si Blessy. Wag mo na uulitin ha." sabi ko sa kanya.

"Oo kambal pangako. Ayoko na ulit mawala sya sakin." sabi nya pa.

Natapos ang kasal at successful ang paghaharana ni kuya. Ngayon umuwi kami at okay na sila. Naiinggit ako sa kambal ko kasi meron na syang Blessy. Pero masaya ko dahil masaya ang kakambal ko.

Maghahanap ako ng tyempo at sasabihin ko sa mga magulang ko at sa mga kapatid ko ang mga pangyayari sa buhay ko. Bahala na si batman.

Nächstes Kapitel