webnovel

THE CONDITION

Vista de Grande Hotel and Restaurant.

Kasalukuyang nasa loob na sila ng suite sa tulong ni Russel madali siyang nakalabas ng ospital. Pagkagaling ng ospital deretso na agad sila sa Hotel, mas gusto kasi niyang dito na lang magpagaling at magpahinga. Maayos naman na ang kanyang pakiramdam, maliban lang sa naiinis s'ya.

Ang totoo hindi niya gaanong ininda ang sakit. Dahil sanay na siya sa reaksyon ng katawan dito. Kailangan lang talaga niyang masaksakan ng gamot para malabanan ang pag-atake ng kanyang allergy. Matagal na rin kasi mu inla nang huli siyang atakihin nito. Labingpitong taong gulang lang siya noon, naging mas maingat na rin siya mula noon.

Maingat naman talaga s'ya sa lahat ng kinakain n'ya, ngayon lang ulit na naging careless s'ya. Hindi niya maikakaila na sobra siyang nasiyahan sa kinaing dessert kanina, tamang-tama lang kasi ang tamis nito at sakto sa kanyang panlasa.

Bihira niyang magustuhan ang pagkain. Pero ito nagustuhan niya talaga, kung bakit nawala sa isip niya ang tungkol sa allergy. Nawala rin sa isip niya ang lasa ng kape lalo na't nakahalo ito sa pagkain. Hindi naman kasi s'ya nagkakape kaya paano niya maalala? Kailan pa ba siya huling nakatikim nito, 9 years ago? Gano'n na rin katagal na hindi siya inaatake ng allergy niya.

Pero hindi naman talaga ang tungkol sa allergy, ang nagpapagulo ng isip at kinaiinisan niya. Kun'di ang babaing 'yon na gumawa ng dessert at ang mga bagay na natuklasan niya tungkol dito.

Kanina lang sa ospital kausap niya si Nico, ang kaibigan niyang Italyano na isa ring chef dito sa Hotel. Ito rin ang pinagkakatiwalaan ng kanyang Papa. Malinaw ang sinabi nito kanina, pinoprotektahan nito ang babaing 'yon dahil utos 'yon ni Liandro.

Sa isip niya.. "Kaya pala magkausap  ito at ang babaing iyon!" At kitang-kita niya kung paano ito magpalitan ng ngiti sa isa't isa. Alam niya dahil lihim niya itong pinagmamasdan kanina, kahit pa malayo ang mga ito sa kanya.

Pero iniisip niya kung ano ang kaugnayan nito sa kànyang Papa at bakit ginagamit nito ang pangalan ng kanyang kapatid? Kung hindi siya nagkakamali, ito rin ang nakausap niya sa phone ng minsang tumawag siya sa bahay nila sa Batangas. "Kaya pala pamilyar ang boses niya." Bulong pa niya sa sarili.

"Boss, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" Komento ni Russel na kanina pa pala siya pinagmamasdan. "Sino s'ya?" Tanong niya na parang mas sa sarili nagtatanong. "Sino boss?" Sagot nito na nalilito.

"Anong kaugnayan niya kay Liandro at bakit s'ya nakatira sa bahay namin? Alam kong sa bahay siya nakatira, minsan ko na s'yang nakausap sa phone at s'ya 'yun hindi ako maaring magkamali." Aniya na masama ang loob.

"Bakit hindi mo muna itanong sa Papa mo boss?" Suhestyon nito.

"Itanong? Nagawa nga nilang ilihim sa akin ang tungkol sa babaing 'yon! Pati ang pagpunta niya dito without any notice, ibinilin pa niya ito sa ibang tao. Marami na pala akong hindi alam, ang pagpapagamit niya sa pangalan ng kapatid ko at sa family name namin. Anong ibig sabihin no'n? Hindi ko maintindihan.." Aniya na nagtatagis ang bagang.

"Boss, baka naman hindi nila sadyang ilihim sayo? Hindi ka naman umuuwi ng Batangas, kaya siguro hindi nila nasabi sayo. 'Yun pagtetraining n'ya dito, maaaring sinadya nga ng papa mo. Para lang maprotektahan siya, dahil mag-isa lang siya dito. Alam din ni sir Lian na hindi ka madalas pumunta dito kaya maaaring hindi na nila naisip ipaalam sayo." Pagpapaunawa nito sa kanya.

"May alam ka ba dito, alam mo ba ang nangyayari?" Panggagad na tanong niya kay Russel. "Boss, s'yempre naman wala, hindi pa rin naman ako nauuwi ng Batangas at hanggang Manila lang ako kapag umuuwi ng Pilipinas." Anito.

"Ipaliwanag mo nga 'yun paggamit n'ya sa pangalan ni ate Angel nagkataon lang ba 'yon?" Tanong niya.

"Kaya nga boss kausapin mo muna ang papa mo. Dahil siya lang ang makakasagot sa mga tanong mo."

"Hindi! Gusto ko munang malaman kung ano ang kaugnayan niya sa papa. Gusto nila ng lihiman? Sige pagbibigyan ko sila, hanggang sa malaman ko ang relasyon niya kay Liandro. Pinag-aaral s'ya ng papa, binibihisan at anong kapalit, katawan niya?" He sighed. Bago nagsalitang muli.

"Baka nga inuuto lang niya ang papa? Bata pa siya at maganda, hindi naman imposible na mahumaling sa kanya ang papa. Lalaki ito at may pangangailangan, naiintindihan ko 'yun! Pero ang magpauto siya sa ganu'n klaseng babae 'yun ang di ko maiintindihan." Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabuhay ng galit. Para sa hinihinalang babae ng kanyang papa.

"Kaya ba sinabi mo kay chef Nico na h'wag na lang sabihin sa papa mo na alam mo na ang tungkol kay Miss Angela?" Anito, na nagpalingon sa kanya sa pagbanggit nito sa pangalang iyon! Hindi niya alam kung kailan siya masasanay na marinig ito mula ngayon?

Sa isip niya.. "Bagay sana dito ang pangalang Angela, dahil sa mala-anghel nitong mukha at sa bango nito na swabe sa kanyang ilong.. Nang bigla niyang maisip, kaya pala pamilyar din sa akin ang gamit niyang pabango. Damned! Pati ba naman 'yon inagaw niya.. Ano pa, ano pang gusto niyang kunin?" Hindi na niya napansin na napalakas na pala ang kanina ay nasa isip lang, dahil sa bugso ng kanyang damdamin..

Nagulat pa siya ng magtanong si Russel. "Ano bang iniisip mo boss?" Sabi nito na nasa mukha ang kuryosidad at pag-aalala.

"Wala, kung meron man sa akin na lang 'yun!" Aniya.

"Pero boss.. Ah, kailan ba tayo babalik ng Australia?" Biglang naisip nitong baguhin ang tanong.. Kabisado kasi nito ang topak ng amo, lalo na nitong huling limang taon.

"Hindi pa.. Parang mas masaya kung manatili muna tayo dito. Kaya ngayon pa lang ire-schedule mo na lahat nang appointment ko." Utos niya dito.

"Pero boss kailangan.." Naumid ito ng pagsasalita nang bigla siyang magsalita.

"Tumututol ka ba?" May diin niyang tanong.

"Hindi naman boss.." Tugon nito.

"May sasabihin ka pa? Gusto ko na kasing magpahinga." Aniya at nagparamdam na gusto na niyang mapag-isa.

"Sige boss do'n lang ako sa ibaba, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka."  Tumalikod na ito at umalis pagkatapos nitong isara ang pinto. Habang sa isip nito alam nitong may pinaplano ang Amo. Pero ano ba magagawa niya? Kun'di ang mag-alala at suportahan ito.

_____//

Palakad-lakad si Angela sa loob ng kanyang kwarto. Kanina pa siya nakauwi pagkagaling sa Hotel. Pero nag-aalala pa rin siya sa nangyari. Kahit sigurado siyang maayos na si Mr. Dawson. Dahil nagkausap na sila kanina, malinaw pa rin sa isip niya ang mga sinabi nito gaya nang.. Mapapatawad nito ang lahat maliban sa kanya. Pero bakit parang siya lang ang sinisisi nito sa nangyari? Hindi naman niya ito sinasadya.

Naalala pa niya ang mga huling sinabi nito.. "Do you remember me?" Ang unang mga salitang binigkas nito sa kanya. Kung ganu'n naaalala s'ya nito. Ang sumunod na sinabi nito ang lubhang nakagulat sa kanya at hindi n'ya inasahan..

"Pero h'wag kang mag-alala babae, hahayaan kitang tapusin ang training mo. Pero may kondisyon, kapag handa ka nang malaman at pumapayag kana sa kundisyon ko. Saka mo na lang ako hanapin.. Maliwanag?"

Malinaw ang pagbigkas nito sa mga salita kaya malinaw rin niyang narinig. Hindi lang ang kahulugan ng mga sinabi nito ang nakagulat sa kanya, kun'di ang malinaw at matatas nitong pananagalog. Tila yata nagkamali siya ng pagkilala dito?

Ang buong akala niya kasi puro ito hindi pala.. Kasi naman sa itsura nito, mapagkakamalan itong foreigner. Ang kulay brown nitong buhok, mapusyaw na balat, magandang pangangatawan idagdag pa ang six pack abs nito at sa taas na 5'11

Kung pagmamasdan mo ang mukha nito, hindi mo masasabing pinoy pala ito. Dahil sa manipis nitong bigote at katamtamang kapal ng balbas na nagtatago sa maaliwalas nitong mukha. Katamtaman din ang kapal ng kilay, matangos at maganda ang hugis ng ilong, may mapaglarong labi na tila kaysarap halikan, mga matang bagama't matiim kung tumitig pero maganda pa rin at kakulay ng dagat. Sa totoo lang parang may iba siyang nakikita dito, hindi niya lang matukoy kung sino?

"Ang ibig bang sabihin natatandaan pa rin niya ako?" Bulong niya sa sarili, naroon ang kuryosidad na malaman ang kundisyong gusto nitong sabihin. "Ano kaya 'yun?" Tanong sa isip..

Kinabukasan..

Maaga siyang gumising, naligo at nag-ayos ng sarili. Kahit parang kulang pa rin siya sa tulog, dahil sa kaiisip nang nagdaang gabi..

Handa na siya sa kahit anong kundisyon? Matapos niya lang ang training n'ya, ayaw na niyang lumipat pa at mag-abala. Bukod pa sa gahol na siya sa panahon, gusto niyang makagraduate ng walang problema.

Ayaw naman niyang lumapit pa sa pamilya n'ya at sabihin dito ang nangyari. Baka mag-alala pa ang mga ito, kung tutuusin maliit na bagay lang naman ito. Dapat lang na s'ya na ang gumawa ng solusyon. Hindi sa lahat ng bagay idadamay niya ang mga ito. Kakayanin n'ya itong mag-isa. "VJ anak sisiguraduhin kong maipagmamalaki mo rin si mama." Bulong nang isip niya. Bago lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyang maghahatid sa kanya patungo sa Hotel.

Pagdating sa Hotel habang naglalakad  iniisip niya. Dahil sa nangyari marami siyang natutunan. Naisip niya siguro nga may kasalanan din siya? Kaya responsibilidad n'yang ayusin ito

"Cause of negligence."

Responsibilidad din nilang alamin at pag-aralan, ang kondisyon ng katawan ng mga taong kakain ng niluluto nila. Dahil isa ito sa founder ng Hotel, may mga obligasyon silang dapat sundin. Dapat nagtanong muna s'ya hindi lang basta gumawa ng pagkain.

_____///

"Boss, ano bang plano mo?" Tanong ni Russel sa kanyang amo, narito sila ngayon sa dining area sa ground flour ng Hotel. Kasaluyang kumakain ng lunch, hindi naman sila madalas kumain dito maliban na lang kung may imemeet silang kliyente.

Pero ngayon kusa itong nagyaya para dito sila kumain. Palinga-linga ito kanina pa na tila may hinahanap, kanina pa niya ito pinakikiramdaman  kahit alam naman niya kung sinong hinahanap nito. "What, may sinasabi ka ba?" Anito.

Nang biglang tumuwid ito ng upo, nang lingunin niya kung saan ito nakatingin? Nakita niya ang babaing kanina pa nito hinahanap, lumalakad ito na may dalang tray na may lamang pagkain. Patungo sa isang mesa malapit sa kanilang kinaroroonan.

"Boss, sa tingin ko hindi naman siya masamang babae, nakapagtanong na ako tungkol sa kanya. Kahit si chef Nico, sinasabing maganda ang performance n'ya at may potensyal na matuto. Parang hindi maganda na siya lang ang managot sa nangyari."

"Kinokotra mo ba ako?" Tanong ni Joaquin.

"Ang sa'kin lang boss baka magkaproblema kayo ng papa mo? Kilala ko si sir Lian, siguradong hindi n'ya ito magugustuhan kung masama siyang babae." Paliwanag pa ni Russel sa kanya.

"Sinasabi mo bang ako hindi mo kilala, na may gagawin akong hindi maganda. Gano'n ba yun?" Si Joaquin na hindi alintana na napalakas na pala ang boses. Dahilan para makaagaw ng atensyon ng mga taong naroon.

Ito rin ang nagpalingon kay Angela sa kanilang direksyon.

Dahilan para makabuo ito ng isang desisyon, sa loob-loob niya oras na rin naman ng kanilang breaktime.

Ito na siguro ang tamang pagkakataon para kausapin niya ito. Kahit pa may pakiramdam siya na wala ito sa mood ngayon, base sa pagtaas ng boses nito.

Kahit paano naman siguro magiging sibil ito sa kanya. Besides, ito na rin ang nagsabi na kapag handa na siyang makipag-usap...

Hanapin n'ya lang ito, at ngayong narito na ito. Bakit pa s'ya maghahanap, baka mahirapan lang siyang hanapin ito sa susunod. Napaka-busy nitong tao, wala rin siyang planong makipag-hide and seek pa dito.

Hindi na nag-atubili pa si Angela, agad na siyang lumapit sa mga ito. Bago pa magbago ang kanyang isip at mawalan ng lakas ng loob, handa na siyang tanggapin ano man ang sasabihin nito sa kanya.. Bahala na!

"Excuse me sir, maaari po ba tayong mag-usap?" Sabi niya.

"Yes?" Tugon nito. "May sasabihin ka ba?" Dugtong na tanong pa nito sa kanya.

Inipon muna niya ang lahat ng lakas ng loob, at humugot ng malalim na paghinga.

Bago sinabing..

"Tinatanggap ko na ang kondisyon na gusto ninyo sir!" Aniya.

Nakita pa niya ang pagtaas ng gilid ng kilay nito at pagngiti ng nakakaloko. Kung ano man ang nasa isip nito ngayon ay wala siyang ideya?

* * *

#@LadyGem25

Nächstes Kapitel