webnovel

Chapter 33. "Chat with the Cold Prince"

Chapter 33.

Laarni's POV

Friday. Final examination for first quarter.

Lahat tahimik. Lahat preperado na para sa exam today. Sana magbunga ang mga pinapaguran naming pagre-review nitong dalawang araw. Right after the exam, nagyaya si Lexter na mag-celebrate, kakain lang daw kami sa restaurant nila somewhere in Tagaytay. Nag-paalam naman na ako kay Mama and she let me go with them.

Tulad ng nakasanayan, actually mukhang nasasanay na lang ako, kahit na hindi naman siya imbitado, sumasama talaga siya sa kahit saang lugar kong puntahan. Si Abrylle. Dapat kasi kaming tatlo lang nila Leicy at Lexter ang magkakasama pero dahil epal si Abrylle. Ayun, pinilit na naman ang sarili niyang isama siya.

Habang nage-exam, lahat ng mga kaklase ko tahimik na nagsasagot. Umaga lang ang exams namin. At sa Lunes na ang result nito agad-agad. Automated naman kasi kaya mabilisan lang. Kaya maingat din ako sa pagsagot sa answer sheet.

"Yes! Finally, finals si over!" tuwang tuwang sigaw ni Lexter habang naguunat pa ng braso. "Grabe, medyo dumugo ilong ko 'don ah." Lumapit 'to sa amin ni Leicy.

"Ako nga huling huling natapos eh." Sabi ko sa kanya.

"Nahirapan ako sa ilang parts, grabe." Ani Leicy habang hinihipos pa ang ulo niya. "Pero ang nakakapagtaka talaga," sabi nito at napatingin sa puwesto ni Abrylle. Napatingin din ako dahil sa kanya. "Siya ang naunang natapos sa exam"

"Oh? Ano namang nakakapagtaka 'don?" tanong ko kay Leicy. Tinignan naman ako nito.

"Ayokong magsalita." Sagot nito at iniwas ang tingin niya. Napatingin naman ako sa tumatawang si Lexter.

"Oh?"

"Hahaha ako na nga magsasabi. These past years kasi, laging—"

"Don't you dare say that." Natigil naman siya ng pigilan ni Abrylle na magsalita siya.

"Bakit? Totoo naman ah? Haha." Pang-aasar ni Lexter. Sinamaan naman siya ng tingin ni Abrylle.

"Totoong ano?" tanong ko habang palitan ang tingin sa dalawa.

"Lagi kasi siyang 100th sa rank class. Haha." Pagpapatuloy ni Lexter.

"I said—" akmang susuntukin siya ni Abrylle ng tignan ko ng masama si Abrylle.

"Oh ano? Magiging marahas ka?" pagtataray ko dito. Tumiklop naman siya naupo na lang sa upuan niya. "Bakit? Nag-review naman tayo ah? Kaya mo 'yon! Tataas ang rank mo sa klase." Sabi ko rito, I was trying to encourage him. Tumingin naman 'to sa akin.

"Salamat." Maikling sagot nito. Napatingin naman ako kay Lexter.

"Arni, out of 100, pang 100 siya. Haha." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ni Lexter at binalik ang tingin kay Abrylle.

"Totoo?" tanong ko. Nakita ko naman kung paano magmaktol 'to at manggigil sa inis. Ang cute niya kapag ganyan siya.

"Huhuhu, bwisit na buhay 'to. Huhuhu."

"Courtney? Ano bang nangyayari sayo?"

"Tse! 'dun ka na sa Hongkong!"

"What? Ano bang nangyari sayo habang nasa Hongkong ako?"

"None of you business!"

Napatingin naman kaming lahat sa dalawang naglalakad sa harap namin. Its Courtney and Tracy. I noticed last day ganyan din siya. Parang lutang sa hangin. Kahit kanina sa exam nakatulala lang siya habang kami nagsasagot na ng test. Ano namang drama 'non?

"Hay nako, tara na nga guys, medyo masakit na ulo ko pag nandito ako sa loob ng room! Gutom na rin ako. Hahaha nakakagutom mag-isip." Yaya ni Lexter sa amin. Tumayo na kaming lahat. Pati si Abrylle.

"Arni sakin ka ba sasabay?" tanong ni Lexter.

"No, she's mine." Sabat naman ni Abrylle at hinila ako pasabay sa kanya. Hay nako, epal na naman talaga ang isang 'to.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Abrylle. Kita kita na lang daw kami nila Leicy at Lexter sa Tagaytay.

Habang nasa byahe. Tahimik lang siya. Ako naman nakatutok ang attention sa phone ko habang nagf-facebook.

"Ano 'yan?" he asked. Tinignan ko naman 'to.

"Facebook. Bakit?" sagot ko at binalik ang tingin sa screen ng phone ko.

"Ah, wala."

"Meron ka? Add kita." Sabi ko habang nakatingin ka sa phone ko.

"Wala. Di ko hilig 'yan." Tinignan ko siya. Nakatingin naman siya sa akin.

"Di nga?" gulat kong tanong. "Halos lahat na yata ng tao sa buong mundo alam at meron facebook account. Ikaw wala?"

"Oo, ibahin mo ako sa kanila." Supladong sabi nito.

"Haish, sabihin mo, unsocialized ka lang talaga. Hays, gusto mo gawa kita?" yaya ko rito.

"Bahala ka." Sagot nito at iniwas ang tingin sa akin.

Ni-log out ko naman ang account ko at nag-sign up.

"Anong full name mo?"

"John Abrylle De Mesa" I type his full name sa sign-up page ng facebook.

"Then, anong gusto mong email address?"

"Bahala ka na."

"Okay." Ako na ang gumawa ng email address niya.

"Password?"

"Laarni Saldivar." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Eh? Bakit pangalan ko?"

"Yun gusto ko eh, i-type mo." Utos nito. Wala na akong ginawa at sinunod siya. Joke lang, iniba ko yung password, ang nilagay ko... "Abryllesungit" hehehe.

"'Yan na, okay na. Lagyan mo na lang ng pictures mo. Wait, add mo ko." I search my account and click the add button. "Yan, okay na. Ako ang first friend mo!" masaya kong sabi rito.

Kinuha naman 'nya ang phone niya. Tinignan ko lang siya.

"Anong gagawin mo?"

"Bubuksan ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Patay, iniba ko 'yung password.

"Ah eh, wag na."

"Bakit?"

"Wala." Pinanuod ko siyang buksan 'yung account niya.

"Anong email?"

"JohnAbrylle@yahoo.com.ph." Sabi ko rito. Siya na ang nagtype ng email address. Tapos nakita kong nag-type na rin siya ng password. Iniwas ko ang tingin sa kanya at sa bintana na lang tumingin.

"Mali yung password." Sabi nito. Nahihiya namang nilingon ko siya.

"Hehehe, iniba ko kasi." Sabi ko rito.

"Anong password?" seryoso niyang tanong.

"Abryllesungit."

"Ano?"

"Eh kasi ang sungit mo naman talaga. Tsaka bakit naman pangalan ko pa ang magiging password mo." Singhal ko dito. Tahimik lang ito at naupo ng maayos tsaka tumingin ulit sa phone niya.

"Sorry." Sabi ko.

"Ayos lang." nakayuko ako 'non, asar 'tong kolokoy na 'to. "Tingin ka dito." Sabi nito, tumingin naman ako sa kanya at saktong pagtingin ko, may flash ng camerang sumambulat sa mukha ko. Napapikit na lamang ako dahil sa silaw.

"Anong—ginawa mo?" tanong ko rito.

"Profile picture." Kalmadong sagot nito.

"Ano? Akin na 'yan! Burahin mo 'yan!" pilit ko namang inaabot sa kanya 'yung phone niya pero nilalayo niya.

"Ano ba? Lumayo ka nga" singhal nito.

"Ayoko, ibigay mo 'yan!"

"Hey! Laarni!"

Huli nan g malaman kong ang awkward na pala ng position namin sa backseat ng sasakyan. Nakadapa na ako sa kandungan niya. Napatingin ako sa driver at nakita kong nakatingin 'to sa akin. Agad naman akong umayos ng upo.

Asar! Nakakahiya naman 'yon.

Mayamaya pa, nakarinig ako ng bungisngis. And now, he's teasing me.

"Tumigil ka nga." Sigaw ko rito, pero natigil ako ng makita kong tawa siya ng tawa. Ang mukha niyang tumatawa. Bakit parang nakakatuwa siyang pagmasdan. Okay given na 'yung ako ang pinagtatawanan niya, pero his face. Para siyang batang tuwang tuwa sab ago niyang laruan.

"Laarni, ang ganda mo pa rin naman kahit gulat ka." Sabi nito. Nang marinig ko 'yon, pakiramdam ko naginit ang buong mukha ko.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nang mapansin kong sa ibang lugar kami dumaraan.

"Sandali, saan na tayo papunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta." Sagot niya.

"Pero di ba sa—"

"Wag na natin silang guluhin. Hayaan na natin silang magkaroon ng oras sa isat-isa." Napatingin na lang ako sa kanya at naisip ang ibig niyang sabihin. It's about Lexter and Leicy.

"Ah, sige. Pero iuwi mo ako ng maaga ah."

"Pag ayoko?"

"Ano?"

"I was just kidding. Haha." Ito na naman siya, tumatawa. Ito ba ang Mr. Cold na sinasabi nila? Base kasi sa nakikita ko. Masayang masaya siya. Tuwing kasama ako.

Leicy's POV

"Nasaan naman na kaya 'yung dalawang 'yon? Dapat kanina pa sila nandito ah."

Kanina pa palakad-lakad si Lexter sa harap ko. Nandito na kami sa tapat ng restaurant nila sa Tagaytay, pero wala pa sila Arni at Abrylle. Nilalamig na nga ako rito. Ang lamig ng hangin.

"Nilalamig ka?" mukha yatang napansin niya ang panginginig ko. "Sandali lang," umalis 'to at bumalik sa sasakyan. Pagbalik niya may dala na siyang jacket. "Ito oh." Binigay niya sa akin ang isang jacket. Pagtingin ko dito, nanglaki ang mata ko sa nakita ko.

"Eh?"

"Oh? May problema ba?" tanong niya.

"Ah—eh, varsity jacket mo 'to ah." Sabi ko rito.

"Oh?"

"Okay lang bang gamitin ko 'to?" tanong ko sa kanya. Magkatinginan lang kami nito.

"Kaya ko nga inabot sayo di ba? Hahaha." Sabi nito at umiwas na ng tingin sa akin.

Sinuot ko ang jacket na binigay niya. Pakiramdam ko, habang suot ko ang jacket niya, kayakap ko. Tapos may "Monterverde" pang nakaburda sa likod nito. Pakiramdam ko tuloy, jowa ko siya. Okay, ang landi ko.

Bigla namang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha 'to at binasa ang text. Si Arni.

From: Arni Saldivar

Leicy, di na kami tutuloy ni Abrylle diyan, si Abrylle kasi eh, dinala ako kung saan. Pasabi kay Lexter, pasensya. Tsaka enjoy the moment girl. ;) hihihihih.

"Sira ka talaga Arni." Sigaw ko.

"Oh? Nagtext na si Arni?" napatingin ako kay Lexter.

"Ah—eh, oo."

"Anong sabi? Patingin nga." Nilahad niya naman ang palad niya sa harap ko para kunin ang phone ko.

"Hindi....hindi pwede..." sabi ko't umurong sa kanya. Gosh, paano ko ipapabasa ang sinabi ni Arni, may pa-enjoy the moment pa siyang nalalaman.

"Bakit? Pabasa lang Leicy."

"Hindi nga pwede. PLEASE?"

"Hay, okay, anong sinabi?"

Nächstes Kapitel