webnovel

Chapter 17. "Time with you"

Chapter 17. "Time with you"

Abrylle's POV

"You're here, you're eyes are looking into mine, so baby make me fly. My heart has never felt this way before, I'm looking to your, I'm looking to your eyes."

Hindi ko naman akalain na, sing ganda pala ng boses ng isang anghel ang boses niya. Katulad ng pagkanta ni Mama noon sa akin bago matulog. Kung paano siya umawit, pakiramdam ko, nasa harap ko si Mama.

"Abrylle! Uy, okay ba?" di ko namalayan na nadala na pala ako sa pagkanta niya.

"Uhm, do you want to change the song?" I asked, I noticed she was shock.

"Ah, anong kanta?"

"This." Inabot ko naman sa kanya ang isang papel.

"Good day. Hmm, nice title, anong tono?"

Tinuro ko naman sa kanya ang tono ng kanta. Madali naman niyang nakuha.

Arni singing "Tear starts to fall as I look in your eyes"

"Uhm, wag mong taasan." Sabi ko rito. "Game."

Arni singing "Tears starts to fall as I look in your eyes"

"Uhm, sandali. Okay na 'yon, pero mas maganda kung may emotion. The girl sings that song for the boy she liked. Dapat para kang nagsusumamo sa kanya." Sabi ko rito. Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Game, ulit."

Arni singing "Tears start to fall as I look in your eyes, I tried to smile so don't be to surprise, why are you like this now? What are you saying to me? The thing we have talked about has drifted away."

Nakanta niya ng maayos ang kanta.

"Let's take a break." Sabi ko rito.

"Hay, kapagod, pero ayos lang. Ang galing mong magturo Abrylle." Sabi nito sa akin habang inaayos ko ang mga ginamit namin. "Ang galing mo rin sa music, sinong nagturo sayo?" tanong nito.

Natigil naman ako sa pag-aayos ng gamit. Bigla kong naalala si Mama. Siya ang nagturo sa akin tungkol sa music. She said that she want to be a Broadway singer, pero maaga siyang kinasal sa lalaking 'yon.

"My Mom taught me."

"Ah. I see." She said. "Uhm, sinong kakanta sa part na 'to?" She asked. Napalingon naman ako rito at hawak niya ang piece ng kanta at nakaturo sa parteng ako ang kakanta.

"That's my part." Sagot ko rito.

"Ah, eh bakit mo di pina-practice? Ang daya mo naman." Nakangusong sagot nito.

Kinuha ko sa kanya ang papel. Napatingin naman 'to sa akin. Gulat.

"Game, ako na ang kanta." Sabi ko rito.

"Talaga? Sige!" naupo naman siya sa upuang inupuan ko kanina.

Humarap ako sa kanya. Nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Naghihintay siya sa pagsisimula ko. Huminga ako ng malalim.

Abrylle singing "Please don't say that we're through, let's start over new it's just me and you."

That time. Nakatingin lang ako sa kanya. Her smiling face makes me feel the song I sing.

"I'm going crazy, I—I need you baby. I believe we will make it through."

Lunch.

"Wow, ang dami namang foods." Manghang mangha siya habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa mesa. "Birthday mo ba Abrylle?" para siyang bata. Umiling iling naman ako sa tinanong niya. "Ang dami eh, Hahaha."

Dumating naman si Manang Amy at may hinatid pang tray ng pagkain. Nagulat naman si Arni sa nilapag ni Manang Amy sa mesa.

"Wow! Chicken Pastel?" tanong ni kay Manang Amy. Nakangiti namang tumango si Manang Amy. "That's my favorite!"

Kumain na kami. Nasa harap ko siya at nakakatuwa siyang pagmasdan kumain. Para bang kahit wala kang gana, gaganahan kang bigla pag nakita mo siya. Huminto naman siya sa pagkain at napatingin sa tatlong maid na nakatayo sa gilid namin.

"Manang Amy, uy kayo rin, kain na kayo." Nagulat ako rito nang alokin niya ang mga maid na kumain. "Ang daming foods oh, tara!"

Nagtataka namang napatingin sa akin ang mga maid. They're look asking me if they're going to follow Arni. Tumango na lang ako sa kanila. Naupo naman sila kasabay namin.

"Manang, hindi lang siya kamukha ni Madame Celeste, kasing-ugali pa."

"Oo nga, ang bait niya. Naalala ko, ganito rin si Madame Celeste."

"Magsikain na lang kayo, nariyan si Master Abrylle." Saway ni Manang Amy sa dawalang katulong.

Tama sila. Kamukha nga ni Arni si Mommy. Para siyang photocopy ni Mommy.

Natapos na ang lunch. Gusto pa sana ni Arni na tulungang maghugas ang mga maid pero sinabi kong wag na. Isa pa may sugat ang kamay niya. Bumalik kami sa music room. Iniwan ko muna para kunin ang tape sa kwarto ko.

Laarni's POV

Grabe! Busog na busog ako 'don sa kinain ko. Ngayon lang ako ulit nakakain ng Chicken Pastel, ang sarap talaga.

Bumalik kami ni Abrylle sa music room para mag-practice ulit. Sabi niya kakanta na raw kami with music para mas feel namin ang pagkanta. Pumanik muna siya sa kwarto niya para kunin ang CD ng kanta. Naiwan akong mag-isa sa music.

Iba ang pakiramdam ko sa kwartong 'to. Para bang, ang laki ng naibahagi nito sa akin. Hindi ko alam, pero I have this feeling na parang nanggaling na ako rito dati. Or maybe it's just me? Baka hallucination? O Déjà vu?

Nilibot ko ang music. Malaki 'to. Sa harap ng bintana. Nandun nakapwesto ang malaking piano. Marami ring musical instrument ang iba pang naka-display sa bawat sulok. May gitara, may violin at drum set. May mga CD's nan aka-helera sa shelf at mga music piece na naka-sabit sa isang bulletin board. Kung makikita ang buong loob, para talagang music lover ang may-ari ng kwartong ito.

Nabaling naman ang tingin ko sa isang picture na naka-lagay sa taas ng piano katabi ng flower base. Tinignan ko ito. Nakita ko ang isang bata na may kasamang—

Nanglaki ang mata ko ng makita ko ang babaeng kasama ng bata. Kinuha ko ang picture frame at inilapit sa mukha ko. Pinagmasdan ko ang babaeng nasa picture.

"Totoo ba 'to? Bakit, kamukha ko siya?"

Sa picture, magkatabi ang babae at ang bata, baka si Abrylle at ang Mama niya? Naka-upo sila sa harap ng pianong 'to.

"'Yan ang Mommy ko."

Nagulat ako at mabilis na napalingon sa nagsalita. Si Abrylle, dala na ang CD na kinuha niya. Nilapag ko ang picture frame na kinuha ko sa taas ng piano.

"Ah, oo nga. Maganda ang Mama mo." Nakangiti kong sabi rito.

"Oo, at kamukha mo siya." Nagulat ako sa sinabi nito.

"Ah—eh, hindi. Mas maganda ang Mama mo." Awkward man ang ngiti ko, pero ginawa ko na lang. Nakakahiya naman kasi na kamukha mo ang isang yumaong tao na. At nasa harap mo pa ang isa sa malapit na taong 'yon.

Hapon na ng umuwi ako sa bahay. Ihahatid niya sana ako sa bahay, pero sabi ko, ako na lang. Hindi ako dumiretso sa bahay. Naglalakad lang ako rito sa mall. Bigla kasing bumigat ang pakiramdam ko, wala akong idea kung bakit. Nung nakita ko yung picture na 'yon. Para bang may koneksyon 'yon sa akin? Ang gulo. Naguguluhan ako.

"Ano naman ang ginagawa ng malandi dito?" napatingin ako sa babaeng nagsalita sa harap ko. Si Courtney, may kasama siyang dalawang maid na may mga dalang paper bags.

"Naglalakad?" pilosopo kong sagot dito.

"In my mall?" mataray na sagot nito. So, mall pala nila ito.

"Ah, okay. Di ko alam. I'd rather go home. Baka masunog pa ako sa mall na 'to." Sabi ko rito at tinalikuran siya. Narinig ko naman ang pagkainis sa boses nito.

"Hey! You, scholar! Stop!" tawag nito sa akin. Huminto naman ako at nilingon ito ulit.

"Ano? Di ba pinapa-alis mo na ako?"

"Wait, I just wanna ask you something." Naging mabait naman ang tono nito ngayon. I gave her a what-is-it-look. "Uhm. Can you please ask Abrylle what he wants on his birthday?" nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Tsaka birthday ni Abrylle?"

"I'll pay for it!" sabi nito.

"Alam mo di lahat nadadaan sa pera. Sige tatanungin ko."

"Ah—sige. Bahala ka." Sagot nito at tsaka ako tinalikuran. Pag-alis nito. Napaisip ako. Birthday ni Abrylle?

"Kelan kaya yung birthday niya? Ah! Si Leicy!" kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Leicy. Pero ring lang ng ring ang phone niya. Nag-text na lang ako sa kanya.

Padating ko sa bahay. Nakita ko sa labas na naka-park ang sasakyan ni Lexter. Nasa bahay ko na naman siya? Ano na naman ang ginagawa 'nun dito?

Pumasok na ako agad sa loob dahil nga nandito na naman si Lexter. Pagdating ko nadatnan kong naguusap sila ni Mama. Nagulat pa sila bigla sa pagpasok ko.

"Oh anak, buti naman nadito ka na." bungad sakin ni Mama.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong k okay Lexter tsaka nilapag ang bag ko at naupo sa tabi ni Mama.

"Wala. Gusto lang kita makita. Hahaha." Pang-aasar nito. Inismiran ko naman 'to.

"Hindi anak, kanina kasi pauwi na ako ng makita niya akong lumabas sa hotel tapos niyaya niya akong ihatid. Nakakahiya nga kay Young Master." Paliwanag sa akin ni Mama. Oo nga pala, nagta-trabaho si Mama sa hotel ng mga Monteverde.

"Wala lang 'yon Tita." Natatawang sabi ni Lexter kay Mama. Tinitigan ko naman 'to ng masama at iniwas niya naman ang tingin sakin sabay inum ng juice.

"Aba, madalas ka na yatang nakikimeryenda dito ah? Hahaha, uy kamusta ang practice niyo ni Leicy? Perfect na ba?" tanong ko rito.

"Hahaha. Kami pa ba? Naman 'no! Magaling yata si Leicy kumanta! Hahaha." Bilib na bilib na naman siya sa sarili niya kahit na si Leicy lang naman ang kakanta.

"Psh, ang yabang neto eh si Leicy lang naman ang kakanta."

"Oy, mahirap din mag-gitara ah! At tsaka may part na kakanta ako 'dun!" pikon na naman siya.

"Oh, wag na mapikon. Baka mag-walk out ka na naman. Hahaha."

"Psh!"

"Arni?!"

Napatingin naman kami sa pinto ng may tumawag sa akin. May naghahanap na naman sakin?

"Ah, ako na ang titingin" prisinta ni Mama at tumayo para tignan kung sino ang naghahanap sa akin.

Leicy's POV

Pagtapos kong ayusin ang mga gamit sa theater club. Hindi pa ako dumiretso umuwi. Pupunta pa ako sa hotel nila Lexter para ipasa ang new application form ko sa HR. Kinausap ako ni Master Lourd na mag-trabaho raw ako. Mag ipapagawa siya sa akin at sa tingin niya raw magaling ako 'don.

Pagpasok ko sa hotel nakita kong palabas si Master Lourd. Nakita ako nito kaya binati ko.

"Good Afternoon Sir." Sabi ko rito.

"Oh Leidy hija, ipapasa mo na ba ang mga documents mo?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Ah Opo Sir." Sagot ko rito.

"Ahm," tumingin ito sa wrist watch niya. "Mahihintay mo ba ako sa office ko? May aayusin lang kasi ako pero babalik ako agad." He requested.

"Ah, sige po Sir."

"Sige hija, mauna ka na. Pag-uusapan natin ang ipapagawa ko sayo."

"Sige Sir."

Ano kayang ipapagawa ni Master Lourd? Minabuti ko ng hintayin si Master sa office niya. Normal lang naman ang office nito, may malaking table na malapit sa bintana. May sala sa harap pagpasok ng pinto. Napapaligian ng mga shelves ang kwarto at maraming paper works sa taas ng table nito. After 15 minutes bumalik naman na ito. Tumayo ako pagpasok nito.

"Maupo ka." Ang utos niya. Naupo naman ako at naupo siya sa seat niya. May kinuha ito sa drawer.

"Ah Sir, ito na po yung mga documents ko." Sabi ko rito at sabay na iniabot ang isang long envelope. Kinuha naman niya ito at nilapag sa tabi ng table niya.

"Leicy, I want you to coordinate a wedding." He said. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Baka may guess na ikakasal sa hotel at dito ang accommodation.

"Ah sige po Sir. Kailan po ba ang wedding?" tanong ko rito.

Hindi na mahirap para sa akin ang mag-ayos ng kasal. Ilang beses ko na ring nagawa 'to dito rin sa hotel nila Sir. Pero ang isang 'to parang mahihirapan ako. Nakita ko kasi sa portfolio na bongga ang kasal.

"Hahaha, matagal pa nama hija. Pero ito ang magiging wedding of the year." Ang sabi nito.

"Ah, sino po bang ikakasal?" tanong ko habang tinitignan ang wedding portfolio.

"My son."

Nächstes Kapitel