webnovel

Scrapbook

Title: Scrapbook

Written by: Jancarl Dayos

————

RICO'S P.O.V

February 2009

Kasalukuyan akong nakangiti habang pinagmamasdan ang ginawa kong scrapbook na naglalaman ng mga memories namin ng girlfriend kong si Alexandria since day 1 ng pagkakakilala namin. Tomorrow will be our 4th year anniversary at ginawa ko ang scrapbook na 'to as a present sakanya.

Alexandria is a great dancer samantalang ako ay may talent naman sa pagkanta, pagsusulat ng mga tula at kanta. Mas lalo rin akong na-inspired sa paggawa ng nga tula at kanta nang makilala ko si Alexandria dahil ilan sa mga gawa ko ay siya ang bida.

Napahinto ako sa paglipat ng pahina nang biglang magvibrate ang cellphone ko. May bagong message sa akin galing kay Alexandria. Agad ko itong binuksan at binasa.

Nang mabasa ko ang message mula kay Alexandria ay agad akong nagmamadali sa pagtakbo papunta sakanya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang mensahe. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang nakikipaghiwalay sa akin. Habang tumatakbo ay pinipilit kong isipin na prank lang ito.

Nang makarating ako sa bahay nila Alexandria ay naabutan ko pa itong sinasarado ang gate ng bahay nila. Agad ko siyang nilapitan at kinausap pero patay malisya lang ito na para bang walang nakita.

"Alexandria, bakit ka naman nagmemessage ng nga ganong klase ng biro. Hindi nakakatuwa." Bungad ko sa kanya. Napahinto ito sa paglalakad at hinarap ako. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang tingin nito. Hindi ko maipinta pero alam kong may nakatago sa likod ng mapagkunwaring tingin na 'yon.

"Nabasa mo na nga sa message diba? Wala akong panahon para makipagbiruan." Masungit na sagot nito. Nabigla ako sa naging reaksyon niya dahil hindi naman siya ganon sa akin kung wala akong ginagawang ayaw niya.

"Bakit? May nagawa ba ko? Sabihin mo para maayos natin." Tanong ko sakanya. Unti-unti nang nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'to o isang panaginip lamang.

"Tinatapos ko na ang namamagitan sa ating dalawa. Kung ano man ang rason, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag." Malamig na sabi nito atsaka dire-diretyong pumasok sa loob ng bahay. Naiwan ako sa labas at nag-iisip ng mga posibleng rason pero ni isa ay walang pumasok sa utak ko.

Maayos kaming nagsasama ni Alexandria. May mga hindi kami pagkakaintindihan pero ilang buwan na ang nakalipas nang maayos ang mga 'yon. Kung ano man ang rason, kailangan kong malaman 'yon dahil alam kong minahal ako ni Alexandria at hindi niya gagawin sa akin ito nang ganon ganon lang.

Inabot na ako ng ilang oras kakahintay sa labas ng bahay nila pero wala paring lumalabas kaya napagpasyahan ko na umuwi muna dahil deadbat na rin ang cellphone ko. Pag-uwi ko ay agad kong chinarge ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi ko na macontact ang cellphone niya. Gabi na rin 'non at naisip ko na baka nagpapahinga na sila kaya hindi na ko pumunta dahil baka maka-istorbo pa ko.

Kinabukasan, paggising ko ay agad akong bumalik sa bahay nila Alexandria dala-dala ang regalo kong scrapbook pero pagdating ko don ay agad akong nanghina sa nabasa ko sa papel na nakadikit mula sa pintuan. Binebenta na ang bahay nila. Naka-lock na rin ang gate kaya alam kong wala nang tao don.

Isang malaking question mark ang namuo sa utak ko.

Bakit?

Bakit ako iniwan ni Alexandria?

Bakit niya sinayang ang apat na taon?

Bakit siya bumitaw at sumuko?

Paano nawala ang pagmamahal niya sa akin?

Wala akong nagawa kundi hayaan sa pagpatak ang mga luha ko. Nabigla ako sa nangyari. Napakabilis at hanggang ngayon hindi parin nags-sink in sa akin ang mga nangyayari. Sinubukan kong tawagan ulit ang number ni Alexandria pati na rin nila tita at tito pero walang sumasagot .

Binuksan ko ang scrapbook at pinagmasdan ang magagandang alaala namin ni Alexandria. Patuloy sa pag-agos ang mga luha habang inaalala ang masasayang nangyari na sa alaala na lamang mababalikan.

Ilang oras ulit akong naghintay, nagbabakasakali na baka bumalik sila. Ilang oras ang lumipas pero walang dumating. Hindi ako okay dahil hindi pa ako handa na tanggapin ang nangyari.

Iniwan ko ang scrapbook sa labas ng bahay nila at saka umalis. Nakalayo na ko sa bahay nila nang mapagtanto na 'yon nalang ang alaala sa akin ni Alexandria. Napahinto ako sa paglalakad at agad na tumakbo pabalik sa bahay nila alexandria. Pagdating ko don ay wala na ang scrapbook at kapirasong papel na lamang ang andon. Wala na rin ang nakapaskil na binebenta ang bahay.

"If it's meant to be, it will be. In god's perfect time. Someday, If I still have a chance, I will tell you everything. I'm sorry, Rico." —Alexandria.

Tahimik lang ako at muli na namang nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Dapat naghintay nalang ulit ako. Dapat pala hindi muna ako umalis para nakita ko siya at nakausap sa personal. Hawak-hawak ko ang papel at tinititigan. Ito ang huling alaala sa akin ni Alexandria.

Lumipas ang ilang mga araw, linggo, buwan at taon. Araw-araw parin akong naghihintay sa bahay nila Alexndria, nagbabakasakaling bumalik sila ulit.

Naniwala ako sa sinabi niya na "If it's meant to be, it will be. In god's perfect time." Kaya hindi ako napagod maghintay at umasa na dumating ang araw na 'yon.

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko lang magpakatatag at maghintay ng tamang oras at panahon para sa aming dalawa.

February 2019

10 years had passed already 'nong huli kaming magkita ni Alexandria. Alexandria was my first and last girlfriend. She's my first love and until now, siya parin kahit na hindi ko na alam kung anong balita sakanya.

10 years na ang nakalipas pero patuloy parin ako sa ginagawa ko araw-araw na maghintay sa tapat ng bahay nila.

Isang araw, dumating ang araw na hinihintay ko. Bukas ang bahay nila Alexandria at ramdam ko na sila ang andon. Sa nakalipas na sampung taon, ngayon nalang ulit ito nagbukas. Magsasalita palang sana ako para tawagin si Alexandria nang may mauna sa pagtawag ng pangalan ko.

"Rico."

She's back. Alexandria is back!

But...

"Rico, si xander" Pakilala niya sa buhat-buhat niyang bata. Para akong nabingi kahit na mahinahon siya sa pagsasalita. May anak na pala siya.

Ilang segundo bago ako makapagrespond. Ngumiti lang ako kahit pilit.

"Kamusta?" Sa totoo lang hindi na ako okay. Nabigla ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya dahil ito na yung pinagdarasal ko, ang makita ulit si Alexandria.

Pero hindi ko inexpect ang bagay na 'to. Akala ko pagbalik niya, may maibabalik pa. Ngayon ko lang naintindihan na tapos na nga talaga kaming dalawa.

"Okay naman, ito buhay pa." Nakangiting sagot nito. "Xander, pasok ka muna kila mommy lyza." Utos nito sa bata. Agad naman na sumunod ang bata at pumasok sa loob ng bahay

"Kamusta?" Tanong nito sa akin. Sandali akong natahimik at nag-isip. Hindi ako sigurado kung ayos lang ako.

"Ayos naman, buhay din." Sagot ko sakanya.

"Buti nakabalik ka na" At this point, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Bigla akong naluha dahil bumalik na naman ang mga alaala kung anong situation ko noong iniwan niya ako.

"Oo nga eh, masaya ako na nakabalik pa ako ng buhay. 10 years na rin ang nakalipas..." Hindi ito makatingin ng diretyo sa akin. Alam kong nakikita niya ang pag-iyak ko ngayon at alam ko rin na sinasadya niyang wag pansinin.

"I'm sorry, Rico. May pamilya na ko" Wala akong nasagot kundi ang pagtango lamang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Congrats. Mag-iingat ka palagi, Alexandria." Sabi ko atsaka tuluyang umalis.

Masakit pero okay na siguro yon. Atleast sampung taon lang naman akong nag expect. Buti nalang at nakabalik sila kahit papaano.

Sa mga nakalipas na taon pumapasok na rin naman na to sa isipan ko eh. Na maaaring may pamilya na siya ngayon.

Kasalanan ko rin naman. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako. Choice kong umasa kaya ako nasaktan. Ang taas masyado ng tiwala at expectations ko kaya ayoko nasaktan. Nakalimutan kong magtira ng para sa sarili ko.

Nang makarating ako sa bahay ay bumungad sa akin ang scrapbook na gawa ko 10 years ago. Naupo ako sa upuan at binuklat ito. Habang pinagmamasdan ang mga litrato ay muling bumabalik ang mga alaala. Kasabay ng paglipat ng pahina ang pagtulo ng mga luha. Muling bumalik ang sakit na naramdaman ko sa nakaraan.

Nang marating ko ang huling pahina ay napansin ko ang papel na nakaipit. Binuksan ko ito at binasa.

"I'm sorry, Rico. Umalis ako non at hindi na nagsabi dahil ayokong madamay ka pa sa gulo ng pamilya ko. Umalis kami noon at lumipad sa ibang bansa dahil sa death threats na natatanggap ng pamilya namin. Mahal na mahal kita kaya ayokong madamay ka pa kaya pinutol ko na ang ugnayan natin. Pinili kong isakripisyo ang relasyon natin kesa sa buhay natin, sana maintindihan mo. Hindi kita niloko at wala kang kasalanan. Patawarin mo ko. Sa nakalipas na ilang taon akala ko may pamilya ka na. Akala ko masaya ka na at may sariling pamilya kaya sumunod na rin ako sa mga magulang ko na magpakasal sa anak ng kumpare nila na si Nathan. Huli na nang malaman ko na araw-araw ka palang nag-aabang sa harap ng bahay namin. Patawan mo ko sa paggulo sa buhay mo. Sana maging masaya ka at mahanap mo na ang babae na magmamahal sayo." —Alexandria.

The End.

Nächstes Kapitel