webnovel

Naligaw na Demonyo (4)

Parang isang malamig na baso ng tubig ang itinapon niya sa akin at ako naman ang bilis ko nakalimot. Naalala ko si Jared pati yung sinabi kong 'hindi na namin uulitin 'to'. Yung ligaya ko sumirok na ng todo.

"Siya, pumasok ka na. Punta ka ng school bukas ha," sabi ni Stan.

"Hindi ba pwedeng ipahiram mo na lang sa akin yung Vita mo? Isasauli ko din sayo sa grad ball."

Natigilan si Stan at mukhang na misinterpet niya ang tono ng pagkakasabi ko dahil napasimangot siya. "Sa tingin mo ba pinahihirapan lang kita kaya pinapupunta kita sa school? Gusto ko lang naman gumawa ng paraan para magkasama pa din tayo kahit bakasyon."

Inaamin ko, hindi iyon ang inaasahan kong dahilan kung bakit ayaw niya ipahiram sa akin ang PS Vita niya. Ito kasi ang unang beses na ginawa niya ito. Dati naman basta may bagong laro para sa akin, ibibigay lang niya sa akin ang PS at charger.

"Pero nagseselos na yang girlfriend mo," sagot ko sa kanya at madiin ang pagkakasabi ko nito.

"Ano ang ipagseselos niya? Best friend lang naman kita. Naiintindihan niya yun."

"Sabi ko nga," pabalang na sagot ko. Tagos kung tagos ang sinabi niya. Wala akong nagawa kundi masaktan at magalit. "Ingat ka sa pag-uwi mo. For sure, kanina ka pa inaantay ng girlfriend mo. Salamat sa paghatid ah."

Pumasok na ako ng gate namin at hindi ko na inantay pa na makaalis siya kaya pagdating ko sa kwarto ko, ang laki ng pagsisisi ko. Hind lang dahil sa inaway ko na naman siya kung hindi dahil naiwan ko pala ang cellphone ko sa kwarto ni Stan. Nang binalikan ko ito kinabukasan, nasa ibabaw ito ng computer table niya katabi ng PS Vita niya.

Gilfriend lang niya ang nakita ko noong graduation at hindi ko na din naman siya hinanap kaya noong grad ball na lang ulit kami nagkita. Sandalian ko lang siyang nasilayan nang dumaan kami sa room kung saan nandoon ang klase nila. Nakasuot siya ng itim na long sleeves.

"Risa!" napatingin ako kay Aya. "Tigilan mo na nga ang kakaisip dyan sa best friend mo. Hay naku, mas lalo ka naging komplikado simula ng malaman mo."

"Wow, parang ang tagal ko ng alam ha," sabi ko naman sa kanya. "At hindi siya ang iniisip ko. Ang iniisip ko ay baka malamig mamaya. Wala pa naman akong dalang blazer."

"Ano ka ba? Hindi bagay pag may blazer. Sayang nga dapat bumili na lang din ako ng bago para pare-pareho tayo ng style." Itinaas ni Aya ng konti ang unang layer ng suot kong damit.

Ang nabili kasi namin ni Mia noong isang linggo ay halos magkatulad ng style, ang kanya lang ay may half sleeves at ilang layer ng palda pero parehas chiffon ang tela at may lace sa taas, likod at harap pati ang haba ay parehas samantalang ang akin naman ay sleeveless. Si Aya naman ay naka-cocktail na gown at pa-balloon ang palda nito.

"Sasabihin mo ba kay Stan?" biglang tanong ni Mia.

Nilingon namin siya ni Aya. Hindi suot ni Mia ang salamin niya at ang buhok niyang laging nakatali ay nakalugay ngayon.

"Nahihibang ka na ba Mia?" sagot ko agad sa kanya. "Edi mas lalo na naging malabo na maging kami."

Oo, sigurado na akong mahal ko ng higit pa sa kaibigan si Stan noong nagkausap pa kami ni Keith at nakumbinsi na din si Mia sa nararamdaman ko. Stan and I may have been friends for a long time and being with him is the most natural thing and my feelings for him maybe gentle yet manipulative as I was too dependent on him but now, as I gaze at him, it warms my heart and thousands of butterflies dance in my stomach. Even if this is not love, I always want to be with him, now and tomorrow.

Nächstes Kapitel