webnovel

YOU'll SEE (2)

"Jesse!" bigla kong sigaw ng nakita ko yung student council president na palabas ng room nila. Dali-dali akong nagpunta sa kanya.

"Oh, Risa?" nagtatakang tanong niya sa akin ng nakarating na ako sa harap niya.

Itinapon ko na ang kahihiyan ko at hinablot ko na ang braso ni Jesse. Hinigit ko agad siya papunta doon sa tapat ng room namin. Mukhang naguguluhan siya kaya binitawan ko na ang braso niya at ngumiti ng konti.

"Pwede bang hindi muna ako umattend ng practice bukas at sa Friday?" sabi ko sa kanya.

Habang nag-uusap kami ni Jesse, hindi nawala ang kaba ko na baka biglang sumingit si Stan. Hindi din ako lumingon dahil baka nasa likod lang namin siya. Nagpaliwanag ako kay Jesse namalapit na yung competition at pumayag naman siya kahit mukhang nagtataka pa din siya sa itsura ko. Laking pasasalamat ko na lang ng nagring na ang bell. Nagpasalamat ako at nagsorry na din bago ako pumasok ng room.

Buti na lang noong lunch ay nauna kaming dumating sa cafeteria. Maya-maya dumating na si Andy at hindi din nagtagal dumating na si Stan at Denise. Nagkaroon na naman ako ng dahilan kung bakit hindi ko siya kakausapin. Nasa kabila sila at ang katabi ko ay si Mia at si Aya kabila ang nasa harap ko ay si Dan.

"Si Keith?" tanong ko bago kami kumain.

Napa-ubo si Dan dahil nasamid ata. Mukhang lahat sila nagulat sa tanong ko. Sa dami naman pwedeng magtanong ako pa talaga ang nagtanong.

"May sakit ka ba, Risa?" tanong ni Aya habang nilagay niya ang kamay niya sa noo ko.

"Masama magtanong?" sagot ko sa kanya at tinampal ko ang kamay niya.

Hindi pa din makapaniwala si Aya. "Eh bakit mo hinahanap?"

"Kasi wala?" sabi ko sa kanya at sumubo na lang ako ng pagkain ko. Nagkatinginan naman si Mia at Dan. Hindi ko na lang pinansin.

"Hindi nga, Risa, anong meron?" si Dan naman ang nagtanong ngayon.

"Wala nga," sagot ko na medyo natatawa.

Hindi nila ako tinigilan buong lunch sa kakatanong sa akin. Kahit noong sinagot na ni Andy yung tanong ko na may sakit daw si Keith kaya absent. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo. Gusto ko lang makausap muna si Keith bago ko sabihin kay na Aya. Oo, medyo galit ako sa kanya pero gusto kong malaman lahat. Ni hindi ko alam kung anong intensyon niya bakit niya sinabi lahat nang iyon kagabi. Malabo pa ang lahat para sa akin.

"Pinasukob lang niya ako sa payong niya kahapon," sabi ko sa kanila ng hindi pa din sila tumigil.

"Pumayag ka?" tanong ni Mia.

"Wala na akong ibang choice," sagot ko sa kanya.

Medyo mukhang hindi pa din sila naniniwala pero tinigilan na nila ako. Sino nga bang maniniwala na wala lang ang lahat pagkatapos mong hanapin ang taong pilit mong iniiwasan?

Si Stan naman tahamik buong lunch. Not that I really minded. Madalas na tahimik siya pag kasabay namin si Denise at silang tatlo lang nina Keith ang medyo nag-uusap pero may oras pa din na nakikipag-usap siya sa amin. Naglalakad na kami pabalik ng rooms ng biglang naghook ng kamay si Aya sa akin.

"Mahal mo pa ba si Keith?"

Napatigil ako at ibinuka ko ang aking bibig para sumagot pero isinara ko din agad dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Oo?" tanong pa uli ni Aya.

Tinitigan ko lang siya.

"Hindi na?" tanong ulit ni Aya nang hindi ako sumagot.

Napabuntong hininga ako saka ko siya sinagot, "Hindi ko alam."

Akala ko may sasabihin pa si Aya pero ngumiti lang siya at naglakad na ulit kami. Bago pa kami makaakyat ng hagdan tinanong ulit niya ako. "So anong meron sa inyo ng knight and shining armor mo?"

"Wala?" sagot ko na medyo hindi sigurado, "Ano naman ang meron sa amin?"

"Duh, Risa, hindi nagsalita si Stan buong lunch kung hindi mo napansin."

"Baka magkaaway lang sila nung girlfriend niya." Inalis ko na yung kamay ni Aya sa akin at medyo itinulak siya palayo sa akin, "Bumalik ka na nga dun sa boyfriend mo at tigilan mo na ako."

Mabilis lumipas ang buong araw. Pagkatapos ng klase, umattend pa din ako ng practice at kauna-unahan din akong umalis. Kinabukasan, desidido na ako na makausap si Keith pagkatapos ko pag-isipan kagabi kaya nung nagring ang bell para sa recess, dumiretso ako sa kabilang room. Syempre, sinilip ko muna kung nandoon na siya. Kausap niya si Andy, Lance at isa pang kaklase niya. Si Stan naman ay nakaupo pa din sa upuan niya.

Huminga muna ako ng malalim pero hindi pa din ako pumasok. Hindi ko pala kaya pumasok sa ibang classroom ng walang ibang kasama. Buti na lang na may nakapansin sa akin at tinanong ako, "Si Stan?"

Umiling ako. Nagtaka yung lalaki pero bago pa uli siya makapanghula uli, inunahan ko na siya, "Si Keith."

Mas lalong nagtaka yung nagtanong sa akin pero bigla niyang isinigaw ang pangalan ni Keith para tawagin siya. At halos mapagpapalo ko siya dahil biglang napatigil ang buong classroom nila at napatingin sa akin. Nang nakita na ako ni Keith, nagtago kaagad ako doon sa pader na namamagitan sa pinto at sa bintana. Habang nag-iintay ako narinig ko ang iba't ibang reaksyon at mga tanong. Napa-face palm na lang ako.

Nächstes Kapitel