webnovel

February 15 (1)

Napalingon kaagad ako pagkabasa ko nung card na kasama ng bulaklak pero lahat naman ng tao sa gym ay busy. Busy sa makipagkwentuhan at sa makipagsayaw na din. Napa-isip talaga ako ng malalim kung kanino talaga galing yun ng may nagsalita sa likod ko, "Wow, sikat na sikat ka ata Risa."

Dahil sa gulat ko, medyo mutik ko ng mabitawan yung rose. "Ginulat mo naman ako, Jared."

Kinuha niya sa akin yung bulaklak at mukhang hindi niya napansin yung sinabi ko dahil tiningnan pa niya ng maayos yung card at saka ulit siya nagsalita, "Totoo naman ang sinasabi nito."

"Eh?" na lang ang naging reaction ko. Mga ilang segundo pa bago ko narealize na parang sinabi na din niya na ako ang pinakamaganda saka ako nagblush at napatawa naman siya dahil sa reaksyon ko.

"Ibig sabihin, hindi sayo galing yan?" tanong ko sa kanya.

Ibinigay niya ulit sa akin yung bulaklak na may kasamang card. "Hindi eh. Pero kung alam ko lang mapapasaya ka ng ganyan, ginawa ko din."

Napatawa na lang ako ng mahina at namula din ng kaunti. Tama siya dun sa sinabi niya dahil natouch talaga ako dun sa rose with matching sweetest message ever. Pero mas natouch ako sa sinabi ni Jared. Hindi ko inexpect na sweet siya at ang pakiramdam ko napaka importante ko para sa kanya kahit hindi kami talaga super close.

"Thank you talaga Jared," sabi ko sa kanya.

"Para naman saan?" tanong niya. Halata ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Kasi sinamahan mo ako ngayon."

"Diba nagthank you ka na kanina? Okay lang talaga yun. Masaya nga ako dahil ako yung naisipan mong "date" para sa christmas ball niyo," sabi at nagquote talaga siya nung sinabi niya ang date. "Kahit na biglaan lang yun. Kasi kung hindi tayo nagkita sa mall, for sure hindi ako ang date mo ngayong gabi."

"Wala naman talaga akong date dapat," sagot ko sa kanya. "Sina Aya lang talaga ay sobrang mapilit."

"Oh, Risa," sigaw ni Aya na may kasamang hampas sa likod ko, "Kanino galing yan?"

Bago pa ako makasagot, naunahan pa ako ni Aya, "Kay Jared?"

Hihindi na sana ako kaso mas mabilis talaga si Aya. "Hindi ko alam na nasa ganung level na pala kayo."

"Anong level naman yang pinagsasabi mo, Aya?" tanong ko sa kanya. "At tsaka hindi naman kay Jared galing to."

Nagtaka naman si Aya at tumingin siya kay Jared para i-confirm; tumango lang naman si Jared. "Eh kanino galing yan?" kinuha niya sa akin yung bulalak, "Patingin nga ako."

Talaga tong si Aya, nauna pa yung pagkuha bago nagpaalam. Tinitigan ni Aya yung card, "Hindi ba familiar sayo yung card na to?"

Umiling ako pero tiningnan ko uli yung card. Inisip ko talaga ng ayos kung kanino pwede manggaling yun kaso wala talagang pumasok sa isip ko sa hanggang nagsalita ulit si Aya, "Diba nakatanggap ka din ng ganito last year?"

Parang may nagliwanag na light bulb sa ibabaw ng ulo ko with matching tunog ng tanan. Hindi ko alam kung gulat o pagtataka ang una kong naramdaman. Bigla akong naguluhan, "Hindi pwede Aya."

"Bakit naman hindi pwede?" tanong niya sa akin. Nagpaalam sina Andy at Jared na kukuha muna sila ng inumin.

"Kasi Aya, simula nung nangyari yun nilayuan ko na siya diba? Sinunod ko na yung payo niyo kaya hindi pwedeng sa kanya galing to," mariing pagdadahilan ko sa kanya habang hawak hawak yung bulaklak.

"Pero Risa kahit hindi mo siya pansinin o kahit layuan mo pa siya, hindi mo pa din maiaalis na magbest friends kayo. Sinaktan ka niya pero importante ka pa din naman sa kanya Risa," sagot ni Aya.

"Bakit parang pinagtatanggol mo siya Aya?"

"Hindi ko pinagtatanggol si Stan, Risa. Sinasabi ko lang na sa kanya galing yan at importante ka pa din sa kanya kahit may mas importante na para sa kanya. Hindi niya nakalimutan na bigyan ka ng ganyan."

Alam ko naman na totoo yung sinabi ni Aya at kahit hindi ko man tanggapin ang katotohanan, sa kanya nga galing to. Kasi dahil sa sobrang depressed ko last year, binigyan din niya ako ng ganito. Dahil doon sobra akong natuwa at medyo mangingiyak pa nga kaya nangako siya sa akin na kada may christmas party o celebration bibigyan niya ako ng bulaklak.

"Hindi lang ako mapakaniwala na maalala niya yun," sabi ko kay Aya.

"Kahit magkagalit kayo Risa, matagal ang pinagsamahan niyo. Hindi basta basta mawawala yun."

Sumangayon na lang ako kay Aya at pinuntahan ko na si Jared para ayain umuwi dahil pagod na talaga ako. Pumayag naman si Jared at ihahatid na din daw niya ako.

"Ah, Jared, paano nga pala si Denise?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, ihahatid naman daw siya ng boyfriend niya," sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya dahil wala talaga akong maisasagot dun. Pinuntahan na namin sila Mia at iba pa dun sa may table para magpaalam. Kinuha ko yung mga regalo na inihanda ko para sa kanila at binigyan ko silang lahat kaso biglang dumating sina Keith, yung girlfriend niya, pati sina Stan at Denise. Ang awkward bigla dahil wala naman akong regalo para sa kanilang apat.

"Wala ba akong regalo Risa?" tanong ni Stan sa akin. Bigla akong kinabahan.

"Ako din, Risa, wala ba?" biglang sumulpot si Lance.

"Ahh," medyo mahina ang pagkakasabi ko, "Wala eh. Alam ko naman na meron kang matatanggap kay Ate."

"Yung sakin?" tanong ulit ni Stan habang inextend ang kamay niya. Narinig ko naman ang sinabi ni Lance na madaya pero hindi ko na lang pinansin.

"Naiwan ko," ang tipid kong sagot ko sa kanya. Totoo naman na naiwan ko talaga kasi iniwan ko talaga. Hindi ko nakalimutan na bilhan siya ng regalo.

"Bakit mo iniwan?" reklamo niya sa akin.

"Hay naku, Stan tigilan mo na yang si Risa," saway ni Aya, "Uuwi na sila."

Napatingin naman si Stan kay Jared. Ngumiti na lang siya at bumalik na sa tabi ni Denise na may hawak na bouquet ng bulaklak. Nagpaalam si Jared sa kapatid niya saka niya binitbit yung iba kong gamit. Hindi pa rin ako makatingin kay Keith pero naririnig kong nagtatawanan sila ng girlfriend niya.

"Sige uuwi na kami," paalam ko sa kanila ng napansin ko yung bulaklak na galing kay Stan. Tumingin ako sa kanya, "Salamat nga pala Stan."

Nginitian lang naman niya ako na halos kita na lahat ng ngipin niya. Pagkatapos nun, hinatid ako ni Jared sa amin. Bago ako bumaba ng kotse, inabot ko sa kanya yung regalo ko, cellphone strap na maliit na piano. Nagpasalamat siya at ihinatid pa nga niya ako sa may pinto ng bahay namin. Nagpasalamat ulit ako sa kanya.

"Merry Christmas Risa," bati niya sa akin.

"Merry Christmas din Jared."

"Siya pasok ka na."

"Antayin na lang kita makaalis bago ako pumasok."

"Sige Risa," paalam niya sa akin, "Kita na lang tayo next year."

"Ingat ka, salamat ulit." At umalis na yung kotse ni Jared. Next year pa ulit kami magkikita dahil wala akong lessons ngayong bakasyon.

Pumasok na ako ng bahay at sinalubong ako ni Mama na sobrang dami ng tanong. Tulog na naman lahat ng mga kapatid ko. Nagbihis na ako at bumaba uli para manuod ng tv dahil hindi pa ako inaantok. Nakareceive naman ako ng text kay Jared. Ito yung laman: Sa uulitin Risa. Thank you. Nasa bahay na nga pala ako.

Napangiti ako ng text na yun. Tapos dumating na din si Ate. Pinapasok pa nga niya si Lance eh. Sila naman yung naisalang sa hot seat ni Mama. Umakyat ako sa kwarto ng hindi pa nakakaalis si Lance at natulog na ako pagkapasok ko ng kwarto.

Mabilis lumipas ang christmas vacation. Nung mismong araw ng kapaskuhan, nagpunta kami sa mga lola ko sa mother side. Wala naman masyadong nangyari nung new year kundi makipaglaro sa mga kapatid ko. Ang kakaiba lang nangyari ay pumunta si Stan sa amin nung January 1 kasama ang kapatid niya at si Lance.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin na bata, si Chester pala. Ako kasi yung nagbukas ng pinto ng may nagdoorbell. Mukhang hindi din inaasahan ni Stan na ako yung magbubukas kasi medyo nagulat din ata siya kasi ang nasabi na lang niya ay, "Hi."

Nächstes Kapitel