webnovel

Grandparents

Leo's Pov

Makalipas ang tatlong araw ay bumiyahe kami ni Blessy papuntang Baguio. Nakumpleto ko na lahat ng mga impormasyong kailangan ko. Bukod sa may kakausapin kaming tao ay susunduin din naming ang lolo at lola ni Blessy. 

"Nasasabik na akong makitang muli sina  lolo at lola. Kamusta na ba sila?" masayang tanong ni Blessy.

"Huwag kang mag alala, nasa mabuti silang kalagayan. Kakapunta ko lang para kamustahin sila at para na rin tanungin sila." paliwanag ko.

"Tungkol saan naman yon?" tanong nya.

"Tungkol sa pagkawala mo. Hindi ka ba nagtataka, bakit sa mismong kamag anak mo pa ikaw napunta. Paano nalaman ng taong yun ang pagkatao mo at sinabihan si Denver na ibigay ka sa lolo at lola mo. Ang weird di ba?" sabi ko.

"Oo nga ano. Ang weird nga kung ganon. May nalaman ka na ba tungkol dun?" tanong ni Blessy.

"Oo kaya nga tayo papunta dun eh." sabi ko.

Tahimik ang buong biyahe namin dahil nakatulog si Blessy. Binuhat ko na lang sya pagkadating naming sa hotel ko. Umakyat kami papuntang penthouse ko. Mamaya na lang kami pupunta sa grandparents nya. Sa ngaun sasabayan ko muna sya ng tulog. Napagod din ako sa pagdadrive.

Nagising ako satunog ng cellphone ko. Sinagot ko ito ng di man lang inaalam kung sino ang tumawag.

"Hello?" tanong ko.

"Kambal! Ay natutulog ka ba? Parang bagong gising ang boses mo." sabi ni Lala.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?" tanong ko.

"Sorry kung nagising kita kambal. Magpapabili lang sana ako ng strawberries dyan sa Baguio. Yung bagong pitas ha." sabi nya.

"Yun lang ba? Sige pag uwi ko dala ko na ang strawberries mo." sabi ko.

"Salamat kambal. Love you!" sabi nya.

"Sino yang ina I love you han mo?" rinig ko sa kabilang linya. Mukhang si Zeus yun. Hahaha selos na naman ang mokong. Napakapossessive ng mokong na yun.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong gising na si Blessy. Nakatitig ito sa akin. Mukhang nagising si Blessy dahil sa ingay ko.

"Nagising ba kita? Pasensya na tumawag kasi si Lala  dahil gusting magpabili ng strawberries." paliwanag ko.

"Ayos lang yun. Nakatulog naman ako ng mahimbing. Ikaw ba nakapagpahinga ka ba ng maayos?" tanong nya.

"Oo naman. Tara na kain muna tayo sa baba bago tayo pumunta sa lolo at lola mo." sabi ko at tumango ito.

Bumangon kami at nagpalit ng mga damit namin. Pagkatapos ay bumaba kami sa restaurant ng hotel at kumain. Napagdesisyunan namin na mamili na din ng pasalubong para sa mga kaibigan nya at mga estudyante sa school na pinagturuan nya Nakabili kami ng 500 bags na may laman na konting school supplies ang bawat isang bag. Nakuha na kasi nya ang mana nya sa mama nya, kaya gusto nya na maibahagi ito sa kanila. Dumiretso kami sa school na pinagturuan nya. Pagbaba namin ay nakita agad ako ni bestie, ang bakla kong kaibigan.

"Bestie!" sigaw nito.

"Kamusta Brandon?" tanong ni Blessy.

"Galit ka ba sakin bestie at yan na naman ang tawag  mo sakin? Purkit na gumaganda ka ay mang aapi ka na." sabi nito. Binatukan naman ni Blessy si Brandon.

"Aray ah! oh hi Leo." bati sakin ni Brandon.

"Hello Brandon." sagot ko.

"Walangjo ka naman bestie, sinabi nang Brandie eh. Pati si Leo nagaya na sayo." sabi nya.

"Eh sa Brandon naman talaga ang pangalan mo eh." katwiran ni Blessy. Napangiwi na lang si Brandon sa sinabi ni Blessy.

"Oh ayan regalo ko sayo at eto naman ang regalo ko sa ibang kaibigan natin. Tapos yung mga bag sa mga bata dito sa school." sabi ni Blessy.

"Huh galing ba yan kay Leo?" sabi ni Brandon.

"Loka! Sakin galing yan noh!" sabi pa ni Blessy.

"Ano? Aba mayaman ka na ba? Una may private nurse sina lolo at lola mo at may katulong pa. Tapos ngayon nagdodonate ka na din?" takang sabi ni Brandon.

"Hahaha! May sikreto akong sasabihin sayo." sabi ni Blessy. Tumingin ito sakin at tumango ako bilang pagsang ayon.

"Isa akong maharlika. Anak ako ng isang conde." mahinang sabi ni Blessy.

"Wag ka ngang magjoke dyan. Hindi nakakatawa. Bilis ano nang sikreto mo?" sabi ni Brandon. Ayae nitong maniwala. Tinitigan ito ni Blessy at di nagsalita. Tumingin sa akin si Brandon at tumango ako.

"Fuck shit! No way!" sigaw nito.

"Wag ka nga simigaw, nakatingin na tuloy silang lahat sa atin." awat ni Blessy.

"Sa maniwala ka o hindi sya ay anak talaga ng conde. Ang pangalan nya ay Lady Blessy Emery Visser. Anak ng conde ng Netherlands." sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Brandon. Bumubuka ang bibig pero walang nailalabas na salita.

Nagring naman ang cellphone ko. Lumayo muna ako sa kanila ng konti at sinagot ang tawag.

"Kuya papunta na dyan sa bahay ng lolo at lola ni Blessy ang taong sinasabi mo. Pinasamahan ko kay uncle Red. Hindi ako ang nakasama dahil binabantayan ko si Lily sa foundation." paliwanag nito.

"Maige naman. Kasama nyo ba si Angel dyan?" tanong ko.

"Oo kuya. Gusto kasi nya na tumulong sa pamamahala ng foundation. Nagresign na sa trabaho at bumalik sya dito." paliwanag nito.

"Pwede din. Balang araw pwede syang pumalit kay sister Micah. Alam nya mga patakaran natin at gamay na nya ang lahat dyan." sabi ko.

"Yun din ang naiisip ko kuya. Kaysa naman sa napepressure ito sa trabaho nya dati, eh dito sa foundation ay masaya pa sya. Isa pa alam ko na ibibigay ni daddy ang isang konpanya sa kanya. Hindi ko lang alam kung alin dun. Ikaw sa mga hotel, si ate Lala sa mga ospital. Ako sa mga mall natin. Hula ko si Lily, ibibigay ni daddy ang pamamahala sa mga schools natin." paliwanag ni Lucas.

"Tama ka. Naisip ko na din yan. Ano kaya ang mapupunta kay Liam hahaha! Sige mag iingat kayo. Kailangan ko nang mag asikaso." paalam ko sa kanya.

"Sige kuya, ingat din kayo ni Blessy. Bye!" paalam din nito.

Lumapit ako kina Blessy at sinabihan na sya na ipamigay na ang mga dapat ipamigay. Kailangan na namin na pumunta sa mga lolo at lola nya at baka dumating na ang hinihintay ko.

Natapos ang pamimigay ni Blessy at nagpaalam na ito sa mga bata at katrabaho nya. Sinabihan din ni Blessy na tatawagan nya si Brandon para makabonding.

Pumunta na kami sa bahay ng lolo at lola ni Blessy. Pagpasok namin ay nadatnan namin na nakaupo ang mga ito sa sala. Maliit lang ang bahay ng lolo at lola ni Blessy.

"Lolo, lola!" sigaw ni Blessy at tumakbo ito para yumakap at humalik sa mga ito.

"Ano ka ba naman apo. Hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayo. Sana naipagluto namin kayo." sabi ng lola ni Blessy.

"Ano ka ba naman din lola, hindi ako bisita dito noh. Tsaka may dala naman kaming lutong pagkain dito kaya wag na po kayong mag alala." sabi ni Blessy.

Nagmano muna ako sa mga ito at lumabas para kunin ang mga pagkain namin. Tapos inihain na ang mga pagkain ng kasambahay at nurse nito.

"Upo na rin po kayo dito. Sabay sabay na po tayong kumain." sabi ni Blessy.

"Lolo at lola, gusto ko po sana na manirahan na kayo sa Manila. Meron pong ipinamana sakin si mama bago sya namatay. Tutal magulang nya kayo ay dapat mapunta po iyon sa inyo." sabi ni Blessy.

"Pero sayo yun apo." sabi ng lolo ni Blessy.

"Lo, kung nalaman lang ni mama na buhay pa kayo ay hindi nya kayo pababayaan. Sinabi sa kanya ni tita Mel na patay na kayo nung nasa Netherlands pa si mama. Naikwento kayo sakin ni mama bago sya mamatay." sabi ni Blessy. Lumuluha na ang dalawang matanda.

"Akala din namin na matagal na syang patay. Yun ang sabi samin ni Mel. Yun pala nagtrabaho lang pala ito sa ibang bansa at dun nakapangasawa. Ngayon lang namin nalaman lahat ang kasamaan ni Mel nang sabihin samin ni Leo ang lahat lahat na nangyari sa inyo. Mabuti sa amin ka ibinigay ni Jose." sabi ng lolo nya.

"Sino pong Jose?" tanong ni Blessy.

"Si Jose ay ang asawa ng tita Mel mo." sabi naman ng ni lola.

"Kumain na muna tayo. Papunta na si Mang Jose dito kasama ni uncle Red. Malalaman mo mamaya ang lahat." sabi ko kay Blessy.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan ang mga ito tungkol sa mga ginawa nya sa Netherlands. Pati na rin ang pamilya ko ay kinuwento ni Blessy. Napapayag naman nya ito na tumira sa Manila.

"Tao po!" sabay sabay kaming lumingon sa pinto.

"Pasok!" sabi ko. Pumasok naman si uncle Red at si Mang Jose. Nanlaki ang mata ni Blessy sa nakita nya.

"Tita Josie? Kayo si mang Jose? Kayo po ang asawa ni tita Mel?" sunod sunod na tanong ni Blessy.

"Ako nga Blessy. Patawad sa lahat lahat." sabi ni Mang Jose o tita Josie na ngayon.

Nächstes Kapitel