webnovel

RAA : First Day

Napanganga nalang ako nang matanaw ang napakalaking building na sumalubong sa aking mga mata.

'Eto na ba ang papasukan kong paaralan? Ang laki, ang lawak at ang ganda. Iba pala talaga kapag private school. Sosyal na sosyal!'

Abot tenga ang mga ngiti ko habang papasok sa electronic gate ng school. Dumaan pa ako sa ID scanner para tuluyang makapasok sa malaking bulwagan ng Royaleigh Acres Academy.

Whoahh, lalo akong namangha nang makita ang looban ng paaralan. Sobrang laki at sobrang ganda. Pakiramdam ko tuloy nasa England ako at nakatira sa isang kastilyo kasi mala kastilyo nga sa England ang disenyo ng buong lugar at building.

No wonder naman, kasi according to my research, mga British naman kasi ang nagmamay-ari ng school which is ang pamilya ng mga Taylor. Hindi si Taylor Swift, ha?

Based on my research, courtesy by Google of course, si William Taylor daw ang nagpatayo at ang unang namamahala ng school na ito noong 1913. Imagine sobrang vintage na pala ng school na ito. At mula noong namatay sya, naipasapasa na sa kanyang mga pamilya ang paaralan at pinanatiling nakatayo pa din hanggang ngayon to honor his name.

Based ulit on my research, the school is 13 acres wide with 2 buildings; one building for Junior High and Senior High and the other building is for the colleges. And the 2 buildings have a total of 1000 rooms composed of classrooms, club rooms, laboratories, and admin/staff offices.

For Junior and Senior High, every level is associated with a castle name in England. Hindi lang basta basta Grade 7 student ka kung nasa grade 7 ka kundi isa kang Warwick Student, inspired by the name Warwick Castle in England. Every level ay may tig-aapat na section which are the Warwick- A, Warwick- B, Warwick-C, and Warwick-D. This is the same goes with the other level like Grade 8-Windsor;

Grade 9: Durham;

Grade 10: Carlisle;

Grade 11: Corfe;

Finally Grade 12 is Lancaster

Ako naman ay Grade 11 student na kaya, I belong to Corfe Level.

Meanwhile for the colleges, it's just the same with the other schools in the country, they are divided according to their field of professionalism. The school offers many different courses like in the field of Business and Accounting, Technology, Medicine, etc. and even Doctorate and others.

Hindi ko masasabing sikat ang school na ito compared to UST, Ateneo, La Salle or UP kasi sobrang napakaprivate ng mga information about dito. Sobrang limited lang ang nga nakikita kong mga informations from my research. Iyong mga basic lamang. Masasabing 30% lang sa kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nakakaalam ng school na ito at pili lang ang nakakapasok. Its just either matalino ka or mayaman ka.

Alin kaya ako sa dalawang nabanggit? Pwedeng both? Hahaha... Ang feelingera ko naman, so ayun nagkataon lang na ang amo ng Mama ko ay sobrang yaman. At dahil mabait siyang amo, inalok niya ang Mama ko na siya ang magpapaaral sa akin dito.

Malakas yata ang kapit niya sa mga admins dito or kung kaninuman, kaya Viola! Magic! Nagising nalang ako na dito na nag-aaral.

'Krrrrrngggggggggg.'

Ouch, ang sakit ng tenga ko dun ah. Ang lakas ng tunog ng bell. Nandito na pala ako sa pasilyo kasama ang ibang mga estudyante na syempre hindi ko pa kilala. Yung iba halatang freshies or transferies katulad ko kasi palinga linga din sila sa paligid na animo'y hindi alam ang pupuntahan. Yung iba naman, dirediretso at animo'y tiyak ang pupuntahan.

Medyo maingay ang paligid dulot ng mga freshies and transferies dahil hindi namin alam kung saan kami pupunta dahil sa laki ng school na ito. Nagbell na kasi, ibig sabihin oras na para sa first subject.

Tiningnan ko ang student copy ko upang macheck kung anu at saan ang first subject ko for today.

8:00 - 9: 00 AM : English Literature 101 Corfe-B

Huh? Patay, hindi ko kasi binasa yung student handbook na may 300 pages kaya d ko alam kung saan itong room ng section ko. At wala ding school tour policy for freshies and transferies na iniorganize ang admin kaya sariling sikap talaga ang pagfamiliarize sa buong lugar.

Hays, paano na? Palinga-linga nalang ako at namili sa mga tao sa paligid ko kung kanino ako pwedeng magtanong.

Kaso mukhang nagmamadali na din yung iba at palinga linga din tulad ko yung iba.

Ahy, bahala na nga keysa naman mabadshot ako sa first day ko. Kaya nang may dumaan sa gilid ko hinarang ko na agad at wala na kong pake kung sinuman ang naharang ko.

"Ahm, excuse me. Sorry sa distorbo pero pwede ba magtanong?"

Medyo nagulat pa siya sa pagharang ko. Buti nalang hindi siya tuluyang bumangga sa akin. Hmm..Medyo mabilis siguro ang reflexes niya kaya nakapagpreno agad siya sa paglalakad nung hinarang ko. Galing!

Tiningnan muna niya ako mula ulo hanggang paa. Ahy, grabe si Koyah kung makacheck up sa itsura ko. Naku, baka malove at first sight to sakin. Shocks, makamandag pa naman beauty ko. Charot! Haha.

"What's your query?'

Isang malamig na boses, cold stares from a deep-set raven eyes and emotionless hollow face. Iyon ang description ko sa kanya based sa pachecheck ko din sa kanya. Hehe. Kung nicheck nya ako, aba! Hindi din naman ako pahuhuli, no.

Okay, so umayos ka muna, self. Huwag mo munang pansinin itsura niya kasi hindi naman siya kagwapuhan, eh. Haha. Ang sama pero I need his help so better be kind.

"Ahm, can I asks where can I find the room for Corfe-B? It's my first day here and I am still on the process of familiarizing the whole place."

Shocks, English yun ha. Congrats, self for doing him a favor. Haha. Nag-english kasi siya eh. Nakakahiya naman kung hindi ko sasabayan.

"Follow me."

Pagkasabi niya nun in a cold way but majestically ay tuloy tuloy na ang paglakad niya papuntang hilagang bahagi ng lugar kung nasaan kami. Medyo hindi agad naprocess ng isip ko ang sinabi niya kaya medyo nahuli ako.

Lakad takbo tuloy ang ginawa ko para mahabol siya. Grabe siya, hindi ba niya napansin na medyo mas malaki yung mga hakbang niya keysa sakin kasi mas matangkad siya at mas mahaba ang mga paa niya keysa sakin? Pero, hindi bale na. Parang tutulungan naman niya akong matunton ang room ko eh kasi alangan naman sabihan niya ako ng 'Follow me' kung isasalvage niya lang ako 'di ba? 'Tsaka, mukha lang siyang yelo hindi criminal. Haha.

Mga ilang minuto din ang lumipas ng paghahabulan namin este paghahabol ko sa kanya nang bigla siyang pumasok sa isang room. Nahuli ako sa kanya kaya nakapasok na siya sa may pintuan habang ako'y nasa labas pa lamang. Akala ko iiwan na niya ako pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ang malaking letrang nakatatak sa pinto in bold letters. CORFE-B

Napangiti nalang ako at pumasok na din. Kaya pala hindi na niya ineexplain sakin kung saan ang room na to kasi magkaklase lang pala kami. Hindi ko alam kung anghel ko ba siya or coincidence lang talaga na siya ang naharang ko at saktong pareho din kami ng room. Kung anuman, well walang forever, charot!

Anyway, ayoko munang isipin iyon. Pagpasok ko sa loob, medyo marami na ang mga estudyanteng bumungad sa paningin ko. Medyo maingay dahil sa mga nagkukwentuhan. Sakto, wala pang teacher. Inilibot ko ang aking paningin para maghanap ng vacant seats. May dalawang choice akong nakita.

Nahati ang mga upuan sa dalawang bahagi which consist of 5 columns and 5 rows. There are 5 chairs in a row and in a column so if we do the math there are 50 chairs in this room and there will be a maximum of just 50 students. May dalawa akong choice na pagpipilian kung saan uupo. Yung left side may mga vacant seats akong nakikita sa gitnang bahagi pero may madadaanan or maiistorbo akong mga nagkukumpulan at nag-uusap sa bahaging iyon. Sa right side, halos occupied na lahat ng upuan except dun sa katabing upuan ng lalaking pinagtanungan ko kanina na ngayon ay prenteng nakaupo sa upuan niya sa last row. Wala pa siyang ibang katabi at wala ding ibang bags ang nakalapag sa mga katabing upuan niya.

Para sakin, ang mas better choice is yung vacant seat sa right side. Wala na akong maiistorbo, makakausap at makakapagpasalamat pa ako sa kanya.

Kaya diredirestso na akong naglakad papunta sa prospect kung uupuan. May mga napapatingin sakin, ang iba nama'y tila hindi ako napapansin. Medyo awkward pero kaya ko to. Fighting!

"Ahm, excuse me. Magkaklase pala tayo. Thank you pala kanina, ha."

Sabi ko sa katabi ko nang mailapag ko na ang bag sa upuan at umupo na din.

Tiningnan niya ako with a cold stare again tulad kanina sa hallway at ibinalik ang atensyon sa librong hawak hawak niya. At hindi man lang ako sinagot. Well, hindi naman ako nagtanong. Hmm.. Excellent common sense.

"I'm Alexis Reine Casamere pala. Ikaw, anu name mo?"

Pagpapakilala ko sa aking sarili with a smile.

Tiningnan niya ulit ako as usual sa isang malamig na titig. Mukhang magyeyelo na din yata ako anytime lalo na at sobrang lamig din ng treatment niya sa akin.

"Andrei Stefan Leland".

Ang akala ko hindi niya ulit ako sasagutin pero napangiti nalang ako nang magsalita siya. Hindi naman pala siya napakasuplado talaga. Konting kulit lang kulang nito, for sure dadaldal din ito. Hihi.

Napansin ko nalang na biglang tumahimik ang buong paligid at nagsibalikan ang nagkukumpulan na mga estudyante sa kanikanilang mga upuan.

At may katandaang lalaki ang pumasok sa loob ng classroom. At batid kong siya na ang guro namin sa asignaturang ito. Kaya napaayos nalang din ako ng upo at tuluyan ng nawala ang atensyon ko sa katabi.

Nächstes Kapitel