webnovel

Death Threat

Aerin POV

The next morning, nagising ako dahil sa medyo pagkirot ng aking ulo buhat ng pag-inom namin ni Billy kagabi. And I felt someone hugging me tightly from ny back.

Doon ko lamang din naalala ang lahat ng kaganapan kagabi. Oo, naaalala ko ang lahat ng nangyari. At walang moment doon ang hindi nabura sa aking isipan.

Dahan dahan na iginalaw ko ang aking katawan paharap sa babaeng hindi ko lubos akalain na makakasiping ko ng ganito kabilis.

Nagulat man ay kaagad naman na gumuhit ang mga ngiti sa aking mga labi ng makita ko itong gising na rin pala at pinanonood lamang ako sa aking bawat galaw.

"Good morning!" Masiglang pagbati nito sa akin ngunit nandoon na naman ang nakakaloko nitong mga ngiti.

"G-good morning!" Utal na ganting bati ko rito bago napaiwas ng tingin. Paano ba naman hindi eh, bigla itong napatayo at kitang kita ko na naman ngayon ang kabuohang katawan nito habang wala paring saplot buhat ng ginawa namin kagabi.

Hindi naman natuloy. Pang-aasar ng aking isipan.

Yup. Hindi natuloy dahil sa itinigil nito ang kanyang ginagawa. Hanggang sa nainis na lamang ako at ninais na lamang matulog. Ang sakit lang niya sa puson eh, 'no? Masama parin ang loob ko sa kanya. Sana hindi na ako virgin ngayon. Tss!

At oo, tama nga kayo ng basa. Virgin parin ako. Dahil kahit kailan hindi ko ninais na ibigay yun sa kahit kaninong lalaki noon. Kaya nga ang daming nagkakandarapang lalaki sa akin para lamang maka first blood sa akin. Well, sorry nalang sila dahil hindi nila deserve ang katawan ko. Lalo na ang virginity ko.

Hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng tao, kay Billy ko nais na ibigay ang bagay na yun. At kung bakit sa dinami rami ng pwede kong pagbigyan, eh sa isang babae pa.

"You're blushing virgin girl. What were you thinking? Huh?" Pang-aasar pa nito dahilan para mapairap ako.

Parang hindi lang siya 'yong naunang nainis kagabi ha! Tapos ngayon ang lakas na naman niyang mang inis. Tss!

"Wala kana doon." Inis na sambit ko rito habang hindi parin makatingin sa kanya dahil sa nagsusuot pa lamang itong muli ng kanyang damit na hinubad kagabi.

"Well, next time we'll go on the third and the forth base." Pagkatapos ay natawa ito ng mahina dahilan para mapatingin ako sa kanyang muli.

Ang bastos lang niya. Nakakainis lang! "Tapos kana bang magsalita? Pwede ka ng makaalis." Naiinis na sambit ko parin rito bago ito binato ng unan na hawak hawak ko.

Iyong unan kung saan pinagsaluhan namin kagabi. Hindi ko rin alam kung paano kami kumasya sa maliit na kama na ito.

"What? Ang bad lang." Sambit nito bago nag pout pa. Tss! Hindi mo'ko madadaan sa ganyan. Sabi ko sa loob ko.

"Tse! Umalis kana nga dahil nag-iinit na naman ang ulo ko sayo." Pero joke lang yun. Gusto ko lang na makaalis na ito para naman may privacy akong kiligin dito mag-isa. Ang hirap kayang mag pigil ng pag ngiti at kilig kapag nasa harapan mo lang yung taong gusto mo.

Napailing lamang ito bago isa-isang pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. At ang huling dinampot nito ay ang aking underwear. Kaagad na napaiwas ako ng tingin rito upang pigilan ang muling pamumula ng mga pisnge ko. Bwisit talaga 'tong babaeng ito.

"Here." Inilagay nito ang mga damit sa ibabaw ng kama sa tabi ko. Naupo ito sa tabi ko habang nakatingin sa mukha ko.

"Oy!" Wika nito bago ako sinundot sa aking tagiliran.

"Oy!" Pag ulit pa nito ng hindi ko parin siya pinapansin. Isa pa, isa pa talaga. Hahalikan ko na 'to ulit. Pigilan niyo ako. Haha. Pero joke lang.

"Ano ba?" Singhal kong muli sa kanya bago napahinga ng malalim.

"Ito naman oh. Bakit ba ang taray taray mo?" Nauubusan na ng pasensya na sabi nito sa akin. "Ikaw na nga itong tutulungan sa pag suot ng damit, ikaw pa 'tong nagagalit."

Ano daw? Dahil doon ay hindi ko napigilan ang sarili na hindi mapanganga in this belief. Ano bang pinagsasabi niya?

"Kaya ko namang magsuot ng damit mag-isa ha!" Magkasalubong ang kilay na sabi ko rito.

Napatango lamang ito habang nakatingin sa mukha ko. Pero mahahalata mong nagpipigil lamang ito ng pag tawa dahil pinagtitripan lamang ako.

"Ang sabi ng best friend ko, 'kapag may hinubaran ka, dapat tulungan mo rin sa pagsuot ng damit. Huwag mong iiwan mag-isa ng basta basta." Pagkatapos ay isang malutong na tawa ang pinakawalan nito dahilan para muling maubos na ang pasensya ko sa kanya.

Hahampasin ko na sana itong muli gamit ang kamay ko ng bigla namang tumunog ang emergency alarm sa buong mansyon.

"Shit!" Rinig ko ang pagmura nito bago mabilis na napatayo mula sa ibabaw ng kama. At parang si flash na kaagad na nagtungo sa pintuan ng tree house.

Napahinga ako ng maluwag sa sarili. Ngunit kaagad na muling napatingin sa kanya ng magsalita ito.

"Get dress now." Sambit nito bago tuluyan ng bumaba papunta sa kung saan.

Napalunok ako at biglang kinabahan ng maalala ko ang emergency alarm. "Shit!" Sambit ko sa sarili bago mabilis na muling nagsuot na ng tuluyan ng damit.

Doon ko lamang naalala, na ginagawa ang bagay na iyon kapag may hindi magandang nangyari sa loob ng mansyon. Kung hindi naman kaya ay may napahamak o napasok ng mga magnanakaw.

-------

Pagkatapos kong magbihis ay kaagad bumaba na ako mula sa loob ng Tree house. Kaagad na inalalayan din ako ng tatlo sa mga guards na nandoon.

"What happened?" Kaagad na tanong ko sa mga ito. Iginawi nila ako sa hallway papunta sa kwarto ng Auntie Thelma ko. Ang taong nagsilbing taga pangalaga at nagpapatakbo ng mga kompanya ngayong wala na ang daddy dahil hindi pa ako ready na magpatakbo ng mga iyon.

Napalunok ako. "What happened to Auntie?! Hindi niyo ba ako naririnig?!" Singhal ko sa mga ito.

"Pasensya ho, Senorita. Pero mas maigi siguro na kayo nalang ang makakakita." Paliwanag ng isang guard na kaagad din namang sinang ayonan ng dalawa nitong kasama.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Auntie ay kaagad na binuksan ko iyon. Ganon na lamang ang aking pagkagulat ng makita ko ang naging itsura ng kanyang kwarto. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang sarili na huwag masigaw. Naduduwal din ako dahil sa sobrang langsa at pandidiri sa paligid dahil sa nagkalat na dugo.

Napakarami na mga patay na daga. At ang lahat ng kanilang dugo ay nagkalat lamang din sa buong kwarto. Napa tingin ako sa wall kung saan naman mayroong nakasulat na..

'YOU ARE NEXT'

Isinulat iyon gamit ang dugo ng mga nagkalat na daga sa paligid. Nandoon din sa loob sina Lucas, Mang William at si Billy...hindi man iyon mahagilap ng mga mata ko sa mga sandating ito, alam kong nag iimbestiga na iyon sa nangyari.

Mabilis na lumapit sa akin si Auntie at niyakap ako. Ganoon din ako rito. She was the brave woman that I've ever known, ngunit ramdam ko parin ang panginginig ng buong katawan nito dahil sa sobrang takot.

Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng takot sa ganoong pangyayari?

"Are you okay Auntie? Hindi ka ba nasaktan? Meron bang nanakit sayo?" Naiiyak na tanong ko rito habang sinisipat siya sa kanyang buong katawan at mga braso.

Ito na lamang kasi ang naiiwan na pamilya sa akin. Kaya hindi ko na kakayanin kung pati ito ay mawawala rin. At hindi pa ako ready sa lahat kung sakali man.

Napailing ito. "No! I'm fine hija. I'm just worried about you. You are the only heirs of this family kaya hindi pupwede na may mangyari sa iyong masama. Hindi bale ng ako. Dahil matanda na ako." Paliwag nito.

"And they can't scare me." Matapang na dagdag pa niya.

"Auntie naman!" Nagpapadyak na sambit ko rito.

"Nakuha niyo pang magsalita ng ganyan. This isn't a joke." Tuluyan na nga akong napaluha dahil sa pinagsasabi ng Auntie ko.

Walang nagawa na niyakap na lamang ako nitong muli.

Pagkatapos ng ilang sandali ay kumalma na rin ako ng tuluyan. Ngunit hindi na nawala pa sa akin ang pag-aalala at takot na muling mawalan ng minamahal sa buhay.

If I could change my lifestyle, mas gugustuhin ko na lamang ang maging isang normal na tao. Iyong malayo sa ganito ka gulong mundo. Iyong tipong kahit walang maraming ari-arian at kayamanan, eh tahimik naman ang buhay, malaya at hindi magulo. Hindi kagaya ng ganito. Napakalayo sa buhay na gusto kong mangyari at maranasan.

At wala akong ibang choice kung hindi ang panindigan ang ganitong buhay. Hindi dahil ito ang pinili ko. Kundi dahil ito ang buhay na dapat na ipaglaban ko.

Hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod na dapat na mangyari. Pero kung ano pa man mga pweding mangyari, sana...hindi na humantong sa point na mawawalan akong muli ng kapamilya.

At hindi ko man alam kung ano ang dapat at pwede kong gawin at maitulong sa pamilya at mga taong pumoprotekta sa akin, bilang isang Hamilton...ipaglalaban ko at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lamang huwag silang masaktan.

I swear to God!

Lumipas pa ang ilang araw, pagkatapos ng death threat na nangyari para sa Auntie Thelma ay naging maayos ng muli ang lahat sa loob ng mansyon.

Bumalik ng muli sa normal, saya at sigla ang mga taong naninirahan sa loob. Mapa guwardya man, kasambahay, at mga hardenero lahat sila, masigla ng muli.

Si Auntie? Bumalik na rin itong muli sa pagiging abala sa kompanya. Kung saan mas naging mahigpit pa ang sekyuridad sa kanya at pati na rin sa buong mansyon.

Naging abala rin si Lucas sa pag iimbestiga sa nangyari. Si Mang William naman na taga pangalaga dito sa buong mansyon, bigla na lamang din na naging abala sa pagtulong sa imbestigasyon.

Habang si Billy? Hindi ko alam. Ilang araw ko na rin itong hindi nakakausap o nakikita man lamang. Mayroon mang pagkakataon na nakita ko ito, kung hindi ito abala sa kausap sa telepono ay papaalis na ito. And who knows kung saan ito pumupunta.

May minsan pa na nakita ko itong nagalit sa isang guwardya na nakabantay sa main gate ng mansyon. Kitang kita ko rin kung paano nito mabilis iyon na sinuntok sa mukha at sinipa sa kanyang katawan bago mabilis na tinutukan ng baril sa noo.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya pero alam kong lahat ng iyon ay may kinalaman sa mga kaganapan dito sa mansyon. O baka naman dahil masyado lamang itong seryoso sa kanyang trabaho kaya pati ang kanyang mga kasamahan ay napagbabalingan ng kanyang init ng ulo.

At hindi ko maitatanggi na namimiss ko siya. Namimiss ko siyang kausap at kaasaran. Pagkatapos kasi noong nangyari sa Tree house ay hindi na kami muli nitong nakapag usap.

Minsan nga iniisip ko na lang na baka iniiwasan lamang talaga ako nito. Para malayo sa distraction at makapag focus sa kanyang trabaho.

Wait...am I really distraction to her?

Napahinga ako ng malalim bago mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa kanyang kwarto. Alam ko kasing kadarating lamang dito galing sa labas.

Pagdating doon ay kaagad na napakatok ako sa kanyang pintuan. Iyong halos magiba na iyon dahil sa lakas ng aking pagkatok.

"Billy, open up. It's me! " Sabi ko rito bago napakagat sa aking mga labi.

"You don't have to knock there. I'm here." Napalunok ako.

Awtomatikong na patayo ang mga balahibo sa aking batok at braso ng marinig ko ang malamig na boses nito.

Kaagad na napaharap ako sa kanya at sinalubong ang blangko na ekspresyon nito. Wala akong ibang makitang emosyon sa mukha niya. Hindi ko rin ito mabasa. At ang mga mata niya, dinaig pa nito ang yelo sa sobrang lamig kung makatingin sa akin.

"May kailangan ka ba?" Pormal na tanong nito sa akin.

Kaagad na napaiwas ako ng tingin. "S-sorry. I think I shouldn't be here."

Pagkatapos ay patakbo akong naglakad pabalik sa aking kwarto at doon nagkulong.

She's...kinda different now.

Hello guys, I can only share nine chapters with you, you can continue your reading on Dreame by downloading their app. Thank you so much and I hope you visit my account there and support this story. :*

Jennexcreators' thoughts