webnovel

The Proposal

Billy POV

9 months later..

"Billy!" Ang tawag sa akin ng isang boses. Ang boses na miss na miss ko ng marinig. Ang boses na palagi kong hinahangad na muling madinig.

"Billy!" Ang muli pang pagtawag nito sa akin. Kaagad na napatayo ako mula sa aking pagkakaupo at napatingin sa paligid.

"Dad?" Ang ganting pagtawag ko rito bago iginala ang paningin sa buong paligid. "Dad is that you? Where are you?"

"Over here!" Ang sabi pa niya na para bang gusto nitong hanapin ko kung nasaan man siya naroroon. Napangiti ako.

"I'll find you daddy." Dahan dahan ang mga hakbang na pumunta ako sa may vacant space na nasa likod ng bahay. "Gotcha!" Pag huli rito at nakita ko siyang nakatago sa likod ng punong kahoy.

Natawa lamang ito sa akin. Ganoon din ako sa kanya. Ginulo nito ang buhok ko bago ako hinalikan sa noo.

"I have something for you, honey." Biglang sumeryoso ang mukha nito. Napatingin akong muli sa medyo may katandaan na nitong mukha.

"What is it daddy?" Tanong ko pa.

May kinuha ito sa nakasukbit sa may likod ng kanyang pantalon at iniabot ang isang bagay sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mukha ng daddy ko na ngayon ay duguan na.

"Here, my daughter. Take this!" Iniabot nito sa akin ang hawak hawak nitong baril.

Napailing ako habang naluluha ang aking mga mata. "Daddy, what happened to you?" Tanong ko rito dahil kanina lamang ay ang saya saya pa namin.

"And..there's blood in your shirt daddy." Pagturo ko sa kanyang dibdib na mayroong tama ng bala at panay dugo, pati na rin sa kanyang mukha na halos naligo na ng dugo.

Nanginginig ang buong katawan na napahakbang ako rito patalikod. "Don't be scared Billy."

"Who did that to you daddy?" Umiiyak na tanong ko rito. Ngunit imbis na sagutin ako kaagad, ay isang ngiti ang iginawad nito sa akin bago kinuha ang kamay ko at pilit na inilagay rito ang kanyang baril.

"Protect your mom, Billy. At all cost. Protect her from anyone who wants to hurt her. Help anyone who need your help. And protect them like your own people. And someday, you will meet a girl. Protect her with all your heart, with all your strength and soul. And lastly, be my replacement. You are strong enough to do and finish my mission." Mga katagang bumaon lahat sa puso at alaala ko.

Napalunok ako. "B-but daddy...why? Why me? How can I do that without your help?" Napayuko ako habang humihikbi.

"Always remember our rules. Rule number one. Don't show your weakness. Rule number two. Never let your target alive. And rule number three. Don't ever fall in love while your on a mission." Hinawakan nito ang buhok ko at ginulo.

"Someday, you will know your purpose. And I believe, that you will succeed. I trust you Billy. I love you, you and your mom.." Para bang nagpapaalam na, na sabi nito sa akin. Kaagad na napatingin akong muli sa aking ama ngunit nawala na ito sa aking harapan at naglaho na, na parang bola.

"D-daddy?" Pagtawag ko rito. "Daddyyyyyy!!!" Ngunit kahit konti ay wala na akong nadinig pa na kahit konting boses nito.

Muli, ay nagising na naman ako sa isang madilim at malamig na kwarto. Basang basa rin ako ng pawis at luha mula sa aking panaginip.

"Nightmare.." Bulong ko sa sarili.

Hinihingal na napabangon ako sa aking higaan at napahawak sa aking dibdib. Ngayon na lamang akong muli nanaginip ng ganon. Limang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang araw kung kailan hindi ko inaasahan na mangyari.

Ang pagkamatay ng aking ama.

Muling nabuhay na naman ang galit sa aking dibdib dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang bagay na gustong gusto kong mangyari. Ang paslangin mula sa sarili kong mga kamay ang taong pumatay at nagpapatay mismo sa aking ama.

Alam kong hindi iyon ang kagustuhan ni daddy. But I have to. Dahil gusto kong iparanas sa kanila kung gaano kapait ang mawalan ng isang ama.

Alam kong malapit na. At napapalapit na ako sa taong nagwasak sa aming pamilya. Kung sino man siya, alam kong darating din ang araw na malalaman ko rin ang kanyang pagkatao.

Life sucks. It could be dangerous for all humans. Whether you like it or not, you'll die. We all die. Sa iba iba nga lang na paraan. Pero sa buhay at mundo na ginagawalan ko ngayon? Especially my mission, it's either I kill or I get killed by my enemies.

------

Kinabukasan maaga akong pumunta sa mini gym ng ng apartment ko upang doon ilabas lahat ng galit at pumot na nararamdaman ko.

Kailangan ko ng muling kumilos.

Iyon ang bagay na palaging tumatakbo sa aking isipin ngayon. Dahil limang taon na ang kalilipas ay wala parin akong nakukuhang hustisya sa pagka matay ng aking ama.

Nakarating na ako sa iba't ibang parte ng Europa. Marami na rin ang taong tinapos ko ang buhay. Nakasagupa, nakaaway at nakalaban. Ngunit wala sa kanila ang taong hinahanap ko at inaasam kong makita.

Malaya parin hanggang ngayon ang taong dahilan ng kanyang pagkawala, ang aking ama. Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko ito naipaghihiganti.

Ibinuhos ko lahat ng aking nararamdaman sa punching bag na nasa harapan ko ngayon. Na tila ba isa itong tao na pinapatay ko sa pamamagitan ng aking mga kamao.

Noon din ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Kaagad na napatigil ako sa aking ginagawa. Sandali ko pa itong pinakinggan. At nang maramdaman kong hindi lamang iisang tao ang nandito ay mabihis ang mga kamay na kinuha ko mula ibabaw ng lamesa ang aking handgun. Mabilis na napaharap ako sa aking likuran at itinutok ko iyon sa sintido ng taong ngayon ay nasa harapan ko na.

Medyo may kahabaan ang buhok nito at sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang aming tangkad. At tama nga ako ng hinala..hindi nga ito nag-iisa.

"Who are you?" Ramdam ko ang pag galaw ng panga ko habang mag nag concentrate pa sa pag hawak ng baril.

"Woah." Kaagad na sambit nito bago itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ngunit ang tatlo nitong kasamahan ay umaskyon na bubunot na rin sana ng kanilang mga baril mula sa kanilang tagiliran.

"Don't fcking mess with me! This is me territory. I can kill you whenever or whatever I want." Punong puno ng pagbabanta na sabi ko sa mga ito.

Suminyas ito sa mga kasamahan niya na wag kikilos ng masama. Kaagad naman siyang sinunod ng mga ito at muling inayos ang kanilang pagkakatayo.

"Now." Panimula kong muli. "Who sent you?" Seryosong tanong ko sa mga ito lalo na sa lalaking nasa harapan ko ngayon kung saan nakatutok parin ang baril ko sa kanya.

"Ross. WE are not your enemy." Pagpapakalma nito sa akin. "We came here, to offer you a proposal." Paliwanag pa niya. "Dahil kailangan namin ng tulong mo." Napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito. So...Pilipino sila?

"Filipino, huh?" Sabi ko pang muli para makompirma. Napatango ito bago napalunok habang nakatingin sa baril na hawak ko.

Mataman ko itong tinitigan sa kanyang mata. At sandaling tinignan din isa-isa ang mga kasamahan nito. Nang makita ko na nagsasabi nga ito ng totoo ay ibinaba ko na ang hawak hawak kong baril bago isinukbit sa likod ng suot kong sports bra. Hindi nakaligtas sa akin ang pag hinga ng mga ito ng maluwag dahil sa wakas, ay kumalma na ako.

"Explain." Tipid na sabi ko sa mga ito bago sila tinalikuran at naupo sa boxing ring na nandoon paharap sa kanila.

"What kind of proposal is that?" Dagdag na tanong ko pa.

-------

"I'm sorry but I cannot accept your proposal. I can't help you." Pagtanggi ko sa mga ito bago napatayo na mula sa aking kinauupuan ng pigilan ako ni Lucas.

Ang lalaking kanina lamang ay tinutukan ko pa ng baril. Katatapos lamang kasi nitong magpaliwanag sa akin, kung ano ba ang pakay nito sa akin. At kung bakit ako ang nais nilang kunin para sa kanilang plano at misyon.

"It's a win win situation Ross." Wika pa niya dahilan para muling maibalik ang atensyon ko sa kanya.

"What do you mean by that?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Tutulungan mo kami. At tutulungan kita sa pag hanap ng hustisya sa pagkamatay ng iyong ama---

"STOP!" Galit na sabi ko rito bago ito sinuntok sa kanyang mukha dahilan para matumba ito sa sahig. Kaagad na sinakyan ko ito at muling tinutukan ng baril sa kanyang lalamunan.

Nakita ko ang paghugot ng mga kasamahan nito ng kanilang mga baril ngunit inunahan ko na sila at isa isang pinaputukan at pinatamaan ng bala sa kanilang mga hita. Natumba ang mga ito at kanya kanyang namilipit sa sakit.

"Sa susunod hindi lang yan ang aabutin niyo sa akin!" Galit na sabi ko sa mga ito. Nag-uunahan sa pagtaas at baba ang dibdib ko dahil sa galit. Muli ay ibinalik ko ang aking mga mata kay Lucas.

"Please, w-we n-need her!" Hirap na sabi nito sa kanyang mga kasamahan dahil sa iniipit ko ang leeg nito ng dulo ng baril ko.

"Ngayon...sasabihin mo sa akin kung ano ang alam mo tungkol sa pagkamatay ng ama ko." Dahan dahan ngunit ramdam nito ang galit sa bawat letrang binibitiwan ko.

"P-papaano ko pa sasabihin kung ngayon palang papatayin mo na ako?" Tanong nito sa akin.

Dahil sa kailangan kong malaman kung ano bang kinalaman nito sa buhay ko at kay daddy ay pinakawalan ko rin siya. Ngunit bago iyon ay isang suntok sa sikmura muli ang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang napatayo.

Napapaubo ito dahil sa ginawa ko at napaupo sa sahig. Napalunok muna ito ng ilang beses bago muling nagsalita. "Your father and mine are best friend." Gulat na napatingin ako rito ngunit kaagad ko rin iyong naitago.

Rule number one. Paalala ko sa sarili.

"Siya ang nagturo sa akin kung paano at saan kita matatagpuan." Paliwanag muli nito at dahan dahan na muling napatayo.

"He knows everything about you and your dad, Billy." Napataas ako ng kilay dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ko.

"Don't call me like that, as if we're close." Sabay irap na sabi ko rito. Pero..wala akong alam tungkol sa pinagsasabi ng lalaking ito. Wala ring nabanggit sa akin si daddy noon tungkol sa kahit kanino. Marahil isa iyon sa rules sa kanyang ginagawa. Para narin maprotektahan nito ang kanyang mga kasamahan.

At kung sino man ang sinasabi ng lalaking ito na kanyang ama at kaibigan ng ama ko. Marahil...nasa kanya ang susi kung saan ang taong matagal ko ng hinahanap at malaman kung sino.

"We can help you. Basta tutulungan mo rin kami. Hindi namin kaya ito ng wala ang tulong mo. We need a skills and strategy like yours." Seryoso parin na sabi nito sa akin.

Napangisi ako pagtapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Marahil isa lamang itong patibong para sa akin.

Napailing ako. "I'm sorry. But you can go now." Sambit ko rito. Gulat na napatingin ito sa akin.

"Hindi ako ang taong makakatulong sa inyo." Dagdag ko pa. Magsasalita na sana itong muli ng inunahan ko na siya. "Leave!" Pagtatabuyan ko. "Dahil hindi ako sanay na may ibang tao sa pamamahay ko at baka hindi na kayo makabalik pa ng Pilipinas."

Napahinga ito ng malalim bago sandaling nakipag labanan ng titigan sa akin. Ilang sandali lamang ay bagsak ang mga balikat na tumalikod na ito sa akin at handa na sa pag-alis.

"Wait." Pigil ko pa. Isang ideya ang biglang pumasok sa isipan ko.

Kaagad na napahinto ito at nakangiti na muling napaharap sa akin.

"Tell me...Who will be my client?"

Nächstes Kapitel