webnovel

Chapter 91: Gift Of Kindness

Lumipas ang mga araw at linggo halos di na tumitigil si Barbie sa bahay dahil sa hectic schedule niya bilang isang instant celebrity. Natapos na nga rin ang kanilang school year bakasyon na ay nanatili paring busy itong si Barbie.

"Morning uncle..." Bungad ni Barbie na para bang antok na antok.

"Anak! Ayos ka lang ba?"

"O-- Opo." Pero bigla syang natipalok buti nalang dumating agad si Kenny at naalalayan siya.

"Napaka clumsy kasi..."

"H-- Hi..."

"Ano ka groggy?"

"I think so..."

"Haysss... Pasaway..."

At inalalayan nga ni Kenny si Barbie hanggang sa makaupo ito.

"Teka, pag titimpl kita ng coffee mo." Ani Bruce.

"Thanks Uncle."

"Here drink some water first." Ani Kenny at nilagayan nya ang plate ni Barbie ng pancakes.

"Ang bait mo ata."

"Aish! Kumakain ka na nga lang diyan!"

"Tsss!"

"Eto na ang coffee mo nak."

"Thanks po Uncle."

"Dad yung sakin po?"

"Kumuha ka na."

"Eh?"

"Kumuha ka na di ka na bata Kenny!"

"Huh!"

Barbie smirked at him.

"Ikaw!!!"

"Uncle oh!"

"Kenny!"

"Eto na po mag titimpla na ng kape."

"Bilisan mo na."

"Opo."

Habang nag titimpla naman si Kenny ng kaniyang kape nag uusap naman yung mag uncle.

"Buti naman off ka ngayon. Hindi mo naman kailangan gawin ang di mo kaya wag mong pilitin ang sarili mo. I can support you nak."

"Okay lang po di naman na rin po bago sakin ang mga ganitong bagay. Salamat po ah."

"Pero gaya nga ng sabi ko di mo kailangang pilitin ang sarili mo na mag work. Andito naman ako kmi ni Kenny we will support you."

"Aha, we're your family hindi mo kailangang mag work kung di mo na kaya. Just say it!" Ani Kenny na may dalang kape nya at naupo na rin.

"And your mom is supporting you remember?"

"Opo Uncle. Pero gusto ko rin naman pong makatulong kay mommy para umuwi na po sya miss ko na po sya eh."

"Don't be sad your mom misses you too but she needs to work for you and for herself. Kilala mo naman ang mom mo di sya makatiia ng nasa bahay lang."

"Opo..."

"Ahem! Okay, okay... Kumain na po tayo. At dahil day off ng mahal nating prinsesa we will go to mall, and chill right dad?"

"Of course! We will go shopping kaya kumain na kayo para makaalis tayong agad."

"Talaga po? Aalis tayo?"

"Um. Yun talaga ang plano namin ni Kenny para naman maka relax ka."

"Um. Kaya sige na kain na at mamaya pupunta tayo sa paborito mong restaurant."

"Ehhh??? Nakaka excite naman!!!"

"Kaya sige na kumain ka na nak. Dahil ngayong araw mag sasaya lang tayo at kakain."

"Thankyou po Uncle!!!" Ani Barbie at niyakap nya si Bruce at nag pa salamat at itong si Kenny ay parang nag iintay rin na yakapin sya nito. "What are you doing?"

"Ha? Wa-- Wala! Nakain lang ako dine eh." At dali-dali naman syang sumubo nga ng pancake.

Barbie smiled and niyakap nya nga rin itong si Kenny at nag pa salamat.

"Hmm? You okay?"

"O-- Oo naman! I.. I'm okay...Ahem! Ku-- Kuha lang muna ako ng water."

"Eh? May tubig pa ang pitcher dito."

"Ku-- Kulang pa yan!"

"Ehhh?"

Bruce smiled and said "hayaan mo sya nak, sige kumain ka na."

"Opo Uncle."

"Eat well."

After their breakfast,

"Okay I will talk to her about that." Ani Bruce na may kausap sa kaniyang phone. "Um. Bye"

"Dad, ano pong ginagawa niyo dito sa likod?"

"Ah, medyo mahina kasi ang signal sa loob tumawag kasi sakin ang manager ni Barbie."

"Po? Don't tell me she needs to work kahit day off nya. Aba, di naman po ata tama yun child abuse na po yun she still minor after all."

"I know you're worried about her kaya sa next semester sasama k sa kaniya sa Manila."

"Po?"

"Alam ko namang alam mo na may possibility na doon na mag aaral si Barbie sa AGA Manila branch next sem because of her work being an artist."

"Pero dad, ayos lang po sa inyo?"

"Um. Ayoko namang pigilan si Barbie sa pangarap nya. Isa pa, panatag ako kasi kasama ka niya. At alam ko ring nakuha ka sa audition am I right?"

"O-- Opo dad. Sorry po di ko agad na sabi sa inyo."

"It's okay, ginawa mo lang rin naman yun para mabantayan so Barbie. Kaya umaasa akong magiging responsible ka ikaw ng bahala kay Barbie. Okay?"

"Sir, Yes Sir!"

"."

Sa mall,

"Dad, why we look like Barbara's bodyguard?" Ani Kenny na may ilan-ilang dalang paper bags na may lamang pinamili ni Barbie.

"Wag ka ng mag reklamo ikaw ang nag suggest nire sakin di ba gusto mong ipag shopping natin siya? Kaya manahimik ka diyan!"

"Uncle! Dito po tayo!"

"Oo nak! Andiyan na!"

"Dad!"

"Heh! Halika na bilis!"

Kenny sighed at pag tingin nya sa taas nakita nyang papasok sila sa mens wear and accessories.

"Kung ganito ba naman, edi mag eenjoy ako."

At pag pasok nga nila pinag pipili ni Barbie yung mag ama ng clothes and pants.

"Opo Uncle, ako pong bahala sige na try nyo po yan ni Kenny."

"Ha? Pero nak, sabi namin sayo ikaw ang pag sho-shopping namin. Isa pa, ang mahal dito nak."

"Uncle, I worked hard para matreat kayo kaya sige na po."

"Pero nak..."

"Dad, tara na po di naman kayo mananalo diyan."

"Aha, kaya sige na po Uncle try it."

"Sigh... Sige na nga pero dito ka lang ha?"

"Opo."

At habang nag susukat nga yung mag ama ng damit tumingin tingin rin si Barbie ng relo para dun sa dalawa.

"Yes, can I get that para sa dalawang kasama ko."

"Yes Ma'am."

"Okay, I will make tingin-tingin lang dito ha?"

"Opo Ma'am."

At ng makaalis naman si Barbie dun sa corner ng nga watches lumapit naman yung isa sales lady dun sa sales lady na kausap ni Barbie.

"Talaga? Artista sya? Kaya naman pala ang ganda at ang puti-puti."

"Um. Bagong artista lang sya sumikat sya sa isang app tapos naging commercial model di ka ata nanonood ng tv eh. Halos ilang product din ang sya ang tvc model."

"Oh? Di na kasi ako nakakanood ng tv eh."

"Tapos may ilang tv shows appearance din sya and series na naging extra sya pero talagang lutang sya kasi iba yung ganda nya. Look at her, para syang isang anghel na bumaba sa lupa."

"Oo nga ang ganda-ganda nya. Papicture tayo mamaya."

"Oo naman! Paborito sya ng anak ko eh."

"Mag pa autograph na rin tayo."

"Sige, sige."

At ng mag simula ngang ma recognized ng sales lady si Barbie pati yung ibang customer ay isa-isa na ring nag papicture kay Barbie.

"Asan si Barbara, dad?"

"Sa tingin mo ba alam ko eh nag susukat tayo ng damit."

"Ako rin po pag picture!" Sambit ng isang fan ni Barbie at narinig yun ni Kenny at nakita nga ng mag ama na dinumog na ang kanilang Barbie.

"Dad, si Barbara!"

"Kenny!"

"Po?"

"Just watch her."

"Pero dad, dumadami na po ang tao."

"Tignan mo sya, ang saya-saya nya."

At natahimik nga si Kenny at pinagmasdan si Barbie habang nakikihalubilo sa mga fans nito.

"She really happy doing it."

"Aha, kaya hayaan muna natin sya mukhang mababait naman ang fans nya look at them hindi nila basta hinihila si Barbie they make some space for her. Mukhang alam naman nila na bata pa ang kanilang idol that's why they're so cooperative para di nila masaktan si Barbie."

Kenny smiled "yes dad."

***

Simula nga ng naging instant celebrity si Barbie halos araw-araw may dumadating na regalo sa kanilang bahay galing sa nga fans.

Ding... Dong...

"Don't tell me regalo na naman yun para kay Barbara!"

"Pre, sikat si Barbie di na yun bago." Ani Uno na bumisita rin kay Barbie.

"Tsk! Nakikita mo ba ang sala namin? Sa tingin mo ba sa dami ng mga regalo na yan di pa bago ito sakin? Nakakauma lang kasi nagiging warehouse na ang bahay namin. Jusmiyo! Wala ng malakaran."

"Eh kasi nga maraming nag mamahal sa Barbie nyo."

"Oo dumagdag ka pa."

"Si mom talaga nag papabigay ng cake di ako. Pero oo love ko si Barbie kaibigan ko sya eh."

"Tsss!"

Ding... Dong...

"Oo andiyan na!"

"Pre kalma."

"Heh!"

Pero hindi delivery rider yung nag door bell kung hinde sila Mr. Tang at assistant Drei.

"Director, bakit po kayo nandito? Ah... Ahm... Ano po kasi walanpo si dad ngayon dito."

"No, si Ms. Barbie talaga ang pinunta namin dito." Ani Drei.

"Yes, is she here?"

"Ah... O-- Opo."

"Can we come in?"

"O-- Opo Director."

At pinaguusod naman ni Kenny at Uno yung mga regalo para makaupo sa sofa sila Mr. Tang at assistant Drei.

"Upo po kayo pasensya na po kayo medyo makalat."

"No worries, para bang lahat ng yan kay Barbie?" Tanong ni Mr. Tang.

"Opo, mga regalo po sa kaniya ng fans nya ang dami po no?" Sagot naman ni Uno.

Siniko naman ni Kenny ng pa simple si Uno.

"I'm just stating the fact lang naman pre." Pabulong na sambit ni Uno.

"Heh!"

"Ahm... Where's Barbie?"

"Tulog pa po sya Mr. Director. Pero pwede ko naman po syang gisingin. Kaso gabi na po kasi sya nakauwi kagabi kaya baka antok na antok pa po sya."

Napatingin nalang si Uno kay Kenny at sa isip-isip nya "di ba parang ang exaggerated naman nire? Sabi niya nagising na kanina si Barbie..."

"It's okay, babalik nalang kami mamaya."

"Sige po Mr. Director sasabihin nalang po namin sa kaniya na bumisita po kayo."

"Okay lang, andito na ko."

"Barbie!" Masayang sambit ni Mr. Tang at sumimpleng bulong si Drei at sinabing "Director, kalma lang po control yourself. Baka mamisinterpret nila kayo."

"Ah... Okay sorry."

Lumapit naman si Barbie at nag greet.

"Sorry po di po ako agad naka baba."

"Okay lang, ahm... may pasalubong nga pala kami sayo. Drei!"

"Yes po."

At kinuha nga ni Drei ang phone nya ay may tinawagan.m at pagtapos nun may mga taong nag pasok ng basket of fruits, boxes of doughnuts, a packs of food na mga paborito talaga ni Barbie at higit sa lahat may letchon.

"What the? Fiesta ba sa inyo pre?" Ani Uno.

Siniko naman ni Kenny si Uno at sinabing "fiesta my face!"

"Woah! Ahm... Napakarami naman po ng mga yan Mr. Director." Sabi ni Barbie na gulat na gulat sa mga bigau sa kaniya.

"Actually, may kasunod pa po yan Miss. It's a welcome gift po dahil lilipat na po kayo sa AGA Manila." Sambit ni Assistant Drei.

"Po? Pero..."

Bumulong naman si Uno kay Kenny "pre, gusto ko na rin talagang lumipat sa AGA Manila. Pero di ba lilipat ka na rin dun? Bakit ikaw walang welcome gift?"

"Shut up!"

Tumingin si Barbie sa paligid nya at napansin nyang napaka dami ng regalo sa sala nila dumagdag pa ang mga bigay ni Mr. Tang.

"Ahm... Pwede po ba nating ipamigay sa nga batang kalye ang mga ito? Ahm... Kung ano babayaran ko nalang po ang nga na gastos nyo. Hindi naman po sa tumatanggi po ako sa mga bigay nyo pero kasi kung makikita nyo ang dami-dami na pong regalo akong natatatanggap halos araw-araw. Kaya gusto ko po sanang mag bigay rin sa mga nangangailangan."

"No problem! If that's want you want I support you."

"Talaga po? Di po kayo galit?"

"Why should I? Bakit naman ako magagalit sa taong gusto lang ay makatulong. I'm so proud of you."

"Po? Kayo po proud sakin?"

Napatingin namang agad si Mr. Tang kay Drei na para bang humihingi ng tulong kung paano sasagutin si Barbie.

"Ah... Ano, ang ibig sabihin ni Director Tang proud sya sayo kasi matulungin kang bata isa pa student ka ng AGA kaya dapat lang na maging proud kami sayo. Dahil kahit sikat ka na napaka down to earth mo pa rin."

"Opo yun po ang turo sakin ni Mom na kahit gaano kataas pa ang narating mo sa buhay dapat matuto ka paring magpa kumbaba."

"Maganda ang pagpapalaki sayo ng mom mo. Lumaki kang mabuting bata."

"Maliit na bagay po Mr. Director. Hehe..."

"But where's is she? She's not here?"

"Ah, ofw po sya eh."

"Oh... I see..."

"Ahem! So ano? Tara na? Let's find some kids?" Ani Kenny.

"Oh, yes... Sama po kayo Mr. Director?" Sabi ni Barbie.

"Um. We will help you guys. Drei, call someone na mag repack ng mga food."

"Yes po Director."

"Salamat po Mr. Director." Ani Barbie.

"No worries, I'm happy to serve you."

"Salamat po napakabait nyo po talaga."

Hinila naman ni Uno si Kenny sa isang tabi "pre, bakit ang bait ni Mr. Director kay Barbie? Di kaya crush nya si Barbie?"

Kenny bonked him "siraulo!"

"Ang sakin lang naman kasi... ang bait kasi ni Mr. Director, may favoritism ha."

"Heh! Dun ka na nga! Tumulong ka ring mag repack!"

"Tsss! Oo na!"

Nächstes Kapitel