webnovel

Chapter 84: Save Barbie At All Cost!

Kinagabihan,

"Tapos na po ako dad. Mauna na po ako sa inyo. May gagawin pa po akong assignment." Sambit ni Kenny matapos nyang kumain ng dinner.

"O... Okay you may go ako ng bahala dito."

"Sige po Dad salamat."

"Um."

At ng makaalis nga itong si Kenny tinanong ni Bruce si Barbie kung bakit parang wala sa mood ang kaniyang anak at di rin nagkikibuan ang mga ito.

"Ah, sorry po Uncle pero di ko rin po alam kung bakit parang tinotoyo na naman po yang anak nyo."

"Pag pasensyahan mo na sana minsan talaga eh may mood swing yan eh."

"Opo nga daig nya pa po kaming mga babae pag may period sa mood swing nya."

"Hehe... Hayaan mo kakausapin ko."

"Nako, wag na po baka isipin na naman nya kinakampihan nyo ko kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya."

"Sige, sasabihan ko nalang."

"Wag na rin po baka isipin nya na nag sumbong na naman ako sa inyo."

"So, what do you want me to do, nak?"

"Wala po pero pwede po bang kayo na po ang mag ligpit ngayong gabi ng mga kinainan natin? Marami rin po kasi pa akong gagawin eh. Simula po kasi nung nagkaroon ng documentary sa school eh madami na po ako lalong kinailangang habulin na klase. Lam nuo nyo naman po transferee ako."

"Nako, sorry ha? Dapat ata di na lang ako pumayag sa documentary na yan eh."

"Wala po yun ayos lang po kahit naman wala mga yun need ko parin mag habol ng klase bilang transferee po ako."

"Hayaan mo sasabihan ko ang mga teachers mo na bigyan ka pa ng oras bilang you need to be documented."

"Salamat po Uncle!!!"

"No worries, sige na kubg tapos ka na umakyat ka na rin at mag aral."

"Opo salamat po ulit Uncle. Bukas po ako na po ang mag liligpit."

"Ha? Okay lang ako ng bahala. Ha... Ha... Ha..."

Pero ayos lang talaga kay Bruce na sya ang mag ligpit dahil kung si Barbie na naman ang in charge sa ligpitin tiyak nyang may mababasag na naman itong mga kasangkapan.

"Hey!" Bungad ni Kenny na naka sandal sa pader ng room nya na para bang kanina pa hinihintay si Barbie.

"Ay kabayo! Ano ba?!"

"Tell me, who exactly is that Jean?"

"Ha?"

"Bakit sobrang oa nya sayo? Totoo bang mag kababata talaga kayo? O baka naman may past kayong dalawa!"

"Ano? What's with you? Kanina lang sa baba ang tahimik mo ngayon naman mala Dora De Explorer ka na sa kakatanong!"

"Just answer me!"

"Tsk! Oo mag kababata kami pero she is ahead ng 2years sa akin. Kung may past man kami baka bilang bff. Matagal ko na rin kasi siyang di nakikita simula nung lumipat kami ni mommy dito."

"Yun lang?"

"Oo! Ano pa bang gusto mong marinig?"

"Ah... Eh... Wala naman..."

"Tsss! Baliw! Diyan ka na nga!"

Lumapit naman si Kenny at hinarangan niya yung pinto "ano na naman?"

"Ahm... Narinig ko kasi sa usapan nyo ni daddy sa baba na nahihirapan ka sa pag aaral mo kaya I volunteer! Tutulungan kita!"

"Ganyan na ba ang epekto ng pinakbet sayo? At pak na pak ang energy mo at bet na bet mong tulungan ako?"

Kenny pushed the door at pumasok na nga sya sa room ni Barbie.

"He-- Hey!!! Di ko pa sinasabing pumasok ka!"

"Wag ka ng maraming sinasabi just gimme your notes bruh!"

"Haysss!!! Pasaway!"

At makalipas ang ilang oras,

"Aba, mag 12midnight na pala. Matulog na nga muna tayo bukas eh maaga pa ang...pasok... natin..." Sambit ni Kenny na nakitang tulog na pala si Barbie sa kama nito.

"Haysss... Tamo ang babaitang ito. Sa kama kasi nag aaral eh. Oh ano ka ngayon? Tsk! Sya itong pasaway eh."

Tumayo si Kenny at niligpit ang mga gamit ni Barbie at iniayos ito ng higa at kinumutan.

"Paano ka nalang kaya kung wala ako? Ha Barbara?"

"Mmmm..."

"Pati ata sa panaginip kasama mo ko eh no? Pasaway!" Napatitig sya kay Barbie dahil napansin nyang may taling o mole pala ito na maliit malapit sa baba ng ilong ka gaya nya.

"Wow! Di lang halata pero may taling rin pala sya dun?" Hahawakan nya sana kaso biglang gumalaw si Barbie at nayakp syang bigla nito.

"Anak ng tokwa!" Dahan-dahan nyang tinanggal ang kamay nito na nakayakap sa kaniya para hindi magising.

"Sighhh... Lintikan may ka tuko talaga ang isang ito."

At nang bigla nalang may humining tuko at nagising si Barbie at kinagulat na nasa tabi nya si Kenny.

"Ah...."

Sisisgaw sana si Barbie pero natakpan agad ni Kenny ang bibig nya "hating gabi na baka kung anong isipin ni daddy kapag sumigaw ka!"

"Mmmm!!!" Kinagat nya ang daliri ni Kenny.

"Aray!!!"

At gaya ni Kenny tinakpan ni Barbie ang bibig nito "shhh... Wag kang maingay!"

"Mmmm!!!"

Tinanggal nga ni Barbie ang kamay nya sa bibig ni Kenny at tinulak.

Thud!

"Aray ha! Ang sakit!"

Tuko! Tuko!

"Ahhhh!!!" Medyo mahinang sigaw ni Barbie na from bed eh lumundag kay Kenny.

"What now? Kamaganak ka ba ng tuko?"

"Alisin mo yung tuko!!!"

"Ayoko! Tinulak mo nga ko sa kama mo knowing na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasa kama mo!"

"Sorry na! Bakit kasi ang lapit mo eh! Anong gusto mong gawin ko? Mag sasayaw dahil katabi ka? Dati ka bang baliw?"

"Okay, edi diyan ka na!"

Ibinababa ni Kenny si Barbie sa kama nito pero ayaw sya nitong bitawan.

"Sorry na kasi!!!"

Kenny smiled "ano yon? Di ko marinig."

"Sorry na nga!"

"Okay, hang in there."

"Um."

"Anong nangyayare Barbs? Narinig ko yung...sigaw mo..." Ang pagulat at di makapaniwalang sambit ni Bruce na bigla nalang binuksan ang pintuan ng room nito.

"Da-- Daddy..."

"Un-- Uncle..."

"What is the meaning of this?!!! Kenny!!!!!"

"Da... Daddy don't get us wrong. I... I can explain po!!!"

Kinaumagahan,

Pumasok si Kenny ng naka sunglasses at ipinagtataka naman iyon ng tropa. At tinanggal pa nga ni Uno ang glasses nito ng di nag papaalam.

"What the? Anong nangyare sa mata mo? Bakit may black eye ka?!" Ani Uno at napatingin nga sa kaniya ang tropa.

Hinablot naman ni Kenny sa kamay ni Uno ang glasses nya.

"Hahaha... Sino na naman bang inaway mo bro?" Sabi ni Baron.

"Resbakan na ba namin? Haha..." Sabi naman ni Sam.

"Heh! Manahimik kayo!"

Nasa tabi naman nila Gaile at Dana si Barbie na nakipag palit muna ng upuan kay Uno.

"Anong nangyare sa mata ng isang yong?" Sabi ni Gaile.

"Ah, wala na sabihin nalang nating nakagat sya ng tuko." Sagot ni Barbie na busy sa pag babasa nya.

"Really? The gecko bit him?"Sabi ni Dana.

"Syempre hinde! Nag jojoke lang si Barbs. Ah, nga pala... Bakit wala si Jean? Hindi ba sya makiki sit in?"

"I don't know, baka busy... famous ang isang yon eh."

"Ohhh..."

"Okay good morning class! Back to your proper seats we have a short quiz!" Sabi ng guro nilang si Mrs. Amon ang guro nila sa home economics.

Dali-dali namang nagsi balik ang mga students sa kani-kanila nilang upuan at gaya ng dati nga eh pinag gigitnaan nila Kenny at Thew itong si Barbie.

"Ano masaya ka naman?" Pabulong na sambit ni Kenny kay Barbie.

"Bakit ba? Nag sorry na nga ako kagabi ah!"

"Huh! Kaya ba ayaw mo kong katabi sa upuan? Dahil sayo kaya ako may black eye ngayon!"

"Tsss! Nag sorry na nga eh!"

"Ewan!"

Pa simple namang nakikinig at nag mamasid lang si Thew dun sa dalawa "is everything okay?" Aniya ng pabulong kay Barbie.

"Ah... Yes, sorry for bothering you."

"It's okay."

Ang nangyare kagabi,

"Opo Uncle, wala po kaming ginagawang masama. He just helping me to my studies. Then we heard some noise and it's...."

Tuko! Tuko!

Napatalon na naman si Barbie from bed to Kenny's arm.

"Oh, daddy... Wala po akong ginagawa ha! Sya po talaga yung laging nag papabuhat. Pag may naririnig syang tuko."

"Uncle, I'm afraid po kasi sa tuko! Bohooo..."

Bruce sighed and made a facepalm.

"Sya, sya, sya...Hanapin na ang lintek na tukong yan."

"Opo daddy."

"Nang buhat si Barbie?"

Nagkatinginan yung dalawa at dali-dali namang bumaba si Barbie kay Kenny.

"Sorry po Uncle."

"Ha-- Hanapin ko na po ang tuko daddy."

"Bilisan mo na at mag hanap na nga tayo!"

At habang nag hahanap nga yung mag daddy sa room ni Barbie eh nakasunod nga itong si Barbie dun sa mag ama lalo na kay Kenny.

Tuko! Tuko!

"Dito!!! Mukhang andito yung tuko! Bilisan mo Kenny!" Sambit ni Bruce na nakitang nakahawak si Barbie sa likurang damit ni Kenny.

"Opo dad."

"Barbie, nak... Halika na muna dito hayaan mong hulihin ni Kenny yung tuko."

"O-- Opo Uncle."

Lumapit nga si Barbie kay Bruce at nag susumiksik sa likuran nito habang tinitignan ni Kenny sa may likuran ng bintana yung tuko pero nawala ito.

"Baka kung san lang ito na punta hanapin mong mabuti ng tayo eh makatulog ng pare-parehas."

"Yes dad."

Ilang minuto pa nga ang nakalilipas eh wala pa rin silang tukong nakikita at pare-parehas na rin silang antok na antok.

"Sya sige na mukhang nawala naman na yung tuko magsi tulog na muna tayo at madaling araw na."

"Opo Dad."

"Sige po Uncle."

Nang makapasok naman si Bruce sa kaniyang silid pumason naman si Barbie sa room ni Kenny.

"Wha-- What do you think are you doing?! This is my room not just room a man's room!"

Nag pa linga-linga si Barbie habang nakaupo sa kama ni Kenny.

"So? We're best friends at alam mo namang di tayo talo."

"Kahit na!!! Ano nalang ang sasabihin no daddy?!"

Nahiga na si Barbie sa kama ni Kenny na para bang sa kaniya ito.

"Okay bye, goodnight."

"What the? Tumayo ka diyan!!!"

"No! Hangga't di pa nakikita yung tuko dun sa room ko dito muna ako!"

"What? No way!!! Barbara tumayo ka na diyan! Hindi na ko natutuwa!!!"

"Ayoko nga sa room ko!!!"

"Listen, kapag may narinig kang tuko just call me! Pero ang matulog ka dito no way!!!"

"Pero ayoko nga sa room ko eh! We're best of friends naman di ba? Kaya bakit di ako pwede ditong matulog?!"

Kenny inhale and exhale to compose himself and not to get mad to Barbie.

"Dun nalang ako sa baba kahit dito ka na sa kama. Promise ayoko talaga ng tuko may phobia ako dun!"

Kenny exhale "naririnig mo ba yang sinasabi mo? Gusto mong matulov sa kwarto ng lalaki dahil lang may tuko? Paano nalang pala kung hindi ako ito? You still sleeping with the guy? Dahil lang sa takot ka sa tuko? Aba Barbara, hindi porket tomboy o B.I whatsoever ka eh ayos lang na matulog ka kasama ng lalaki. Tandaan mo, kung anong meron ang babae meron ka rin non at kung anong meron ang lalaki wala ka non!"

"Pero kasi..."

"Puro ka kasi takot eh! Akala ko ba matapang ka pero dahil lang sa tuko lumalabas ang pagiging babae mo?"

"Eh ikaw na nga ang may sabi eh na kung anong meron ang babae meron din ako! Kaya normal lang samin ang matakot! Kainis! Sa sala na nga lang ako matutulog! Humph!"

Papalabas na sana si Barbie ng room ni Kenny ng biglang humuni ulit yung tuko. At dahil naiinis si Barbie kay Kenny di nalang sya nakagalaw habang hawak yung doorknob.

"Yow, ayos ka lang?"

At kaya pala hindi makagalaw si Barbie eh nasa may malapit sa pintuan yung tuko.

"Hoy! Ano na? Di kana diyan gumalaw."

Tuko... Tuko...

At nakita na nga ni Kenny yung tuko at ang dahilan kung bakit di makagalaw itong si Barbie.

"Te-- Teka naiyak ka ba?"

Dahil nga di makagalaw sa takot itong si Barbie napaiyak na sya ng wala sa oras.

Kenny sighed "okay, okay... halika na." Bubuhatin nya sana si Barbie pero sinapak sya nito.

"Ano ba?!"

Nanlambot maman ang mga tuhod ni Barbie kaya napaupo nalang sa sahig.

"Tsk! Halika na nga! Tuko lang eh takot na takot." Binuhat niya si Barbie at iniupo sa kama at dahan dahan nyang binalikan yung tuko para hulihin.

***

Dahil wala nga si Jean ng dalawang araw napag pasyahan nila Yveth at Curtney na yayaing muli si Barbie para sa kanilang cheering squad sa pagkakataong iyon last day na ng documentary para sa apat nila Barbie, Kenny, Thew at Baron.

Kaya hindi na nga nag pa tumpik-tumpin pa itong sila Yveth at Curtney.

"Yes girl! Last day na kaya kailangan nating mag pa sikat kasama yang si Barbie." Sabi ni Curtney.

"Kaya siguraduhin mong ako ang nasa spotlight mamaya doon sa practice." Sagot naman ni Yveth.

"Don't worry girl I gotchu!"

Tinawag na nga ni Curtney itong si Barbie na nag iistretching pa ng mga oras na yon.

"Pero hindi pa po ako tapos mag stretching."

"Ayos lang yan practice palang naman. Halika na!"

Sumama naman nga itong si Barbie kay Curtney.

"Oh, nasan na si Barbie?" Tanong ni Kenny na kababalik lang dahil bumili ng inumin.

"Ate Curtney called her na eh." Sabi ni Dana.

Nasa area ng mga di kasali ang tropa.

"What? Hindi ba at nag sisimula palang sua mag stretching?" Tanong naman ni Thew na kasama rin kanina ni Kenny.

"Oo nga, bakit tinawag agad sya?" Sabi ni Baron na andun kanina pa pero dahil may pagka nerdy busy syang mag basa ng libro.

"Gaile! Uno! Laro kayo ng laro diyan nawala na sa paningin nyo si Barbie!" Sabi ni Sam.

Dana bonked him "isa ka rin naman nag lalaro sa cp mo! But sorry guys I saw it pero di ako nakalapit agad sa kanila eh."

"It's okay Dana. I think Barbie can do it without enough stretching isa pa practice lang naman and she is a newbie sure akong hindi maman sya yung ita... tapon sa e...ere. Barbie!!!!"

Nagulat silang si Barbie eh inihahagis hagis na nga sa ere.

"Hindi na tama ito! We need to ho there. Thew! You know what to do." Sabi ni Kenny.

"Um."

"Sandale!" Pag pigil na sambit ni Gaile dun sa dalawang nakaliban na sa may barrier.

"Oo nga sandale sasama din ako." Sambit ni Barron na lumiban na rin sa may barrier.

"Teka nga! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Look at her she doesn't seems afraid."

"Oo nga naka ngiti pa si Barbie na para bang..." Sambit ni Uno at nakisabay pa sa kaniyang sasabihin si Sam.

"Nag eenjoy!" Anila.

"Yeah. She looks happy doing that." Sabi ni Dana.

"Kaya chill lang kayong tatlong itlog!" Sambit naman ni Gaile na may pag akbay dun sa dalawa ni Kenny at Thew.

"What do you think guys?" Tanong ni Baron dun sa dalawa.

Nagkatinginan naman sila Kenny at Thew at sabay sumagot ng "we'll see..."

Samanatala dun sa area naman kung nasasaan sila Barbie sa di kalayuan kila Kenny...

"Girl, what's with that transferee? Parang wala syang kinatatakutan knowing na this is her first time na ihagis sa ere!" Pabulong na sambit ni Curtney habang pinagmamasdan nila ni Yveth itong si Barbie na maganda ang ipinakikita sa pag papractice. Na lalo pang naka agaw ng atensyon ng mga staff na nag do-documentary.

"Don't you think I didn't saw it? Idiot!"

"So, what are we going to do?"

"I don't know how I wish di sya masalo! Asar!"

At mga ilang minuto pa nga biglang nag ka cramps ang isa sa mga lalaking sasalo kay Barbie.

"Pre ayos ka lang?" Sabi nung isa sa mga sasalo kay Barbie.

"O-- Oo."

"Okay, ready?"

"Oo."

"Barbie, are you ready? Try to make an exhibition habang nasa ere ka."

"Yes Senior."

"Okay, in three, two, one. Go!"

At inihagis na nga nung dalawang sasalo si Barbie at na salo naman nila ito sa unang attempt pero nung sa pangalawa na...

"Pre! Anong nangyayare?!!!"

Yung kaninang lalaki na nakaramdam ng cramps bigla nalang napaupo. Kaya naman nag panic yung isang lalaki na sasalo kay Barbie.

"There's something wrong!" Sambit ni Kenny na nag tatakbo na papalapit kung nasasaan si Barbie at sumunod rin namang agad yung dalawa ni Thew at Baron.

"Bar...Bara!!! Close your eyes!!!" Sigaw ni Kenny na tinulak yung lalaking dapat sasalo kay Barbie.

At in God's grace nasalo ni Kenny si Barbie sa tulong na rin nila Thew at Baron.

"Ayos ka lang?" Tanong nung tatlo kay Barbie.

"O-- Oo."

Pinalakpakan naman yung tatlo sa mabilis nilang pag salo kay Barbie.

"Nakuhanan nyo yon mga Sir?" Sabi agad ni Uno dun sa mga nag kukuha ng documentary.

"Oo."

"Sam, siguraduhin mong ilalagay mo yan sa AGA newspaper." Sabi ni Gaile kay Sam dahil isa nga ito sa mga journalists ng AGA.

"Right! Dapat lang na headlines yun mala knovela ang peg!" Sambit naman ni Dana.

"Syempre naman! Akong bahala."

"Barbara!!!" Sigaw ni Kenny dahil biglang nahimatay si Barbie.

"Anong nangyayare?" Sabi ni Gaile.

"Dadalhin ko na muna sya sa clinic kayo ng bahala dito." Sabi ni Kenny at binuhat na nga nito si Barbie.

Galit na galit namang kinompronta ni Thew sila Yveth at Curtney.

"Kapag may nangyaring masama kay Barbie kayo ang pananagutin ko!"

"But I didn't do anything!"

"Wala? Hindi nyo kasi pinapatapos mag stretching ang mga members nyo kaya bigla-bigla nalang sila nakararamdam ng muscle cramp!" Sambit naman ni Baron.

"Oo nga!" Pag sangayon naman nila Gaile, Uno, Dana at Sam.

"Malilintikan talaga kayo samin pag may nangyare kung ano sa Barbie namin!" Pagalit namang sambit ni Gaile at umalis sila ng tropa na masama ang tingin dun sa dalawa.

"Damn it! Anong tinitingin tingin nyo?! Umalis na kayo!!!" Pagalit ma sambit ni Yveth sa mga members nya.

"Girl, ano nang gagawin natin? Mukhang galit na galit talaga sila Thew satin. Ikaw kasi winish mo pa na di masalo si Barbie eh ayan tuloy nagka totoo! Buti nalang to the rescue sila Kenny."

"Shut up!"

Nächstes Kapitel