Noong umaga ngang iyon nag punta sila Thew at Daryll kila Kenny at sakto namang nasa labas at nag wawalis sa kanilang bakuran itong si Barbie na kanila talagang ipinunta.
"Oh, morning... Ang aga nyo!"
"Ah, ipinagluto..."
"Daryll!"
"I mean maaga po kasing nag luto si kuya Thew ng breakfast namin kaya eto po pinagdala ka po namin."
"Really?"
"Um. Marami naman kasi akong niluto kaya..."
"Kaya... Kaya po sabi ko kay kuya Thew na dalhan ka po namin." He wink to his brother.
Thew secretly smiled "here, I hope magustuhan mo." Iniabot nya kay Barbie yung bento box.
"Thanks nag abala pa kayong mag kapatid."
"Ahm... How's everything?"
"Hmm?"
"Ah, ang ibig sabihin po ni kuya kamusta po kayo parang di po kasi kayo nakatulog ng ayos. Di ba kuya no?"
"Ah... O-- Oo ayos ka lang ba?"
"Um. Medyo di lng nakatulog ng ayos pero yeah, I'm okay. Tara pasok kayo."
"Ahem! Barbie ano yang dala mo?" Bungad ni Kenny na kasama sila Friday, Gabo, Gil at Jericho.
"Ah, andiyan pala kayo."
Nakatingin naman yung lima nila Kenny kay Thew na para bang hindi ito welcome.
"Oo, at kakain na."
"Ah, nga pala may dala sakin sila Thew at Daryll na breakfast din."
"Oh really?"
"Wait, ikaw na yan Matthew?" Tanong ni Gabo.
Siniko namang bahagya ni Daryll ang kapatid "kuya, kinakausap ka."
"O-- Oo, kamusta kayo Gabo."
"Woah! Ikaw na nga yan? Ang tangkad mo na varsity ka?"
"Um. Basketball player."
"Nice! Laro tayo minsan." Sabi ni Jericho.
"Sige."
"Pwede po si kuya mamaya."
"Hmm?" Reaction nung apat maliban kay Kenny at Barbie.
"Ah, nga pala si Daryll bunso kong kapatid siguro di siya kilala lumaki kasi sya sa Manila."
"Talaga? Kaya pala parang nakita ko na sya somewhere." Sabi ni Gil.
"Um. Kayo rin po familiar sakin."
"Eh? Do you know me?"
"Opo, parang kayo po yung nag turo samin ng football nung grade 1 po ako sa La Gracious Academy."
"Eh? So, dun ka galing na Academy? Nag turo nga kami dun naalal mo Friday?"
"Maybe? I don't know marami na tayong bata na naka encounter eh."
"Hindi basta-basta si Daryll dahil kahit bata palang sya athletic na kaya imposibleng makalimutan agad sya." Proud na sambit ni Thew na kinatahimik naman ng mga naroroon.
"Ha... Ha... Nakakagutom na, tara na sa loob." Sabi ni Barbie.
"Ye-- Yes let's go." Sabi ni Friday.
"Ah... Ahm... We will go ahead first. Daryll, tara na." Sambit ni Thew na para bang nahihiya.
"Oh... Oo kuya."
"Sandali lang di na kayo papasok?" Tanong ni Barbie.
"Ah, hindi na mauna na kami."
"Oh... Thanks dito."
"Um. Welcome."
"Bye ate Barbs."
"Bye, bye..."
At pumasok na nga sila Barbie sa loob ng makaalis sila Thew at Daryll.
"Oh, san kayo nanggaling?" Tanong ni Bruce.
"Morning Uncle." Bungad ni Barbie.
"Hmm? Ano yang dala mo nak?"
"Ah, bento box po bigay nila Thew."
"Sino? Si Thew?"
"Di lang si Thew kasama rin po ai Daryll." Sabi agad ni Kenny.
"Oh..."
Nang makaupo naman si Barbie binuksan nya agad yung bento box na bigay ni Thew.
At nakatingin lang sila Kenny at mga pinsan nya rito.
"Ohh... Yan pala ang bento box? Maganda ang pagkakaayos ni Thew."
"Opo Uncle ang cute po no?"
"Um."
Kenny and Friday smirked "kaya ko rin yang gawin." They thought.
Iniusod naman ni Kenny yung bento box at binigyan ng agahan nila si Barbie.
"Yan nalang ang kainin mo mukhang ayaw mong bawasan yan."
"Hmm? Kakainin mo to!"
Iniusod naman ni Barbie yung plato na may pagkain at kinuha ulit yung bento box na sinimulan ng kaininin nito.
"Wow!!! It's delicious, Uncle try it."
"Oh... Okay."
At tinikman nga ni Bruce "not bad he knows how to cook fried rice well and the egg it melts in your mouth."
"Yeah! I think I can eat this all day."
"Huh! Pwes yan na ang kainin mo buong araw!" Ang naiinis na sabi ni Kenny na kinuha yung plato na may pagkain ni Barbie at sya ang kumain.
"Tsss! Bakit masarap naman kasi talaga di ba po Uncle?"
"Ah... O-- Oo masarap."
"See, even uncle agreed with me."
"Edi wow!"
Bruce sighed "sya, sya... tama na yan magsikain na kayo. Friday, Gabo, Gil, Jericho kain kayo."
"Opo Uncle." Anila.
"Ah, nga pala aalis ako mamaya kaya Kenny ikaw ng bahala sa mga pinsan mo. Natawagan ko na nga pala ang mga magulang nyo payag na silang dumito muna kayo. Pero wag pasaway."
"Opo Uncle no problem." Anila na para bang excited.
"Ahm... Uncle, pupunta po pala ako kay Gaile mamaya para sa project." Sabi ni Barbie.
"Oh... Okay sige mag pahatid ka nalang kay Kenny."
"Hindi na po, ayos lang susunduin po ako nila Sam at Uno dito."
"Ah, hindi mo ka group si Kenny?"
"Hindi po."
"Ah... Okay. Ingat kayo."
"Opo. Kayo rin po mamaya."
"Oo."
At nang matapos naman sila sa breakfast syang dating naman ni Ate Chinggay at sya na ang nagimis ng pinagkainan habang nanood naman ng tv yung mag pipinsan.
"Oh, boys aalis na ko kayo ng bahala dito."
"Opo Uncle ingat po." Anila.
"Baka gabihin na ko kaya mag paluto nalang kayo kay Chinggay. Kenny, iabot mo kay kagawad Teroy yung brown envelope mamaya dadaan sya dito bago pumunta sa baranggay hall."
"Opo dad."
"Sya, sige aalis na ko."
"Opo ingat kayo."
Pagkaalis nga ni Bruce kinulit na nila Gabo si Kenny.
"Tigilan nyo ko at tigilan nyo si Barbie. Kung ayaw nyo isumbong ko kayo kay daddy."
"Ito naman napaka KJ! Aalis si Barbie mamaya kaya dapat sumama tayo." Sabi ni Gil.
"Oo nga para masaya makikipagkota daw sya kay Gaile eh hindi ba siya yung kababata nyo ni Thew?" Tanong ni Jericho.
"Oh ano naman? May project silang gagawin mang gugulo lang kayo dun."
"Promise hindi tutulong pa kami di na guys?" Sabi ni Gabo.
"Tumigil kayo role play yung project na yon pampagulo lang kayo."
"Role play? Woah! So ano lng role ni Barbie? Princess ba? O Diyosa? Sa ganda nya yun dapat ang mga roles na ginagampanan nya." Sabi ni Gil.
"Tsk! Friday, awatin mo nga ang mga siraulong ito."
"Pero kung role play yun maganda kung may audience."
"Pati ba naman ikaw?"
"Tama si Friday! Tayo yung magiging audience." Sabi naman ni Jericho.
"Oo, exciting yon! Matagal tagal na din akong hindi nakakanood ng play." Sambit naman ni Gil.
"Bahala kayo! Di papayag si Barbie na sumama kayo. Kaya tumigil na kayo."
"Eh ikaw ba? Hindi ka kasama sa role play nila?" Tanong ni Gabo.
"Hinde, iba yung group ko sa kanila."
"Don't tell me si Thew ang ka group mo." Sabi ni Jericho.
"Parang ganun na nga."
"Huh! Hahahaha... wala na humanda ka ng bumagsak." Sambit ni Gil.
"Bwiset nga eh okay na sana sakin ang role play pero na punta saming group spoken poetry. Lintek!"
"Hahaha... Napaka emo non brad!" Sabi ni Gabo.
"Oo, tapos kaming tatlo pa nila Thew, Baron yung nasa isang group. Putek, gang ngayon nga wala pa akong nagagawa eh sa Monday na yon."
"I made one for you nasa study table ko." Sambit ni Barbie habang pababa sya ng hagdan at napatingin sa kaniya sila Kenny.
"Wow!" Reaction naman ng mga pinsan ni Kenny.
Dali-dali namang binuhat ni Kenny si Barbie dahil sa suot nito.
"Yahh!!! Put me down!!!"
"Hinde!!!"
At ibinalik nga ni Kenny si Barbie sa kwarto nito.
"Mag palit ka ng pants!"
Naisipan kasi ni Barbie ng araw na yon na mag dress dahil sabi sa kaniya ni Dana isuot ang bigay nya dito.
"Ano bang problema mo?"
"Ah... Ahm... Yang... Yang damit mo!"
"Ha? Bakit? Di ba bagay?"
Kenny blushed at umiwas ng tingin kay Barbie "ba--bagay pero..."
"Pero?"
Kinuha ni Kenny yung nakita nyang towel at tinaklob sa hita ni Barbie.
"Ma-- Masyadong revealing! Hi-- Hindi ba tomboy ka? Ba-- Bakit nag susuot ka ng ganyan?"
"Ahhh... Sabi kasi ni Dana isuot ko daw ito eh bigay nya ito sakin actually she bought me 5 na mga ganito para daw sa role play namin."
"A-- Ano? So may apat pang ganyan?"
"Um. Pangit ba? Mukhang okay naman para lang naman sa role play kaya I need to make sanay myself."
"Tsk! Pero masyado kang... maganda sa mata." Mahinang sabi ni Kenny.
"Ano yon?"
"A-- Ano ang sabi ko sa school ka nalang mag suot nan! Mag palit ka ng pants kung ayaw mong di kita palabasin ng kwarto mo!"
"Ano?! Pinayagan ako ni Uncle!"
"Oo! Pero hindi nya alam na ganyan ka kaganda."
"Ano?"
"I mean, yung dress ang ganda."
"Bakit? Gusto mo ba?"
"Ano?! Hayssss! Basta mag palit ka kung ayaw mong ikulong kita dito!"
"Huh! Baliw ka na!"
"Basta! Mag palit ka!"
At lumabas na nga si Kenny ng room ni Barbie.
Pant... Pant... "aatakihin ako sa puso, grabe napaka perfect nya! Para talaga syang human barbie doll!"
Thud!
Bumagsak naman si Kenny ng biglang buksan ni Barbie ang pintuan.
"Ginagawa mo diyan?"
"Tsk!"
"So, ano? Pwede na ba ang suot ko?"
Pinagpag naman ni Kenny ang damit nya "yan, ganyan! Wag na wag mo ng susuotin yun dito pag...pag kailangan lang."
"Tss! Oa mo! Diyan ka na nga!"
"Teka, wala pa sila Uno ah."
"Asa labas na! Alis nga!"
"Te-- Teka lang!"
Pagkababa naman ni Barbie ng hagdan nagulat syang nakaabang sa kaniya yung apat na pinsan ni Kenny.
"A-- Ano pong meron?"
"Hoy! Umalis nga kayo diyan!" Sabi ni Kenny.
"Bakit ba? Mag papaalam lang naman kami kay Barbie." Sabi ni Gabo.
"Nga naman! Di ba Friday?" Sabi ni Jericho.
"O-- Oo aalis ka na baby girl?"
"Um."
"Sige daan ka na." Mahinahong sambit ni Gil at sabay-sabay naman yung apat na tumabi.
"Ba-- Bye sa inyo."
Ngiting ngiti naman yung apat at sinabing "ingat ka."
Barbie smiled awkwardly then she thought "ang creepy nila. Makaalis na nga sa bahay na ito!"
"Ba-- Barbara!!! Sandali lang!" Tinabig nya yung apat at hinabol si Barbie palabas at sumunod naman mga pinsan nya.
"Anong nangyayare? Bakit ang daming tao sa bahay nyo ngayon Barbs?" Sabi ni Uno.
"Oo nga no? Mga model ron ba sila?" Sambit naman ni Sam.
Dali-dali namang sumakay si Barbie sa kotse at sinabing "bilisan nyo na. Wag nyo ng pansinin ang nga yan!"
"Pero..." Ani Uno.
"Bilisan mo na!!! Kung ayaw mong sumbong kita kay Gaile.
"Oo eto na!"
At bumusina na nga lang si Uno at umalis na.
"Hayssss!!! Badtrip! Yan! Tignan nyo nakaalis na!"
"Ano bang problema mo kasi Kenny?" Tanong ni Gil.
"Tsk! Ewan ko sa inyo! Pumasok na nga kayo!"
"Kung nag aalala ka bakit kasi di na lang natin sya sundan?" Sabi ni Jericho.
"G ako diyan!" Sabi agad ni Gabo.
"Aba ako din! Friday ikaw?"
"May choice ba ko? Eh kotse ko lang ang dala natin."
"Ano boy? Tara na!" Sabi ni Gabo.
"Siya, siya... Sige na sumunod na tayo. Pero tandaan nyo wag kayong epal kung ayaw nyo mapauwi ng maaga sa Manila."
"Yes Sir!" Anila.
At habang nasa biyahe naman sila Barbie...
Tanong ng tanong sila Uno at Sam sa nangyare.
"Oh? So, mga pinsan pala ang mga yon ni Kenny?" Tanong ni Sam.
"Ahhh... Kaya pala parang nakita ko na sila kung san kamaganak pala sila ni Kenny. Eh, bakit naiwas ka?" Sabi ni Uno.
"Syempre awkward! Ano pa ba?"
"Sabagay puros sila mga lalaki tapos ikaw lang ang babae."
"Hindi naman sa ako lang ang babae pero kasi hindi lang ako sanay na may ibang bisita sa bahay."
"Ohhh... Well, minsan ganyan din naman ako lalo na kung puro bisita nila mommy. Napaka awkward nun brad!" Sabi ni Sam.
"Um. Kaya buti nalang talaga may practice tayo. Mukhang mag tatagal pa kasi ang nga yon sa bahay nila Kenny."
"Baka aalis din naman agad syempre may mga pasok." Sabi ni Uno.
"Sana nga!"
"."
At dahil may bisita rin sa bahay nila Gaile lumipat sila Barbie ng pag papapraktisang bahay at napunta na nga sila kila Dana.
"Grabe, ang yaman nyo rin talaga eh no Dana?" Sabi ni Uno havang nag mimirienda sila sa may veranda.
"Masipag lang ang parents ko yun lang yon. Bie, tikman mo yang mango graham I made that."
"Really?"
"Masarap sya." Sabi ni Gaile.
"Thankies, actually it's my first time na gumawa that kind of dessert I just saw it sa YouTube while scrolling."
"Masarap nga, tikman mo Sam." Sabi ni Uno.
"Ayoko."
Bigla namang na lungkot si Dana ng sinabi yun ni Sam.
At napatingin nga si Sam kay Dana kaya naman nag explain sya kung bakit ayaw nyang kumain.
"Oh? Allergic ka rin sa mango?" Sabi ni Barbie.
"Wait, you too?"
"Um. Actually, di lang naman sa mangga pati sa nuts and shrimp mangangati kasi ako at mahihirapang huminga."
"Oh... I'm sorry I didn't know na hindi ka pala pwede sa mangoes." Sabi ni Dana.
"No it's okay kakaunti rin lang din ang may alam na di ako pwede sa mangoes."
"Okay, from now on wala ng mangga sa mga kakainin natin." Sabi ni Gaile.
"Okay!" Anila.
"Ahm...Wait, I will tell manang na kumuha ng icecream para sa inyong dalawa."
"Nako, okay na ang mga ito Dana ang dami na." Sagot ni Barbie.
"It's okay I feel guilty kasi eh. Wait lang kayo dito."
Siniko naman ni Barbie si Sam at sumenyas na para bang sinasabing samahan nito si Dana.
"Ahm... Samahan na kita."
"Ha? Ayos lang don't worry."
Tinulak naman ni Barbie si Sam na napatid pa ang paa at saktong napayakap kay Dana.
"Uyyy... Ang sweet!" Panunuksong sambit nung tatlo nila Barbie.
Dali-dali namang lumayo yung dalawa sa isa't isa "a... ahm... I... I will get na the icecream. Di-- Diyan muna kayo." Ang nahihiyang sambit ni Dana at sumunod rin naman itong si Sam agad.
"Wait for me!"
Natawa naman si Uno dun sa dalawa habang kumakain kaya nasamid kaya naman binigyan agad siya ni Gaile ng inumin.
"Ayaw kasing mag focus sa kinakain eh."
"Sorry naman. Ang cute lang kasi nung dalawa."
"Damihan mo ang inom baka masamid ka na naman."
"Opo Ma'am."
"Eiiii... Ang cute nyo ring dalawa." Panunuksong sambit ni Barbie.
"Talaga? Bagay kami no?" Sambit ni Uno na para bang masayang masaya na tinutukso sya kay Gaile.
"Heh!" Pagalit na sambit ni Gaile the she bonked him.
"Hahaha... Mukhang fifth wheel pala ko sa inyong 2 couples." Dagdag pa ni Barbie na di parin natigil sa panunukso dun sa dalawa.
"Ah, ganyan ka Bie ha! Porket wala yung tatlong boys mo dito." Sabi ni Gaile.
"Oo nga no? Sayang di natin ka group sila Kenny, Thew at Baron bagay pa naman sana sakanila yung role na prince." Sambit ni Uno.
"Tsss! Wag na rin kung sila lng ang prince isa pa kakasawa na rin ang tatlong yun parati ko nalang silang kasama."
"Ehhh... Instant celebrity na kayo eh." Ani Uno.
"Kakatamad na nga buti nga wala kaming shoot ngayon nakaka pagod din."
"But to be honest ang ganda nyong tignang apat sa tv di ba Uno?"
"Um. Para talaga kayong itinadhana."
"Heh! Tigilan nyo nga ko samga ganyan!"
"Guys!" Bungad ni Baron kasama si Thew.
"A-- Anong ginagawa ng nga yan dito?" Sabi ni Barbie.
At ng makalapit nga yung dalawa kila Barbie pinaliwanag nila Baron at Thew kung bakit sila nadoon rin sa bahay nila Dana.
"Eh? So, yang bahay sa kabila sa inyo?" Pagulat na sabi ni Uno.
"Um. Sakto kasing inutusan ako ni mommy na mag dala ng ulam dito kila Dana and I didn't know na dito pala kayo nag papapractice. Kaya pala parang familiar yung mga boses na naririnig namin ni Thew sa kabila."
"Sus! If I know, nakita nyo ang my day ni Dana at nakita nyo si Barbie na andito." Sabi ni Sam.
Sabay pang umiling sila Thew at Baron at sinabing "hindi talaga."
"Wait, nag my day ka Dana?"
"Oo Bie. Ayaw mo ba?"
"At nasa picture ako?"
"Yes? Remember kanina nag groufie tayo?"
"Hayssss!"
"Wh-- Why?"
Napa buntong hininga nalang si Barbie at bigla namang lumapit yung isa sa mga kasambahay nila Dana at sinabing "Ma'am may naghahanap po sa inyo kaklase nyo daw po."
"May ininvite ka pa dito Dana?" Tanong ni Gaile.
"Ha? Wala naman."
"Ahhh... Alam ko na kung sino." Sabi ni Uno.
"Sino?" Tanong ni Dana.
"Si Kenny! Hayssss... Kainis!" Ang dismayadong sambit ni Barbie.
"Eh?"