webnovel

Chapter 57: Hayysssss

Habang nag da drive naman si Bruce napa tingin sya sa rear view mirror ng kotse nya at napansin nyang may na sunod sa kaniyang itim na kotse at alam nyang si Mr. Tang iyon.

"Hindi pwede ito! Hindi pwedeng masundan ako ni Jeron. Sigurado akong mag dududa na sya at maaaring may alam na sya sa pagkatao ni Barbie."

Nag dahan-dahan sya sa pag mamaneho at lumiko hanggang sa mailigaw nya si Mr. Tang ngunit consistent ito at ayaw syang tantanan kaya huminto na muna sya para tawagan si Kenny.

Kenny: Po? Hindi nyo kami masusundo?

Bruce: Oo ako ng bahala mag sabi sa adviser nyo ni Kelly na hindi muna kayo papasok.

Kenny: Pero dad...

Bruce: Don't worry you still injured right? So you need to rest.

Kenny: Opo pero si Barbie okay naman na po sya tsaka kailangan nya pong humabol sa klase namin bilang transfer student po sya.

Bruce: Ako ng bahala don basta alagaan nyo na muna ang isa't isa at wag mag away susunduon ko nalang kayo dyan kapag pwede na.

Kenny: May nangyare po ba Dad?

Bruce: Wala basta sundin mo nalang kung ano ang sinasabi ko.

Kenny: Opo daddy.

Matapos naman kausapin ni Kenny ang daddy nya hinanap nya agad si Barbie na nawala na naman sa paningin nya.

"Jema, si Barbie nasan nakita mo ba?"

Nainom ng tubig si Jema bago s'ya sumagot "kasama ni Jed."

"Ano?!"

"Chill! Nautusan kasi sila ni mama na kumuha ng dahon ng pandan. Mag bubuko pandan kasi kami lam mo na birthday ni Ka Melchor bukas."

"Pero bakit kailangan kasama pa si Barbie?"

"Ahh... ewan ko actually si Jed lang inutusan ni mama eh parang gusto kasi mag gala-gala ni Barbie eh. Hayaan mo na ito naman!"

"Tsk! Ge dyan ka na."

"Hoy San ka pupunta?"

"San pa sa tingin mo?!"

Pag ka labas ni Kenny syang pasok naman ni Jeno na dala ang isang bilao ng bico na sila mismo ang nag luto ng mama nila.

"San pupunta yon?"

"Nako, ewan ko nga sigurado susundan sila Jed at Barbie."

"Ha? Bakit nasan ba?"

Ipinatong ni Jeno ang dalawa nyang isang bilaong bico sa mesa at uminom ng tubig.

"Pinakuha kasi ni mama si Jed ng pandan ehhh sabi ni Barbie sasama daw s'ya gusto nya kasi makita ang kapaligiran natin. Lam mo na di naman laking probinsya yon gusto mag explode di nya nga alam..."

Di naman na naituloy ni Jema ang sinasabi nya dahil gaya ni Kenny iniwan din s'ya nire. "Hoy!!! Jeno!!!"

"Oh? Bakit ba nahihiyaw ka riyan?" Sambit ni Rosa na dala yung flesh ng buko na ready to make buko pandan.

"Eh kasi Ma sila Jeno at Kenny parang akalang alala na kasama ni Barbie si Jed."

"Sino? Ang kuya Jeno mo?"

"Um. Bakit po?"

"Wala naman di lang ako sanay na aligaga s'ya sa bagong kakilala."

"Nako Ma, wag kayong mag overthink masakit masaktan."

Rosa bonked her "kung ani-ano na naman yang naiisip mo feeling broken ka na naman kahit wala naman. Hala sige hiwain mo na yang jellytin ng tayo eh makapag simula na."

"Opo. Pero Ma tingin nyo okay lang sila?"

"Hayaan mo sila para namang di mo kilala ang mga yon."

"Well, si Jed ang mahirap intindihin."

"Bilisan mo na dyan ikaw ireng nag o-overthink eh."

"Mama naman."

"Heh!"

Samantala sa kuhanan ng dahon ng pandan...

"Oh? Hindi nyo tinatawag na kuya o ate ang isa't isa?" Sambit ni Barbie na nag kukuha ng mga pic ng mga pandan dahil sobrang dami.

"Bakit may problema ba don? Ikaw nga di ko pinoproblema na kasama ka." Sagot naman ni Jed na may dala ng mga dahon ng pandan para sa buko pandan ng mama nya at ni Jema.

"Tsss! Napaka arte mo naman! Gusto ko lang naman mag explore sa lugar nyo. Grabe dahon talaga yan ng pandan? Bakit parang mga damo lang pala no? Pero high class kasi may amoy. Hahahaha...."

"Pffft..."

"Weh? Marunong ka pala lang ngumiti?"

"Tsss!"

"Okay, for the bad mood na naman ang nga person."

"Tigilan mo nga ko! Dyan ka na."

"Teka! Wag mo kong iwan dine."

"Bahala ka dyan."

At nag madali na nga si Jed at for the habol naman ang mima n'yong si Barbie gang sa natinik ang paa nya sa natapakan nyang kahoy na may tinik-tinik.

"Ano ba kasing mata ang meron ka?!"

"Wow ha?! Nakakahiya naman sa salamin mo."

Lumabo ang mata ni Jed dahil sa nakaraan nyang aksidente.

"Tsk! Bakit kasi sumama sama ka pa! Ano na ng gagawin natin?"

"Hayssss... gusto ko bang matinik? Bakit kaso madaling madali ka! Ayan tuloy di ko nakita na may tinik na pala akong natapakan! Tapos parang kasalanan ko pa!"

"Aba alangan naman ako? Sino ba yung tangang nakayapak sa tinik ha aber?"

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga! Iwan mo na ko! Kainis!"

Pero di na gawang iwan ni Jed si Barbie dahil nakunsensya syang bigla kaya binuhat nya nalang ito ng sa pilitan.

"Anong gagawin mo? Ibaba mo ko!"

"Tahimik!"

"Ibaba mo na nga ko! Ayoko mag ka utang na loob sa taong gaya mo!"

"Huh! Ano? Taong gaya ko? Bakit ano bang tao ako para sayo?!"

Di naman makasagot si Barbie na napatitig nalang kay Jed na nakatitig rin sa kaniya.

"Anong ginagawa nyo?!" Ang sambit ni Kenny na biglang sumulpot out of nowhere at ganoon rin si Jeno na hingal na hingal pa.

"Jed, anong nangyare kay Barbie? Ano na naman ang ginawa mo?!" Sambit naman ni Jeno.

"Ayos ah! Ako na nga yung tumutulong ako parin yung masama? Hanep!" Ang pagalit na sagot ni Jed at iniabot si Barbie kay Kenny "ikaw na ang mag buhat sa kaniya natinik ang paa nya." Dagdag pa nya at umalis.

"Jed! Bumalik ka rito." Pahabol na sambit ni Jeno.

"Sige Bro ako ng bahala kay Barbie."

"Sigurado ka? Injured ka pa."

"Um. Ayos lang ako. Sundan mo nalang si Jed baka kung ano na naman gawin nun."

"Sige, sige... Iuwi mo agad si Barbie para matanggal ang tinik sa paa nya."

"Oo sige."

Pagka alis naman ni Jeno natahimik ang kapaligiran at walang gustong maunang mag salita kila Kenny at Barbie.

"Ahm...Ano..." sabay pa yung dalawa sa kanilang reaction.

"Hayssss... bakit kasi ngayon ka lang?!" Ang nainis ng sambit ni Barbie.

"Ano?! Ako pa ngayon?! Sino bang may sabi na lumabas ka at sumama ka pa talaga kay Jed?! Huh! Ayos ah!"

"Tsss! Tara na nga ang sakit na ng paa ko! Gusto ko ng umuwi! Wala pa ba si Uncle?"

"Di nya tayo susunduin ngayon."

"Ha?! Pero may pasok na tayo."

"Alam ko pero di tayo masusundo ni dad tumawag na s'ya sakin kaya wala ka ng marereklamo dyan."

"Bakit kasi?! May kailangan pa akong gawin eh. Paano na ko makakahabol sa klase? Tapos di ko pa natapos yung camping paano na ko?! Bagsak na?! Ganon!"

Nag simula naman ng mag lakad si Kenny habang buhat si Barbie "kumapit ka ng maayos at wag ka ng mag dadaldal pa riyan si dad na ang bahala kaya wag ka ng mag reklamo dyan. Busy si dad kaya intindihin mo hindi lang s'ya principal isa rin syang kapitan ng baranggay sa tingin mo ba maraming free time si daddy?"

Di naman na nakapag salita si Barbie dahil bigla syang nahiya.

"Wag kang mag alala pag sinabi ni dad na s'ya ang bahala maniwala ka tsaka hindi naman kita pababayaan tutulungan kita sa mga late mong subjects. Kaya wag ka ng mag maktol dyan di na naman maipinta yang mukha mo."

"Tsss! Ewan!!! Mag pinsan nga kayo ni Jed parehas kayong epal!"

"Ano?! Wag mo nga akong ikumpara sa isang yon! Di hamak na mas matino ako sa kaniya."

"Talaga ba? May matino bang hindi marunong mag patawad?"

Naging seryoso bigla ang tingin ni Kenny kay Barbie "anong sinabi ni Jed sayo habang kasama mo sya?"

Barbie smirked "oooohhhh... now you're curious?!"

"Barbie sinasabi ko sayo iiwan kita dito kapag di mo sinabi."

"Problema mo? Galit na galit?"

"Tigilan mo ko di na ko natutuwa!"

***

Lumipas ang ilang araw nakapasok rin sila Kenny at Barbie at namiss naman sila ng kanilang mga kaklase lalo nila Gaile at Dana para kay Barbie.

"Um. Ayos naman na ko nung nakaraan pa nga sana ako papasok kaso nasa Quezon kasi kami." Sambit ni Barbie habang nakaupo katabi sila Gaile at Dana.

Si Dana ay naging ka close na ni Barbie nung simula nung nag camping sila na kahit si Gaile ay naging ka close na rin nito.

"Ano? Bakit pala napunta ka dun? Kasama rin ba si Kenny?" Tanong ni Gaile.

"Of course she's not it's Kenny kasi di na nga mag pinsan sila." Sambit naman ni Dana at nagkatinginan naman sila Barbie at Gaile na para bang naging awkward.

"He... He... Oo naman mag pinsan sila. He... He..."

Pangiti ngiti lang naman itong si Barbie kay Dana na para bang nahihiya dahil nga alam ni Gaile na di talaga pinsan ni Kenny itong si Barbie.

"Dre, ayos ka na bang talaga?" Tanong naman ni Uno kay Kenny na busy mag basa.

"Mga ilang ulit pa? Isa pa sasapakin na kita!"

"Chill, nag aalala lang naman kasi ako ilang araw rin kasi kayong di pumasok ni Barbie. Mukhang na miss ng girls si Barbie kesa sayo."

"Tsss!"

"Nga pala, nabalitaan mo ba?"

"Ang ano naman?"

"Si Thew."

Napatigil naman sa pag babasa nya itong si Kenny at isinara ang libro nyang binabasa at ibinaba sa mesa ng chair nya.

"Anong meron kay Thew?"

"Actually wala namang bago kaso simula kasi nung absent si Barbie parang bumalik na naman sa dati nyang gawain si Thew. Madalas na naman syang hindi napasok sa klase kaya ayon madalas syang napapatatawag sa teacher's office."

"Yun na yon?"

"Dre naman... hindi ka ba man lang magugulat don? Number one teacher's enemy na naman sya at pag ganun baka bumagsak sya."

"Di babagsak yon baka nga ikaw pa bumagsak kapag di ka pa mag review!"

"Para naman tung ano eh."

"Kilala mo si Thew kahit di yun pumasok ng klase mag basa lang s'ya ng topic sa isang subject kaya nya ng sagutan ang test paper nya ng walang pa tumpik-tumpik pa. Tandaan mo mas mataas pa rin ang grade nya kesa sayo kaya wag mo na syang alalahanin."

"Pero Dre, kapag di s'ya nag seryoso maaari na syang matanggalan ng scholaship."

"Ano naman? Kahit naman mawala ang scholarship nya kaya syang pag aralin ng parents nya."

"Sabi na wala kang alam."

"Ng ano ba?"

"Na scam ang parents nya."

"Ano?! Paano?"

"Di ko alam pero tsismis na yun ngayon dito sa campus."

"Nasan s'ya ngayon?"

"Di ko alam. Minsan kasi di ko na talaga yun nakikita dito."

Tumayo si Kenny at inayos ang mga gamit nya.

"San ka pupunta?"

"Kakausapin si Thew."

"Ha? Pero di nga natin alam kung nasan s'ya ngayon di na rin s'ya nag papraktis ng baseball."

"Ano?! Kailan pa?"

"Simula nung natapos ang camping di na s'ya nag laro ng baseball."

"Baliw na talaga ang isang yon."

At lumabas na nga ng classroom nila itong si Kenny na sinundan naman ni Uno at nakita yon nila Gaile.

"San sila pupunta eh mag start na ang klase." Sambit ni Dana.

"Baka may bibilhin sa canteen." Opinyon naman ni Gaile.

Tumingin lang naman si Barbie kila Kenny at di na umimik.

Nächstes Kapitel