webnovel

Chapter 54: What???!!

Kinabukasan sa bahay nila Kenny...

"What are you doing? Nasan si ate Chinchay? Bakit ikaw ang nag luluto?" Tanong ni Kenny kay Barbie na nasa kitchen nga at nag luluto ng breakfast nila.

"Bayan! Agang aga ang dami ng tanong."

"Ehh... kasi nga... Teka nga! Ano naman kung mag tanong ako? Eh pamamahay ko naman ito?"

"Huh! Oo na wag mo ng ipamukha tsong! Daming sinasabi!"

"Tsk! Maupo ka na nga ako na dyan."

"Pinagsasabi mo? Kita mo ngang di mo pa maigalaw yang kamay mo eh epal ka dyan! Tsaka wag kang mag alala nag luluto ako dahil gutom na ko hindi dahil lang sayo! Tsss! Assuming!

"Sya sige! Mag kaniyahan tayo!"

"Talaga! Mag luto ka ng sayo! Humph!"

Kinuha ni Barbie ang naluto na nya ng fried rice with hotdog and egg may kasama pang hot choco.

"Napaka talaga!" Pabulong ni Kenny pag alis ni Barbie sa kitchen.

Samantala,

Sa may Campsite....

"Oh, bakit parang hindi ka naman dyan nakatulog?" Tanong ni Dana kay Sam na na inom ng coffee sa labas ng tent nila.

"Oo di ako dinalaw ng antok."

"Talaga ba Sharmaine? Oh baka naman... namiss mo na agad si Barbie."

"Baliw! Pero dahil sa kaniya kaya ako di nakatulog."

"Hala!!! Are you into her na? Well, she's cute naman kasi and very charismatic bait-bait pa."

"Ikaw naman ata ang may gusto kay Barbie eh. Para kang si Gaile kapag dinedescribe si Bie. Straight ba kayo? O baliko na?"

Dana bonked him "ungas! Gusto mong mabugbog?"

"Pero napansin mo simula nung dumating si Barbie marami na ang nag bago sa klase natin."

"Hmm?"

"Tignan mo gaya ngayon nag uusap tayo samanatala dati ni hi o hello wala akong maririnig sayo ngayon ang daldal mo pala."

"Sampalin na kaya kita?"

"Hahahaha... Loko lang, pero hindi mo na napapansin parang naging masaya ang klase natin yung mga di natin baka kausap ngayon sila pa ang nauuna sa ingay. Gaya ni Thew at Kenny dark di ba ni ayaw mag salita ni Kenny pag nasa classroom si Thew tapos si Thew naman dati puro varsity ang inaatupag ni di na nga natin makitang pumapasok. Ngayon, sumama pa sa camping."

"Ehhh... crush nya si Barbie eh kaya ganon eh ngayong wala dito si Barbie sa tingin mo ba magiging active pa sya?"

Napalingon naman si Sam sa area nila Thew at nakita nakikinig ito ng music habang naka headset.

"Mukha tatamarin nga ang luko."

"Sus! Ikaw rin naman."

"Tse! Di ko crush si Barbiez."

"Don't me Sam parati ka ngang concern sa kaniya eh."

"Ginagawa ko lang yon dahil inutos ni..."

"Ni no? Sino ang nag utos?"

Napatigil at nag isip ng sasabihin si Sam.

"Muntik na kong madulas dun ah malilintikan ako kapag may naka alam na anak ni Director Tang si Barbie."

"What now? Bakit natulala ka na dyan?"

"Ha? Wa— Wala si Kenny talaga nag utos sakin nun syempre ka group ko si Barbie tapos pinsan nya ito kaya pinababantayan lang alam mo namang friends kami ni Kenny. Ha... Ha... Ha..."

"Weh? Parang di naman."

"Wag ka nga! Tara mag hanap na nga lang tayo ng kahoy. Tayo naka assign daw eh."

"Eh? Tayo? Wala bang iba? Charizzzz!!! Hahahaha...."

"Ewan!"

At iniwan na ni Sam si Dana pero sumunod naman agad ito sa kaniya.

Sa mag ka parehong oras nainom rin ng coffee nya itong si Director Tang habang nasa cottage at naka tingin sa malayo.

"Sir, eto na po ang phone nyo." Sambit ni Drei.

"Thanks. Hanggang kailan nga tayo ulit dito?"

"Sir?"

"Hindi ko naman kailangan na palaging andito right?"

"Pero Sir, nalimutan nyo na po ba na pina-cancel nyo lang ng agenda nyo for one week para po dito."

"You're right but tell eveyone na I'm free let's schedule the meetings."

"Po? Eh paano po dito?"

"I'm the director right? At andyan naman si Bruce bilang sya ang principal at May mga teachers pa kaya they don't need here kaya aalis tayo mamaya."

"Sir, kaya po na nag bago ang isip nyo dahil kay Ms. Barbie?"

"Is there a problem Drei?"

"Wa— Wala po Sir. Ang akin lang po kasi baka makahalata si Mr. Principal."

"I don't care Drei! Wala akong pakilam after all I'm the boss here! Gagawin ko ang gusto ko. Aalis ako kapag gusto ko! Understand?!"

"Ye— Yes Sir."

"Nagawa mo na ba ang ipinaguutos ko?"

"Yes Sir nasabi ko na po kay attorney ang pinasasabi nyo."

"Then? What did he said?"

"Bu— Bukas pa po raw nya maibibigay yung hinihingi nyong papers."

"Good. Now, prepare the car gusto ko ng umalis dito."

"Ye— Yes Sir. Ahm... Ano po ang sasabihin ko sa mga teachers at kay Mr. Principal?"

"It's up to you wala akong pakialam."

"O— Opo."

***

Naging nadudungis ang lahat ng students para sa activity nila ng araw na yon dahil sa putikan ang area ng activity.

"Ang daya naman nila Pink Group puro pala vasity ang nandun halos kaya mananalo talaga sila sa tug of war." Sambit ni Uno.

"Kahit pa sila ay varsity kung lelembot lembot ka edi wala rin." Sagot naman ni Gaile.

"Sinong lelembot lembot? Baka ikaw."

"Huh! Ako pa nga daw eh mas malakas pa nga ko sayo."

"Wag na kayong mag away bumawi nalang tayo." Sagot naman ni Carmie.

"Opo Senior."

Sa ibang team naman nag sisimula ng mag linis ng kanilang mga katawan habang yung iba na nakatapos na nag sisimula na ulit maghanap ng mga cards.

"Boss, sigurado po ba kayo?" Tanong ni Marvick kay Aljon habang nasa kakahuyan sila at nag hahanap ng cards.

"Oo uuwi na ko bukas."

"Pero hanggang Friday pa po camping."

"I don't care, isa pa pamilya pa rin naman namin ang pinakamalaki ang donation sa Academy kaya I can do anything what I like. Kaya tawagan mo na si Jasper ipasunod mo na ko bukas ng umaga."

"Pero Boss... ano po ang sasabihin ko kila teacher? Baka mapagalitan kayo."

"Basta sabihin mo masama ang pakiramdam ko tsaka walang magagawa ang mga teachers o kahit ang principal kapag si daddy na ang tumawag."

"Sige po."

"Bilisan mo na dyan gusto ko ng bumalik ng tent ang init!"

"Boss, hindi nyo po ba man lang kakamustahin ang kapatid niyo si Ma'am Rhea?"

"For what? Kasalanan naman nya kaya sya nagka ganon. Tsaka binabantayan na sya ni mommy. Okay na yon."

"Sige po. Pero Boss kaya po ba gusto nyong umuwi na dahil dun kay Barbie?"

"Wha— What? Anong pinagsasabi mo? I... I just want to relax nakakabwiset na dito ang init walang aircon, walang WiFi! Dang it!"

Sa isip-isip naman ni Marvick "talaga lang ha? Kaya pala nag padala pa kayo ng kama sa tent nyo humahagok nga kayo. Tsss!"

Meanwhile,

Sa cottage ng mga teachers...

"Ha? Umalis na si Director?" Tanong agad ni Sir Perez.

"Oo may kailangan raw gawin sa Manila kaya kailangang makauwi agad." Sagot naman ni Sir Mariano.

Sa isang gilid naman habang nag uusap usap ang nga teacher may sarili ring topic sila Ms. Elmundo at si Principal Bruce.

"Sa tingin mo dahil kay Barbie kaya umalis agad si Director Tang ng camp site?"

"Oo, sigurado akong ganun nga kaya gumawa na ko ng paraan para mai lato sa kaniya si Barbie."

"Eh? Don't tell me itinago mo sya?"

"Exactly!"

"Ha? Hoy! Teacher ka at alam mo ang tama sa mali ano bang naiisip mo ha, Bruce?"

"Alam ko, pero para kay Amanda itatago ko si Barbie kay Jeron Tang."

Sa mag kaparehong oras...

"Ano? Bakit naman tayo pupunta ng Quezon?" Tanong ni Barbie kay Kenny habang papasakay na ng kotse.

"Wag ka ng maraming tanong. Kuya Poy, tara na."

"Oo sige."

Sa Quezon Province nakatira ang halos lahat ng kamaganak nila Bruce. Andoon rin ang ate at ang bunso nitong kapatid kung saan manunuluyan pansamantala sila Barbie at Kenny.

Hindi naman maintindihan ni Kenny bakit biglaang nag desisyon nag daddy nya na umuwi sila ni Barbie sa Quezon Province. Dahil matagal ng panahon na hindi sila mag ama nag tutungo roon dahil sa busy schedule bilang kapitan si Bruce ng kanilang Barangay at SK Chairman naman si Kenny.

Kanina bago bumiyahe sila Barbie at Kenny papuntang Quezon Province...

Kausap ni Kenny ang daddy nyang si Bruce over the phone.

Kenny: Po? Pero daddy, okay lang naman po ako tsaka bukas naman po eh papasok na si ate Chinchay kaya wag na kayo mag alala. Hindi na namin kailangan pang mag punta ng Quezon.

Bruce: Son, makinig ka mauusap tayo ng masinsinan pagtapos nito pero gawin mo na muna ang sinasabi ko. Umalis na ng camp site si Director Tang at sigurado akong mag tutungo sya dyan kaya mag madali na kayo ni Barbie na umalis para di kayo maabutan dyan sa bahay.

Kenny: Ho? Daddy, ano bang pinagsasabi nyo? Bakit kailangan naming mag madali umalis? At bakit pupunta dito si Director Tang? Hindi ko po kayo maintaindihan."

Bruce: Basta! Gawin mo ang sinabi ko bago na tayo mag usap pag tapos ng nga ganito. Umalis na kayo ni Barbie ng bahay ngayon din.

Kenny: Si— Sige po.

Matapos mag usap ng mag ama sinabihan ni Kenny na mag ayos na ng gamit si Barbie dahil nga pupunta sila ng Quezon.

"Quezon? Bakit?"

"Hindi ka ba tinext o tinawagan ni daddy?"

"Naka charge ang phone ko."

"Then open it para malaman mo. After 15minutes aalis tayo kaya bilisan mo na mag impake."

At pumasok na ng kwarto nya itong si Kenny. Pero kumatok namang agad si Barbie pero hindi sya pinagbukasan ni Kenny ng pintuan.

"Hoy! Hindi pa ako tapos mag tanong!"

"Bahala ka! Kung ayaw mong sumama mag isa ka dito pero tandaan mo wala kang kasama na di taga rito kaya kung ako sayo bilisan mo na!"

"Huh! Edi Wow! Sasabihin ko kay unlce na mag papaiwan nalang ako dito!"

Binuksan ni Kenny ng bahagya yung pintuan...

"It's your choice, after all hindi naman kita ka ano-ano at nakakahiya naman kay daddy na parating concern sayo kesa sakin!" At sinarado nya ang pinto.

"Kenny!!!! Bwiset ka talaga kahit kailan!!!"

At dali-dali narin namang nag impake ng gamit nya itong si Barbie dahil naisip nya yung sinabi sa kaniya ni Kenny.

Habang nasa kwarto naman si Kenny at mag iimpake...

"Ano bang nangyare? Bakit parang feeling ko itinatago ni Dad kay Director Tang itong si Barbie? Ano bang relasyon ang meron sa dalawang yon?"

Napaisip sya at kinuha ang cellphone nya at may tinawagan...

"Opo ako nga po ito si Kenny. Kamusta po? May gusto lang po sana akong itanong...."

"."

Nang makarating sila Barbie at Kenny sa Quezon Province...

Sa isip-isip ni Barbie pagbaba nya ng kotse "Oh, in fairness okay naman pala dito parang mga bahay sa Manila. Pero ang hangin ang fresh..."

"Kenny? Ikaw na ba yan?" Sambit nung isang babae na sumalubong kay Kenny na animo'y tita nya at nag si labasan naman yung ibang tao dun sa bahay na tutuluyan nila Barbie.

"Long time nosy pinsan." Ang sabi naman nung isang binatang lalaki.

"He... sorry kung ngayon lang naka bisita it's been a while. Na miss ko kayong lahat."

Niyakap naman ng mahigpit ng mga kamaganak nya itong si Kenny.

"Cough! Nga pala, si..." napatigil naman si Kenny dahil wala sa likuran nya si Barbie. "Eh? Nasan si Barbie?"

"Barbie? Sinong Barbie?" Sabi nung tita nya.

"Yung kasama ko ho. Teka bumalik po ata sa kotse sandali lang."

At pinuntahan nga ni Kenny si Barbie sa kotse...

Knock... Knock...

"Lumabas ka na dyan! Kung ayaw mong dyan ka na lang matulog."

Binuksan naman agad ni Barbie yung pintuan ng kotse at nakita ng mga kamaganak ni Kenny ito at namangha.

"Wow! Ang puti naman nya at ang ganda." Anila.

At nung pinababa na nga ni Kenny si Barbie isinama agad nya ito para ipakilala sa mga kamaganak nya.

"Family, meet Barbie she is..."

"Your girlfriend?" Anila.

"Nak, Kenny.... alam ba ng daddy mo na tinanan mo sya? Kababata nyo pa!" Sabi nung tita ni Kenny na sumalubong kanina.

"No way!" Sambit naman ni Barbie at na gulat ang lahat.

"Ha... Ha... Ha... pasensya na medyo hindi kasi sya sanay sa mga ganireng kaganapan la kong Manila kasi sya." Ang nahihiyang sambit ni Kenny.

"Ohh... Manilaña pala sya." Anila.

"Opo pero hindi ko po sya girlfriend pero kinakapatid ko po sya inaanak po sya ni daddy at kasalukuyan kasama po namin sya sa bahay."

"Kasama?" Anila.

"Ah... Eh... Mahayana kwento po eh."

"Hayaan mo akong bahala mag kwento sa kanila." Bungad naman ng isang lalaki na animo'y teenager pa.

"Uncle Bruno!" Salubong ni Kenny at niyakap nya ito.

Nag taka at napaisip naman si Barbie "ano daw? Uncle? Eh parang kuya lang ni Kenny yon ah. Ang weird naman ng pamilyang ito kung hindi kung mag react parang mga abno na di sanay makakita ng taong taga Manila. Bayan! Parang ngayon palang gusto ko ng umuwi. Bakit kasi kailangan dito pa kami mag tigil? Boring!"

Matapos ang ilang minuto na pag papaliwanag nakatingin na ang lahat ng kamaganak anak ni Kenny kay Barbie habang naka upo roon sa sofa sa sala.

Hinila ng bahagya ni Barbie si Kenny at bumulong "bakit ganyan sila?"

"Tsk! Mag pakilala ka sakanila."

"Na naman? Bayan!"

"Magpapakilala ka o mananahimik lang at tititigan ka lang nila ng ganyan?"

"Hayssss!!! Bwiset!!!"

Tumayo si Barbie at nag pakilala... "Ahm... sorry po kung kasama po ako ni Kenny."

"Bakit ka nag sosorry?" Sambit ni Kenny sa mahinang boses.

Lumapit naman yung tita ni Kenny na sumalubong sa kanila kanina "don't worry its okay masaya nga kami na andito ka kung hindi dahil sayo hindi yan uuwi dito eh."

"Tita naman..."

"Heh! Nga pala ako si Rosa kapatid ako ng daddy ni Kenny you can call me tita Rosa."

Barbie smiled "sige po auntie I mean tita Rosa."

Hinila naman ni Rosa ang dalawa nyang anak na si Jema at si Jeno.

"He— Hello sa inyo my name is Barbie nice to meet you."

Natuwa naman si Jema dahil May makakasama na syang babae sa room nya at gusto pa nitong katabi sya.

"Ha... Ha... Si— Sige..." Ang awkward na sagot naman ni Barbie na na tingin kay Kenny pero iniiwasan sya nito.

Sa isip-isip ni Kenny "bahala ka dyan ganti ko yan sayo para sa kaninang umaga. Humph!"

Alam ni Kenny na ayaw ni Barbie na may katabi sa kama kaya lalo nya pa itong iniinis sa hindi pag pansin dito.

"Jed!" Pa sigaw na sambit ni Rosa sa anak nyang kararating lang.

Hindi naman kumibo yung Jed at lumapit lang.

"Bro! Long time nosy." Sabi ni Kenny.

Nag nod lang si Jed "nak, may kasama si Kenny si Barbie ang ganda niya di ba?"

Dedma lang si Jed na parang walang pakialam kay Barbie.

Sa isip-isip naman ni Barbie "huh! Mag pinsan nga sila ni Kenny epal."

Nächstes Kapitel