"Barbie? Barbie?!!"
"Mmm? Uncle Bruce!!!"
Nagising si Barbie sa isang tent at naroroon ang uncle Bruce nya na niyakap nyang agad pag mulat nya pa lang ng mata nya at naroroon rin sila Sir Mariano, assistant Drei at si Director Tang na biglang na dismaya ng makita nyang yakap ni Barbie si Principal Bruce.
"Sir, ayos lang po ba kayo?" Pabulong na sambit ni Drei kay Mr. Tang.
"Yeah..."
Kinamusta naman agad ni Sir Mariano si Barbie bilang sya ang adviser nito "ayos lang po pero yung gagamba po kanina....Boohoo...Uncle!!!"
"Calm down nak. Everything is okay wala ng gagamba nasa tent ka na."
Nag pa linga-linga naman si Barbie at napansin nyang wala si Kenny doon.
"AHHHH!!!"
Naitulak naman ni Mr. Tang si Bruce sa sobrang pag aalala nito kaya tinanong agad nya si Barbie "san masakit? Drei, call 911 kailangan na natin syang dalhin sa hospital!!!"
Naalalayan naman agad ni Sir Mariano si Principal Bruce na muntik ng matumba.
"Si--- Sir..."
"I'm okay."
Pag tayo ni Principal Bruce he approached Mr. Tang at tinabig nya ito.
"Nak, ayos ka lang? May masakit ba sayo?"
Nagkatinginan naman ng masama sila Bruce at Mr. Tang.
"Ayos lang po ako. Nagulat lang po kasi ako na wala si Kenny nailigtas po ba sya Uncle?"
Bruce smiled secretly "okay lang si Kenny nasa kabilang tent sya wag kang mag alala."
"Yung kamay nya po? Okay lang po ba?"
"Oo nalapatan na ng lunas nag papahinga sya nawalan kasi kayong parehas ng malay."
Nag madali namang tumayo si Barbie "where are you going? You need to rest." Sambit agad ni Mr. Tang.
"Okay na po ako director salamat po sa concern. Gusto ko lang po na makita si Kenny."
"Pero... you have a bruises you need to rest and..."
"Go ahead nak, nasa kabilang tent lang sya." Sambit ni Bruce na tumingin kay Mr. Tang na parang ng iinis.
"Sige po uncle."
Pag labas ni Barbie nag iba na ang atmosphere sa loob ng tent "Director Tang... can we talk outside?"
"Huh! Fine. Drei, Sir Mariano you guys check the students."
"Yes Director." Anila.
Samantala ng lumabas naman si Barbie ng tent kinamusta agad sya ng mga ilang students na nakakita sakaniya na busy sa kani-kanila nilang ginagawa bilang malapit na silang mag dinner.
"Bie!" Bungad ni Thew.
"Oy."
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Ayos naman na. Si Kenny?"
"Pardon?"
"Si Kenny gusto ko syang kamustahin."
"Ha? Pero...halika kumain ka na muna."
"Mamaya nalang di pa naman ako nagugutom gusto ko munang makita si Kenny."
"Ahm...wag kang mag alala ayos lang naman sya." Hinawakan nya ang kamay ni Barbie para sana ilayo sa tent kung nasan si Kenny pero biglang may lumabas sa tent.
"Barbs!" Bungad ni Uno.
"Oy, andyan ba si Kenny?" Tanong agad nito at kumawala sa pag kakahawak sa kanya ni Thew na biglang na disappoint.
"Ah. Oo andun rin sila Gaile at Sam pati yung grade 7 na si Con pasok ka hinahanap ka na rin ni Kenny eh. Kukuha lang ako ng tubig na maiinom nya."
"Okay sige."
"Um."
At pumasok na nga sa tent si Barbie at wala namang nagawa si Thew kung hindi sumunod.
"Bie!!! Ayos ka na?" Bungad agad ni Gaile at pinaupo sa tabi nya ito.
"Um. Ayos na ko sorry kung pinagalala ko kayo."
Nagkatinginan sila Barbie at Kenny pero umiwas agad si Kenny dahil nakita nya si Thew na nasa likuran ni Barbie at di pa napasok sa tent.
"Masikip na dito, Con halika na muna sa labas." Sabi ni Sam.
"Sige po Senior."
"Labas na muna kami guys. Mag pahinga ka bro."
"Oo salamat." Sagot ni Kenny habang nakahiga.
Nag paalam na rin sila Sam kila Barbie at masaya ito na okay na ang kaibigan nila.
"Oh, Thew... aba'y pumasok ka." Ang sabi ni Gaile.
"Ah... Oo..."
Tinignan naman ni Gaile mula ulo gang paa si Barbie "thank goodness na okay ka naman kaso yang mga bruises mo.... May masakit ba sayo? Sobra kaming nag alala sayo eh lalo na nung sumigaw ka. Kala namin kung na paano ka na. Takot ka pala sa gagamba?"
"Pffft... hahaha..." Reaction ni Kenny.
"Tsss! Anong nakakatawa ha? Epal!"
"Ang siga mo parati simpleng gagamba lang lumabas na ang version 2.0 mo?"
"Heh! Papansin ka pasalamat ka injured ka."
Hinipo naman ni Kenny ang kanang kamay nya "ito ba? Maliit na bagay para namang dika pa sanay sakin mas mahirap pa ang punishment dito sakin ni dad eh."
"Punishment?" Tanong ni Gaile.
"Ah... wala yon dinidisiplina lang ako ni dad."
"Ikaw kasi lagi kang pasaway." Sabi ni Barbie na pinopoke yung may bandage na kamay ni Kenny.
Ang sama naman ng mukha ni Thew na di maipinta dahil nag seselos.
"Huh! Malayo sa bituka lalaki sya Bie kaya wag kang mag alala kay Kenny. Kung ako yung kasama mo ron di ko hahayaan na madapuan ka ng kahit anong insekto." Pag mamayabang na sambit naman ni Thew.
Sa isip- isip ni Gaile "umandar na naman ang pagiging competitive nya."
Kenny smirked "oh... Isa nga palang varsity ang dakilang si Matthew. Kayang kaya ang lahat kahit na delikado ang sitwasyon. Galing...Tsss!"
"Talaga! Sa ganoong sitwasyon magagamit ko talaga ang lakas ng katawan ko para ma lift ko si Barbie. Eh ikaw? Huh!"
"Oh, tama na yan. Baka san pa mapunta ang usapan nyo." Sambit ni Gaile na inawat yung dalawa at tinanong naman nya si Barbie dahil bigla itong nanahimik. "Sigurado ka bang ayos ka lang Bie?"
"Um. Naisip ko lang na sobrang naging careless ako kung nakinig lang ako kila Uncle Bruce at Kenny kanina na mag palit ako ng shoes edi sana walang nasaktan."
Bumangon naman agad si Kenny na nahirapan dahil nagkaroon rin pala ito ng sugat sa tagiliran nito ng mahulog sila ni Barbie.
"Wait...ayos ka lang? May sugat ka sa tagiliran mo?"
"Ah... Wala ito."
"Anong wala? Buti nga di kayo nag pagulong gulong gang baba ni Barbie. Kung hindi napahamak na talaga kayo." Sabi ni Gaile.
"Teka, nag pagulong gulong? Kami?"
"Hindi mo ba maalala? Nung natakot ka kasi sa gagamba nag slide yung paa mo nung i-rerescue ka na tapos..."
"Gaile, tama na."
"Pero Kenny, muntik na ngang matusok yang likuran mo nung gumulong kayo pababa ni Barbie."
Barbie pushed Kenny mildly "aray!!! Ano bang ginagawa mo?"
"Oh my... ang dami mong galos sa likod."
"Ayos lang ako wag mo kong alalahanin."
"Pero... kasi..."
Kenny turn around and hold Barbie's hand "don't worry okay? I'm fine, kesa naman ikaw yung nasaktan hindi maganda sa babae ang puro galos. Isa pa, you're my responsibility ibinilin ka sakin ni tita Amanda kaya natural lang na alagaan kita."
"Hayssss!!! Hindi ba sabi ko don't look down on me? Hindi ako mahina!!!"
Kenny patted Barbie's head "I know pero I need to protect you from spider. Pffft!"
"Kenny!!!"
Gaile smiled and napatingin sya kay Thew at napabuntong hininga nalang sya kaya inaya nya na muna itong lumabas ng tent.
"Eh? Sa-- Sandali lang si... si Barbie..."
Gaile pushes him away from the tent "ayos lang sya." Aniya habang sinasara yung tent.
"Gaile!!!"
"Tumigil ka nga! Tignan mo nga yang sarili mo para ka ng sasabog sa selos."
"Huh! Ano? Sinong nag seselos? Ako?! Asa ka!"
"Tsss! Don't me bruh! Mag kababata na tayo ni Kenny kaya kilalang kilala ko na kayong dalawa. Tsaka, halata namang nag seselos ka no! Competitive yarn?"
"Pinagsasabi mong competitive?"
Gaile bonked him "tigil tiglan mo nga ko ng kaartihan mo alam kong lumalabas yang pag ka competitive mo pag inis ka at nag seselos. Kahit di mo sabihin alam kong gusto mo si Barbie kayo ni Kenny parehas nyo syang gusto."
Naupo si Gaile sa isang tabi malayo sa mga students at nakiupo rin si Thew.
"Bakit ikaw? You like her too right?"
Tinakpan naman no Gaile agad ang bibig ni Thew at nag pa linga- linga sa kapaligiran "ang ingay mo!!!"
"Mmm..."
Nakita ni Uno yung ginagawa nung dalawa na papunta sana sa tent ni Kenny.
"Brader!" Bungad ni Sam na ginulat si Uno at inakbayan nya pa nga ito.
"Ano ba?!" Inalis nya ang braso ni Sam sa balikat nya.
"Ah, nga pala wag ka na muna pumunta sa tent hayaan mo na muna sila Kenny at Barbie dun."
"I know."
"Oh, bakit wala ka ata sa mood? Ang tagal mo kasi san bang ilog ka pumunta at ang tagal mong kumuha ng tubig?"
Uno grasps the water bottle furiously and left Sam alone.
"Uno!"
Napatingin sya sa tinitignan ni Uno kanina bago nya ito lapitan at nakita nya sila Gaile at Thew na nag kukulitan.
"Ohh...kaya naman pala ang isang yun eh nag highblood. Poor Uno... ano naman kasing laban nya sa isang Thew? Tapos kababata pa? Hayssss...ang komplikado nila."
"Cough!"
May biglang sumulpot sa likuran ni Sam at nagulat ito na si assitant Drei ang nakita nya.
"Si--- Sir..."
"Come with me, the director is summoning you."
"O--- Opo."
Sam come along with Drei secretly...
***
Ang pangyayare kanina bago pa man mapunta sila Barbie at Kenny sa kani-kanilang tent.
"Bie, just stay still okay? May pababa ng rescuer, dyan ka lang okay? Kapag gumalaw ka baka madulas ka na naman at di na kita mahawakan pa." Sabi ni Kenny na sobrang sumasakit na ang kamay dahil nararamdaman nyang nabaon na sa mga palad nya yung tulis ng hawakan ng bolo na natanggal ang nakatali ng madulas sila ni Barbie.
"Um. Promise di ako gagalaw, ikaw? Ayos ka lang? Yang kamay mo ang dami ng dugo."
"Ayos lang ako, basta wag kang gagalaw kahit anong mangyare. Okay?!"
"Oo na nga! Stop bothering me!"
Kenny sighed and he thought "kahit kailan ang bilis uminit ng ulo nya."
"AHHHHHH!!! May gagamba!!!"
"BARBIE!!!!"
At dumulas na nga si Barbie sa punong kaniyang tinatapakan kaya bumitaw si Kenny sa hinahakan nyang bolo na nakatarak sa puno.
"Sabi ko naman sayo wag kang malikot!!!" Sambit ni Kenny habang yakap nya si Barbie na wala na palang malay at nag papagulong gulong na nga sila pababa.
Buti nalang may kapatagan silang napaghintuan ngunit nasaktan ng lubusan si Kenny dahil medyo matinik sa bahagi ng bangin kung san sila nahulog at kubg wala pang kapatagan dun baka tuluyan na talaga silang nahulog at di na nakaligtas pa.
"A....Aray..." Reaction ni Kenny at pag mulat nya nag alala sya dahil walang malay si Barbie.
"Bie! Hoy! Barbie!!! Gising!!!"
Dahan-dahan nyang inilapag si Barbie at pinulsuhan nya ito at nakahinga naman sya ng malalim "buti nalang nawalan lang pala sya ng malay. A... Ang sakit ng likod ko... TULONG!!!! ANDITO PO KAMI!!!"
At unti-unti na ngang nawawalan ng malay si Kenny dahil sobrang pagod at ang sakit na ng katawan nya.
"Bie... we...will... be okay... I'm he....re...."
Nawalan ng malay si Kenny habang hawak ang kamay ni Barbie.
"."
Nang maitaas sila Kenny at Barbie ng mga rescuer sobrang nag alala si Director Tang na di na napigilan ang sarili na galit na galit sa mga rescuer dahil napatagal ang pagligtas ng mga ito sa dalawa.
"Sorry Sir, masyado pong matarik at matinik ang bangin kaya nahirapan po kaming iligtas sila."
"Anong magagawa ng sorry? Paano kung may malubha ng nangyare kay Barbie?! Maibabalik nyo ba yung buhay ng bata?!"
"So-- Sorry po Sir."
Drei made a facepalm dahil nag o-overreact na naman ang boss nya at nakatingin na sa kaniya ang halos lahat pati na rin ang mga students. Ginagamot naman ng medical team na kinuha din ni Director Tang para kay Barbie at kasama na nga rin sa ginagamot si Kenny na mas malubha ang natamong sugat.
"Hindi ba parang ang oa ng reaction ni Director Tang?" Sambit ng isang babaeng student.
"Oo nga eh, di hamak na mas maraming namang natamong sugat si Kenny kesa kay Barbie tsaka bakit parang kay Barbie lang sya nag aalala na parang tatay sya nito." Sagot naman nung isang babaeng student rin at narinig yon ni Bruce.
Napansin naman ni Sir Mariano ang tingin ni Bruce dun sa mga student kaya pinabalik nya na ang mga ito sa kani-kanila nilang mga groupings.
"Bumalik na raw. Tara na Gaile, Thew!" Sabi ni Sam.
"Pero..." Ang sabi ni Gaile na gustong makita si Barbie.
"Ginagamot na sila ng medical team wag na kayong mag alala."
***
Sa kasalukuyan naman malalim ang iniisip ni Bruce ng makita siya ni Ma'am Elmundo.
"Mr. Principal!"
"Hmm? Ms. Elmundo is there something wrong?"
"The dinner is ready at ang mga students ay nag sisimula na ring kumain. Bakit kayo naririto sa isang gilid at malalim ang iniisip na parang nababaliw?"
"Huh!" He bonked Ms. Elmundo and chuckled.
"Hey!!!"
"Di ka parin nag babago sinasabi mo pa rin ang mga nasa isipan mo ng biglaan."
"Tsss! Were friends here, I know you ain't take them seriously."
"Yah... kung alam lang ng mga students mo na ang striktang si Ms. Elmundo ay may childish side baka di na sila matakot sayo."
"Heh! By the way, earlier nakita ko kayo ni Director Tang na mag kausap kaya ba andito ka parang tangang nakatulala?"
"Sira! Pero oo... Sa tingin ko kasi alam na nito ang sikreto namin ni Amanda."
"Wait, yung about kay Barbie?"
"Oo, base sa tono ng salita nya kanina parang alam na nyang sya ang tatay nito."
"Pero teka... Paano?"
"Sa tingin ko dahil nalaman nyang sakin naninirahan si Barbie."
"Pero hindi ba ang alam ng lahat ng students eh mag pinsan sila Kenny?"
"Wait, ano? Mag pinsan? Sinong may sabi?"
"Eh? Wala kang alam? Yun ang rumors sa school kaya nga kahit transfer student si Barbie hindi sya na bu-bully bukod sa ikaw ang backer nito."
"Sandali lang.... Hindi ba newbie ka din naman sa Academy?"
Ms. Elmundo bonked him "maka newbie ka parang bago lang talaga ako sa academy ah."
"What I mean is kababalik mo lang pero mas marami ka ng nalalaman sakin?"
"Aba syempre naman! Bilang guro I should know my students whereabouts."
"Pero teka, sure ka bang yun ang rumors kila Kenny at Barbie?"
"Oo, at alam ko rin na hindi naman totoo yun dahil wala naman kayong connection ni Amanda kaya malabong mangyareng pamangkin mo si Barbie."
"Oo dahil inaanak ko lang naman si Barbie."
Krhhrkrshhhh...
May biglang kumaluskos sa likuran nila.
"Sinong nandiyan?!" Sabi ni Bruce at nilapitan nila ni Ms. Elmundo at nakita nilang isang "Ahhh!!! Palaka!!!"
Kokak!
Tumalon na papalayo sa dalawa yung palaka.
"Mga gang anong oras ka mag papakarga sakin? BRUCE!!!"
Sa takot nga ni Bruce napakarga sya kay Ms. Elmundo.
Pero ang hindi alam nung dalawa may nakikinig talaga sa kanila.
"Dana? Where have you been?" Bungad ni Ellaine.
"Ha?"
Sa isip- isip ni Dana habang nakatingin kay Ellaine "kapag nalaman ni Ellaine na hindi mag pinsan sila Barbie at Kenny sigurado akong mag wawala sya. Pero... kaibigan ko si Ellaine at patay na patay sya kay Kenny... Dapat ba sabihin ko yung nalaman ko?"
"Hey! Dana!!! Why are you starring at me? I know I'm so pretty but don't look at me like that... So creepy!"
Dana smirked and she whisper "mabuti pang wag ko nalang sabihin nag iinarte na naman sya."
"Anong sabi mo? Why are you pabulong bulong ba? You seem so distracted."
"Wala, bumalik na nga tayo."
"Are you sure you okay?"
"Oo nga! Bahala ka dyan maraming palak dyan."
"What? Frog? Yuck!!!"
"Tsss!"